Chapter 16
Chesca's Pov
Tahimik lang kami ni Travis habang nag lalakad papunta sa room nya,pero hindi na nya pinapadala ang bag nya sakin.
Diko maiwasang tingnan sya kasi parang napaka seryoso nya ngayon,ay seryoso na pala talaga sya dati pa.Parang may iba,parang may problema sya.
"Pwede ba wag mokong tingnan" Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya.Narinig kong bumuntong hininga sya at biglang huminto kaya napahinto narin ako.Bigla syang humarap sakin. Napatingin ako sa kanyang mata.
Bakit ba sya huminto? Di ko maalis ang titig ko sa kanya.
"Sumama ka sakin" Nagulat ng ako'y bigla nyang hilahin lalabas ng School.
"T-travis" San nya ba ako dadalhin,sumakay sya sa kotse nya.
"Sumakay ka" Seryoso nyang sabi,ghad.San nanaman kami pupunta?
Wala nadin akong nagawa kung di sumakay din.
"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya "May klase tayo----"
"Wala akong paki" Sabi nyang seryoso
Bigla kaming huminto sa park.
"Bakit andito nanaman tayo?"
"Tara na" Bumaba sya bigla at napabuntong hininga nalang ako dahil wala akong magawa kung hindi ang sundin sya.
Hinila nya ako bigla at parang mag ka holding hands nanamin kami,diko maalis ang kamay ko dahil sobrang higpit ng hawak nya sakin.
Bigla na kaming nakalagpas sa Park,akala ko sa park kami pupunta dahil huminto sya don.
Huminto na sya sa pagkakahila sakin kaya
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.
Umupo sya bigla sa tabi ng lawa.Umupo nalang ako sa tabi nya,kumuha sya ng bato at inihagis.
Nabalot lang ang katahimikan samin.Gusto kong mag salita pero ano naman ang sasabihin ko?
Biglang may tumunog na cellphone at mukang kanya 'yon.Itinapat nya ito sa kanyang tenga.
"Hello Dad" Sabi nya. "And for what?" Galit nyang sabi. "I don't care" Nagulat ako ng ibato nya ito sa lawa.Binato nya ang kanyang cellphone.
"B-bat mo binato?" Sabi ko pero nakasara ang kamao nya at seryoso ang tingin sa lawa kaya nanatili nalang akong tahimik
"Sa iyong palagay,may ama bang hindi mahal ang kanyang anak?" Sabi nya at biglang yumuko.Nakaramdam ako ng awa sa kanya ng diko alam ang dahilan.
Sinuklay nya ang buhok nya.
"Bakit hindi sya patas?"
"Siguro ang anak lang ang nakakaramdam na hindi sya mahal ng kanyang anak"
"Paano kung hindi nya lang ito nararamdaman kung di ipinapakita na 'to ng kanyang ama?" Sabi nya at nakatitig na sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin,sa lawa na ako tumingin upang maiwasan ang kanyang tingin sakin.
"Siguro para nadin ito sa ikakabuti ng kanyang anak"
Narinig kong bumuntong hininga sya at nag hagis ng bato sa lawa.
"Si Dad,lagi nyang ipinaparamdam sakin na lagi akong mali,parang anak nya akong puro mali ang ginagawa na kahit anong gawin kong maganda ay hindi nya makita" Sabi pa nito.Tumingin ako sa kanya at nagbato ulit sya ng bato sa lawa. "Si Nash ang lagi nyang inaasikaso at para sa kanya si Nash ang best son sa kanya.Si Nash ang laging nakakagawa ng tama,wala na syang nabibigay na atensyon sakin dahil binibigay nyang lahat ito kay Nash.Tapos ngayon tumawag sya upang sabihin na ipinagkasundo ako.Ipinag kasundo na ikasal? Ang saya ng buhay ko" Sabi nyang inis at nag hagis nanaman ng bato.
Ganon pala ang nararamdaman nya? Hindi ko inaasahan na ganon pala ang nararamdaman nya,buong akala ko ay masaya sya dahil nasa kanya na.Talent,kayaman at kasakitan pero mali ako dahil sa kabila ng lahat ng 'yon ay may nararamdaman din pala syang kalungkutan.
"Alam mo Travis,alam mo ba ako?" Tumingin sya sakin pero ngayon di na ako umiwas ng tingin "Wala na akong tatay" Bigla nalang pumatay ang luha ko at nagulat ako ng ngumiti sya at pahiran ang luha ko.
"Maari mo bang ikwento?" Sabi nya at ngumiti nanaman "Gusto kong malaman"
"Si Tatay,namatay sya seven years old palang ako" Sabi ko at tuloy tuloy ng umaagos ang luha ko "Si mama,wala sya sa bahay dahil nag tratrabaho sa ibang bansa.Minsan namimiss ko si Tatay dahil gusto ko ulit maramdaman ang yakap nya at ang lambing nya sakin mung bata pa ako. Iniisip ko nga minsan kung bakit kailangan nya pang mawala,kung bakit ang aga nyang mawala at ang aga kong ma ulila. Iniisip ko kung paano kaya kung buhay pa sya ngayon? paano kung andito pa sya? paano kung kapiling ko pa sya?" Tumingin ako sa lawa "Noong bata ako naaalala ko pa nung araw na lagi nya akong nilalagay sa balikat nya para maabot ko ang bagay na hindi ko kayang abutin dahil maliit pa ako.Lagi nyang sinabi sakin na hindi lang pera ang kayamanan kung hindi ang pagmamahal-----"
"Tama na" Sabi nya at tumayo sya sabay itinayo nya ako.Pinunasan nanaman nya ang aking luha gamit ang kanyang daliri. Hinawakan ako sa dalwang balikat at ngumiti nanaman sya sakin "Pinapangako ko sayo na,kahit na wala na ang iyong tatay ay magiging masaya ka parin,kahit na wala dito ang iyong nanay ay gagawin ko ang lahat para protektahan kita"
Bigla syang bumitaw sa balikat ko at naglakad palayo sakin,naiwan akong tulala.
Anong sinabi nya?
"Pinapangako ko sayo na,kahit na wala na ang iyong tatay ay magiging masaya ka parin,kahit na wala dito ang iyong nanay ay gagawin ko ang lahat para protektahan kita"
*******
Tricia's Pov
Nakakainis,nakaka bwiset.
Lahat ng halaman na nandito sa rooftop ay iniihagis ko sa sahig,dahilan ng pagkabasag ng mga paso.
"Bakit ka ganyan? ba't mo laging pinaparamdam na ayaw mo sakin?" Napaupo ako sa sahig habang umaagos ang luha.
"Kailangan mong tanggapin na ayaw nya sa iyo,kung hindi mo tatanggapin 'to ay lalo kalang masasatan at aasa" Napatingin ako sa kanya at inilahad nya ang kamay nya,kinuha ko ito at tumayo ako.Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Naiinis ako sa sarili ko,kahit alam kong ayaw nya sakin lagi ko nalang pinag sisiksikan ang sarili ko" Umalis sya sa yakap at nginitian nya ako sabay gulo ng aking buhok
"Minsan kahit turuan natin ang puso natin ay hindi ito sumusunod dahil ang kanyang desisyon lang ang sinusunod nito."
"Bakit ka ganyan? Bakit kahit sinaktan kita ay tinutulungan mo parin ako?"
"Ang sakit nag hihilom pero ang mga ala ala hindi ito mawawala."
"Nash,sorry,sorry sa ginawa ko sayo."
"Wala na 'yon.Gusto ko ngang mag pasalamat sayo dahil sayo ay nakilala ko ang babaeng gugustuhan ko .Salamat dahil nakilala ko sya" Sinong tinutukoy nya? Si Chesca ba? "Alam mo,hindi ko akalain na makakalimutan kita"
"Sana,katulad mo din ako" Sabi ko sa kanya at yumuko. "Sana dumating din ang araw na sa tuwing malapit sya ay hindi na lalakas ang tibok ng puso ko,sa tuwing sya'y makikita ko ay hindi na titigil ang paligid,sa tuwing may kasama syang iba ay hindi na ako iiyak"
Bigla nya akong niyakap,dahilan ng pagiyak ko sa kanyang balikat.Kung pede lang alisin ang puso ko ay naggawa ko na kahit ito man ay ikamatay ko basta't tumigil na ito sa pagtibok at masaktan.
*********
Chesca's Pov
Habang nag dridrive sya ay nakatayo ako sa kotse nya para mas maramdaman ko ang hangin.
Ang saya talaga sumakay sa kotse nya.
"Umupo ka at baka mahulog ka sakin" Napatingin ako sa kanya .Biglang huminto ang kotse nya dahilan ng pagbagsak ko.Nasa ilalim ko sya at nakangisi sya sakin "Sinabi ko sayo na umupo ka at baka mahulog ka sakin"
Umalis agad ako sa sa harap nya at umayos ng upo.Bumaba sya ng kotse at nasan naman kami ngayon?
Pumasok sya sa loob ng tindahan ng cellphone? Sumunod nalang ako sa kanya at ang gaganda ng cellphone.
May pink akong cellphone na nakita at napatingin ako sa presyo.Grabe ang mahal.
Tumingin ako kay Travis at nakapamulsa sya habang natingin sa mga cellphone.
Tinuro nya ang isang cellphone at nakapili na nga sya.Tinapon tapon kasi ang cellphone sa lawa tapos bibili ng bago,diba sya ng hihinayang sa pera?
Nag bayad na sya sa ate tapos lumabas kami ng tindahan na 'yon.Sumakay ulit kami sa kotse nya at dalwang kahon ng cellphone?
Bigla nyang inabot sakin ang isang box.
"P-para san yan?"
"Kunin ko nalang"
"Pero--"
"Tandaan mo na ako parin ang masusunod satin" Kinuha ko nalang at binuksan ito.Kulay black na cellphone at ang ganda,napatingin ako sa likod at may sticker na 'Princess'
"Para san ba 'to?"
"Regalo ko sayo." Mag sasalita pa sana ako pero naunahan na nya ako "I'm your master.May sticker akong nakita kaya pinalagay ko narin." Nakangiti nitong sabi. Tiningnan ko yung box ng isang cellphone at mag katulad lang ng tatak at tulad na tulad kami ng Cellphone.
Pinaandar na nya ang kotse nya.
"Seryoso ako kanina" Napatingin ako sa kanya ng maging seryoso nanaman ang boses nya "Magiging masaya ka kahit wala ka ng ama at proprotektahan kita hanggang kaya 'ko"
Napapaisip ako,san nya ako proprotektahan? Ba't nya ako proprotektahan? Bakit nya sinasabi 'yan
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top