Chapter 17
Chesca's Pov
Hindi parin maalis alis sa isip ko ang sinabi nya.Bakit nya ako gustong protektahan?
"May problema kaba?" Tanong ni Nash.Nag lalakad kaming dalwa ngayon sa labas dahil hindi ako umatend ng klase kanina at hindi kami nag kita.
Hapon na din siguro'y mga 5pm na.
"Sigurado kabang magaling kana?" Tanong nya dahil ang sabi ko sa kanya ay masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok kanina.
Tumango nalang ako sa kanya.
"Pwede ba kitang imbitahin bukas?"
Imbitahin?
"Saan?" Tanong ko sa kanya
"Sa kaarawan ni Dad." Nanaman? Party? "Ako na ang bahala sa susuotin mo"
Ghad,ayoko sanang pumunta pero yung mga mata nya na nakatitig sakin ay nag mamakaawa na.
"Sige,pero yung dress ko nalang susuotin ay yung dating binili mo para sakin" Sabi ko sa kanya
"Sigurado kaba?" Tumango nalang ako
Umupo kami sa bench dahil pagod na kami kakalakad.
Isang Nash ay kasama ko ngayon?
Isang Nash na sikat?
Paano kaya kung dito ako nag aral noon pa? Siguro'y makikita ko ang pagiging Bad Boy nya katulad ng sinasabi ng ibang tao.
Si Travis, gaano din ba sya kasama noon para katakutan ng mga estudyante? bakit parang hindi ko makita masyado sa kanila ang pagiging Bad Boy nila dahil sa ibang pinapakita nila sakin?
"Bakit ka naging badboy?" Pag basag ko sa katahimikan.
"Bakit mo natanong?"
"Na cucurious lang kasi ako"
Nginitian nya ako,ngiting nakakatunaw.
"Ewan ko.Tingin nila sakin ay nakakatakot dahil dati ay kasali ako sa grupong Blame.
" Blame?"
"Isa sa grupo na kinakatakutan,Kasali ako noon 'don pero umalis din ako nung simula ng makilala ko si Tricia.Sa grupong 'yon ay tuturuan kang lumaban at bumaril"
Bumaril? Ibig sabihin ay marunong syang bumaril?Pero si Travis?
"Si Travis?"
"Si Travis ay leader ng isang grupo na sikat,hindi ko alam kung paano sila mag ensayo pero ang grupo nila ang pinaka kinakatakutan.Di ko alam kung kasali paba si Travis sa grupong 'yon o hindi na."
"Papa,gusto ko ng ice cream" Napatingin ako sa batang nakapangko sa tatay nya.
"Gusto mo rin ng ice cream?" Tanong ni Nash kaya napatingin ako sa kanya
"Hindi"
"Bakit parang ang lungkot ko ng tingnan mo ang batang 'yon?" Sabi nya kaya napayuko ako.
"Gusto kong bumalik sa nakaraan" Sabi ko at nginitian sya.
"Bakit?"
"Miss ko na kasi si Tatay"
"Asan ba sya?" Tumingin ako sa kanya at nginitian ulit.
"Don" Tinuro ko ang langit "Andon sya" Tumingala ako "Sa tingin mo ba nakikita nya ko ngayon?"
Bigla syang tumayo at hinila ako.Wala na akong naggawa kung di ang sumunod sa kanya.
Hanggang sa bumagal kami ng bumagal.
"Ang sarap mag exercise diba?" Sabi nya at inakbayan ako dahilan ng pag init ng muka ko. Napalayo ako sa kanya dahil baka marinig nya na ang tibok ng puso ko.
Nadilim nadin at baka mamaya abutin pa kami ng gabi.
"Dipa ba tayo uuwi?" Tanong ko
"Bakit ayaw mo naba akong kasama?" Nag paawa pa ang muka nya sakin dahilan ng pag ngiti ko,ba't ang cute nya? "Oo nga pala, pwede ko bang malaman kung ano ang offer sayo ni Travis?"
"Wag mo ng isipin 'yon" Ayoko ngang sabihin sa kanya baka mamaya kung ano pang gawin nya.
Napayakap ako sa sarili ko ng makaramdam ako ng lamig,ghad. Ang lamig na.
Hinubad nya ang blazer nyang suot at sinuot sakin.
Tumingin ako sa kanya habang kami ay nag lalakad,ang pogi nya talaga ba't ganon?
"sa totoo lang,nagiging masaya ako sa tuwing kasama ka" Sabi nya habang nag lalakad pero hindi natingin sakin.Ghad,wag na syang tumingin baka makita nya ang namumula kong muka. "Ikaw tatanungin ko,masaya kaba pag ako ang kasama mo?" Hindi parin sya tumitingin sakin at diretsyo lang ang tingin sa harap.
Halos hindi ako makasagot sa tanong nya.
"Alam mo sa katahimikan mong ginagawa ay pakiramdam ko ay hindi ka masaya" Nagulat ako sa sinabi nya.Of course not.
"H-hindi ah"
Ako hindi masaya? Sino naman kaya ang hindi magiging masaya na ang dati mong crush ay nakakasama mo?
"Alam mo gustong gusto kong malaman ang offer na binigay sayo ni Travis"
"Bakit?" Diretsyo lang ang paglalakad nya at hindi talaga ako tinitingnan.
"Dahil sa offer na 'yon ay magkasama kayo lagi ni Travis at alam mo dahil 'don ay nag seselos ako" Bigla na syang tumingin sakin pero nginitian nya lang ako pero diretsyo parin sya sa paglalakad
"Nag seselos?" Tanong ko "Wala naman akong nararamdaman para kay Travis,tinuturing ko lang syang Master" Sabi ko sa kanya
"Paano mo naman nasabi na bilang master?"
"Syempre,dahil iba ang gusto ko" Sabi ko nalang
Hinila nya ako papunta sa damuhan at umupo kami 'don.
"Hindi nadin masasabi 'yan,alam mo kung bakit?"
"Bakit?" Sa harap lang sya nakatingin
"Parang ako,akala ko iba ang gusto ko pero habang tumatagal iba na ang tinitibok nito" kinuha nya ang kamay ko at inilagay sa dibdib nya "Sinasabi nito na,mag mahal ako ng iba at ang babaeng 'yon ay ang babaeng nasa harap ko ngayon." Inalis nya na ang kamay ko sa dibdib nya at humiga sya habang ako ay nanatiling nakaupo. "Hindi ko akalain na mahuhulog ako kahit na alam ko dati na iba ang tinitibok ng puso ko."
Ba't ba ganyan sya mag salita? Ba't nya ako pinapakilig ng sobra? Bakit pinaparamdam nya sakin ang ganto?
"Ang tanong ko lang ay kung kami ba ang para sa isa't isa o isa lang din itong pag subok sakin? Sana hindi na 'to maging pag subok dahil sa oras na pag subok lang ito ay ayoko ng mag mahal uli,dahil ayoko ng masaktan pa"
*********
Lumabas ako ng bahay at nakita ko agad si Travis na nasa unahan ng kotse nya.
Ghad! Susunduin ako ni Nash ngayon.
Tumingin sya sakin ng diretsyo.Lumapit ako sa kanya
"Travis,mauna kana" Kumunot ang noo nya "May aasikasuhin pa kasi ako" Sabi ko at itinaas nya lang ang kilay nya.
"Hindi ako pumunta dito para sa wala" Hinila nya ako at binuksan ang pinto ng kotse nya sabay sakay sakin.Sumakay na 'din sya.Gosh.Ang kulit nya.
Tinext ko nalang si Nash at nag paliwanag ng dahilan.
Bakit hindi nanaman kami papunta sa School? Ba't ibang direksyon nanaman ang pinupuntahan namin?
"San tayo pupunta?" Tanong ko at nginitian nya ako,gosh.Di nanaman kami aatend ng klase?
Nagugutom na ako,kung hindi baman ako excited dahil akala ko na sya si Nash ay hindi tuloy ako nakakain.Napahawak nalang ako sa tiyan ko at bumuntong hininga.
"Di kapa nakain?" Nakakunot ang noo. Wala nalang akong naggawa kundi ang tumango. "Ate,isang banana Que" Sabi nya sa babaeng na nag lalako sa daan at pinaandar nya na ulit ang kotse nya.Inabot nya sakin ang bananaque.
Ghad.Kinain ko nalang,dahil gutom na gutom na talaga ako.
"Ano bang lasa nyan?" Tanong nya kaya napatigil ako sa pagkain nito.Bumili sya tapos di nya alam kung anong lasa nito?
"Masarap" Sabi ko at kumain na ulit.
"Patikim" Kinuha nya ang bananaque gakit ang isa nyang kamay at kinagatan nya yung part na may kagat ko na.Nag iisip ba sya?
"Bakit dyan ka kumagat?" Inis kong tanong
"Bakit nag kiss nanaman tayo diba?" Naistatwa ako sa sinabi nya at nag iinit na ang muka ko. "Naubos ko na" Sabi nya sabay tapon ng Stick kung saan "Bakit parang natahimik ka? May mali ba akong sinabi?" Pang iinis nyang sabi sakin at ako walang magawa kundi ang yumuko nalang. "Ah alam ko na" Tiningnan ko sya ng masama pero sa harap lang sya nakatingin dahil nag dridrive sya "Dahil ba 'don sa kiss natin?" Bigla syang tumingin sakin sabay nginisian ako at tumingin na ulit sa harap.Inirapan ko nalang sya.
Bakit kailangan nya pang ipaalala 'yon?
Pwede bang balikan ang araw na 'yon para itama ko ang maling pangyayaring 'yon?
"Gusto mo ulitin natin?" Napatingin ako sa kanya habang sya ay nakangiti habang nag dridrive.
"Subukan mo at sisiguruduhin ko na paduduguin ko ang 'yong bibig" Ngumiti nanaman sya at kulang nalang ay umabot na sa kanyang tenga.Bakit ba tuwang tuwa syang inisin ako?
Huminto na ang sinasakyan naming kotse. Aalisin ko na sana ang seat belt kong suot pero gosh ayaw maalis.
"Kailangan mo ng tulong?" Sabi nya
"Tulong naman oh" Sabi ko at naramdaman ko na umikot ang kamay nya sa leeg ko.Bigla nanaman akong naistatwa.
Gosh,nang iinis ba talaga sya? Di naman nya kailangang iikot ang kamay nya sa leeg ko para lang alisin ang seat belt ko.
Lalo nya pang tinatagalan.Humarap ako sa kanya at....
magkaharap na ang muka namin at konting galaw ko lang ay maaring ....no.....tumingin nalang ako sa kabilang gilid.Narinig ko naman ang pagtawa nya.
Inalis nya na ang seat belt ko at dali dali na akong bumaba ng kotse nya.
Bumaba narin naman sya,asan ba kami?
"Bakit ba tayo andito?" Tanong ko
"Para mag pahangin" Napanganga nalang ako,di kami papasok para lang mag pahangin sya?
"Travis,sigurado kaba sa sinasabi mo? Dahil lang mag papahangin ka-------" Diko na natapos ang sasabihin ko ng biglahin nya akong hilahin at huminto kami sa tulay,ang baba nito ay tubig.
May nilabas sya sa bulsa nyang parang kung ano.Binuksan nya 'yon at nilagay sa kamay nya yung laman 'non at hinulog sa tubig.
"Omy" Sabi ko ng biglang naglabasan ang mga isda. Ang daming isda.
"Ang ganda nilang tingnan tama?" Sabi nya, napangiti nalang ako sa kanya at binalik ang tingin sa mga isda.Naglaho na ulit ang mga isda nung maubos ang pakain nila. "Subukan mo" Kinuha nya ang kamay ko at binuksan ang palad.
Nilagay nya sa palad ko ang pakain ng isda.
Nilaglag ko sa na sa tubig at nagkagulo na ulit ang mga isda.Ghad.Ang ganda tingnan ng mga isda,nakaalis ng inis yung pagtingin ko sa kanila.
"Pahingi pa ako" Tumingin ako sa kanya at napahinto ako ng nakatitig sya sakin habang nakangiti. Napatitig ako sa mata nya.
Naistatwa ako ng unti unti syang lumapit sakin.Pumikit ako.
Naramdaman ko nalang na kinuha nya ang kamay ko kaya napamulat ako ng mata.Nilagyan nya ulit ito ng pakain sa isda.
Bumalik na ulit sya sa pagtingin sa isda habang natawa.
Nilaglag ko nalang yung pakain ng isda sa tubig.
"May gusto sana akong sabihin sayo" Tumingin ako sa kanya. "Pwede ba kitang isama sa birthday ni Dad?"
"Birthday?" Tumango sya,si Nash inimbitahan nya na ako.
"Naimbitahan na ako ni Nash" Tumango sya at bumuntong hininga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top