Chapter 10: Mood
{Chapter 10: Mood}
Chesca's Pov
Pasakay na ko sa kotse nya,kaso bigla kong naisip si Travis.Sinabi nyang layuan ko na si Nash nung gabing 'yon pero paano ko lalayuan ang gantong klaseng lalaki?
"Papasok kaba?" Sabi ni Nash kaya pumasok nalang ako sa loob. Nagulat ako ng pinag seatbelt nya ako,feeling ko kulay kamatis na ako sa kilig.
"San mo gustong pumunta?" Sabi nya
"Ikaw bahala" Sabi ko nalang,basta kasama sya ok lang sakin kahit saan nya ko dalhin
"Nagugutom ka ba?" Tanong nya ulit,hindi naman ako nagugutom eh kaya umiling nalang ako. Huminto na ang kotse at diko alam kung nasan kaking dalwa.Bumaba sya kaya sumunod na ako sa kanya.
Ang ganda dito,may isang lawa at ang paligid ay malinis puro ilaw siguro para maliwanag dahil gabi narin.Nakaka relax dito.
Umupo sya sa may tabi ng lawa kaya tinabihan ko nalang sya,pinag masdan ko sya.Ang muka nya nakakaakit.Umiwas na ako ng tingin baka mamaya mahuli nanaman nya akong nakatitig sa kanya.Bakit kaya nya ako biglang niyaya lumabas?
"Diko alam kung san kita dadalhin kaya dito nalang kita dinala" Sabi nya sakin pero sa lawa lang sya nakatingin.
"Ah ok lang" Sabi ko nalang sa kanya
"Kung may gusto kang puntahan sabihin mo nalang"
"Ok na ako dito" Basta kasama sya,ok na ok na ako.
"Bakit hindi ka natatakot sakin?" Napatingin ako sa kanya at ngayon nakatingin na din sya sakin.
"Bakit ako matatakot sayo? parang ikaw nga ang nag ligtas sakin nung bata ako sa bully"
"Isa akong Bad boy,kaya kong bumugbog ng tao at kayo ko silang pahirapan,kahit na ikaw" Sabi nya sakin at seryoso ang kanyang titig.
"Sa tingin ko hindi ka naman ganon kasama" Sabi ko sa kanya
Tumingin ulit sya sa lawa,bumuntong hininga sya at biglang ngumiti,ngiting hindi ko kayang ipaliwanag.
"Tungkol pala kay Tricia-------" Napahinto ako ng naging seryoso ang muka nya "Sorry" Sabi ko nalang sa kanya,kumuha sya ng bato at inihagis sa lawa
"Pwede bang sa araw na 'to ay kalimutan na natin ang lahat ng meron kami ni Tricia" Sabi nya at mag bato nanaman ng bato sa lawa. "Gusto ko na syang kalimutan.Pwede mo ba akong tulungan?" Sabi nya at tumingin ulit sakin,paano ko sya tutulungan? paano ko sya tutulungan na kalimutan si Tricia? Sya lang ang tanging makakagawa 'non. Biglang may pumasok sa isip ko....Anong ibig nyang sabihin? Gagawin nya akong rebound? panakip butas? Napatayo ako at nagulat ako ng hawakan nya ako sa kamay.
"Nash,di ko kayang gawin ang sinasabi mo" Sabi ko sa kanya .Tumayo sya at hinawakan ang dalwa kong kamay
"Gusto ko na syang makalimutan,ayoko na ng ganto ang nararamdaman ko ng dahil sa kanya" Inalis ko ang kamay nya sa kamay ko
"Nash,hindi pede..ayoko..ayokong maging rebound mo para mawala yang sakit na nararamdaman mo,paano kung mafall ako sayo?" Ayoko kong masaktan,ok na ako na hanggang crush ko lang.Wag nya na akong paasahin
"Pinapangako ko,pag na hulog ka sakin ay sasaluhin kita" Sabi nya at nginitian ako.My heart,ang bilis ng tibok ng puso ko na parang maririnig na nya.
Bumaba ako ng kotse nya ng makarating na ako ng bahay ko,papasok na sana ako ng bahay ng may biglang humarang sakin
"Ano 'yon?" Tanong nya sakin
"Anong 'yon?"
"Sinabi ko na layuan mo sya" Ano bang problema nya? Bakit ba ayaw nya akong palapitin kay Nash?
"Pwede ba Travis" Nilagpasan ko sya para makadaan at makapasok sa bahay pero hinila nya ako at ibinalik sa unahan nya.
"Bakit ba lagi mo nalang akong sinusuway?"
"Bakit ba gusto kong layuan ko si Nash?" Tanong ko at bigla syang napahinto 'don. "Dadaan na ako" Akala ko ay makakalagpas na ako sa kanya pero hinila nya ako at nagulat ako sa sunod nyang ginawa,hinalkan nya ako.Sobrang bilis ng kabog ng puso ko,hindi ako makapag react sa ginagawa nya,Na istatwa ako sa kinakatayuan ko.
Umalis na sya sa halik at tulala lang ako sa ginawa nya.Napahawak ako sa labi ko,ba't nya ginawa 'yon? Tumingin ako sa kanya at seryoso lang syang nakatingin sakin.Wala man lang syang reaksyon o ekspresyon.Bigla nya na akong nilagpasan at ang huli ko nalang narinig ay ang pag-alis ng isang sasakyan.
Huminga ako na parang galing sa lunod,diko maipaliwamag ang nararamdaman ko ngayon.Anong pumasok sa isip nya at halikan ako?
Nang bumalik na ako sa katinuan ay pumasok ako sa kwarto.Hindi parin maalis sa isip ko ang ginawa nya.Checa...Nevermind,isipin mo na walang nangyari at kalimutan 'yon.Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame.
"I hate you Travis" Sigaw ko
Kinabukasan ay palinga linga ako dahil ayokong makita si Travis,ayoko ng sumabay sa kanya pero pumasok sa isip ko na,kailangan ko pala syang lapitan dahil may trabaho pa ako sa kanya.
"Ba't nakatayo kalang dyan?" Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko ang boses nya "Dalhin mo 'to" Hinagis nya ang bag nya,akala ko matutumba ako dahil sa bigat nito pero hindi parang nawalan ng laman ang bag nya. "Bilsan mo" Sabi nya kaya tumakbo na ako papunta sa kanya,nasa gilid nya ako pero ang layo ng agwat namin.Naaalala ko parin yung nangyari kagabi? Tumingin ako sa kanya at nag half smile sya. Bigla nya akong hinawakan sya bewang at inilapit sa kanya,hinawakan nya ang aking kamay na parang mag ka holding hands kami. Pilit kong inaalis ang kamay ko sa kamay nya pero ang lakas nya.Di ako makapag salita,napipe na yata ako.
Wala syang paki sa paligid kahit pinag bubulungan na kami,samantala ako hiyang hiya sa ginagawa nya,ano bang ginagawa nya? Huminto na kami ng makarating kami sa room nya at inalis nya na ang kamay nya sa kamay ko.
"Mamaya sa canteen" Sabi nya at kinuha nya ang bag sakin. Napapikit nalang ako,ano ba kasing ginagawa nya? ito ba ang parusa nya sakin dahil hindi ko sya sinusunod kung minsan?
Nag lakad ako papunta sa room ko at habang nag lalakad ako ay napahawak ako sa labi ko,ang hirap kalimutan nung ginawa nya,bakit ganto ang nararamdaman ko? hindi ko alam kung galit ako,inis,masaya ba o nalulungkot,hindi naman sya ang first kiss ko.
"Hi Babe" May biglang may umakbay sakin,tiningnan ko sya "Bakit parang di ka man lang nagulat?" Sabi nya sakin. Andito si Nash at dapat masaya ako,ayoko ng isipin si Travis ulit. "Ako na ang mag dadala nyan" Kinuha nya ang bag ko.Iba sya ngayon,nawala na ang pagiging suplado nya ngayon ah? Bagay sa kanya. "Ako na ang mag hahatid sayo pauwi" Pauwi lang? paano naman sa pasukan? Ano ba 'yan Chesca,aarte kapa ba?
"Sige" Tipid kong sabi,kahit alam kong rebound lang ako ay feeling ko totoo yung pinapakita nya o iniisip ko lang 'to? Yung totoo naman eh, mag isa lang akong umiibig eh.
Nang makarating na kami sa may room namin ay nilagay nya sa upuan ko ang bag ko at umupo narin ako.
"Sa Lunch sabay tayo?"
"Nash,kasi sa Lunch si Travis ang kasama ko" Sabi ko sa kanya,gusto ko mang sumama sa kanya ay hindi talaga pede.
"Ay,sayang" Sabi nya,napangiti ako sa kinikilos nya
"Oh? Ba't ganyan ang ngiti mo sakin?"
"Umaacting kaba?"
"Bakit?" Sabi nya at nakangiti parin
"Ang cute mo pala pag hindi ka suplado at seryoso" Ngumiti ulit ito sakin, hindi nakakasawang tingnan ang mga ngiti nya na nakakatunaw.Nawala ang mga ngiti nya ng napatitig ako sa mga mata nya,ghad..anong nangyayari sakin? Umiwas agad ako ng tingin sa kanya.
Tutulungan ko syang maka move on kay Tricia pero ayokong mahulog sa kanya baka yung sinabi nyang sasaluhin nya ako ay hindi nya gawing totoo at masaktan lang ako.
"May problema kaba?" Sabi nya sakin
"W-wala" Sabi ko lang sa kanya
"Natatakot kaba na mahulog sakin?" Takot na takot ako. "Sinabi ko naman sayo na sasaluhin kita at pangako ko 'yon na hindi mapapako" Sabi nya sakin kaya kinikilig nanaman ako.Pede ba Nash? Tumigil kana baka mahulog na agad sayo at hindi ka pa handang saluhin ako.
Hinatid nya ako hanggang Canteen,paano nya kaya makakalimutan si Tricia ng dahil sakin? Nakita ko agad sa isang upuan si Travis kaya dahan dahan akong tumabi sa kanya na parang hiyang hiya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong nya
"H-ha?"
"Ba't ka ganyang kumilos?" Seryoso nyang sabi
"Kanina lang kasama nya si Nash"
Nag bingi bingihan nalang ako sa sinabi nung babaeng dumaan sa table namin,kung ano-ano na ang naririnig ko sa paligid kaya nag kunwari nalang ako na walang naririnig.
"Mamaya" Napatingin ako sa kanya ng mag salita sya "May dance practice kami,kaya intayin mo 'ko matapos" Sabi nya.
"P-pero---"
"Tss,no buts..Sundin mo ko" Sabi nyang seryoso
Si Nash pa naman ang mag hahatid sakin pauwi,hindi ba pedeng hindi ko nalang sya intayin? Napatingin ako sa ibang direksyon at nakita ko agad si Nash,dito pala pupunta? akala ko ako lang.
Wala syang kasama at solong kumakain,samahan ko kaya sya? Erase....Erase...Malaking gulo ang gagawin 'ko,lalo na nandito si Travis baka kung anong gawin nya lalo na't pinag babawalan nga akong lumapit kay Nash at hanggang ngayon hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit.
Tiningnan ko si Travis at nagulat ako ng tumingin sya sakin at biglang lumiko ang ulo nya para tingnan ang tinitingnan ko,kaya tumakbo agad ako at hinarangan ang titingnan nya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong nya sakin
"H-ha? W-wala"
"Umalis ka dyan" Sabi nya
"Ayoko kasi----" Wala akong maisip na palusot.
"Kasi?..Damn,umalis ka dyan" Hinila nya ako at napikit ako,ghad. "Umupo kana nga sa upuan mo" Sabi nya at napatingin ako kay Nash at wala na sya don.Bumuntong hininga nalang ako,baka mamaya may kung anong gawin nanaman sya sakin dahil diko sya sinusunod.Umupo nalang ulit ako sa tabi nya.Wait? hindi nya ba ako papabilihin? Bahala sya.
"Dika ba nagugutom?" Tanong ko sa kanya
"Ikaw?" Seryoso nyang tanong sakin,actually hindi pa pero wag nalang..
"Hindi,busog pa ako" Sabi ko nalang sa kanya,
Nabalot naulit kami ng katahimikan,wala ba syang ipapagawa sakin or what? Mas ok na din kaysa sa pagligpitan nya ako.
Asan na kaya si Nash? Miss ko na yung muka nya at ang ngiti nya,nakaka addict ang muka nya na parang gusto ko syang nakikita lagi.Inikot ko ang paningin sa buong canteen pero wala talaga sya.
"May hinahanap kaba?" Napatingin ako kay Travis.
"H-ha? W-wala" Sabi ko nalang,ghad mamaya ko na sya hahanapin.Sana kasi hindi nalang ako pumayag sa offer ng Travis sana malaya ako sa ginagawa 'ko.
"Di kapa ba nasasakal kay Travis?" Sabi nya sakin habang nag lalakad kami dahil ihahatid nya ako sa Dance room,nasabi ko narin sa kanya na hindi ako makakasabay sa kanya. "Sabihin mo na sakin kung ano ang inoffer nya sayo baka kaya kong gawan ng paraan" Umiling nalang ako sa kanya,ako ay may kailangan nito kaya hindi dapat sya ang pag iisipin ko ng paraan,hanggang sa graduation lang din naman 'to tapos lalayo na ako kay Travis.
"Wag na,kaya ko naman si Travis" Sabi ko
"Dika ba nya pinapahirapan?" Kung tutuusin hindi naman ganoon kahirap yung mga pinapaggawa sakin ni Travis "Sa tingin ko rin naman di ka nya pinapahirapan katulad ng mga pinapaggawa nya sa dati nyang alipin" Napakunot ang noo ko
"Ginagawa?"
"Wag mo ng alamin,baka matakot ka sa kanya ng sobra" Lalo tuloy akong na curious "Dito na ang Dance room" Sabi nya,gusto ko pa syang tanungin pero andito na ako agad. "Sige na mauna na ako" Sabi nya kaya tumango nalang ako,pumasok ako sa loob at isang grupo ang nag sasayaw at nagulat ako ng makita ko si Tricia,dancer din sya?
Umupo ako dahil may mga upuan naman dito at pinanood sila sa salamin,nakaharap sila sa malaking salamin na kasyang kasya silang lahat. Napatingin ako kay Travis,ghad ang galing nyang sumayaw hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa kanya dahil sobrang galing nya,nasa gitna sya ng ibang nag sasayaw.Nagulat ako ng bigla itong tumingin sakin at nag half smile habang nag sasayaw parin sya at puno ng pawin ang muka.
Ang hot nya,what? umiwas na agad ako ng tingin sa kanya,sya hot? No way..
Tumigil na ang tugtog kaya tumigil na sila sa pag sasayaw,lumapit sya sakin at dinala nya ang bag nya.
"Travis water?" Sabi ni Tricia at lumapit kay Travis.
"No thanks" Sabi ni Travis sa kanya at bumuntong hininga nalang si Tricia ng hindi na sya pansinin nito. "Let's go" Sabi nya sakin kaya sumunod nalang ako sa kanya.
Pawis na pawis sya,pati ang damit nya basang basa na,no don't look chesca.
Sumakay kami sa kotse nya at may kinuha syang damit sa bag nya,bigla itong nag hubad kaya tumingin ako sa bintana para di sya makita,alam nya bang nandito ako?
"Ayaw mo bang tingnan?" Pang iinis nya sakin
"No thanks" Sabi ko nalang sa kanya
Umandar na ang sinasakyan namin kaya tumingin na ako sa unahan,bihis nanaman sya eh. Sinuot ko na ang seatbelt at napakunot ang noo ko ng hindi papunta sa bahay ko ang direksyon namin
"San tayo papunta?" Tanong ko
"Kakain" Sabi nyang tipid,ang traffic kaya. Kailan kaya kami uusad dito?
Napuno lang dito ng katahimikan,ano ba naman kasi ang pag uusapan namin? Napahikab nalang ako sa sobrang tagal.
"Kung gusto mo matulog ka muna" Di naman talaga ako inaantok no.
"Hindi na" Sabi ko nalang
"San mo gustong kumain?" Bakit minsan ang sungit nya sakin tapos minsan ang bait? Nag shashabu ba sya?
"Di ako nagugutom" Sabi ko nalang at ang ganda ng timing ng tyan ko ng bigla syang tumunog.
"Nakikita ko nga" Sabi nya at ngumiti sya.Ngumiti nanaman sya,yung ngiting nakita ko 'non nakita ko ulit.
Huminto kami sa isang restaurant,ba't ba sa tuwing kakain sya laging restaurant? di ako bagay dito.
Pumasok kami sa loob at ang ganda ng loob nito.
Umupo kami at nasa gitna talaga kami,walang tao sa paligid namin,kami lang ba ang kakain dito?
May waiter na lumapit samin.
"Ma'am, Sir what your order?" Sabi nya
"Ikaw anong gusto mo?" Inabot sakin mung waiter yung Menu. "Bumili ka ng kahit anong gusto mo" Sabi nya sakin,napatingin ako sa mga price ng pagkain.Totoo ba 'to? Ganto kamahal?
"P-pero ang mamahal---"
"Restaurant namin 'to kaya hindi mo na kailangang mag bayad" What? May restaurant sila?
"Yes ma'am ang restaurant na ito ay pag mamay ari ng mga Garcia.Isa 'tong 5 stars restaurant" Sabat nung waiter.Di ko kayng pumili dahil lahat ay mukang masasarap
"Ibigay mo ang lahat ng meron kayo" Sabi ni Travis na ikinagulat ko,kinuha nya sakin ang mga menu at ibinalik na sa waiter.
"Pero Travis,diko kayang ubusin ang lahat ng 'yon"
"Di lang naman ikaw ang kakain" Sabi nya "Kung may matira man ay hindi mo na problema 'yon" Edi sya na ang mayaman.
Minsan nag tataka din ako sa kanya,kahapon lang napaka sungit nya tapos ngayon? Kung hindi lang sya gwapo mapag kakamalan ko talaga syang nakashabu at addict,paiba iba sya ng mood.
---------------
Vote kayo for my update😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top