Chapter 13

{Chapter 13: Talk about love}

Chesca's Pov

Tahimik lang kami habang nag dridrive sya.Ghad..Dahil ba kay Tricia kaya nag kaganyan nanaman sya?

Tahimik lang kaming dalwa habang nag dridrive sya.Gusto ko syang kausapin pero paano?

Mahirap talagang ipalimot sa isang tao ang bagay lalo na kung napamahal na 'to sa kanya.

"Ahm..Nash ok kalang ba?" Tanong ko sa kanya biglansyang huminto dahil sa traffic,bakit lagi nalang kasing may Traffic?

Tumingin sya sakin at wala man lang syang emosyon.

"I'm Ok" Sabi nya at ngumiti pero 'yong ngiti nya ay alam kong pilit lang,alam ko ang totoo nyang ngiti sa peke.Tumingin na sya sa ibang direksyon at yumuko nalang ako.

Paano ko sya tutulungan makalimot?

"Nash kain tayo?" Sabi ko sa kanya at kumunot ang noo nya. "Please?" Bumuntong hininga sya at tumango nalang,inikot nya ang sasakyan pabalik. "Dyan nalang tayo" Bumaba na kaming dalwa.

"San tayo kakain?" Tanong nya at itinuro ko sa kanya yung ihawan. "Are you sure?" Nginitian ko sya

Hinila ko na sya.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya at diko maintindihan ang itsura nya,mukang ayaw nya siguro di pa nya natitikman "Ate apat ngang isaw" Sabi ko sa ate "Padala nalang po sa lamesa..Tara umupo" Sabi ko kay Nash at hinila sya papunta sa may lamesa.Tindahan din kasi 'to kaya may mga lamesa at upuan na pedeng kainan. "Alam mo nung bata ako dito ako laging nabili ng ihaw" Sabi ko sa kanya

"Sigurado kaba talaga?" Natatawa ako sa itsura nya.

"Eto na ija" Nilapag ni Ate yung binili namin.

"Eto po pala bayad" Inabot ko kay ate yung 20

"No ako na" Sabi ni Nash at nag labas sya ng wallet "Here" Sabi nya

"Ijo,wala kabang barya dyan?" Napatawa ako.

"Eto na po ate" Binigay ko nalang kay ate yung bente at binalik sa kanya yung isang libo.

Binalik nya nalang ssa wallet yung pera nya.

Naubos ko na yung isang stick ng isaw yung kanya tinititigan nya pa.

"Wala kabang balak kainin 'yan?"

"Ano ba 'to?" Tanong nya

"Tikman mo nalang kasi" Sabi ko sa kanya.Dahan dahan nya isinubo 'yon at dahan dahan din nyang nginuya.

Kinain ko nalang din yung akin,tinitingnan ko sya at sarap na sarap sya sa isaw.

"Sa loob ng 18 years hindi ko 'to natikman?"Sabi nya " Pede ba mag take out?" Tanong nya,tumango nalang ako "Sa bahay tayo kumain" Sabi nya sakin,what? sa bahay nya? Pumunta sya sa ate at umorder 'don.

Bumalik na sya na may dalang isang plastick ng isaw.Sumakay kami sa kotse nya.

Nag drive na sya at ngayon nakangiti na sya,dahil ba sa isaw? kung isaw lang lagi ang nag papangiti sa kanya araw araw ko syang dadalhan nyan.

Huminto kami sa malaking gate na may dalwang guard,binuksan nila ang gate at nag drive ulit sya papasok sa isang garage.

Bumaba kami at nakasunod lang ako sa kanya,pumasok na kami sa loob at halos lumuwa ang mata ko,what the hell is this? Ano ba 'to bahay? Palasyo?

Wala man lang katao tao.

Oo nga pala,naalala ko yung sinabi ni Den.Mag isa lang lumaki si Nash pero asan ang katulong?

"Pwedeng mag tanong? Asan ang mga katulong?"

"Wala akong katulong" Seryoso nya lang sabi "Sundan mo ako" Sabi nya kaya sumunod lang ako sa kanya at huminto kami sa kusina,pinaupo nya ko sa may lamesa at inilapag nya ang mga isaw na binili nya.Umupo na sya sa may tapat ko.

Kumain nalang kaming dalwa,ghad.Why so sarap this?

Ang takaw nya pala?

Kumain nalang ako ulit.

Napatingin ako sa kanya at napahinto ako ng nakatingin pala sya sakin at nakangiti.Umiwas agad ako ng tingin

"A-anong tinitingin tingin mo dyan?" Tumingin ulit ako sa kanya and the hell? Bakit nakatitig parin sya sakin?

"Ang ganda mo pala" Umiwas nalang ulit ako ng tingin,ghad..Pinapakilig nya ko.

******

"Salamat" Pag papaalam ko sa kanya.Naalala ko sabado pala bukas.Pababa na sana ako ng sasakyan ng bigla syang mag salita.

"Good night" Bumaba na ako at halos mahimatay ako sa sobrang kilig,bakit simple lang na salita kinikilig ako?

Pumasok ako ng bahay.

Humiga na ako sa kama pero hindi ako mapakali,ayoko pang matulog.Binuksan ko ang cabinet ko at kumuha ng jacket.

Lumabas na ako ng bahay para mag lakad,boring naman kung sa bahay lang ako.

Napahinto ako ng makita ko sya sa harap ng kotse nya at nakaupo habang may hawak ng bote ng alak.Napakunot ang noo ko,nakalabas na sya ng ospital?

Nagulat ako ng bigla syang tumingin sakin.Lalayo na sana ako ng bigla syang tumayo,diko alam kung bakit ako na istatwa sa kinakatayuan ko.Hanggang sa makalapit na sya sakin ng tuluyan.Nakatayo sya sa unahan ko ngayon at bigla nyang tinapon ang alak nyang dala,nag pamulsa sya at tinitigan ako habang ako nakatingin sa ibang direksyon ang mata ko.

"San kaba galing?" Sabi nya at inis na ngumiti,ngayon nakatingin na ako sa kanya. "Halos mamatay ako sa lamig sa tapat ng bahay mo" Umiwas na ulit ko ng tingin sa kanya dahil ang awkward. "Kasama mo ba si Nash?" Narinig ko na lang ang pag buntong hininga nya at alam ko talagang galit sya. "Look at me" Sabi nya at napatingin ako sa kanyang mata. "Di mo ba nabasa ang txt ko?" Sabi nya at nakatitig parin ako sa kanya,sinuklay nya ng isang beses ang buhok nya at tumingin sa ibang direksyon "Ba't ba hindi mo ko sinusunod? Pumayag ka sa offer ba't dimo ginagawa ang dapat mong gawin?"

"S-sorry" Iyan nalang ang lumabas sa bibig ko,tama naman sya.Sundin ko dapat sya dahil sa offer na tinanggap ko.

"Ngayon,simula ngayon.Ako na ang mag hahatid sundo sayo,hindi narin ako papayag na makasama mo si Nash.Ako lang lagi ang makakasama mo" Mag sasalita sana ako pero naisip kong manatili nalang tahimik dahil baka lalo lang syang magalit sakin pag sinagot ko pa sya. "Ihahatid na kita" Sabi nya at hinila nya ako papunta sa kotse nya.

Pag sakay naming dalwa ay na istatwa nanaman ako ng suotan nya ako ng seat belt,ba't nya laging ginagawa 'yan? Sa tuwing lalapit sya sakin ay laging bumibilis ang pag tibok ng puso ko,diko alam kung kinakabahan ako,natatakot or -----------no..hindi.

"Ba't ka nag lalakad mag isa ng gantong oras?" Sabi nya habang nag dridrive

"Gusto ko lang mag pahangin"

"Wala bang hangin sa bahay mo?" Diko alam kung nag bibiro ba sya o seryoso,mabubuhay ba ako sa bahay ko kung walang hangin?

Wait? konti lang naman ang nilakad ko kanina ba't ang tagal naman naming makarating sa bahay ko? Tumingin ako sa kanya at seryoso lang syang nag dridrive.Gusto kong mag tanong pero diko maggawa.Paiba iba talaga sya ng mood,minsan sobrang bait nya sakin pero minsan sobrang sungit nya.

Parang ang layo na namin,san nya ba ko dadalhin? Bigla nalang kaming napahinto sa dahil sa traffic,ang lakas ng hangin,dahil ang kotse nya ay ganto,walang bubong kaya mas malamig. Napatingin ako sa isang direksyon,napangiti nalang ako ng makita ko ang tower kung asan kami kanina ni Nash.

Sobrang taas nya talaga.

Miss ko na agad si Nash,nakakainis.Bakit ba kasi sayo pa ako nag ka gusto Nash? Sa tuwing iniisip kita kinikilig ako.

"Anong meron sa tower na 'yan?" Napatingin ako bigla kay Travis ng mag salita sya.

"A-ahh w-wala" Sabi ko nalang at tumingin nalang ulit sya sa unahan

Hanggang sa makalayo na kami sa tower na 'yon kaya tumingin nalang ako sa daan.

Biglang may tumunog na cellphone at kinuha nya ito.

Nilagay nya ito sa tenga nya.

"Concern na pala kayo sakin?" Sabi nya "Somewhere" Sino bang kausap nya? "Don't worry may kasama ako,hindi ako lasing" Sabi nya at binaba na ang cellphone nya.Bakit parang paikot ikot lang kami?

Bigla kaming huminto sa isang lugar na madamo.Bakit kami andito? Bumaba sya at humiga sa damuhan.Gusto ko din pumunta don at pag masdan ang mga bituin pero nakakahiya naman na bigla nalang akong lumapit sa kanya.

Nakapikit lang sya habang nakahiga 'don,samantalang ako ay eto nangangalay na ang pwet sa tagal ko ng nakaupo dito.Mamanhid na nga 'ata sa sobrang tagal kong nakaupo dito.

"If you want,di kita pipigilan" Sabi nya habang nakapikit.Bumaba na ako ng kotse dahil namamanhid na talaga ang pwet ko kaya humiga narin ako with matching hinga pa.Ang sarap humiga talaga sa ganto tapos makikita mo ang mga stars.

Ngayon katabi ko sya,ok so awkward nito.Tumingin ako sa kanya at nakapikit lang sya habang nakahiga,ang sarap titigan ang muka nya.Ang amo ng muka nya pag nakapikit.

Bakit kasi suplado sya? Sana kung hindi sya suplado o masungit  hindi takot sa kanya ang ibang babae at madaming makakalapit sa kanya.Ewan ko ba kung bakit mas gusto nyang maging badboy kaysa sa maging malakaibigan.

"Mas maganda kung titingin ka sa mga bituin at hindi sakin" Napaiwas agad ko ng pag katitig sa kanya.

"S-sa b-bituin ako n-nakatingin" Sabi ko nalang,ghad kinabahan ako 'don.Tumingin ulit ako sa kanya at minulat nya ang mata nya at tumingin sakin. "Alam mo ba na minsan iniisip ko kung bakit hindi nya ko magustuhan" Nagulat ako sa sinabi nya at tumingin ulit sa stars.Ito ba gung babaeng gusto nya na sinabi nya sakin? "Inisip ko na baka dahil hindi nya pa ako kilala,hindi nya pa kung gaano ako kasikat,kung gaano ako kayaman o kung gaano karaming babae ang nag kakandarapa sakin,pero sa huli naisip ko na baka may iba lang syang gusto kaya hindi nya ako makita sa paningin nya" Bigla syang umupo habang nakahiga lang ako

"Siguro'y baka di kalang nya napapansin" Sagot ko nalang sa kanya

"Di nya ako mapansin dahil nasa iba ang kanyang atensyon" Napahinto ako sa sagot nya. "Yung one sided love" Parang ako,mag isang umiibig.

Gusto ni Nash si Tricia habang ako gusto ko si Nash.Love triangle kumbaga.

"Ayokong ipagsisikan ang sarili ko sa kanya kung alam ko naman na hindi ako ang lalaking gusto nya" Sabi pa nya

"Ako kasi,pinagsisiksikan ko ang sarili ko pero kahit ganon ay nagiging masaya ako sa tuwing kasama sya at nangako sya sakin na sasaluhin ako pag dumating ang araw na nahulog na ako sa kanya ng sobra"

"Baliktad pala tayo no? Dahil ako nahulog na pero nagagawa ko paring bumangon at ipagpatuloy ang nararamdaman ko,sa tingin ko ay hindi nya ako masasalo lalo na hindi nya alam na nahulog na ako sa kanya paano nya ako sasaluhin kung ganon?" Tumingin sya sakin pero tumingin din sa harap.Diko alam kung seryoso ba sya sa sinasabi nya pero parang ramdam ko na nasasaktan sya.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?" Tanong ko sa kanya

"Diko alam kung paano,kung paano ko sasabihin sa kanya lalo na minsan ay natatakot sya sakin" Napangiti nalang ako,bakit nya ba kasi tinatakot kung gusto nya?

"Ibahin mo kaya ang pag trato sa kanya? Try mong maging mabait,iparamdam mo sa kanya kung gaano mo sya kagusto at iparamdam mo sa kanya na importante sya sayo,na seryoso ka" Sabi ko sa kanya

"Pag ginawa ko ba ang lahat ng 'yon,magugustuhan nya ako? sasaluhin nya na ako sa oras na malaman nya na mahuhulog na ako?"

"Hindi ako sigurado pero tataas ang chance na saluhin ka nya"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top