Chapter 19

Chesca's Pov

Umupo ako ulit sa fountain pero ngayon wala na akong kasama,mag isa na akong nakaupo dito habang iniintay si Nash.

Tatlong oras na akong nakaupo at marami nading tao ang nag sisiuwian pero wala parin sya.Nayakap ko nalang ang sarili ko dahil sa lamig. Napapapikit narin ako dahil inaantok na ako.

san ba sya pumunta? Ba't sobrang tagal naman nya? Hiningahan ko ang dalwa kong kamay para makaramdam ng init. Siguro ngayon parating na sya.

Di naman nya 'ata ako nakalimutan.

Wala ng tao sa loob ng mansion ng tatay nya pero sya wala parin,natapos na ang party pero ako nanatiling nakaupo parin dito. Paano kung napahamak na pala sya? No,Chesca wag kang maisip ng masama.

Niyakap kong muli ang sarili ko at napabuntong hininga nalang.

******

Tricia's Pov

Unti-unti kong minulat ang aking mata. Naa ub-ob sya sa tabi ko habang nakahiga ako.

N-niligtas nya ko?

kinuha ng lalaking kumidnap sakin ang cellphone ko at bigla syang may dinial.

"Nash" Sabi ng lalaking 'to. "Nasa akin ang babaeng importante sayo,kailangan kita.Kailangan kitang patayin" Sabi nito na ikinagulat ko."Alam mo na kung saan kami hahanapin" Napaiyak na ako sa takot. Tinapat ng lalaki sa tenga ko ang cellphone.

"N-nash,help me"

"Intayin mo ko dyan"

Naputol na ang tawag.

Ilang sandali ay bumukas ang pinto at ang daming tao ang nakapalibot sa kanya habang ako ay nakatali sa isang upuan.

"Andito na ako,pakawalan nyo na sya"

Biglang nag sara ang pinto at may nag sara nito.

"Alam ko naman na ito ang mangyayari" Sabi nya at may hinugot sa kanyang tagiliran.

Baril.

Pinutok nya sa taas dahilan ng pagkakagulo at wala na akong makita dahil biglang may umusok na kung ano.Unti unti akong napapikit at unti unti narin nag itim ang aking paningin.

Biglang tumaas ang kanyang ulo at napatingin sya sakin.

"Gising kana" Sabi nyang walang emosyon

"Salamat" Diretsyo kong sabi sa kanya

Tumingin sya sa relo nya at para syang nagulat.Bigla syang tumayo at tinalikuran ako pero hinawakan ko ang kamay nya bago pa sya makahakbang kaya napahinto sya.

"Sorry"

"Sorry for what?" Seryoso lang nyang sabi sakin habang nakatalikod

"Dahil,sa dating ginawa ko sayo kahit ganon ay niligtas mo parin ako" Sabi ko sa kanya

"Sinabi ko na dati na,ok na 'yon" Sabi nyang seryoso "Don't worry kahit na ginawa mo sakin 'yon ay ipapangako ko parin sayo na proprotektahan kita sa taong gusto kang patayin" Napaiyak ako sa sinabi nya.

Alam nyang nasa panganib ang buhay ko pero hindi nya parin ako pinapabayaan. Pinilit kong tumayo at niyakap sya mula sa likod.

"Ang laki ng pag sisisi ko dahil ginawa ko sayo 'yon. Iniisip ko kung bakit ko ginawa 'yon sayo sa kabila ng ginawa mong lahat para sakin." Umiiyak kong sabi sa kanya

"Inisip ko din 'yan dati pero ngayon alam ko na dahil sa gusto mong makalimot ay wala ka ng paki sa nararamdaman ng iba" Sabi nya kaya lalo akong napaiyak at umiyak ako sa balikat nya

"Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit hindi nalang ikaw yung ginusto ko?"

Inalis nya ang kamay ko na nakayakap sa kanya at humarap sya sakin.Nakayuko lang ako habang umiiyam.

"Bakit nga ba hindi nalang ako?" Seryoso ang kanyang boses at hindi ko maipaliwanag ang gusto nyang iparating o ang nararamdaman nya. Hinawakan nya ang balikat ko "Wag kang mag alala dahil nalimutan ko na ang lahat ng 'yon.Nalimutan ko na ang lahat ng meron tayo.Lahat ng ala ala"

Wag kang mag alala dahil nalimutan ko na ang lahat ng 'yon.

Nalimutan ko na ang lahat ng meron tayo.Lahat ng ala ala

Paulit ulit sa isipan ko ang sinabi nya at inalis na nya ang kamay nya sa balikat ko at narinig ko nalang ang pag sara't bukas ng pinto. Lalong umagos ang luha ko.

Bakit ganto ang nararamdaman ko?

Ni rebound ko lang naman sya noon,hindi ko sya sineryoso pero bakit ng sinabi nya 'yon ay ang sakit.

**********

Chesca's Pov

Minulat ko ang dalwa kong mata at naandar ako? naandar?

Nasa kotse ako.

Kotse ni Travis

"May balak ka pa palang gumising" Sabi nya

"Ba't andito ako?" Sabi kong gulat

"Sa fountain,muntik ka ng mahulog dahil nakatulog ka buti ay nasaktuhan kita kaya nasambot kita" Sabi nya sakin at meron din nakakumot sakin,suit nya.

"Si Nash? Dumating ba sya?" Tanong ko sa kanya

"Hindi..wala ng tao sa bahay pero wala parin sya" napayuko nalang ako at tumango.

"Travis,sorry pala" Sabi ko nalang "Sorry sa sinabi ko" Di sya sumagot.

Tumingin ako sa labas.

Asan ka kaya Nash? Ba't di mo ko binalikan? Nag vibrate ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan nya.

Nagulat ako ng kunin ito ni Travis.

"Akin na 'yan" Pinatay nya yung tawag ni Nash dahilan ng pag kainis ko nanaman sa kanya

"Bakit eto parin ang cellphone mo?" Tanong nya

"Bakit? Ano namang masama 'don?"

"Asan yung binili ko?"

"Nasa drawer naka tago" Inis kong sabi sa kanya

"Ba't dimo ginagamit?"

"Ba't ba lagi ka nalang si Tanong?"

Binaba nya yung cellphone ko at iniintay ko ang tawag ni Nash pero hindi sya tumatawag ulit,letsye kasi 'tong Travis na 'to.

Ba't kaya hindi sya dumating?

Asan kaya sya ngayon?

Biglang huminto ang kotse nya ng mag traffic nanaman.Kinuha nya ulit yung cellpone ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Ano nanaman ang gagawin mo?" Tanong ko sa kanya

"Wala" Tipid nyang sagot at binaba ulit ang cellphone ko.Anong trip nya?

Inalis ko na ang suit na nakakumot sakin at ibinalik sa kanya.

"Salamat" Sabi ko nalang sa kanya

"Gamitin mo na" Sabi nyang seryoso

"Hindi ko na-----"

"Sabi ko gamitin mo,malamig" Sabi nyang inis. Galit na sya agad? Bakit wala naman akong ginawang masama,binabalik ko lang ang suit nya.

Bigla nalang tumahimik ang paligid.Bigla syang nag 'ehem'

"May gusto akong sabihin sayo" Sabi nya at napaka seryoso ng boses. Iniintay ko naman ang kanyang sasabihin "Diko na alam ang nararamdaman ko------" Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Nash kaya dali dali ko 'tong sinagot.

"Nash" Sabi kong nag aalala

"Asan ka?" Tanong nya "Umuwi ka na ba?"

"Dapat ako ang mag tanong nyan sayo,asan kaba?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya

"sorry,si Tricia kailangan ko lang syang------" biglang hinablot ni Travis ang cellphone ko at bigla akong natakot sa kanyang tingin. Tingin na napaka seryoso.

Inend call nya yung tawag at ang sama ng tingin nya sakin kaya lalo lang akong natakot,imbis na magalit ako sa kanya ay iba ang naramdaman ko ngayon.

"A-ahh a-ano bang g-gusto mo ulit s-sabihin?" Napakagat ako sa labi sa takot ng titig nya sakin,umiwas na sya ng tingin sakin kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Debale na" Sabi nya,pumikit ito at lumunok.Diko alam pero diko maipaliwanag ang ekspresyon nya kung naiinis ba sya o kinakabahan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top