Chapter 3: Master

{Chapter 3: Master}

Chesca's Pov

Ano ba 'tong bag nya? mukang di sya nag aaral,napaka gaan.

"Anong laman ng bag mo?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot. "Nag aaral kaba?"

"why do you have so many questions?" Sabi nyang inis, masama na ba ngayong mag tanong. "Binabayaran kita para sundin ako. Hndi para mag tanong" Sorry naman napaka arte nya, nakakainis. Nakarating na yata kami sa room nya. Kinuha nya na yung bag nya sakin.

Wow salamat shopee.

Nag lakad nalang ako papunta sa room ko. 3rd floor ang room nya kaya kailangan kong bumaba ng hagdan.

Pumasok ako sa room at pag upo ko sa upuan ko ay si Nash agad ang napansin ko. Nakatingin lang ulit ito sa bintana pero wala na syang headset.

"Hi" Sabi ko sa kanya pero hindi man lang nya ako tiningan o sinagot. "May problema kaba?"

"Meron man o wala,wala ka ng paki 'don" Marunong naman pala sya mag salita kaso nakatulala parin sya sa bintana. Pogi sana sya kaso parang wala syang paki sa paligid.

"Nash,Eto pala" Inabot ko sa kanya ang 1,000 at tiningnan nya 'to.

"Para san 'yan?"

"Para sa Uniform,alam kong kulang pa pero huhulug hulugan ko nalang" Ngumiti ito na inis at tumingin ulit sa may bintana.

"Sinabi ko bang bayaran mo?"

"Pero pera mo 'yon"

"And so?"

"Inipon ko 'to para makabayad sayo"

"Ikain mo nalang sa Canteen" Ghad, bahala nga sya.Binulsa ko nalang ulit.Kung ayaw nya di wag.

Dumating na ang Teacher namin kaya umayos na ako ng upo sabay kuha ng lecture ko.Tumayo kami para batiin si Sir pero si Nash di man lang sya natinag sa pag tingin nya sa bintana,tatag nya ha.

Tiningnan ko lang sya at ang pogi nga nya, siguro nga kaya sikat din sya dito kahit tahimik sya. Si Travis,sikat sya pero dahil nadin 'yon sa pagiging Dancer nya. Itong di Nash tahimik pero sikat.

Bakit kaya gusto ng mga babae ang lalaking suplado?

"Torres. Answer my Question." Tumayo ako at nakakagulat naman si Sir

"Sir, pedeng paulit ang tanong nyo?"

"Pangatlong ulit ko ng sinabi mrs. Torres" Sorry naman.Patay na ako nito.

Ang rules pa naman nitong si Sir ay pag di naka sagot nakatayo kalang buong period.

"France" Rinig kong sabi ni Nash pero mahina lang "The answer is France"

"Sir France" I said.Tumango si Sir at umupo na ako. Tumingin ako kay Nash at nakatingin na ulit sya sa bintana. Kahit pala tulala sya,nakikinig naman sya.Diko kaya 'yon ha.

"Nakikinig ka pala?" I ask

"Hindi ako katulad ng iba na kung tititig sa isang bagay o tao ay hindi nakikinig" Alam nya bang tinititigan ko sya kanina? Ngayon naman may mata na sya sa gilid? "Chesca tama?" He said at tumango nalang ako.

"Bakit mo tinatanong?"

"Chesca Villanueva Torres?" Paano nya nalaman ang Middle name ko? Stalker ko ba sya?

"Paano mo nalaman?"

"Because,the nerd is always nerd. The ugly is always ugly. The poor is always poor. The Clumsy is always clumsy, iyon ang sabi ng iba.But I think now and I'm sure. Ang lahat pwedeng mag bago"

"Because,the nerd is always nerd. The ugly is always ugly. The poor is always poor. The Clumsy is always clumsy"

"I'm not a nerd"

"But clumsy? yes!"

"Ba't lagi mo nalang akong binubully?"

"Kasi naiinis ako sayo"

"Wala naman akong ginagawa sayo ah?"

"Whatever.I hate you" Tinulak ako ni Vor, ang batang bully.

"Can you please stop?" Kinuha nya ang aking malaking salamin at tinapakan,nabasag ito.Umiyak na ko ng umiyak.

"Hey stupid stop it" Napatingin ako sa batang lalaki pero malabo ang paningin ko kaya diko sya maaninag.

"Ow.Bro, how is life?" Mayabang na sabi ng batang lalaking nam bubully sakin

"She's a nerd,I know.Hindi sya pangit kung tutuusin.Maganda sya and I admit.Bata pa tayo at sa tingin ko balang araw ay mag babago sya.Kayang mag bago ng nerd,ang pangit ay kayang gumanda,ang mahirap ay kayang yumaman and last ang clumsy ay balang araw ay kayang lumaban,maging matatag at maging malakas" Malabo ang paningin ko kaya hindi ko man lang sya maaninag.

"Shut up,ang corny mo" Sabi ni Vor. "Bahala na kayo dyan.Stupid" Inilahad nya ang kamay nya at kinuha ko nalang "Are you ok?" He said. "Hey stop crying."

"Salamat"

"Small things" Sabi nya. "What's your name?"

"I'm Chesca Villanueva Torres"

"I mean the first name but ok na 'yon"

"Ikaw anong pangalan mo?"

"I'm---"

"Dad,let's go nakakainip" Sabi ni Vor na di kalayuan

"Anong pangalan mo ulit?" I said

"Sorry but I need to go"

Hindi kaya sya ang batang lalaking niligtas ako noon?

"Ikaw ba 'yon?"

"Yes"

"Omy, totoo?"

"Ba't ang kulit mo?" Inis nyang sabi,ba't ang pikunin nya?

"I'm just asking. Alam mo bang lagi kong iniisip kung sino ka, asan ka na gusto kita ulit makita"

"For what?"

"Para sabihin ko sayo na salamat,nung araw na sinabi mo na ang nerd ay pedeng mag bago.Naniwala ako sayo 'non.My glasses turn to contact lens.Hindi narin ako ganon ka clumsy pero minsan nadadapa parin ako.Pero mahirap parin ako eh."

"Tss,hindi ko naman sinabing baguhin mo ang sarili mo"

"Pero sa tingin ko, kailangan kong gawin. I don't know why. Alam mo ba nung araw na niligtas mo ko at umalis kana,nung bata ako ang sipag kong pumasok sa School baka sakaling makita kita ulit pero hindi kana pumasok"

"Lumipat kami ng tirahan"

"Pero bakit di ka man lang nag sabi?"

"bakit kailangan ba? Isang beses palang kita nakita noon pero hindi tayo naging mag kaibigan" Ouchy..Masakit ha.Kahit alam kong totoo.Alam ba nga kung gaano ko sya ka crush noon? Kahit bata palang ako 'non feeling ko sya ang knight shining armor ko and now alam ko na sya 'yon. Feeling ko may crush na ko sa kanya.

"alam ko na ngayon ang pangalan mo"

"So?"

"May nag bago lang sayo,dati matino kapang makipag usap sakin eh. Tinanong mo pa pangalan ko pero ngayon? Like duh.Ang suplado mo."

"You don't care about me. "

"But I think mas bagay sayo yung dating ikaw"

"Ano naman ang paki ko sa suggestion mo? Hindi ko kailangan ang opinyon mo" Diba? Parang lagi syang galit.Wala naman akong ginagawa sa kanya.Nakakainis.

"Nag susugest lang,ba't ba ang sungit mo?"

"Please shut up" Sigaw nya kaya nag tininginan lahat ng kaklase namin samin, tumayo sya at biglang umalis ng room. Problema 'non?

"Class dismiss" Sabi ng teacher namin,lumabas agad ako ng room para hanapin sya.Duh bakit ko ba sya hinahanap?

"Sinong hinahanap mo?" Napatingin ako sa lalaking nakasandal sa pader.

"Travis"

"Time na,samahan mo ko sa Canteen"

"Pedeng teka lang? May hinahanap kasi ako"

"Inuutusan kita" Inis nyang sabi kaya nag lakad na ko ng padabog pero bumalik ako ng maalala ko na hindi ko alam kung san ba ang canteen.

"Tara.Hindi ko alam ang canteen" Sabi kong inis sa kanya at ngumiti sya.Anong ngiti 'yon? Diko alam kung masaya ba o inis.

Halos lahat ng estudyante nakatingin samin.Siguro tinatanong na nila kung ba't kami mag kasama.Ikaw ba naman ang kasabay mag lakad ng isang 'Sikat'

Sa dami dami ng makakasabay ko,siguro nag tataka na sila.

"San ka pupunta?" Napatingin ako kay Travis. Malayo na pala ako sa kanya. Nasa tapat na pala sya ng Canteen habang ako'y nag lalakad pa.Tumakbo ako papunta sa kanya.Nakakahiya ako.Isip kasi ng isip ng kung ano ano. Umupo kami sa isang table. "Bumili ka ng pagkain"

"Ba't ako----Sabi ko nga" Yung tingin nya sakin napaka seryoso "Anong pagkain?" Inis kong sabi,nakakainis pala pag palaging inuutusan.

"Kahit ano" Sabi nya kaya bahala sya kung hindi masarap ang mabili kong pagkain.Good idea Chesca.

Pumila ako at bumili ako ng chicken with rice.Brown rice, may libreng sili kaya dinurog ko 'to sabay tinago sa loob ng kanin,great idea chesca.Syempre hindi ako bibili ng tubig, mamatay sya sa sobrang anghang.Para mas maanghang nilagyan ko pa yung chicken ng spicy sauce.

Pumunta na ako sa table at tumingin sya sakin.

"Eto na ang pinapabili mo,masarap 'yan"

"Wala ka?" Tanong nyang seryoso at nakangiti.

"Don't worry,busog pa ako"

"Busog narin ako, ikaw nalang ang kumain nyan?" No way.

"No thanks"

"Kailangan mo sumunod. Remember" The hell? "Bilisan mo"

The hell.Kumuha ako ng kanin at unti unti kong sinubo sa bunganga ko. Halos mag init ako sa sobrang anghang

"Ubusin mo 'yan ha" Bakit parang alam nya?

Halos mag usok na ang aking tenga at bibig sa sobrang anghang.

"T-tubig" Sabi kong halos di na makahinga.

"Bakit ba hindi ka bumili kanina?" Sabi pa nyang nang iinis. "Hey" Bumuntong hininga ito na inis "Don't try me" Sabi nyang seryoso na ulit ang muka. "I'm your master" Nakakatakot nanaman ang tingin nya sakin

"P-please t-tubig" Bakit hindi ako makahinga ng maayos?

"Inuutusan mo ba ko?"

"T-travis..T-tubig"

"Damn" Narinig kong boses ng kung sino at nalaglag ako sa upuan pero naramdaman kong may sumalo sakin.

***
3rd Person's Pov

"Damn" Sabi ni Nash at sabay sambot kay Chesca

"Shit" Sabi ni Travis at tumayo para kunin si Chesca kay Nash pero dinala na ito ni Nash.

"Seryoso kaba? Papatayin mo ba sya?" Inis na sabi ni Nash kay Travis,dinala ni Nash agad si Chesca sa Clinic at puro pula ang katawan nito.

"Allergic sya sa Sili" Sabi ng Nurse.

"Hindi nya sinabi" Pabulong na sabi ni Travis

"Ok na ba sya?" Sabi ni Nash na seryoso sa Nurse

"Don't worry, maya maya ay magigising na sya.Sige maiwan ko muna kaya at may aasikasuhin pa ko"

"Bakit mo sya ginagawang sunod sunuran sayo?" Sabi ni Nash habang nakatayo lang.

" Ginusto nya 'yon" Sabi ni Travis habang nakasandal sa pader.

"Anong ginawa mo para sundin ka nya?" Inis na sabi ni Nash kay Travis pero nasa likod lang nya si Travis habang nakasandal.Ngumiti ito ng mayabang

"Lahat ng gugustuhin ko ay kaya kong kunin"

"Kaya mo lahat kunin? Pinapahirapan mo ba sya? Bakit mo ginagawa 'yon?"

"Dahil gusto ko lang"

"Dahil ba wala kang mapag tripan? "

"Parang ganon na nga,pampalipas oras at para narin hindi ako mahirapan sa ibang gawain"

"Ano pabang inaasahan ko sa katulad mong batugan?" Mayabang na sabi ni Nash

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin,ikaw na ang bahala sa kanya" Sabi ni Travis at lumabas ng Clinic.

****

Chesca's Pov

Napamulat ang aking mata,asan ako? lumabas ako dito at mukang hapon na ah.Hanggang sa napalayo na ako sa clinic,bumalik ang tingin ko 'don at nakita ko si Nash na pumasok sa loob,bakit kaya sya pumunta 'don? May sakit ba sya?

"Hey stupid" Napatingin ako kung sino yung nag salita at the hell? "Tara na" Sabi nya at sumakay sya sa kotse nya.Sumakay narin ako.

Nabalot kami ng katahimikan.

"Ba't di mo sinabing may allergy ka sa sili?" Sabi nya pero hindi ko sya sinagot.So may concern kana sakin ngayon?  "Bakit mo gagawin 'yon?"

"Paano mo 'yon nalaman?"

"I'm not stupid" He said

"I'm not stupid too" Bulong ko sa sarili ko?

"Whutt?"

"Wala" I said with serious tone

"San ka nakatira?" Seryoso nyang sabi at sobrang lamig talaga ng kanyang boses

"Sa bahay" Bulong ko ulit sa sarili ko.

"I mean the address" Lakas ng pandinig nya ha.

"****** street"

"Can I ask a question?"

"Nag tatanong kana" Bulong ko sa sarili ko

"Ano?" Malamig nyang sabi

"Wala,anong itatanong mo master?"

"Nabully kana ba dati?" Napakunot ang noo ko,ba't nya naman kailangang itanong 'yon?

"Oo,but bata pa ko,sa tuwing papasok ako sa school na 'yon duh. He always omg.I can't na.He's so bully,buti nalang nga umalis sya sa School na 'yon. Siguro natakot sya kay Nash."

"Natakot?"

"Yah..May kwento ako alam mo ba si Nash pala yung batang nag ligtas sakin 'non sa bully na 'yon,So thanks nalang ako kay Nash at I think crush ko na si Nash. God I like him na"

"Are you serious? May gusto kana agad sa kanya?" Mayabang nyang sabi

"Bakit hindi? He's handsome, tahimik pero mabait na tao ,he always save me and he's my knight shining armor"

"Pathetic" Anong pathetic 'don?

"Wait sikat sya diba? So kilala mo sya?" Tanong ko

"No."

"No.Baka naman kasi mas sikat sya sayo" I said

"Mmas sikat ako sa kanya. I'm handsome ,Dancer,Singer and many girls want me" Ay mayabang

"Pero sya tahimik pero sikat"

"Wait,I'm your master.Bakit ganyan ka makipag salita sakin?" Kasi naman,ewan ko basta nagiging hyper ako pag naaalala si Nash.I don't know why pero gusto ko na sya laging pag-usapan

"Pake mo ba?" Sabi kong mataray sa kanya

"The hell? " Galit nyang sabi "I'm your master"

"Ok fine,sorry" I said

"Here.Andito kana" Sabi nya "Last,ako na ang mag hahatid sundo sayo" No way.

"Ayoko nga,mas gusto ko pang mag taxi" Bumaba na ako ng kotse at binaba nya yung salamin ng kotse nya,iba na ang kotse nya ngayon.Ilang kotse kaya ang meron sya?

"Remember,I'm your master" Sabi nya at tuluyang umalis.Bakit kaya gusto nya lagi syang masusunod?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top