Chapter 34

Chesca's Pov

Ilang linggo na ang lumipas. Sabi ko iiwasan ko si Travis pero sya na ang gumawa non.

"Good morning"  Tumingin ako kay Nash at nakangiti ito sakin habang may dalang pagkain.

"Ang aga mo naman ata"

"Para sayo" Bumabanat pa sya.  "Aalis pala ko"

"Ganon ba" Sabi ko at umupo nalang

"Dinalhan lang kita ng pagkain" Sabi nito at nag sign na mauuna na sya.

Kumain nakang ako ng dala nyang pagkain.

Naglakad lakad nalang ako sa labas dahil sobrang boring sa bahay.

Naaalala ko tuloy si Travis na lagi kong kasama at gumala. Totoo naman, di ako naboboring kahit minsan dahil lagi nya kong sinasama sa mga pinupuntahan nya.

Speaking of

Nag lalakad sya habang naka earphone. Napahinto naman ako, tiningnan ko sya at di naman ata masamang ngitian sya diba?

Tinaasan ko sya ng kamay para kawayan with ngiti pero nilagpasan nya lang ako na parang wala syang nakikita sa paligid nya.

Ano ba naman kasi Chesca. Nakakahiya lang ginawa mo.

Napahawak ako sa pisngi ko. Basa 'to. Umiiyak na pala ko.

"What the heck?" Napatingin ako sa gilid ko.

Niyakap ko si Den "Ba't ganto?" Tanong ko sa kanya. Para namang na gets na nya yung tanong ko.

"Subukan mong makipag kaibigan sa kanya" Sabi nya habang nag lalakad lakad kami at nakapang bihis pa sya ng pang jogging.

Huminto ito bigla at humarap sakin.

"Wait nga. Sabihin mo nga sakin anong nararamdaman mo para kay Travis?" Nag cross arm pa ito.

"What do you mean?" Bigla itong humawak sa bibig nya

"I think. Don't tell me nahulog kana sa kanya? Sabagay look si Travis yung kasama ng matagal habang wala si Nash then now bumalik si Nash at akala mo si Nash parin" patawa tawa pa ito na akala mo naman may nakakatawa.

"Stop it Den. I like Nash"

"Yes you like him pero si Travis ang iyong love" Nag pa heart shape pa ang dalwa nyang kamay na parang bata. "But I'm serious. Iniisip mo lang na mahal mo si Nash kasi sya yung nauna pero dyan" Tinuro nya pa yung dibdib ko "Si Travis na yan te"

Diko talaga alam isasagot ko sa kanya. As in hindi ko alam.

"Uuwi na ko" Pag iba ko nalang ng usapan

"Kita nalang bukas" Sabi pa nya.

Pag kauwi ko ay nag salin nalang ako ng tubig sa baso ko. Iniisip ko parin yung sinabi ni Den. Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Una sabi nya sakin si Nash yung gusto ko then now. Diko alam kung nakakatulong paba sya or lalo lang nyang ginugulo ang isipan ko.

Bigla ko nalang napansin na tapunan na pala yung tubig na sinasalin ko.

Naligo na muna ko at nag ayos. Di akomapakali sa bahay na 'to.

Nag lakad lakad nalang ako dito sa may park ng mahagip ng paningin ko si Travis. Bakit lagi ko syang nakikita o baka sign 'to para kausapin ko sya.

Tumayo ako at lalapit na sa kanya pero napahinto ako. Wag nalang kaya. Baka kung anong isipin nya. Akmang titingnan nya yung direksyon ko ay nag tago nalang ako sa puno. 

Sinilip ko ulit sya at wala na sya.

Napabuntong hininga ako sa kaba.

"What are you doing?" Halos mapasigaw ako sa gulat ng bigla syang lumitaw sa harap ko ng walang emosyon.

"Ang inet" Sambit ko at akmang aalis na sana ko pero hinatak nya ko paharap ulit sa kanya.

"I'm serious" Oo a itsura mong yan di kapa ba seryoso nyan?

"Well" Wala akong masabi

"Tss" Sabi lang nya at inis na tumingin sa ibang direksyon. Mag lalakad na sana sya paalis pero may nag tulak sakin para kausapin sya.

"Wait" Bumalik ulit yung tingin nya sakin.

"What?" Seryoso nitong sabi na halata din na naiinis na.

"Pwede pa tayong maging mag kaibigan?"

"For what?" Sagot agad nito.

"Para maging tulad ng dati"

"Dating ano?"

"Tulad ng dati yung tayo"

"C'mon. Alam mo ba kung anong nararamdaman ko?" Natatawa pa nitong sabi? "Yung dating mag kasama tayo--" Di nya tinuloy ang sasabihin nya "Nag assume ako." Pag tapos nya sa sasabihin

"Assume san?"

"Dahil nililito mo ko. Can you please stop acting na may concern ka sakin?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Bat parang guilty ako or guilty talaga ko.

"Kasi iniisip ko na may chance ako" Halos di ko na alam sasabihin ko sa kanya pero di dapat ako na manahimik lang baka isipin nya na may chance talaga sya.

"Una palang naman sina--"

"Yeah, tama ka." Bumuntong hininga ito. Unti unti na tong nag lakad palayo sakin at huminto ito ulit "By the way. Hindi ko gustong maging kaibigan ka." Tuluyan na itong lumayo.

"Kami na" Pinapanood ko lang sya habang kilig na kilig.

"Kay Seon lang din naman pala bagsak mo" Sabi ko kay Den at tinarayan pa ko. "Balaka na dyan" Iniwan ko na sya sa rooftop.

"San ka galing?" Tanong na seryoso ni Nash.

"Kay Den lang" Sabi ko pa.

Nag lakad lakad nalang kami at ibabutan nya pako ng milk shake.

"Musta pala lakad mo kahapon?" Sabi ko para mag ka topic.

"Ok lang"

Napatango nalang ako. Diba tapos na agad yung topic namin.

Napatingin ako sa isang direksyon. Napatingin lang ako sa kanila habang nag lalakad nakahawak pa si Tricia sa braso ni Travis pero wala naman syang paki dito.

Siguro may namamagitan na sa kanila. Nag d-date na ata sila.

Nag tama ang mga mata namin ni Tricia at nginitian pa nya ko.

Hinawakan ni Nash ang kamay ko. Like mag ka holding hands na kami. Bigla ko itong inalis.

Napapikit ako. Bat ko inalis? "Sorry" Apologize ko sa kanya.

"its fine kung ayaw mo"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top