Chapter 14

Chesca's Pov

"May gaganaping singing contest sa Court bukas at ang oras ay 5pm at maaring sumali ang mga gusto" Sabi ni Sir.

"Are you willing?" Sabi ni Nash na katabi ko,marunong naman ako kumanta pero nakakahiya,kaya wag nalang.

"Nakalimutan kong sabihin na pair ito,isang lalaki at isang babae."

"Marunong kabang kumanta?" Tanong nya

"Oo pero siguro hindi rin ako sasali,nakakahiya at ang kailangan ay may partner"

"Why not? Ako ang 'yong kapartner" Tumingin ako sa kanya,marunong ba syang kumanta? "Ano?" Sabi nya na nakangiti.Ewan ko pero napatango ako dahil sa mga ngiti nya. "May offer ako sayo" Nakangiti nyang sabi sakin "Sa oras na manalo tayo ay pwede ba kitang maging girlfriend" Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya "Parang iba na kasi Chesca,parang ako dapat ang saluhin mo dahil malapit na ako mahulog" Bumuntong hininga sya at ngumiti ulit "Deal?"

Pumunta ako sa Canteen at umupo sa tapat ni Travis na nakangiti.Tumingin sya sakin na nakataas ang kilay.

"Bakit ka masaya?" Tanong nya

"W-wala" Sabi ko nalang

"Oo nga pala,mamaya may practice ako ng sayaw para sa gaganaping dance contest" Oh? may dance contest?

"K-kailan?"

"Bukas at 5pm sa court" Nawala ang ngiti sa labi ko,ghad.Ba't mag kasabay pa?

"P-pero bakit? Akala ko sing contest bukas?"

"Pagkatapos ng dance contest ay isusunod ang sing contest,bakit parang natataranta ka?" Ghad,pinagbabawalan nya ako kay Nash tapos bukas makikita nya kami? Kung sabihin ko kaya sa kanya para di naman sya magalit ng sobra.

"Ah T-travis kasi bukas kasali ako sa sing contest" Sabi ko sa kanya

"And?"

"K-kapartner ko si---" Bumuntong hininga ako ulit "S-si Nash" Sabi ko nalang at yumuko

Ilang minto narin ako nakalipas pero wala akong narinig,tiningnan ko sya at nakatingin na sya sa ibang direksyon.Pinapayagan nya ba ako? Diba sya magagalit na kasama ko ulit si Nash?

"O-ok l-lang sayo?"

Bumuntong hininga sya at muling tumingin sakin "Anong magagawa ko kung iyon ang gusto mo?" Napangiti ako sa tuwa sa sinabi nya.

Ano nga bang kakantahin namin ni Nash?

Bukas na pala 'yon,hindi ba kami mag prapractice ni Nash?

"Chesca" Napatingin ako sa humawak sa balikat ko.Nash! Napatingin ako kay Travis pero sa ibang direksyon ito nakatingin, di ba sya magagalit sakin? "Mamaya pwede ba tayong mag practice samin?" Sabi nya

"Hindi" Napatingin kami kay Travis

"P-pero Travis----"

"Sasamahan nya ako mag practice sa pag sayaw"

"Edi sa Dance room kami mag prapractice." Sabi ni Nash na seryoso pero si Travis biglang tumayo at lumbas bg canteen. "Wala kabang kasama na?" Tanong ni Nash at tinabihan ako,ghad.Napatingin ako sa pinto ng canteen pero wala na sya.Galit na nga yata sya.

"Ahm,Nash anong kakantahin nating dalwa"

"Ikaw bahala,ano bang gusto mo?"

"Alam ko na,kung Dear no one?" Kumunot ang noo nya at mukang di nya alam. "Ito wait" Nilabas ko ang cellphone ko at sabay play ng Dear no one by Tori Kelly.

"Sige,pag aaralan ko" Sabi nya

"Anong suot bukas?" Tanong ko

"Maganda kung ang suot mo ay Volleyball uniform at ako naman ay Basketball Uniform" Sport?

Nag lalakad lang kami ni Travis papuntang Dance room.Walang nag sasalita saming dalwa at mukang nagalit sya ng dahil sa kanina.

Hanggang sa makapasok na kami sa dance room umupo nalang ako habang sya ay pinuntahan si Tricia? Sila lang dalwa?

Habang iniintay ko si Nash ay nag sisimula ng mag sayaw si Travis at Tricia,Ghad.Ibig sabihin by partner din sa dance contest?

Napatingin ako sa kanilang dalwa at mag kahawak ang kanilang kamay habang nag sasayaw,kita ko ang ngiti ni Tricia pero si Travis ay wala man lang emosyon.Napaiwas ako ng tingin ng diko alam ang dahilan.

Bumukas ang pinto ng Dance room at inuluwa non si Nash,tumabi narin sya sakin.

"Sorry,I'm late" Sabi nya pero ngumiti lang ako

"Alam mo na ba ang tugtog na Dear no one?"

"Sa totoo lang malapit ko na syang masaulo,konti nalang." Sabi nya "So let's start?" Tumingin sya kayla Travis pero umiwas sya ng tingin "Sa unang part ikaw ang kakanta" Sabi nya,hindi naba sya apektado kay Tricia? Hindi na ba sya nagseselos sa tuwing kasama nito si Travis?

Napatingin ako kayla Travis at nagulat ako ng nakatingin 'to sakin pero umiwas sya agad ng tingin at biglang nahulog si Tricia sa sahig dahil hindi sya nasalo ni Travis.Napatingin ako kay Nash pero kinakanta nya yung Dear no one,bakit parang wala na syang paki kay Tricia?

Hindi man lang tinulungan ni Travis si Tricia na tumayo.Ghad,ano bang merong ugali ka Travis?

"Hey..Kumanta kana" Napatingin ako bigla kay Nash "Ikaw ang mag sisimula" Sabi nya "Tumayo ka" Sabi nya sakin at tumayo nalang ako. "Humawak ka sa kamay ko" Sabi nya at humawak ako sa kanyang kamay "Sa oras na kinabahan ka bukas,hawakan mo lang ako ok?" Napangiti ako sa sinabi nya,nakakakilig kasi sya.

"I like being independent" Pag kanta ko at tiningnan ko sya sa kanyang mata,nakatitig lang din sya sakin "Not so much an invest---m-ment" Ang titig nya sakin ay sobrang nakakaakit,ang seryoso nya at parang hihimatayin ako sa pag titig nya sakin.Ghad.

"Tara na" Nagulat ako ng biglang may humila sakin lalabas ng Dance room

"Travis" Sabi ko at patuloy parin sya sa paghila sakin

"iuuwi na kita" Ha?

"Pero nag prapractice----"

"Masyado ng magabi" Sabi pa nya.

"P-pero---"

"No buts" Sinakay nya ako ng sapilitan sa kotse nya at nag drive sya agad.Sorry Nash.

Nag seatbelt ako.

Ano nanaman kasing pumasok sa utak ng lalaking 'to? Dipa kami nakakapag practice ni Nash,porket sila ni Tricia nakapag practice na eh.

"Anong kakantahin bukas?" Bigla syang nag salita kaya napatingin ako sa kanya

"A-ano?"

"Kakantahin nyo ni Nash?" Ahh sa contest

"Dear no one" Sabi ko nalang na seryoso sa kanya.

"Bakit naman 'yon?" Ghad? Ba't ba ang dami nyang tanong?

"Because of someone"

"Someone?"

"Kasi nung bata ako,may isang batang lalaking naka mask na kumakanta 'non.Nagandahan naman ako sa boses nya at don sa kanta.Iyon din kasi yung kanta na una kong naparinggan"

"Sino ang batang 'yon?"

"I don't know,habang nasa park ako ay nakita ko nalang sya sa duyan"

Bumaba na ako ng bahay ng makarating kami at nag thank you nalang ako sa kanya.

************

Ghad habang nakaupo kami sa backstage ni Nash ay halos mahulog na ang puso ko sa kaba,dance contest palang pero kinakabahan na ako.

"Ghad,Travis ang sakit" Si Tricia ba 'yon? Napasilip ako sa stage at pati narin si Nash.Nakaupo si Tricia habang hawak ang binti nya. "Ouch,sobrang sakit" Sabi nya at nagulat ako ng tumakbo si Nash papalapit kay Tricia at dinala ito pababa ng stage,gusto kong sumunod pero di pwede.Umupo nalang ako ulit dito sa backstage.

"Next sing contest" What the hell? Pang ilan kami ni Nash? Pang apat kami.

Naka volleyball uniform ako pero wala pa si Nash.

Nag palakpakan na ang manonood ng matapos ang pangalawang kumanta,ghad?

Malapit na kami ni Nash pero di parin sya nabakik asan na ba sya? Sunod na kami.Naiiyak na ako.Bakit ba kasi di pa sya nabalik?San ba sya sumuot.

"Thank you Mrs.Fen" Sabi nung Judges. "Next number 4" Sabi nung Judges,bumuntong hininga ako at dahan dahan umakyat sa stage.Nakatingin ang lahat ng tao sakin at nag bubulungan dahil nag iisa lang ako.Nag simula na ang tugtog.

"I like being independent" Pagkanta ko "Not so much an investment" Bigla nalang tumulo ang luha ko,dahil sya na ang sunod na kakanta "No one tell me what to do" Umaagos na ang luha ko,asan na ba kasi sya?

"I like being by myself" Napatingin ako sa umakyat sa stage at naka basketball uniform sya,lumapit sya sakin at nginitian ako,sabay sigawan ng tao na nanonood "Don't gotta entertain anybody else" Pinahiran nya ang luha ko "No one to aswer to" Ang ganda ng boses nya at bagay na bagay sa kanya ang kantang 'to,hinawakan nya ang kamay ko at nag sisigawan na ang buong paligid,nakatitig sya sa mata ko at ganon din ako.

"But sometimes I just want somebody to hold". Ang pagtitig nya sakin nakakatunaw at parang wala ng bukas. Diko alam pero diko kayang umiwas sa mga tingin nya at kumikinang nyang mata "Someone to give me their jacket when it's cold" Ngumiti sya ulit sakin at dahilan 'non ay pag init ng muka ko "Got the young love even when we're old"

Humarap kami sa judges at mag kahawak ang isa naming kamay "Yeah,sometimes. I want to someone to grab my hand" Pagkanta ko. Tumingin ulit ako sa kanya at nginitian nya ako ulit na parang sinasabi nya sakin na 'Kaya mo 'yan' "I will love you till the end" Pag katapos ko sa pag kantang 'yon ay hinawakan nya ulit ako sa dalwang kamay at iniharap sa kanya.Halos ng iiritan na yung ibang babae at alam ko 'din na may nagagalit.Halos ma istatwa ako.Kinikilig ba ako? Kinakabahan? Bumibilis ang tibok ng puso?

"So if you're out there I swear to be good to you"Pag kanta nya,ba't ang ganta ng boses nya lalong nag iinit ang muka ko "But I'm done lookin'" Nung kinanta nya ang line na 'yon ay humawak sya sa pisngi ko na parang gusto nyang sabihin sakin ang susunod na line "for my future someone" Inalis na nya ang kamay nya sa pisngi ko at nginitian ako ulit "Cause when the time is right you'll be here,but for now , dear no one, This is your love song..Ooh..oh..oh" Humarap ulit kami sa judges at kinikilig din ang mga 'to.Sa pagtapos namin ng kanta ay nag bow kami at pag tunghay ko ay kasabay ng pagbukas ng pinto at sabay tingin nya sakin,bakit ngayon kalang? Bakit ngayon kalang dumating kung kailan natapos na ang contest?

"So anong pangalan nyo?" Sabi ng isang judges na parang bakla.Kinabahan ako bigla at nagulat ako ng hawakan ni Travis ang kamay ko ng mahigpit na parang ipinapaalam nya sakin na 'Andito ako don't worry'

"I'm C-chesca torres"

"And you ijo?"

"Travis...."

"Travis."

"Travis"

Sigawan ng mga babae

"I'm Travis Garcia" Walang emosyon nyang sabi

"Pero ijo,hindi pwedeng dalwang contest ang salihan mo.Isa lang ang dapat mong piliin"

Tumingin muna sya sakin bago sumagot.

"I choose sing" Sabi nya dahilan ng bulungan sa paligid..Dancer sya pero ang galing parin nyang kumanta.Pero pano naman ang pag sayaw nya? Nag practice sila ni Tricia 'don ah? Bakit sing ang pipiliin nya?

San naman sya nakakuha ng basketball Uniform?

Napatingin ako sa baba,kay Nash.

Seryoso lang ang muka nito at walang ka emosyon emosyon.Napaiwas ako ng tingin sa kanya, bakit kasi ang tagal nya? Paano kung hindi dumating si Travis baka napahiya na ako.

Hinila na ako ni Travis pababa ng stage.

"Thank you" Sabi ko sa kanya

"Magaling ka pala kumata"  Sabi nya sakin

"Pwede ba tayong mag usap?" Napatingin ako sa likod ni Travis

Nagulat ako ng hawakan ako ni Travis at itinago sa likod nya.

Nag tinginan silang dalwa pero parehas lang silang seryoso.

"Hindi ikaw ang kailangan ko" Sabi ni Nash na walang emosyon.

"Nung kailangan kaba nya dumating ka?" Napatingin ako kay Travis dahil sobrang lamig ng kanyang boses

Lalapit na sana sakin si Nash pero lalo akong itininago ni Travis sa likod nya.

Bakit ba kasi sya hindi dumating? Gusto ko pa naman syang maka duet sa stage pero hindi sya dumating. Ewan ko pero naiinis ako sa kanya.Naiinis ako dahil iniwan nya ako,iniwan nya kong mag-isa.Alam kong tinulungan nya lang si Tricia pero paano naman ako? Iniwan nya ko.

"Chesca mag usap tayo----"

"Ayoko munang makausap ka" Sabi kong seryoso at humawak sa kamay ni Travis ng mahigpit.

"S-sige kung iyan ang desisyon mo" Sabi nya at unti unti ng umalis sa harap namin.

Bawat hakbang nya palayo sakin ay ang pag agos ng luha ko,ang oa ko.

Ba't naiyak na agad ako?

Diko alam kung bakit ako naiyak,dahil naiinis ako? dahil di kami nakakanta na mag kasama,o dahil iniwan nya nalang ako bigla.

Humarap sakin si Travis at pinunasan ang aking luha "Tss..ang iyakin mo pala" Sabi nya

"K-khapon sa d-dance room ng mahulog sa sahig si Tricia hindi nya ito pinansin,a-akala ko n-nawala na ang nararamdaman nya kay Tricia,u-umasa l-lang p-pala ako." Sabi ko "Nakita ko kanina kung gaano sya n-na nag a-aalala kay T-Tricia p-pero sakin,h-hindi m-man l-lang nya ako n-naisip" Niyakap nya ako at umiyak ako sa kanyang dibdib.

"Baka hindi sya ang para sayo..minsan tumingin ka sa paligid mo para makita ang lalaking para sayo.Minsan kasi lagi nalang si Nash ang nakikita mo" Diko alam ang kanyang ibig sabihin kaya umiyak lang ako sa dibdib nya.

Ba't ang lakas ng apekto sakin ni Nash?

Wala namang kami.

Paano naman yung offer nya?

Sa oras na manalo kami ay magiging girlfriend nya ako. Paano kami mananalo kung hindi naman kami ang naging mag kapartner?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top