Chapter 37
Chesca's Pov
nakatingin lang ako sa bracelet na binigay sakin ni Travis. Nakapatong lang ito sa lamesa at napairap nalang ako bigla. Kinuha ko ito at hinagis nalang sa basurahan kung san 'to nararapat.
"Nakapag pahinga kaba ng maayos?" Tanong ni Nash habang nag d-drive
"Oo naman" sagot ko sa kanya
"Damn" Inis nyang sabi at napahinto sya dahil sa traffic. Inikot nya yung sasakyan nya para dumaan kami sa iba. "Again!" Napahinto na naman sya ng may humarang sa kanyang sasakyan.
Napatingin ako sa kanya na parang nag iisip sya.
Bumaba yung nasa unahan na kotse namin.
Bumaba si Nash kaya bumaba narin ako.
"Seon? Den?" Sambit ko ng bumaba narin si Den. Lumapit ako sa kanila. "Traffic no?" pero di sila sumasagot. Napatingin akk sa bulsa ni Den ng akmang may kukunin sya.
"Chesca!" Napalingon ako sa sigaw ni Nash at bigla nalang nanlabo ang paningin ko nang may maramdaman akong tumusok sa likod ko.
Nakita kong lumapit si Seon kay Nash at may tinutok itong baril. Baril?
Hanggang sa nandilim na ang paningin ko.
*****
Minulat ko ang mata ko at hindi ko alam kung asan ako. Nakaupo lang ako at may lamesa sa harap ko.
Tumayo ako at sinubukan buksan anng pinto pero naka lock ito.
"Tulong!" Sigaw ko habang pinipilit buksan ang pinto. "May tao ba dyan? Tulungan nyo ko"
"Tumahimik ka Chesca" Inis na sabi ng isang babae at alam na alam ko kung kaninong boses 'yon.
"Den, anong nangyayari?"
"Just Shut up" Inis pa nitong sagot sakin.
"Anonh ginagawa mo?"
"What the hell!" Napaatras ako ng buksan nya ang pinto at ni lock. "Bat ba ang kulit mo?" Sabay tapon nya sa sigarilyong hawak nya at tinapakan ito.
"Di ko kasi maintindihan" Nag tataka kong sabi sa kanya.
****
Den's POV
"Pa gumising ka" Sabi ko sa tatay ko habang yakap yakap sya. "Please" Iyak na ko ng iyak habang pilit syang ginigising kahit alam kong wala na sya.
"Den" Napatingin ako sa likod ko.
"Seon. S-save him"
"I'm sorry but I can't" Sabi nya at sumandal ito sa pinto habang punong puno ng dugo ang braso nya. "Wala tayong laban sa Daddy nila Travis." Napasigaw nalang ako sa galit ko.
"Pa. May problema kaba?" tanong ko habang kumakain kami. Tulala kasi sya na parang ang lalim ng iniisip.
"Wala anak. Ok kalang ba sa School?"
"Oo pa."
"Good. Magandang malaman 'yan." Napatayo si Papa ng may sumipa sa may pinto namin. Dalwang nag lalakihang lalako na nakablack.
"Asan na?" Inis na sabi nung isa dito kaya napatayo ako.
"Bigyan nyo pa ko ng ilang araw." Sagot ni Papa kaya napakunot ang noo ko.
"Sino kayo? Bat bigla bigla kayong pumapasok pede naman kayong kumatok. Pede ko kayong idemanda ng trespassing" Tumayo ang mga ito.
"Tinatakot mo ba kami?"
Tumingin sakin si Papa at umiling.
"Bigyan nyo pa ko ng ilang araw" Sabi nya sa mga ito.
"Bibigyan ka namin ng isang buwan. Siguro naman kaya mo na kaming bayaran? Pasensyahan nalang tayo kung di kapa makakabayad.
Umalis na ang mga ito ng tuluyan at tumingin agad ako kay Papa na nakatungo na.
"Pa. Anong ibig nilang sabihin?"
"Den, Sa kanila ako kumukuha ng pang tuition mo para makapag aral ka sa pinapangarap mong eskwelahan."
"What? Bakit hindi mo sinabi sakin? Kaya kong lumipat ng School"
"Gusto kitang maging masaya."
"pero pa. Pano pag di mo sila binayaran?"
"Papatayin nila ko" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko "Pero Den" Natulala ko kaya nya ko hinawakan sa balikat "Gagawa ako ng paraan"
"Pa naman."
"Naalala mo nung sabi mo sakin na pangarap mong pumasok sa University na 'yon pero sabi ko di ko kaya kasi wala naman akong magandang trabaho at di kaya ng sweldo ko sa pamamasada ko? Umiyak ka ng umiyak 'non. Ayokong nakikita kang umiiyak anak gusto ko na maging masaya ka. Ok na akong mahirapan mabigay ko lang lahat ng gusto mo" Napaiyak ako sa sinabi ni Papa. "Umutang ako kay Mr. Trance 'non tuwang tuwa ka pa 'non dahil sabi mo ang ganda ng university na 'yon." Napayakap ako sa kanya.
"Please Pa. Wag mo kong iiwan. Hahanap rin ako ng paraan kung kailangan ko ng umalis sa univeristy na yon. Aalis ako wag ka nalang mag suffer ng ganyan"
***
kinabukasan agad agad kong hinanap si Travis o kaya si Nash.
Nakita ko kagad si Nash at naka sandal lang ito sa isang pader. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob.
"T-Travis" Tiningnan nya ko ng seryoso pero umiwas lang ito ng tingin. "Hihingi sana ako ng pabor"
"For?" Tanong nya at tumingin na ito sakin
"May utang si Papa sa Dad mo. Di namin kayang bayaran 'yon ng isang buwan. Bigyan nyo pa kami ng mahabang panahon" Ngumiti lang ito habang nakatingin sakin.
"Don't talk to me about that. I can't control my dad"
"Pasabi lang sa kanya. Nasa panganip si----"
"I don't care" Diretsyo nitong sabi
Lumuhod ako sa harap nya.
"Please Travis. Gagawin ko ang lahat kailangang kailangan ko lang--"
"Stupid" Sambit nito at iniwan ako. Tumulo nalang ang luha ko sa damuhan. Parang di nya ko naririnig at wala syang pake sa mga sinasabi ko.
Hinanap ko ng hinanap si Nash at nakita ko 'to na nakatayo sa harapan ng kotse nya.
"Please help me" Sambit ko sa kanya agad agad
"Why?" Tanong nito
"Kailangan kong makausap si Mr. Trance kung hindi pede pasabi nalang sa kanya ng kailangan pa namin ng ilang buwan para mabayaran ang utang namin sa kanya"
"Ok" Napangiti ako sa sinabi ni Nash at pumasok na ito sa kotse nya.
Kinausap ko si Papa tungkol 'don at tuwang tuwa sya sa nalaman nya.
"Kamusta ka naman sa School mo?"
"Pa siguro kailangan ko ng lumipat next year. Don't worry magiging masaya parin ako kahit lumipat ako promise" Ngumiti sya sakin at tumango tango. "Pa si Seon pala pupunta dito mamaya."
Nagulat kami ng bumakas ang pinto at nakita ang dalwa na namang lalaki na pumunta dito dati.
Tinutukan nya ng baril si Papa
"Biniyan ka na namin ng isang buwan para mag bayad ka pero wala kang ginawa. Hindi kaba natatakot?"
"P-pero kinausap---" Nanlaki ang mata ko ng pumutok ang baril at napatingin sa papa ko na ngumiti sakin bago ito bumagsak.
"What the fuck" Napatingin ako sa likod at nakita ko si Seon na gulat na gulat. "Sino kayo?" sigaw nito sa mga lalaki at tutukan na dapat sya ng baril pero naunahan nya ito ng suntok.
Napatingin ako kay Papa.
"Mahal na mahal kita Den" Sambit nya ng tuluyan itong pumikit.
Umagos ang luha ko sa nakikita ko.
Hindi 'to totoo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top