Chapter 2 : Offer
{Chapter 2: Offer}
Chesca's Pov
Nag lelecture ako at diko maiwasang tumingin sa kanya, paano kaya ako nakababa kahapon sa bahay? Hindi ko maalala na bumaba ako ng kotse nya.
Nakaheadset lang ulit sya at nakatingin sa bintana. Ano kaya ang tumatakboisip nya? Ang tahimik nya masyado tas pag kinausap mo pa napaka seryoso.
Nag lecture nalang ako,diko alam pero gusto kong itanong sa kanya kung paano ako bumaba ng kotse nya kasi wala talaga akong maalala pero narinig ko usap usapan dito na, sikat pala sya at tahimik.
Tahimik na sikat sya, Hurttrob pa daw sya dito. Diko inaasahan na makakausap ko sya, narinig ko kasi na lagi syang mag isa sa campus dito at bilang lang sa daliri ang nakakausap nya ng seryoso. Isa kaya ako don?
Pero nung nalaman ko na sikat sya at pinag kakaguluhan ay parang gusto kong umiwas sa kanya,baka mamaya ako na ang pag kaguluhan,pag kaguluhan ang bangkay ko.
Nang tumunog na ang bell ay tumayo na sya at lumabas ng room,kahapon lang mag kausap kami tapos ngayon parang dedma lang sya,masyado kasi syang seryoso.
Nagulat ako ng mabangga ako ng babaeng tumakbo,anong meron at nag tatakbuhan sila? pumunta ako sa isang Room kung saan sila nag sisipuntahan at pag bukas ko 'non ay una ko agad nakita sa stage ay yung lalaking suplado na nag sasayaw, Ay ang hot nya at ang galing nya sumayaw. Jojowain
Yung buhok nya na natagilid dahil sa pag sasayaw nya.Sikat na sikat yata sya.Siguro magugustuhan ko sya kung hindi sya suplado.
Makakain na nga lang muna,pero hindi ko parin alam ang Canteen.Tumingin muna ulit ako sa lalaking nasa stage.
"Ay. wala na si Travis" Travis?Travis pala ang pangalan nya.
wait.Oo nga asan na ba sya? Bilis naman nya tumingin lang ako ng ilang saglit sa ibang direskyon wala na agad sya?
Lumabas na ako 'don at ngayon? Asan na ang Canteen?
May nakita akong lalaking nakatalikod kaya kinulbit ko sya.
"What?" Malamig ang boses nya
"Saan ba dito ang Canteen?" Tanong ko
"Sabi ko sa Guard ka mag tanong" Nagulat ako ng humarap sya sakin,sya si Travis.
"Ahh--Oo nga sabi ko nga" Diko alam pero nakakatakot ang mga titig nya sakin.Aalis na sana ako kaso hinila nya ako at sinandal sa pader.Napalunok ako "Alam ko na pala kung saan yung Canteen" Nag lakad na ko ulit pero binalik lang nya ko sa pag kakasandal ko at kinulong sa dalwa nyang braso.
"Newbie?"
"Oo,pede na ba akong umalis?"
"No"
"P-pero---"
"Takot ka sakin tama?" Sabi nya at sobrang lamig ng boses nya.Nakakatakot naman talaga sya.Yung titig nya na napaka seryoso. "C'mon don't be shy,are you scared at me?"
"K-kasi kailangan k-ko ng mag lunch" Sabi ko sa kanya
"Sagutin mo muna yung tanong, takot ka sakin?" Sabi nya ulit.Anong isasagot ko? Oo takot ako sayo,luh. para namang ang sama ko 'non.
"H-hindi" Sabi ko
"Are you sure?" Nagulat ako ng ilapit nya ang muka nya sa muka ko,bigla na akong kinabahan kaya sorry.Kinagat ko ang kanyang braso
"Fuck" Sabi nya at inalis ang braso nya sa pader kaya tumakbo na ako. "You--ouch" Sigaw pa nya.
"Sorry" Sigaw ko sa kanya,kasalanan naman nya eh.Tinatakot nya ako masyado.Sinabi kong hindi ako takot pero tinatakot nya ako lalo. "Sorry talaga"
"Bumalik ka" Sigaw nya kaya nakaramdam ako ng takot kaya tumakbo ako ng mabilis ng mag simula na syang mag lakad palapit sakin.
Saktong bell na.Diretsyo na ako sa room. Hindi na ako nakakain.
Hingal na hingal akong umupo sa upuan ko.Tumingin ako kay Nash at naka headset lang 'to pero ngayon nasa black board na ang tingin nya.
Uminom ako ng tubig buti may baon ako.Ngayon Warning,wag lalapit at kailangan ng iwasan ang Travis na 'yon.Wala pa palang teacher namin,napatingin ako sa labas ng pinto ng room at nagulat ako ng andon sya at saktong tumingin ito sakin,patay..
Ang sama ng tingin nya sakin.
Omy. Ayoko pang mamatay.Tumingin ako kay Nash, nagulat ako ng pumasok na sa loob si Travis.Nash kailangan kita ikaw palang ang kilala ko.
"Nash" Inalis ko ang headset nya at tinaasan nya lang ako ng kilay "Help me" Tumingin ako kay Travis na malapit na sakin "Natatakot ako" Nagulat ako ng may humawak na sa braso ko at hinila ako patayo.
"Sumama ka sakin"
"Travis diko sinasadya.Sorry" Sabi ko sa kanya
"Tsk" Sabi lang nya at hinila ako pero napahinto sya ng may humawak sa braso ko,halos ng kaklase ko nakatingin samin
"Nag sorry na sya" Sabi ni Nash na sobrang seryoso
"Hindi ikaw ang kailangan ko" Inalis ni Travis ang kamay ni Nash sa braso ko pero binalik lang ni Nash ang pag kakahawak nya sakin.
"Brother,hindi rin ikaw ang kailangan ko.Sya"
"Don't call me brother Nash. Bitawan mo na sya bago ako mapuno"
"A-Y-O-K-O" Pag iinis ni Nash
Nagulat ako ng bitawan ako ni Travis at sinugod nya ng suntok si Nash dahilan ng pagtalsik nito sa lamesa.Gumanti si Nash at ngayon nag kakagulo na sila pati ang mga kaklase ko nag sisigawan na,ang mga lalaki imbes na awatin ay pinapanood lang.
"Di nyo ba sila aawatin?" Sabi ko sa kaklase kong lalaki
"Wag na,madamay pa kami" Sabi ng isang kaklase kong lalaki
"Anong nangyayari dito?" Dumating ang teacher namin pero nag susuntukan parin ang dalwa.
*******
Napatingin ako sa katabi kong upuan,ok na kaya sya? Dahil sakin napa guidance pa sya.Kung hindi ako nag patulong sa kanya hindi na sya nadamay,speaking..dumating na sya at tumabi na sa tabi ko at nag dudugo pa ang labi nya
"Sorry" Sabi ko pero hindi sya sumagot at nag headset lang.Galit ba sya o ganyan talaga sya?
"May Long Test tayo" Napatingin ako sa teacher namin na namimigay ng Questionaire.Kinuha ko nalang yung akin. "1hr" Sabi pa nya
Tiningnan ko yung mga tanong at hindi ko sya alam,kaka transfer ko lang kaya.Kahit anong isip ko hindi masagot ng utak ko.
Tumingin ako sa oras 5 minutes nalang agad pero miski isa wala pakong sagot.
"Eto" Nagulat ako ng ilagay ni Nash ang papel nya sa lamesa ko.
"Time's up" Sabi ng teacher namin
"Lagyan mo ng pangalan mo" Sabi nyang seryoso
"P-pero----"
"No buts" Sabi nya,pero hindi talaga pede
"Pero hindi---" Kinuha nya ulit sakin ang papel.
"Ano ulit ang surname mo?"
"Torres bakit?" Nagulat ako ng isulat nya ang pangalan ko 'don at ipasa nya sa unahan sabay labas nya ng room,napahawak ako sa hawak kong Questionaire.Paano sya?
Hays...Tumakbo ako at hahabulin ko sana sya kaso wala na sya.Sa Rooftop kaya? Tumaas ako ng rooftop pero wala din sya.Umuwi na kaya sya?
Lumabas nalang ako ng School at nag intay ng Taxi, ba't ba walang nadaan na taxi dito?
Kung alam ko lang kung saan ang bahay ko,sana nag lakad na ko.
"Tingnan mo nga naman ang tadhana" Napaatras ako ng makita ko si Travis na naka sandal sa may pader. "Taxi?" Sabi nya at humakbang palapit sakin. "Walang nadaan na Taxi dito" Sabi nyang seryoso.
"Ahh..Sige mag lalakad nalang ako" Pag sisinungaling ko at lumayo na sa kanya,nag lakad ako ng nag lakad.Sana naman hindi ako maligaw.
"Good Luck" Napatingin ako sa gilid ko.Naka sakay sya sa kotse nya na walang bubong.Nang iinis ba sya? Sinasabayan nya ako sa paglalakad. Ghad ang sakit na ng paa ko. "Pagod ka naba?"
"Bakit mo ba ko sinusundan?" Naiinis na ako sa ginagawa nya.
"Because I want" Napairap nalang ako sa sobrang inis.Tanungin ko kaya sya kung san ang bahay ko? Kung saan ang address ko. No, never. "Alam mo ba ang bahay mo?" Seryoso nyang tanong pero bakas parin sa pananalita nya ang pang iinis.
"Pede ba,iwan mo na ko" Inis kong sabi
"Inuutusan mo ba ko?"
"Ano ba talagang gusto mo?" Huminto ako at huminto rin ang kotse nya
"Simple lang,ang pahirapan ka" Naging seryoso ang muka nya na ikinatakot ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sorry ka nalang at nakilala mo ko" Bumuntong hininga nalang ako
"Hindi ko naman sinasadya na kagatin ka,tinatakot mo ko kaya naggawa ko 'yon" Sabi ko sa kanya.
"Sa pag sosorry mo akala mo ba ay titigilan na kita? dahil din sayo napa guidance ako" Sabi nya,kasalanan ko ba na sumugod sya sa room?
"ba't ba ako ang sinisisi mo? kung hindi ka sana nag simulang makipag suntukan kay Nash edi sana hindi ka napa guidance" Inis kong sabi.Nagulat ako ng ngumiti ito.
"Dahil wala akong ibang sisisihin"
Bough!!
Nagulat ako ng bumangga sakin dahilan ng pag kahulog ko sa sahig.Tiningnan ko yung bumunggo sakin pero malayo na sya alam nya ba yung salitang sorry? Tatayo sana ako pero bakit hindi ko maggawa? Ghad ang sakit ng paa ko,siguro na ngalay ng sobra.Kanina pa kasi ako nag lalakad.
"Hindi kaba makatayo?" Sabi nya na ng iinis kaya inirapan ko nalang sya. "Masakit? gusto mong tulungan kita? Kaso baka madumihan ang aking kamay pag tinulungan kita" Tiningnan ko sya at nanlalabo sya.Nanlalabo ang paningin ko,nanlalabo ang paligid.Anong nangyayari sakin? Bakit parang nahihilo ako? "Damn" Rinig kong sabi nya.Unti-unti ng pumikit ang aking mata at itim nalang ang nakita.
******
Napamulat ang aking mata at asan ako? Kwarto? hindi 'to kwarto ng bahay namin.Asan ako? Umalis ako ng kama at nakakatayo na ako.Binuksan ko ang pinto at lumabas ako,halos mapaluwa ang mata ko sa sobrang laki ng bahay at ang ganda,mukang mamahalin ang mga gamit.Asan ba kasi ako? Yumaman na ba ako? Nanaginip parin ba ako? Hindi naman 'to panaginip eh.
"Young lady,gising ka na pala" Napatingin ako sa gilid ko ng makakita ako ng maid.
"Asan po ba ako?" Pag tatanong ko
"Sa bahay ko" Napatingin ako sa baba,dahil nasa second floor ako.Nakatayo sya habang nakatingin sakin.Bumaba agad ako.
"Uuwi na ako" Sabi ko
"Gantong oras?" Sabi nya sakin
May isang orasan kaya tiningnan ko kung anong oras na. 10pm na? Tapos hindi ko pa alam kung asan ang bahay ko,itanong ko na kaya sa kanya?
Biglang kumalam ang sikmura ko.
"Mag handa kayo ng makakain,kakain kami" Sigaw nya sa mga maid
"Sige po,young master" umupo sya sa may sofa.
"Umupo ka muna" Sabi nya kaya sinunod ko nalang sya.Binuksan nya ang TV. "Meron akong offer sayo" Napatingin ako sa kanya
"Offer?"
"Mag trabaho ka sakin"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala kang pang bayad sa School tama?" Paano naman nya nalaman 'yon?
"Paano mo nalaman?" Binuksan nya ang loptop na nasa maliit na lamesa. "Panoorin mo"
"Seriously? Narinig nyo ba sya? Wala na syang extra Uniform? Are you poor? Ghad. 5,000 pesos for Uniform hindi mo kayang bilhin? Paano ka nakapag aral dito? Sabagay kahit mahihirap kaya nadin mag bayad ng 100,000 para nakapasok dito,maliit na halaga lang naman 'yon e"
"100,000?"
"Omy? So hindi mo alam? Ghad kawawa ka naman pala.Hindi mo alam baka kulangin 'yang allowance mo,kung ako sayo aalis na ako sa School na 'to.Ang School na 'to ay hindi bagay sayo, dahil ito ay para lang sa mga katulad namin"
"Newbie ka palang pero sikat kana" Sabi nyang napakalamig ng boses.
"Ha? dahil ba napahiya ako?"
"Dahil kay Nash" Sabi nya "Bakit kaba nya pinapag tanggol?" Tumingin ito sakin.
"hindi ko alam"
"handa na po ang pagkain" Tumayo sya "Sumunod ka" Sabi nya sakin,ewan ko kung bakit ko sya sinusunod. Umupo kami sa lamesa at ang daming pagkain,mukang masasarap pa.
Mag katapat lang kami at pinaglagay ako ng maid ng pagkain sa plato ko.
"Iwan nyo muna kami" Sabi nya sa mga maid.
"About sa offer" Sabi nya
"Anong offer?"
"Ako na ang bahala sa pag babayad mo sa School" Alam kong may kapalit ang pagbabayad nya don
"Anong kapalit?" Seryoso kong tanong sa kanya
"Simple lang,ikaw ang magiging katulong ko,sa School, utusan" Ano ako Secretary nya? Personal Assistant? Pero kung papayag ako hindi na ako mag kaka problema sa School.Hindi na ako hihingi kay mama ng ganong kalaking pera.
"Sa School lang?" Tanong ko sa kanya
"Kahit saan" Bumuntong hininga ako
"Hanggang kailan?"
"Hanggang sa Graduation" Ganon katagal?
"Ano?" Seryoso nyang tanong sakin
"S-sige"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top