Chapter 18

Chesca's Pov

Andito na kami sa may bandang fountain sa labas ng bahay ng tatay nya.Bigla syang napahinto ng may tumawag sa kanya.

Nasa tapat lang ng tenga nya ang cellphone na parang pinaparinggan ang nasa kabilang linya.

"Intayin mo ko dyan" Sabi nya "Chesca dito ka muna intayin mo ko" Mag sasalita na sana ako pero bigla na syang tumakbo palayo sakin.

Bumuntong hininga ako at umupo sa may Fountain.

San kaya sya pupunta? Ba't sya nag mamadali?

Isang oras na akong nag iintay dito pero di parin sya nadating.Asan na ba sya?

Niyakap ko ang sarili ko ng biglang humangin.

Bigla kong naramdaman na may dumampi na kung ano sa likod ko,tiningnan ko kung ano 'yon.

Tumingin ako sa lalaking tumabi sakin na puting damit nalang ang suot dahil nasa akin ang suit nya.

"Bakit andito ka sa labas?" Tanong nya at tumingin sakin

"May inaantay lang" Sabi ko

Bigla nanamang humangin ng malakas at nilalamig parin ako,bigla syang lumapit sakin dahilan kung bakit nanaman ako naistatwa.

Inayos nya ang paglagay ng suit sakin,ghad.

Bumalik na ulit sya sa pagkakaupo nya.

Napalingon ako sa may loob ng bahay nila at mukang nag sisimula na ang party.

"Di kaba papasok?" Tanong ko sa kanya at tumingin ulit sya sakin

"Kung papasok ako,papasok kaba?" Napatingin ako sa kanya at seryoso lang syang nakatingin sakin. "Sa oras na pumasok ako,sinong makakasama mo?" Di ko alam kung anong isasagot ko sa kanya,napaiwas ako sa titig nya.

"K-kaya ko ang s-sarili ko no"

"Kahit madilim na?"

"Oo"

"Kahit na may multo dito?"

"Di totoo ang multo"

"Kahit na may asong humabol sayo?"

"Walang aso dito"

Napatingin ako sa kanya ng bigla itong tumayo at lumapit sakin.

"Kahit na may lalaking humalik sayo?" napatigil ako sa sinabi nya at hinawakan nya ang aking muka.Dahan dahan nyang nilapit ang muka nya at ako na istatwa nanaman.
Pumikit ako,sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Naramdaman ko nalang na inalis nya na ang kamay nya sa muka ko.

Minulat ko ang aking mata at nakaupo na ulit sya,nakahinga ako ng maluwag.

"Akala ko ba ay kaya mo mag-isa?" Sabi nya kaya tiningnan ko sya ng masama pero sya ngiting ngiti nanaman.

Ba't ba kasi ang tagal mo Nash asan kana?

"Gusto mo bang pumasok muna?" Tanong nya sakin at umiling nalang ako. "Alam ko naman na sya ang iniintay mo" Napakunot ang noo ko "Bakit kaba nya iniwan?" Tanong nyang inis, ba't ba sya naiinis?

"Diko alam" Tipid kong sabi at napabuntong hininga nalang.

Napalingon sya sa may bandang likod namin at nakatayo 'don ang Dad nya habang may kausap.Mukang nag papaalam na yung lalaki sa Dad nya.

Ng umalis na yung lalaki ay pumunta samin ang tingin ng Tatay nya. Nag lakad ito papunta samin.

"Asan si Nash?" Tanong nito na walang ekspresyon ang muka.

"Umalis po kanina-----" Diko na natapos ang sasabihin ko.Napatayo ako ng hilahin ako ni Travis patayo.

"We don't know" Sagot ni Travis

"Ija asan ang boyfriend mo?" Sabi nito at naalala ko na akala nya na boyfriend ko si Nash.

"she's my girlfriend" Nagulat ako ng akbayan ako ni Travis at ang tatay nya ay nakakunot ang noo.

"Trevor, stop it. Wag mo syang takutin" Naramdaman ko na bumigat ang braso ni Travis na nasa balikat ko kaya napatingin ako sa kamao nya at nakasara ito.

"Di ko sya tinatakot" Seryoso nitong sabi

"Trevor, di kana bata. Alam kong galit ka kay Nash kaya wag mong idamay ang girlfriend nya" Sabi nito pero walang emosyon.

"She's my girlfriend" Seryosong sabi ni Travis "Kahit itanong nyo pa sa kanya" What?? Sakin? Tumingin sakin ang tatay nya at mukang nag iintay ng sagot. Kung sasabihin kong Oo,ghad..baka sabihin ng tatay nya na two timer ako,pag sinabi kong hindi ay mapapahiya naman 'to si Travis.Ghad..Bakit ba kasi kung ano anong pumapasok sa isip nya?

"Mr. Trance may nag hahanap sa inyo sa loob" Sabi ng babaeng mukang maid at tumango naman si Mr. Trance dito.

Umupo si Travis sa fountain at ako ay nanatiling nakatayo.

"Why did not you say the truth?" Sabi nyang seryoso,umupo na din ako sa tabi nya. "

"Kasi----" What the hell? Ba't ang dami nyang tanong.Buti nga hindi ko nasabi kung hindi mapapahiya sya

"Because?" Sabi nyang mukang nag iintay talaga ng sagot.

Ano naman ang isasagot ko sa kanya?

"Dahil mapapahiya ka sa dad mo" Sagot ko sa kanya at napairap nalang sa hangin.

"So are you worried about me?" Napatingin ako sa kanya at nakangiti nanaman sya,ghad.Kahit kailan talaga sya kung ano ano ang nalalaman.

"Ako? nag aalala sayo? No way.Never."

"so what the other reason?"

"R-reason? D-dahil master kita" Sabi ko sa kanya at tiningnan ko ulit sya pero nangiti parin sya.

"Stupid reason" Sabi nya at biglang tumingin sakin dahilan ng pagtitig namin sa isa't isa. "Siguro may gusto ka sakin" Napanganga ako sa sinabi nya,what? Why so assuming Travis?

"Sayo? No way..Sapat na sakin si Nash" Sabi ko at nginitian sya pero biglang nawala ang ngiti sa labi nya. Umiwas nadin sya sakin ng tingin.

"Si Nash na hindi parin dumadating ngayon?" Seryoso nyang sabi

"Handa akong intayin sya" Sabi ko at ngumiti ulit dahil kinikilig ako pag pinag uusapan si Nash pero sya.Walang emosyon ang muka nya,parang kanina lang lagi syang nakangiti.

"Sa tingin mo ba gusto ka nya?"

"Bakit hindi?" Sagot ko sa kanya pero ilang beses na akong ngumingiti sa kanya pero di nya ako tinintingnan at wala na syang emosyon na pinapakita ulit sakin.

"He's a Cheater"

Nawala nadin ang ngiti saking labi sa sinabi nya.

"Hindi ganon si Nash" Inis kong sabi sa kanya.

Ngumiti ito pero ngiting inis at half smile lang.

"Mas matagal ko na syang kilala"

"Paano kung sinisiraan mo sya?"

"Why would I do that?" Sabi nyang seryoso at tumingin na sya sakin

"Because you are badboy,ikaw narin ang may sabi na  mas gusto ng dad mo kay Nash kaya galit ka sa kanya.Wala kang paki sa iba dahil selfish ka"

"Anong tingin mo kay Nash? Perfect? Tama naman ako Cheater sya,mahal parin nya si Tricia and you? Sa tingin mo ba may paki sya sayo?"inis nyang sabi na ikinainit ng dugo ko

"Alam mo diko na ako mag tataka kung bakit mas gusto ng Dad mo si Nash..Alam mo kung bakit? Dahil mas matino sayo si Nash.Oo tama ka ang tingin ko kay Nash ay perfect.Siguro naiingit ka sa kanya dahil sa binibigay na atensyon ng dad mo sa kanya."Sabi ko sa kanya at ngayon parang na rerealize ko na mali ang sinabi ko dahil tumayo sya at nag lakad palabas ng gate.

Ghad..What did I say?

Hays..

Tumakbo ako para mahabol sya.Hinawakan ko ang kamay nya at huminto sya pero hindi sya lumilingon sakin.

"Sorry...Diko naman sinasadya yung sinabi ko.Nadala lang ako ng inis-----"

"I know,una palang inis kana sakin" Sabi nyang napakalamig ng boses nya

"H-hindi ganon ang i-ibig k-kong sabihin"

"What?" Inalis nya ang kamay ko sa kamay nya at humarap sya sakin.Na istatwa ako ng titigan nya ako.Diko maipaliwanag ang nakikita ko sa mata nya.Diko alam kung galit ba sya o nag aalala.Nag aalala? San? "What do you mean about that?" Sabi nyang seryoso.

"K-kasi---"

"Stupid reason again?"

Natikom ang bibig ko sa sinabi nya.

Unti unti syang humakbang papalapit sakin "Dahil ba badboy ako kaya ka natatakot sakin?" Bigla nya akong hinawakan ang balikat ko at naistatwa na ako.

Kinuha nya na ang suit nya sakin at tumalikod na sya sakin.

"Totoo ang sinasabi ko" Sabi nya at naglakad na palayo sakin.

Totoo?

Ang alin?

Na cheater si Nash?

Ghad..No..Hindi ganon si Nash..Never nyang gagawin 'yon.Hindi sya ganon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top