Chapter 20
Chesca's Pov
Binuksan ko ang pinto ng bahay dahil sa kumakatok.
"Musta?" May dala itong paper bag at kung ano-anong gulay,para san 'yon? Pumunta sya sa kusina at sinundan ko lang sya. Ano bang gagawin nya?
"Travis ba't andito ka?"
Nilapag nya sa lamesa lahat ng dala nya.
"Nakakainip sa bahay" Seryoso nyang sabi sakin at umupo sya. "Pag luto mo naman ako" So pumunta sya dito para lang kumain?
"Ba't dito? Madami ka namang pera para kumain sa isang restaurant,alam mo mas masarap ang luto 'don" Sabi ko sa kanya
"Gusto kong kumain ng luto mo" Sabi nya at napatingin ako sa kanya. "Sundin mo nalang ako" Sabi nya kaya bumuntong hininga nalang ako.
Habang nag gagayat ako ng gulay ay nakatingin sya sakin. Tinaasan ko sya ng kilay.
"What?" I said
Umiwas sya ng tingin sakin
"Mag luto ka nalang"
"Bakit ba di ka nalang nag pa deliver?" Sagot ko sa kanya
"Ayoko" Sagot lang nya sakin "Kamusta pala kayo ni Nash?" Tanong nya
"Siguro naman may reason sya"
"Reason? Paano kung nag sisinungaling sya?" Sabi nyang seryoso
"Di sya sinungaling"
"Pano mo nalaman?"
"Basta alam ko lang,bakit ba si Nash nanaman ang tinatanong mo? Kailan kaba nag karoon ng concern kay Nash?" Sabi ko at pinagpatuloy ang pag gagayat.
"Naalala mo ba nung araw na sinabi mo na sya ang 'yong first love?" Tiningnan ko sya at napahinto ako sa pag gagayat "Anong nararamdaman mo na kasama mo ang taong unang nag patibok ng puso mo?"
"Masaya,yung lagi kang napapangiti at kinikilig---wait..hindi ka paba nag kaka first love?"
"Meron"
"Ows? Sino sya?"
"Mahirap aminin sa kanya ang lahat" Napangiti ako sa sinabi nya
"Torpe ka din pala?"
"Kaya kong aminin sa kanya,hindi ko lang maggawa dahil nakikita ko syang masaya na kasama ang lalaking gusto nya.Ang lalaking kanyang first love.Nung una ginawa ko syang alila ko,pero ngayon kaya sya nanatiling alila ko dahil ayokong lumayo sya sakin" Nawala ang ngiti sa labi ko
"A-alila m-mo?" Tumayo sya bigla at lumapit sakin
"Alila ko sya" Seryoso nyang sabi
Umiwas ako ng tingin. "Ahhm sige na iluluto ko na 'to" Sabi ko sa kanya
Nagulat ako ng hawakan nya ang aking kamay at iniharap sa kanya
"Bakit lagi ka nalang umiiwas?"
"T-Travis."
"Alam kong iba ang gusto mo,gusto ko lang sabihin sayo 'yon dahil di ko na kaya"
"P-pero---"
"Nag bibiro lang ako" Sabi nya at tumawa "Bakit parang naistatwa ka dyan?" inirapan ko sya sa inis.Umupo na ulit sya sa kinakaupuan nya.
*****
"Luto na" Sabi kong proud at inihain na ang lahat ng niluto ko sa lamesa
Kumain lang sya ng kumain kaya nakikain nalang din ako.
"Masarap ba?"
"O-oo" Sabi nya na parang pilit ang ngiti nya. "Sarap,halos di masunog 'tong hotdog na niluto mo" Tinaas nya yung hotdog na halos kulay brown nya,halos di masunog? Sunog na nga e. "Marunong kabang mag luto?" Sabi nya sabay tawa kaya sinaman ko sya ng tingin
"Bakit ba kasi dito ka kumain?" Sabi kong inis
"Don't worry,uubusin ko 'to" Sabi nya
"Wag na..Baka sumakit pa ang tyan mo"
"Uubusin ko 'to dahil mahal ang bili ko sa nganpagkain na 'to" Sabi pa nya at nag half smile
"Bahala ka" Sabi ko sa kanya
Pagkatapos naming kumain ay nag yaya nanaman sya.
Nakasakay kami sa kotse nya,umupo ako sa sandalan para malanghap ang masarap na hangin.
"Baka mahulog ka nanaman sakin" Diko nalang sya pinansin.
Bigla syang huminto kaya na pahawak ako sa may bandang likod ng sandalan baka mahulog nga ako sa kanya.
"Bumaba ka na dyan" Sabi nya ng makababa na sya ng kotse. Wow..Ang ganda dito.
Umupo sya sa bench at may dala syang kung ano.Tumabi nalang ako sa kanya.
Ang daming ibon na nag liliparan at kulay puti sila,ang dami nila.
"Buti pa ang mga ibon malaya"
"Bakit hindi kaba malaya?"
"Paano naman ako magiging malaya? Alipin mo ko" Sabi ko at bigla syang ngumiti na hindi ko maintindihan ang ekspresyon nya.
"Kung huhulihin ko ba ang mga ibon na nalipag at ikukulong ko sa isang hawla ay magiging masaya sila?"
"Baliw kaba? Paano sila magiging masaya?"
"Kailangan ko na ba syang palayain?" Napakunot ang noo ko sa kanya "Nevermind..Here" Kinuha nya ang kamay ko at may nilagay na malilit na butil dito.
"Ihagis mo sa lupa" Sabi nya at sinunod ko nalang,biglang bumaba ang mga ibon at tinuka ito.
"Ang dami nila" Nag hagis sya ng patuka sa lupa ulit.
"Mas maganda ba kung malaya sila pero nakikita mo parin sila kahit alam mong wala ka ng karapatan sa kanila? Kaya mo parin silang makita katulad nitong mga ibon,mapapakain mo parin sila na hindi sila kinukulong sa hawla at malaya lang sila" Sabi nya
"Alam mo,pahingi nalang ulit" Sabi ko sa kanya at hinawakan nya ang kamay ko at nilagyan nagulat ako ng ibaba nya ang kamay ko at biglang tinuka ng mga ibon ang mga patuka na nasa palad ko,ghad nakakakiliti.
Tinaas na nya ulit ang kamay ko
"Hilig mong mag pakain ng hayop no?" Sabi ko sa kanya
"Hindi naman,gusto ko lang maging saksi sila" Saksi? what?
"Saksi san?"
"Hindi saan kanino" Sabi nya at tumawa,tumayo sya bigla, dahilan ng pagliliparan ng mga ibon. Tumayo narin ako "Sa lahat ng mga babae ikaw na ang babaeng sobrang slow"
"Di ako slow" Sabi ko nalang sa kanya
"Anong ibig sabihin ng mahal kita?"
"Parang"
"What?"
"Gusto kita" Sabi ko at ngumiti sya na parang aabot na sa tenga nya "Ano 'yan?"sabinko habang Nakakunot kong noo
"Slow ka talaga at sigurado ako 'don"
Hinila nya na ako pabalik sa kotse,akala ko aalis na kami pero umupo sya sa unahan nito kaya umupo narin ako.
"Di paba tayo uuwi?" Tanong ko
"Kakarating nga lang natin,gusto mo ng umalis?" Sabi nyang seryoso "Bakit may gusto kabang puntahan?" Tanong nya
Yumuko ako "Kasi,gusto kong kausapin si Nash" Tiningnan ko sya at tulala lang sya sa unahan. "T-travis?"
"Bakit ganyan ka?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya "You still like him,kahit na iniwan ka nya sa fountain" Nginitian ko sya pero wala syanf ekspresyon.
"I don't know,basta alam ko lang ay gusto ko sya"
"Paano kung sabihin ko sayo na ikaw ang babaeng gusto ko?" Seryoso nyang sabi at napatawa ako.
"Joke again Travis?" Natatawa kong sabi "Travis,kung mag ------"
"I'm Not" Napatigil ako dahil sobrang lamig nanaman ng boses nya at pati ang tingin nya ay sobrang seryoso. "Seryoso ako sa sinasabi ko" Di na ako nakapag salita "Tara na" Sumakay sya sa loob ng kotse habang ako ay naiwan na tulala.
Bigla akong natauhan kaya sumakay na ako sa kotse nya.Katahimikan ang bumalot saming dalwa,huminto sya sa tapat ng bahay ni Nash at mukang iniintay nya lang akong bumaba.
Bumaba na ako.
"S-salamat" Wala syang ekspresyon at pinaandar na ang kotse nya
Di ako makapaniwala sa sinabi nya sakin kanina.Seryoso ba sya?
Pumasok na ako ng gate,pinapasok naman ako ng guard.Kakatok na sana ako sa pinto nya pero bumukas na 'to at gulat na gulat sya.
"Ba't andito ka?"
"Pwede ba tayong mag usap?"
"Sige,pupunta sana ako sa bahay mo" Sabi nya at pinapasok na ako.
Umupo kaming dalwa sa salas.
"Sorry, si Tricia. I save her" Sabi nya sakin
"Save? Saan?"
"Diba alam mo naman na si Tricia ay bahagi na ng aking nakaraan? Alam mo din kung gaano ko sya kamahal dati,merong nag tatangkang pumatay sa kanya" Kaya ba umalis sya?
"Bakit?"
"Gusto nilang makaganti,wag mo ng masyadong isipin 'yon.Bumalik ako sa fountain pero wala ka na 'don"
"Siguro nakaalis na ako"
"sorry for that" Nginitian ko nalang sya dahil ang cute nya pag nag sosorry.
"I'm ok na nga diba? Sa susunod,sana wag mo na akong iwan" Sabi ko sa kanya
"I promise,di na kita iiwan"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top