Chapter 31
Chesca's Pov
Isang linggo na ang lumipas at wala akong maggawa kundi sundin at sundin sya.
"Wala ka na bang ibibilis?" Sabi nya habang naka shade habang ako eto dala dala ang mga gamit nya.
"Pwede mo naman ata akong tulungan" Inis kong sabi sa kanya
"Why would I?" Sabay alis nito sa shade nya. Irap nalang ang naisagot ko sa kanya.
"Ano bang gagawin natin dito? Bat di nalang tayo mag sakay?" Inis na inis ko ng sabi ang init init pa.
"Ako nga dapat nag rereklamo. Look wala kang dala man lang payong para sakin" Binitawan ko lahat ng gamit nya.
"F*ck" Sambit nya
"Diko na kaya. Ikaw na mag dala nito" Sabi ko at iniwan sya.
"Bumalik ka" Sigaw nito "or---".
Nilingon ko sya at dinilaan.
Kita ko sa kanya ang pag kairita pero dedma nalang ako. Bahalasya sa buhay nya. Kala nya ha. Lagi nya kong pinapahirapan. Mag dusa sya.
"Musta?" Napaurong ako ng bigla akong harangan ng isang lalaki. Ang lalaking bulag ang isang mata.
Sa pag atras ko ay bigla akong bumunggo sa isang tao at napatingin ako sa likod ko at isang lalaking may balat ang muka.
"Bat ka nag iisa?" Sambit pa nito.
Sinubukan kong tumakbo pero hinawakan ako ng lalaki sa likod ko.
"Travis!" Sigaw ko ng malakas bago ako mawalan ng malay dahil sa pinaamoy saking panyo.
----
"say goodbye" Napamulat ang mga mata ko ng marinig ko ang isang boses.
Si Travis ay nakahalandusay na sa sahig na duguan.
May hawak na baril yung lalaking bulag ang isang mata. Habang ang daming lalaki sa paligid na nakamaskara.
Tumayo parin si Travis habang putok na puto na ang labi nya.
Tuningnan nya mula paa hanggang ulo yung lalaking may baril at tinawanan ng malakas. Yung tawa nya sobrang lakas.
Tumingin sakin yung lalaking may baril
"Tutal gising na pala ang prinsesa mo. Dalhin nyo sya dito" Lumapit sakin ang isa sa mga nakamaskara na sya rin ang dahilan kung bat nalalaglag ang hawak na baril ng lalaki.
Inalis nya ang mga tali ko pero di nya inalis ang panyo sa bibig ko.
Dinala nya ko sa lalaking may baril. Tinutok nito sakin.
Tiningnan ko si Travis dahil takot na takot na ko at di ako makapag salita.
"Unahin ko na sya ha" Nginitian nito si Travis
"Then go" Sabi ni Travis habang nakagawak sa tiyan nya na halatang halatang sobrang sakit na ng pakiramdam nya. Halos hirap narin sya huminga.
Nagulat kami ng mahulog sa baba yung baril. Pinulot agad iyon ni Travis at tinutok sa lalaking yon.
Napatingin ako sa lalaking naka masakara na nag alis ng tali sakin.
Bumagsak ang luha ko ng makita ko sya.
"Masyado ka ng panggulo sa buhay namin. Nanahimik na kami pero ikaw? Gustong gusto mo ng eksena" Sambit ni Travis. Nag labasan nalang ang mga pulis at dali daling tinutukan ang mga lalaking nasa paligid namin
"Di pa tayo tapos" Galit na sabi nung lalaking bulag ang isang mata habang kinakaladkad sya ng pulis.
"Are you---" Niyakap ko sya. "Andito na ko. Di ko na hahayaan na mapahamak ka" Napatingin ako sa harap ko habang yakap yakap ko si Nash.
Nakatingin lang sya samin habang hirap na hirap na syang huminga at hinang hina.
Bigla itong tumingin sa ibang direksyon at nag lakad na palayo samin.
Umalis agad ako sa yakap at tumakbo papalabas ng lumang bahay na ito.
Tumingin ako sa ibat ibang direksyon pero di ko sya nakita. Diko alam kung san sya nag punta. Ang bilis nya.
"Tara na" Napatingin ako kay Nash na nasa likod ko na pala.
-------
"Kailangan kapa nakabalik?"
"Kanina lang. Hinanap kita at nagkita kami ni Travis na mukang hinahanap karin" Saad nito "Nawawala kana pala."
Biglang pumasok sa isip ko si Travis. Ok na kaya sya?
Ilang beses ko na akong nag text sa kanya pero wala parin aking natatanggap na reply.
"Mukang ang lalim ng iniisip mo. Di mo nga naririnig yung mga sinasabi ko" May sinasabi paba sya?
"Nag aalala lang ako kay Travis"
"Gusto mo bang puntahan?" Tumango ako sa kanya
"Sige. Maiwan ka dito" Nagulat nalang ako ng iwan nya nga ko.
Tinanong nya pa ko na gusto ko bang puntahan si Travis.
Narinig ko nalang ang harurot ng kanyang sasakyan paalis.
Napaub-ob ako sa mesa.
Naaalala ko parin yung tingin nya samin kanina.
"Ang tanga tanga mo Chesca" Inis kong sabi sa sarili ko. "Di ko man lang muna sya inalok na dalhin namin sya sa Ospital. I'm so pathetic"
Pano kung may mangyaring masama sa kanya?
Pano kung malala yung natamo nyang sugat?
Hinampas ko nalang ang ulo ko.
Napaiyak nalang ako.
Diko kayang ideny. Nag aalala na ko sa kanya. Gusto ko syang kamustahin. Ano bang naisipan ko kanina. Inuna ko pa si Nash.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top