Chapter 12: Rain

{Chapter 12:Rain}

Chesca's Pov

Sabi ko kay Nash sasabay na ako pauwi sa kanya pero hindi ko nanaman naggawa dahil kay Travis,dahil sa dance practice nya.

Napatingin ako sa kanya habang nag sasayaw,nakikita ko ang pawis nya na tumutulo sa muka nya,bigla itong tumingin sakin at hindi ako umiwas.

Seryoso ang tingin nya sakin at bigla nanaman syang nag half smile sakin,ghad.Ba't ang pogi pogi nya?

Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya napaiwas na ako ng tingin sa kanya.

From: Nash
Iintayin parin kita,nasa gate lang ako.

Ha? Ano? Ba't di pa sya nauuna? Puntahan ko na kaya sya? Tumayo ako at lalabas na sana ng pinto ng mapatingin ako kay Travis at nakahinto sya,hindi nag sasayaw habang nakatingin sakin.

"Travis?" Sabi ng isang lalaking kasama nya sa group dance nila.

"Travis are you ok?" Sabi ni Tricia at tumingin narin sya sakin

"San ka pupunta?" Tanong nya sakin,gosh? ba't ba hindi ako makatakas sa kanya?

"Iihi" Sabi ko nalang at sana makalusot ako sa kanya.

Nag lakad sya papalapit sakin at hinila nya ako palabas ng dance room

"San tayo pupunta?" Tanong ko

"Sasamahan kita" Sabi nya at hila hila parin ako

Hanggang makarating kami sa Cr ng babae.Paano si Nash? Ba't ba kasi ang higpit ng mokong na 'to? Master ko sya hindi guard.

Pumasok nalang ako sa Cr at nag hugas ng kamay,nasa labas sya ng Cr ng babae at nakatingin sakin.Ghad.

Pumasok nalang ako sa isang cubicle sa dulo and exactly may Bintana,tumaas ako sa bowl para silipin si Nash at kita sya dito pero malayo.Nag iintay nga sya.Anong gagawin ko?

Lumabas na ako ng cubicle at pumunta sa kanya.

"Tara na" Sabi nya at hinawakan nanaman ang kamay ko,hindi kami papunta sa direksyon ng dance room.Palabas na kami.

"W-wala na b-ba kayong practice?" Tanong ko,diko alam kung ba't ako kinakabahan.Pinayagan nya nanaman akong hindi na iwasan si Nash.

"Pagod na ako" Tipid nyang sabi.Nang makalabas kami ng gate ay napahinto kami sa harap ni Nash at tumingin ito sa kamay namin kaya dali dali kong inalis 'to.

"Let's go?" Sabi ni Nash at napatingin ako kay Travis at bumuntong hininga ito sabay tingin sa ibang direksyon.

Nasa unahan ng kotse ni Nash ang kotse ni Travis.

"T-Travis s-sasabay kasi ako---" Napahinto ako ng pagsasalita ng sumakay ito sa kotse nya at humarurot ng pag alis.Problema nya?

Binalik ko ang tingin ko kay Nash at nakangiti ito sakin.

Sumakay kami sa kotse nya.

Pinag seat belt nya ako at nginitian ko nalang sya,ang sweet nya.Bakit kaya hindi maggawang gustuhin ni Tricia si Nash? Ok narin 'yon at least dahil sa kanya andito kami ni Nash sa sitwasyon na 'to.

"San mo gustong pumunta?" Tanong nya sakin

"Wala kasi akong alam sa lugar dito,dahil matagal akong nasa korea" Sagot ko nalang sa kanya

"Dadalhin kita sa lugar kung saan ako laging pumupunta" Sabi nya at tumango nalang ako.

Ang taas,pumasok kami sa loob at hagdan lang ang laman ng loob,tumaas kaming dalwa.

Hangang sa makapunta na kami sa pinakamataas na parte,ang lakas ng hangin,para 'tong tower.Tumingin ako sa baba at napaatras ako ng sobra palang taas talaga.Sigurado akong pag nahulog ako dito,patay na agad ako.

Umupo sya at yung paa nya ay nasa may baba,ghad? Di ba sya natatakot? Wala man lang harang yung baba.

"Ayaw mo bang umupo?" Tanong nya

"W-wag nalang baka mamaya mahulog pa ako"

"Don't worry ako na ang nag sabi sayo,sa oras na mahulog ka handa akong saluhin ka" Nakaramdam ako ng init sa muka.Wala akong naggawa kundi ang umupo sa tabi nya.Ang lakas ng hangin.

Tumingin ako sa baba,ghad..

Sa may harap nalang ako tumingin.Ang sarap sa pakiramdam ng hangin dito.

Napatingin ako kay Nash at nakapikit sya.Gusto ko syang kausapin pero mas gusto ko syang pag masdan.

"Alam mo bang mula bata ako,lagi akong napunta dito" Sabi nya at tumingin sakin kaya napaiwas akong tingin.Nakatitig pa naman ako sa kanya,umalis na sya ng tingin sakin at tumingin sa nga star.Humiga sya bigla. "Ang lugar na 'to ay ang lugar kung saan ko sya nakilala" Sabi nya kaya napakunot ang noo ko at tumingin sa kanya habang nakahiga sya at nakatingin sa taas.Si Tricia kaya ang tinutukoy nya? Gusto kong itanong kung sino pero baka mag bago ang mood nya.

Humiga rin ako at tumingin sa taas.

"Ang ganda ng langit" Sabi ko nalang at ramdam ko na tumingin sya sakin pero tumingin nalang ulit sya sa langit.

"Lalo na ang mga bituin" Sabi nyang seryoso "Di ka pa ba gutom?" Tanong nya

"Hindi pa naman at gusto ko pa dito"

Umupo na sya ulit pero ako nanatiling nakahiga.

"Di ka na ba pinapahirapan ni Travis?"

"Hindi nanaman,ewan ko pero nag bago sya nung nakaraang araw" Umupo narin ako at bigla itong ngumiti sakin

"Inaasahan ko na 'yon" Sabi nya at napakunot ang noo ko dahil diko sya naintindihan. "Dahil Transfer ka,dimo sya kilala "

"Bakit ano ba sya nung araw na wala pa ko dito?" Tanong ko

"Gusto mong malaman? He's a badboy" Alam ko naman 'yon ah. "Ngayon? hindi na sya katulad ng dati na nakikita ko.Lagi syang nakikipag bugbugan,naninigarilyo at umiinom ng alak" What? Umiinom ng alak? naninigarilyo? Totoo ba 'yon? Bakit hindi naman halata kay Travis na ginagawa nya 'yon? "Buti nga nakatagal ka sa kanya,sabagay hindi ka naman nya pinapahirapan ng sobra"

"Sobra?"

"Alam mo bang si Travis non ay kumukuha lagi ng alipin nya na babae,pinapahiya at sinasaktan nya 'to" Diko alam kung maniniwala ba ako dahil hindi naman ginagawa sakin ni Travis 'yon.

"Katulad ng ano?"

"Dati may isang babae na mag susuicide kaso di ito natuloy"

"Bakit sya mag susuicide?"

"Sa sobrang kahihiyan" Tumingin sya ulit sakin

"Pinag hubad nya ito sa buong campus" Sabi nya "Nag viral pa nga 'to nung araw na 'yon" Sabi nya

"Pero ba't ikaw may pinaghubad karin naman dati diba?"

"Mag kaiba 'yon,uniform lang ang pinahubad ko sa babaeng 'yon" Ibig sabihin? hindi lang uniform ang pinahubad ni Travis sa dadating alipin nya? "Kaya swerte ka nalang na hindi ka nya pinapahirapan ng sobra"

"P-pero----"

"Hindi rin ako papayag na gawin nya 'yon sayo" Ngumiti sya sakin at bumilis nanaman ang tibok ng puso ko,ba't ang hilig nyang mag pakilig?

Biglang may tumulo sa muka kong tubig,tumingin ako sa taas at nawala na ang mga stars.

Nagulat nalang ako na bumuhos ang ulan,tumayo kaming dalwa at nilagay nya sa ulo ko ko ang blazer nya na hinubad nya.

Lumabas kaki ng tower at may bubong naman dito,kaya dito nalang muna kami umupo.

"Intayin nalang natin tumila bago tayo umalis" Tumango nalang ako sa kanya

Biglang nag Vibrate ang cellphone ko.

From: Travis
Nasa labas ako ng bahay nyo.

Nasa labas? Naulan? Baka nasa kotse?

From: Travis
Iintayin kita,kahit mabasa pa ako ng ulan.

Gosh,ano bang pinag sasabi nya? nababaliw na ba sya?

"Nash pede mo na ba akong ihatid pauwi?" Tanong ko sa kanya

"Naulan pa" Sabi nya

"W-wala" Siguro naman ng tritrip lang si Travis,may kotse sya ba't sya mag papabasa sa ulan?

Napahikab nalang ako.

Nagulat ako ng hawakan ni Nash ang ulo ko at pinatong sa balikat nya.

"Matulog ka muna" Sabi nya at ngumiti sabay tingin nya ulit sa may harapan.

Pinikit ko nalang ang dalwa kong mata,sana pag gising ko ay tila na ang ulan

Napamulat ang mata ko pero umuulan parin.

"Gising ka na pala"

"Hindi parin tumitila ang ulan?"

"Hindi pa" Sabi nya.May nag vibrate pero ngayon ay hindi ko na cellphone kanya na.Hindi ko naiwasang tumingin.

From: Tricia
Pumunta ka dito sa may ******* street,si Travis..

Street? street ko 'yon ah?

Tumayo si Nash. Tumayo rin ako,nilagay jya ulit ang blazer nya sa ulo ko at tumakbo kami habang nasa ulo ko ang kamay nya para hindi ako mabasa ng sobra.

Sumakay na kami sa kotse nya at basa sya.

Nakarating kami sa bahay ko.Nakita ko agad si Travis at Tricia.

Nakahiga si Travis sa Daan habang si Tricia ay hawak 'to.

"Ako na ang bababa" Sabi ni Nash kaya tumango nalang ako,sinakay nila si Travis pati si Tricia sumakay nadin."Bakit ka nag pakabasa?" Tanong ni Nash kay Tricia

"Nakita ko si Travis na nakaluhod sa harap ng bahay na 'yon.Nilapitan ko sya pero bigla nalang syang natumba" Sabi ni Tricia,ghad? ibig sabihin sineryoso nya? ba't naman nya gagawin 'yon? "Amo'y alak din sya" Dag dag pa ni Tricia pero hindi kumibo si Nash.

Nakadating na kami sa Ospital at hindi na ako pinasama ni Nash.

Ghad,baliw talaga yung lalaking 'yon.Di sya nag iisip.

Ang tagal naman nila.

Nakita ko na si Nash at sumakay na sya sa kotse.

"Kamusta na daw si Travis?"

"Ok na sya"

"Nasan si Tricia?"

"Sya na daw ang mag babantay kay Travis" Seryosong sagot nya,ngayon nag iba nanaman sya.Nasan na yung Nash na kausap ko kanina bakit parang bumalik nanaman sya sa Nash na nakilala ko dati na suplado? "Ihahatid na kita" Sabi lang nyang seryoso sakin

Tahimik lang kami habang nag dridrive sya.Ghad..Dahil ba kay Tricia kaya nag kaganyan nanaman sya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top