Chapter 23

Chesca's Pov

"Ha?" Tanong ko kay Nash,andito kami ngayon sa room at nag bubulungan.

"Kailangan kong umalis,pupunta ako sa America at 'don na ako mag aaral?" America? Bat ang layo layo? Niloloko nya ba ako?

"Are you kidding me Nash?"

"I'm Not"

"Nash naman"

"Sorry" What? Iiwan nya ako?

"Diba pwedeng dito ka nalang mag aral? Bakit mag aaral kapa sa ibang bansa?" Tanong ko sa kanya na malungkot

"I need.Sorry"

"Please..Wag ka ng umalis" Sabi ko sa kanya,sumimangot ako at ginulo nya ang aking buhok.

"Babalik naman ako" Sabi nya pa

"Kailan?"

"Diko alam,pero babalik ako" Bumuntong hininga ako

"Paano kung sa isang taon kapa babalik?"

"No..Babalik ako agad para sayo" Sabi pa nya sakin "Intayin mo ko ha" Nag pout ako "Pag balik ko,pangako mo na magiging tayo na" What? Tumingin ako sa kanya ng naka taas ang isang kilay "Wala ng angal,deal yan" Sabi nya kaya napangiti nalang ako.

******

"Pwede ka namang umalis sa isang taon nalang" Sabi ko habang nasa canteen kami,wala kasi Travis dahil nasa Ospital pa sya. Di ko alam kung kailan sya makakalabas 'don.

"Chesca.Wala ka ng magagawa 'don." Sabi nya kaya lalo akong sumimangot "Oo nga pala,kamusta na si Travis"

"Nag papahinga sa Ospital"

"Hays..Sa susunod mag iingat ka ha.Lalo na pag umalis na ako" Nalulungkot ako dahil aalis na sya. "Sa tabi ka lang ni Travis at proprotektahan ka nya,kung kailangan mo ng tulong just text me.Lilipad ako papunta dito" Sabi nya sakin

"Kailan alis mo?"

"Bukas ng umaga" What? Bukas na?

"Ba't bukas na agad?" Inis kong sabi na may halong lungkot

"Hays" Ginulo nya ulit yung buhok ko "Babalik ako.I Promise"

"Anong magagawa ko?" Sabi ko at yumuko

"Chesca" Napatingin ako sa lalaking tumawag sakin at may dalang pagkain,tumabi sya sakin.

"Seon,ba't andito ka?" Tanong ko

"Dito nako papasok masama ba 'yon?" Tumingin sya kay Nash "What's Up Nash" Napakunot nalang ang noo ko,kilala nya si Nash?

Di sya pinansin ni Nash at kumakain lang 'to ng fries.

"Balita ko aalis ka daw ng pilipinas?" Tanong nya kay Nash at tiningnan sya ni Nash pero saglit lang

"Pano mo nalaman?" Tanong ko kay Seon

"Usap usapan kanina dito,hanggang ngayon baman Nash sikat ka parin"

"Kilala mo ba sya Chesca?" Sabi ni Nash kaya napatango nalang ako

"Ka kilala ko nung nag aaral ako sa Korea" Sabi ko "Ikaw paano mo sya nakilala?" Tanong ko kay Nash

"Ako na ang sasagot,member ako ng gang na Spine" Spine?  "While Nash is a leader of Blame" Sabi ni Seon "Right Nash?" Edi mag kaaway sila? Mag kalaban?

"I don't think so" Tipid na sabi ni Nash

Biglang nabalot ng katahimikan ang lamesa namin,si Seon ay kumakain lang at si Nash ay tulala kung saan.

"Chesca anong meron sa inyo ni Travis?" Napatingin ako kay Seon sa pag basag nya ng katahimikan.

"W-wala" Sabi ko

"Bakit ka nya niligtas kahapon?" Napatulala ako sa ibang direksyon.

"Sinabi ko sayo,na habang kaya ko ay proprotektahan kita kahit ang kapalit pa nito ay ang buhay ko"

"Hey" Napatingin ako ulit kay Seon "Ayos kalang?" Napatango nalang ako

"mag ccr lang ako" Sabi ko at tumayo na.

Pumasok na agad ako ng cr at tumingin sa salamin.Tinitigan ko ang sarili ko.

Bakit ganto? Bakit ganto ang nararamdaman ko? Kamusta na kaya sya sa ospital?

"NO...Hindi ko sya iniisip.Siguro na guguilt lang ako dahil napahamak sya.Chesca,mas mabuti kung iisipin ko si Nash aalis na sya bukas" Sabi ko sa sarili ko.Napatingin ako sa likod ng salamin ng mag bukas ang isang cubicle at nilabas non si Den at namumugto ang kanyang mata.

"H-hello" Sabi nya sakin at nginitian ako.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"W-wala" Nginitian nya ako "Kamusta ka na pala?" Tanong nya sakin "Alipin karin paba ni Travis?" Napatango nalang ako

"Bat parang umiyak ka?" Tanong ko sa kanya at nginitian nya ako

"Tara,sabay na tayo lumabas"

Habang nag lalakad kaming dalwa ay tahimik lang sya na parang may iniisip

"Kumain kana ba?" Tanong ko sa kanya at umiling naman sya "Gusto mo sumabay kana sakin"

"Sige" Tipid nyang sabi na parang wala sa sarili

"Den,ok lang kung sasabihin mo sakin ang problema mo baka sakaling matulungan kita" Tinulungan nya ako dati para makakuha ng ng info kayla Travis at sa school na 'to kaya di masamang tulungan ko sya.

"Paano yung dating lalaking minahal mo ay niloko kalang at bigla nalang umalis ng walang paalam,kinalimutan mo sya pero ngayon bumalik sya at ang dating ala ala at sakit ay bumabalik sayo na parang lahat ng ginawa mo para kalimutan sya ay nabaliwala ng nag paramdam syang muli" Tumingin sya sakin at ngumiti "Kalimutan mo nalang lahat ng sinabi ko" Sabi nya

Pumasok na kami sa Canteen at umupo kami sa bandang harapan ni Nash,wait.Asan na si Seon?

"Den.Dika ba bibili?" Tanong ko sa kanya

"Nawalan na din ako ng gana"

"Andito ka na pala Chesca" Umupo si Seon sa tabi ni Nash dahil iyon lang ang upuan. Tumingin sya kay Den at nawala ang ngiti nya biglang nawalan ng ekspresyon ang kanyang muka.

Napatingin ako kay Den ngayon,nakayuko sya at nagulat ako ng may tumulong luha sa palda nyang luha.

"Den? Ayos kalang?" Tanong ko sa kanya at tumingin sya sakin,ngumiti sya sakin kahit na bumabagsak ang kanyang luha

"Ok lang ako,tears of joy" Sabi nya,tears of joy? Bakit naman sya sasaya ng walang dahilan "

"Bakit umaarte ka parin na ayos ka?" Napatingin ako kay Seon at nakatingin sya kay Den na sobrang seryoso

Tumingin ako kay Nash at nakatingin din sya kay Den.

"Totoo ok lang ako" Sabi nya,mag kakilala sila?

"Bakit ka naman sasaya?" Tanong ni Seon

" Diko rin alam,siguro dahil nakita ko syang muli,nakita ko sya ulit sa paglipas ng ilang taon.Narinig ko ang boses nya na gustong gusto kong marinig ulit..Kaya siguro sa tingin ko ang luhang 'to ay masasabi kong tears of joy" Sabi nya at ngumiti kay Seon. Hindi kaya si Seon ang tinutukoy nya sa sinasabi kanina?

"he don't care about you.Kahit na umalis sya ng walang sabi sayo na kahit na iniwan ka nya at niloko?"

Nagulat ako ng tumayo si Den at tumakbo palabas ng Canteen

Tumingin ako kay Seon at bumuntong hininga sya,ang kamay nya na nasa lamesa ay nakasara.

"Seon" Sabi ko at tuningin sya sakin.Walang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko

"Kaibigan mo sya?" Tanong nya sakin ng seryoso. Tumayo sya at lumabas nadin ng canteen naiwan kami ni Nash dito.

"Kumain kana" Sabi ni Nash at inabot sakin ang burger na nasa harap nya

"Wag na,sayo yan" Sabi ko

"Kumain kana" Pilit nya sakin "Chesca,may gusto akong ibigay sayo" May kinuha syang kung ano sa bulsa nya

Isang bracelet,kinuha nya ang kamay ko at kinabit ang bracelet na kulay silver.

"Habang wala ako,wag mong huhubarin 'yan " Sabi nya kaya kinikilig na ako,tumango ako sa kanya

"Salamat" Sabi ko sa kanya

Sana kasi hindi nalang sya aalis,sana hindi nalang sya mawawala sa tabi ko.Kung pwede lang ay sasama ako sa kanya

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top