Chapter 15

Chesca's Pov

"Congrats numbe 4" Sabi ng Mc dahilan ng sigawan sa baba,number 4? number namin 'yon diba?

Ghad? Totoo ba 'to? Napayakap ako sa kanya at napahinto ako bigla.Dahan dahan akong umalis sa yakap sa kanya,sorry na excite lang.

Nag step forward kamit at kinuha ang tropy.

Bumaba kaming dalwa sa stage,pero sya walang emosyon.

"Di kaba masaya na nanalo tayo?" Hala? baka mas gusto nya na manalo sa dance contest pero mas pinili nya ang sing contest

"I'm happy for you" Sabi nya at nginitian ako,for me lang? "Gusto mong kumain?" Umiling nalang ako sa kanya dahil di pa naman ako gutom,asan kaya si Nash.Hays..Na miss ko na sya bwiset na 'yon.

Nag lakad nalang kaming dalwa palabas ng school.Nakita ko naman si Nash na nakasandal sa pader habang nakapamulsa.Napahinto ako bigla.

Kausapin ko kaya sya?

Lalapit na sana ako sa kanya ng pigilan ako ni Travis.

"Anong gagawin mo?" Sabi nya

"Kakausapin ko sya" Sabi ko sa kanya

Bumuntong hininga sya.

Baka kung hindi ko sya kakausapin baka di na kami mag usap,mas ayokong mangyari 'yon.

"Travis,mauna kana please" Sabi ko sa kanya at bigla syang umalis sa tabi ko.Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt.

Dahan dahan akong lumapit kay Nash at ng makarating na ako sa harap nya ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Unti unti syang tumingin sakin sabay ngiti nya at naistatwa ako ng yakapin nya ako bigla.

"Sorry" Napangiti ako bigla,sya nag sorry? "Sorry Chesca"

"Sorry din,dahil di kita kinausap."

Umalis sya sa yakap at bigla nya akong hinila.Sumakay kami sa kotse nya at tahimik lang syang nag dridrive.

"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya

"Sa lugar kung saan kita dinala dati" Sabi nya at huminto kami,bumaba narin kami at nakita konulit ang mataas na tower.Hinila nya ako ulit.

Umupo kami sa may pinakamataas at nakatungo sya sa baba habang ako natatakot tumingin sa baba kaya diretsyo lang ang tingin ko sa harap.

"Kanina" Bigla syang nag salita kaya napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa baba "Kaya ako napatagal bumalik -------" Diko na sya pinatapos dahil alam kong dahil kay Tricia 'yon.

"Alam ko naman 'yon Nash" Sabi ko at tumingin sya sakin na nakataas ang kilay.Ngumiti ito

"Mali ka ng iniisip..Pabalik na sana ako sayo 'non pero hinawakan nya ako sa braso.Sinabi nya sakin na Sorry dahil sa ginawa nya sakin"

"Anong sinagot mo?" Tanong ko sa kanya at tumingin ulit sya sa baba.

"Sinabi ko na,nakalimutan ko na 'yon.Dahil may isang babae na tumulong sakin" Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya at lalo na ng tumingin sya sakin "Sinabi ko na,ang babaeng 'yon ay gusto ko" Nginitian nya ako

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Ako ang dapat nyang saluhin,ako ang dapat nyang sambutin dahil ako ang nahulog" Sabi nya at umiwas ng tingin sakin,tumingin nanaman sya baba. "Chesca,sa tingin mo sasaluhin nya ko?" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo ng tumingin nanaman sya sakin.What the? Anong isasagot ko sa kanya. "Ganto nalang, mag laro tayo" Sabi nya "Mag pick tayo,pag nanalo ka papayag kang ligawan kita pero sa oras na matalo ako ay hindi ka pumapayag.Game?" Sabi nya at bigla nyang iniharap ang kamay nya sakin na naka Stone.

Kung mag papapel ako mananalo ako pero sa oras na nag gunting ako matatalo ako.

Napangiti nalang ako.

Itinapat ko sa kamay nya ang kamay ko at unti unti 'tong binuksan na naka papel.

Tumingin ako sa kanya at nakatulala lang 'to sa may kamay ko.Dahan dahan umangat ang muka nito sakin at biglang ngumiti.

"Pumapayag ka?" Ngumiti ako at tumango

*********

Tricia's Pov

"Coffee?" I said.

Nakaupo sya sa unahan ng kotse.

"Thank you" He took the coffee

Tumabi ako sa kanya habang sya ay tulala lang.Ang lalim 'ata ng iniisip nya ah?

"Is there a problem?"

"Leave me alone" He said with serious tone.

"Can I ask a question?" I ask. "May gusto kaba kay Chesca?" Tumingin sya sakin ng seryoso at hindi ko mabasa ang nasa isip nya.Hindi nya ako sinagot at uminom sya ng kape.

Miss ko na ang dating Trevor, ang Trevor na laging nakangiti at lagi akong pinapatawa sa tuwing may problema ako. Dapat hindi ko nalang inamin sa kanya ang totoo kong nararamdaman,kung alam ko lang na ang pag amin ko ay ang pagkawala ng pag kakaibigan namin sana tinago ko na lang ang lahat.

Kaya ba takot ang iba na aminin ang totoo dahil baka iwasan sila nito?

"Trevor" Bumuntong hininga ako "Pwede bang maging mag kaibigan tayo tulad ng dati? Bestfriend?" Sabi ko at nilahad ko ang kamay ko,tiningnan nya lang ito kaya kinuha ko nalang ulit.  "Miss na kita" Sabi ko sa kanya pero parang wala syang paki sa mga sinasabi ko kaya napayuko ako,bigla nalang tumulo ang aking luha.

"Tricia,hindi tayo ang para sa isa't isa" Seryoso nyang sabi at nakatigin lang sa unahan nya "Hindi mo kailangang ipagsisikan ang sarili mo sakin" Lalo akong napaiyak sa sinabi nya "Kababata lang ang turing ko sayo"

"Pero bakit kailangang mag iba ang trato mo sakin?" Tanong ko

"Di ako nag iba Tricia"

"Bakit minsan hindi----"

"Ba't ba lagi mo nalang gusto na nasayo ang atensyon? Hindi sa lahat ng oras kailangan kitang pansinin"

"Dahil may gusto ka ng iba?" Seryoso kong tanong sa kanya

"Oo" Seryoso nyang sabi at tumingin sakin.

"Si Chesca?"

"Kung sino man sya ay hindi mo na kailangan malaman"

"Ba't kaba ganyan? Dati ako ang unang nakakaalam ng problema mo pero bakit ngayon?"

"Dahil sa ating dalwa ikaw ang nag bago" Ako? Paanong naging ako? "Umalis ka dito dahil lang sa hindi kita gusto,gumamit ka pa ng tao para lokohin mo.Si Dad dahil sayo buong akala nya ako ang may kasalanan ng pag alis mo dito sa pilipinas. Lalong lumayo ang loob sakin ni Dad at lahat ng pagiging ama nya ay binigay nya kay Nash." Napatulala ako sa sinabi nya,iyon na ang nangyari nong araw na umalis ako? Kasalanan ko ba kung bakit lumayo lalo ang loob ni Tito sa kanya? Kung ganon hindi ko naman gustong mangyari sa kanya 'yon.

"H-hindi ko alam na iyon pala ang nangyari,sorry"

"Masyado kang nag dedesisyon ng mabilisan.Lahat ng kamalian ko ngayon ay nakikita ni Dad,di man lang nya makita yung maganda kong ginagawa.Sa tuwing uuwi ako sa bahay, di nya ako pinapansin, parang hangin lang ako na dumadaan sa harap nya"

"Sorry"

"Alam mo iniisip ko na,mas tinuturing ka pa nyang anak.Mas mabait sya sayo.Diko alam kung bakit ganon sya.Diko alam kung dahil ba kay Nash o may ginawa ba akong masama sa kanya"

*********

Chesca's Pov

"Alam mo ngayon pakiramdam ko ay may kasama na ako ulit at hindi na ako nag iisa" Sabi nya habang nakahiga kaming dalwa dito sa taas ng tower.

"Bakit?"

"Dahil sayo,mula bata ako ay nag iisa lang ako,nag iisang kumain sa umaga at gabi. Sobrang tahimik ng bahay ko"

"Ba't wala kang katulong?"

"Wala akong ibabayad sa kanila,oo mayaman ang ama ko pero ayokong iaasa ang lahat sa kanya.Sino nga naman ako? anak lang ako sa labas"

Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay

"Ano naman ngayon kung anak sa labas? Mabuting tao ka naman"

"Mabuti?"

"Ewan ko kung bakit ka tinaguriang badboy pero para sakin hindi naman,siguro dahil transfer ako kaya diko nakita ang mga masamang ginawa mo pero ngayon alam ko na na mabuti kang tao.Ilang beses mo na kaya akong tinulungan" Sabi ko sa kanya

"Alam ko na kung bakit kita nagustuhan agad sa maiksing panahon at alam ko din kung bakit ka nya nagustuhan" nya? anong ibig nyang sabihin? Umupo sya at ako nanatiling naka higa "Siguro nga may dahilan kung bakit ako niloko ni Tricia at ito na ang dahilan 'non,upang makilala kita" Nakangiti nitong sabi habang nakatingin lang sa harapan.

"Akalain mo 'yon,makikita kita ulit mula ng bata pa tayo? "

"Oo nga,nag bago kadin. Nawala na ang malaki mong salamin" Sabi nya at tumawa,ano namang nakakatawa 'don? Masama mag salamin 'non?

Tunayo na sya at inilahad nya ang kamay nya,tinanggap ko 'yon at itinayo nya ako.

Bumaba na kami ng tower at nag lakad papunta sa dilaw nyang kotse.Pinagbuksan nya ako ng pinto,so pinaninindigan nya talaga ang panliligaw sakin,nag suot nalang ako ng seat belt.

Nag drive na sya.

"Sorry ulit" Sabi nya sakin

"Para san?"

"Dahil 'don sa contest,congrats nanalo kayo" Sabi nya

"Ok na 'yon" Sagot ko nalang sa kanya "Pero alam mo kinabahan ako kanina,buti na nga lang ay dumating si Travis at magaling din pala sya kumanta?" Hindi sya sumagot kaya napatahimik na ako.

"Sana ako yung lalaking kasabay mong kumanta sa stage,sana ako yung lalaking naaalala mo ngayon sa tuwing maririnig ang salitang Pagkanta" Sabi nya at napaka seryoso nya,masyado syang ma drama eh no?

Binatukan ko sya.

"Alam mo ang drama mo rin pala"

"Nagugutom kaba?" Tanong nya

"Hindi" Tipid kong sagot

Nang makarating na kami sa bahay ko ay pinagbuksan pa nya ako ng pinto at inalalayan bumaba.

"Thank you" Iyan nalang ang nasabi ko sa sobrang kilig ko

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top