Chapter 22
Chesca's Pov
Lumabas na kami ni Nash ng room at dala nya ang aking bag.
"Kain tayo?" Tumango nalang ako "San mo gusto?" Tanong ny ulit,sasagot na sana ako pero itinaas nya ang hintuturo nya na parang may na isip "Sa isawan"
Natawa nalang ako sa reaction nya "So,na aadict ka na sa isaw?" Sabi ko
"Bakit ba? Masarap kasi tsaka di na ko ulit nakakatikim 'non" Sabi nya ang nag pout.Why so cute Nash?
"I need you" Napahinto ako ng makita ko si Travis na nasa harap namin ngayon ni Nash.
"B-bakit?" Nag tataka kong tanong
"Sumama ka sakin" Hinila nya ako kaya nabigla ako pero napahinto kami sa kinakatayuan namin ng may humawak sa kabila kong kamay. "Bitawan mo sya" Seryosong sabi ni Travis pero hawak parin ang kamay ko at nakatalikod "I need her"
"I need her too" Sabi ni Nash na walang emosyon
Binitawan ako ni Travis at humarap samin pero hinila ako ni Nash palapit sa kanya.
"Leave" Sabi ni Nash na walang ekspresyon
"Hindi ikaw ang kailangan ko" Sabi nya
"Hindi sya sasama sayo"
tumingin sakin si Travis
"I need you,please" Nakikita ko sa kanyang mata ang lungkot.
Hinawakan ako ng mahigpit ni Nash at tumingin sya sakin,tingin na parang sinasabi nya na huwag akong sumama.
"S-sorry Travis" Sabi ko at yumuko
Narinig kong bumuntong hininga si Travis at lumayo na samin. Bakit nya ako kailangan?
"Tara na?" Sabi sakin ni Nash at napatango nalang ako sa kanya.
Sumakay kami sa kotse nya.
Umupo agad kami sa may isawan at sya ang bumili.
"Here" Tuwang tuwa nyang sabi at kumuha na ako ng stick
"I need you"
Napahinto ako sa pag subo,di maalis sa isip ko ang sinabi nya.
"Chesca,are you ok?" Natauhan ako ng marinig ang boses ni Nash,napatango nalang ako. "Uubusin ko 'to?" Sabi nya kaya napangiti nalang ako,kumain nalang din ako.
Sumakay kami sa kotse nya ulit.
"Nabusog ako" Sabi nya kaya nginitian ko nalang sya "May problema ba?" Sabi nya sakin "Ba't parang di ka ok?"
"Siguro ay inaantok na ako"
"Ganon ba? Sige ihahatid na kita para makapag pahinga ka" Nginitian ko nalang sya ulit.
Nang makarating na ako sa bahay ay nag pasalamat ako sa kanya.
"I need you,please"
Pinalo palo ko ang ulo ko,Chesca wag mong isipin si Travis.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng bahay pero bigla nalang akong may naamoy na kung ano at dumidilim ang paningin ko.
*****
"Ikaw kapalit ng babaeng 'to" Napamulat ng dahan dahan ang mata ko "Ow" Tumingin sakin ang isang lalaki na puti ang isang mata na parang bulag at ang kalahati ng muka ay may balat? "Sakto,gising na sya" Nilagay nya sa tenga ko ang cellphone na hawak nya,ang kamay ko ay nakatali sa poste habang ako'y nakaupo. Parang nasa isa kaming bahay na luma at parang sunog.
"Chesca" Akala ko ang maririnig ko ay boses ni Nash ngunit mali ako,dahil boses ito ni Travis "Intayin mo ako dyan,ililigtas kita" Bumagsak ang luha ko ng diko alam ang dahilan
"S-sorry" Iyan nalang ang nasabi ko
"I need you,please"
Humingi sya ng tulong sakin kanina na hindi ko inaalam kung bakit pero hindi ko sya pinag bigyan at ako,ililigtas nya alo.
"For what?" Sabi nyang seryoso
"Basta Sorry" Sabi ko sa kanya
"Oops time's up" Sabi ng lalaking may balat sa muka at inilagay na ulit sa tenga nya ang cellphone "Bilisan mo lang at baka dimo na maabutan na nahinga itong babaeng 'to"
Binaba nya na ang cellphone.
"Anong kailangan mo sakin?"
"Wala dahil hindi ikaw ang kailangan ko" Sabi nya at nginitian ako
"Ginawa mo akong pain? Bakit hindi mo kayang lumaban ng patas?" Mataray kong sabi sa kanya
"Patas? Hindi na uso ang salitang 'yan"
"Sabagay hindi naman uso 'yan sa taong duwag" Sabi ko "Kung gaano ka pangit 'yang muka mo ay ganon din kapangit ang ugali mo" Nagulat ako ng sampalin nya ako at sobrang hapdi sa pisngi. Ang init na ng pisngi ko pero nginitian ko lang sya.
"Bakla kaba? Ba't ang hina mo?" Sabi ko at tumawa at nagulat ako ng sampalin nya ako ulit at may nalasahan akong dugo mula sa labi ko. Ghad..Ang sakit.
"Tingnan lang natin kung gaano ka katapang" Nagulat ako ng sabunutan nya ako at inalis nya ang tali ko.Nilublob nya ako sa tubig na nasa dram. Habang ako ay nasa tubig ay iniisip ko na bakit nangyayari 'to sakin ngayon?
Inalis na nya ako sa tubig at halos mawalan na ako ng hangin.
"Asan na ang tapang mo?" Sabi nya at nagulat ako ng sampalin nya ako ulit kaya lalong sumakit ang pisngi ko.
Bumukas ang pinto ng bahay na 'to at nakita ko sya na nakatingin sakin na mukang nag aalala.
"T-Travis" Halos wala ng lumabas na boses sakin.
"Damn,pakawalan mo sya.Ako ang kailangan mo diba?" Sabi nyang galit
"Of course ikaw" May kung sinong humawak sa braso ko ng bitawan ako ng lalaking may balat sa muka. "Pero sa tingin ko mas maganda kung dalwa kayong mawawala" Sabi pa nito.
"Damn. I kill you" Sabi ni Travis na puno ng galit ang mata
"You can't"
Humakbang si Travis ng isa pero napahinto sya ng may kutsilyo na tumutok sa may bandang tagiliran ko.
Ba't dalwa sila? Akala ko ang tao lang dito ay ang lalaking may balat sa muka pero mali ako.
Nakasara na ang kamao ni Travis na parang di alam ang gagawin. Bumuntong hininga ito at biglang lumuhod.
"Gawin nyo na ang gusto nyo sakin pero pakawalan nyo na sya,di ako lalaban" Tumawa ng malakas ang lalaking may Balat at lumapit kay Travis.
"That's my boy" Sabi nya at may kinuha sa babang kahoy,napapikit ako ng hampasin nya si Travis at napahiga ito sa sahig.Paulit ulit nya itong ginawa at umubo na si Travis ng Dugo.
Tumayo si Travis at nginitian ko,mag isa ng tumulo ang aking luha dahil sa ngiti nya.Bakit sya ngumiti?
"Stop it" Sigaw ko "T-Travis" Naiyak kong sabi sa kanya
"Don't worry about him" Sabi ng lalaking may balat sa muka.
Kahit ilang beses na tumumba si Travis sa sahig ay pinilit nya din ng ilang beses na tumayo. Ba't ba kasi hindi sya lumalaban at hinahayaan nya lang na paulit syang saktan ng lalaking 'yan.
"Lumaban ka" Sigaw kong inis sa kanya "Nakakainis ka,lumaban ka kaya mo naman sya e" Hindi sya nag salita at ngiti lang ang isinagot nya sakin.
"Hindi sya lalaban" Bulong ng lalaking may hawak sakin na naka mask na itim
"Lalaban sya" Sabi kong umiiyak
"Dahil andito ka" Sabi nya
"Shut up,lalaban sya" Sigaw kong sabi
May nilabas na kung ano ang lalaking may balat sa muka at bigla kong nabasa ang nakasulat dito.
Asido?
anong gagawin nya sa asido.
"Well,nakikita mo 'to?" Tinuro nito ang kanyang balat at matang puti "Igagaya ko ang muka mo sa muka mo"
"Travis" Sigaw ko na umaagos ang luha pero nginitian mga lang ako ulit kaya lalong umagos ang luha ko
"Stupid,lumaban ka" Sigaw ko sa kanya pero nginitian nya lang ako ulit "Stop it,wag kang ngukiti dahil naiinis na ako sayo"
Binuksan na ng may balat ang muka ang asido.
Itinaas ng lalaking may balat ang asido pero bigla nalang akong nagulat ng bigla itong nawala sa kamay nya at nasa pader na 'to habang may tusok na kutsilyo,naubos na ang laman dahil sa butas.
Napatingin ako sa lalaking naka mask at sya ang nag hagis ng kutsilyo. Saktong sakto sa asidong hawak ng lalaking may balat ang pag tira nya.
Halos ma istatwa ako dito sa kinakatayuan ko,tiningnan ko ulit ang lalaking naka mask at inalis nya ang mask sabay ngiti sakin.
"What the hell?" Sabi ng lalaking may balat sa muka at bigla nalang itong tumakbo palayo,napatingin ako kay Travis at tumakbo ako para sambutin sya.
"Travis" Sabi ko sa kanya at nginitian nanaman nya ako. "Ano ba?" Galit kong sabi sa kanya
"Sabi ko sayo,proprotektahan kita" Sabi nya na puro dugo ang damit. "Sorry" Sabi nya sakin at ngumiti nanaman,unti unti nyang pinikit ang kanyang mata kaya nataranta na ako.
"Seon tulungan mo ko dalhin natin sya sa Ospital" Sabi ko sa lalaking nakatayo sa harap ko ngayon
Pinangko nya sa Travis at kinuha ang susi ng sasakyan nito.
Nasa likod si Travis habang ako'y nasa unahan at sya'y nag dridrive.
"Seon,bakit ka andito?"
"Masama bumalik dito?" Sabi nya
"Pwede mo bang bilisan ang pag dridrive?" Napatingin ako kay Travis. Malakas sya at alam ko 'yon. "Bilisan mo Seon" Natataranta kong sabi sa kanya
"Ginagawa ko na" Sagot nya sakin "Pag hindi sya nagising akin nalang 'tong kotse nya" Nahampas ko sya sa sinabi nya
"Magigising sya" Galit kong sabi sa kanya
Nakarating na kami sa Hospital at dinala nya na si Travis.
"Tulong" Sabi ko sa nurse at dali dali na nilang nilapitan si Travis
******
Lumabas ang Doctor kaya dali dali na akong tumayo.
"Maari nyo na syang puntahan sa loob" Sabi ng doctor kaya tumakbo na ako papasok sa loob at tulala lang sya na nakatingin sa kisame
"A-ayos k-ka n-na b-ba?" Tanong ko sa kanya
"Paano kung sabihin kong hindi?" Sagot nya at biglang tumingin sakin ng seryoso
Nakakainis sya,naiinis ako sa kanya.
Nilapitan ko sya at sinuntok sa dibdib kaya napa aray sya.
"S-sorry,ba't di ka lumaban? Akala ko ba malakas ka? Puro kalang pala yabang" Nagulat ako ng hawakan nya ang aking kamay at hilahin kaya napayakap ako sa kanya. Sinubukan ko na umalis sa yakap nya pero ang higpit ng yakap nya sakin
"Ba't hindi ako lumaban?" Sabi nyang walang emosyon ang boses "Dahil gusto kong maging ligtas ka,sa oras na lumaban ako maari kang mamatay at nangako ako sayo na proprotektahan kita hanggang kaya ko" Naistatwa nanaman ako
"Bakit? Bakit mo ko niligtas?"
"Patawad,dahil ngayon nasa panganib na ang buhay mo.Gagawin ka nilang pain para sakin."
"P-pero----"
"Nung araw na niligtas kita sa mga lalaki sa School kumalat na 'yon. Madami ng nakakaalam"
"N-nasa panganib ako?"
Inalis nya na ang pag kakayakap sakin kaya tumayo na ako,hinawakan nya ang aking kamay
"Sinabi ko sayo,na habang kaya ko ay proprotektahan kita kahit ang kapalit pa nito ay ang buhay ko"
------------------------------------
Sorry for slow update...
Sorry...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top