Chapter 1: Back to Ph
{Chapter 1: Back to Ph}
Chesca's Pov
Hila hila ko ang maleta ko pasakay sa Van, dito na ako papasok sa Pilipinas ulit. Na miss ko dito.
Bumaba na ako ng Van ng makarating na ko sa bahay. Pumasok na ako sa loob, na miss ko din 'tong bahay na 'to kahit na mas malaki ang bahay nila Tita sa Seoul. Maliit lang 'tong bahay namin dito dahil hindi naman kami mayaman, si mama nasa Germany dahil nag tratrabaho, sya kasi ang nag tratrabaho kasi si papa masaya na nyang kasama si Lord, syempre na ka move on na ko dahil mga 7 years old pa ko nung namatay sya pero namimiss ko parin sya.
Pinoproblema ko lang ngayon ay san ako papasok dito? Sa korea marami nakong kilala ,dito wala pa. Bagong School,bagong kaibigan. Back to zero.
Inayos ko muna yung kailangan ko para makapag enroll ako dito,bukas nalang ako mag eenroll nahihilo pa ako sa byahe.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, at saktong tumawag sakin si mama. Sinagot ko na agad.
[Chesca,nakauwi ka na ba?]
"Yes ma"
[Kapag may kailangan ka just call me ok?]
"Sige po.Ma kailan kayo uuwi dito?".
[Diko pa alam anak eh,natanggap mo ba yung pinadala kong pera?]
" Opo"
[Chelsea, Where are you?]
[Anak,tinatawag na ako ng amo ko.Sige na..] Inend call na nya ang tawag,pumikit na ako dahil antok na antok na talaga ako.
****
Nagising ako,napatingin ako sa may katabi kong orasan at what? 7:00am na? The hell? Late na ako nito. Dumiretsyo na ako ng Cr at naligo at after 5 minutes tapos na ako maligo,bilis no? Ghad,ba't hindi agad ako nagising? I'm dead.
Hindi na ko kumain at pag katapos kong mag ayos ay pumara na ako ng taxi.
"Ma'am san po?" Sabi nung driver, wait san ba ko mag eenroll? Hays..
"Manong sa pinakamalapit pong School dito" Sabi ko at tumango nalang si Manong.
Huminto kami sa malaking gate,nag bayad na ako at tumingin sakin yung guard.
"School I.D?"
"Ahh.Kuya mag eenroll po ako" Tumango sya at binuksan ang gate, pag bukas nya ng gate ay nag lalakihang building ang sumalubong sakin. Ang laki nya. Wait san ba ako dito pupunta?
May nakita akong lalaki, kaya lumapit ako sa kanya.
"Kuya san dito ang Principal Office?" Tiningnan nya lang ako at nag lakad ulit, bastusan? Baka pipe sya hindi nakakapag salita,gwapo pa naman sana sya. Hinarangan ko sya at tiningnan nya ako ulit ng seryoso. "Mag eenroll kasi ako,hindi ko alam kung saan ang principal office dito,so alam mo ba kung san?" Bumuntong hininga ito,yung pag hinga nya ay para syang naiinis.Nag tatanong lang naman ako ah. Masyado ka namang atiitude.
"Kung gusto mong malaman sa guard ka mag tanong" Sabi nya at nilagpasan ako,ang lamig ng boses nya.
Sabi ko nga eh. Sa guard,suplado nya ha.Lumapit na ako sa guard.
"Kuya san ang principal office?"
"Sa may First Building tapos 2nd Floor tapos diretsyuhin mo na yung sa second floor sa dulo 'non ay Principal Office" Tumango ako, ang dami kasing building dito.
Isa,dalwa,tatlo,apat,lima,anim.Dami ha.Pumunta na ako sa first building at pumunta na sa may dulo sa second floor,salamat nakita ko na rin.
Pumasok ako sa loob at nakita ko agad ang isang matandang babae na nag aasikaso ng mga papel.
"Ahm,excuse me lang po.San po ba pedeng mag enroll?"
"Dito na ija." Binigay ko na lahat ng kailangan nya para makapag enroll ako. "Mataas ang grade mo at sa Math kalang mababa baba" Hirap kaya ng Math. " Grade 12 kana pala,so bakit naisipan mo pang lumipat?"
"Ahm,gusto ko po kasing bumalik sa pilipinas"
"Layo ng nilakbay mo ha, Koreana kaba?" Sabi nya,kailagan ba 'to sa pag eenroll ko?
"Hindi po"
"Ah..But you can speak korean?"
"Opo"
"Ija,anong size ng damit mo " Ha?
"Medium"
Tumayo sya at pumunta sa malaking kabinet at may kinuha syang damit na may palda at inabot sakin.
"Libre 'yan pero kung gusto mo ulit ng uniform ay may bayad na" Tumango nalang ako "Hanapin mo ang Room C sa senior high building at dun ang magiging room mo,mag excuse ka sa teacher tapos ibigay mo 'to" Inabot nya sakin ang isang papel kaya tinanggap ko nalang.
Senior High building? San 'yon?
"San po ba ang building ng senior high?"
"Sa may bandang dulo"
Lumabas na ako ng Office nya at lumabas na ng building na 'yon. Nakakita ako ng Cr kaya nag bihis muna ako sinuot ko na ang School Uniform dito.Pumunta na ako sa senior high building at tumaas sa second floor,Room C. Nakita ko agad ang Room C na pangatlo sa room dito.
Sumilip ako sa pinto at nag tinginan ang lahat sakin,nakaramdam ako ng hiya.
"How can I help you?" Lumapit sakin ang teacher kaya inabot ko nalang ang papel na binigay ng principal. "Transfer, Room C, mahina ka sa Math ha" Sabi nya. Paano nya naman nalaman 'yon? "Introduce yourself" Pumasok na kami sa loob at halos lahat ay nakatingin sakin.Huminga ako ng malalim.
"Ahm,Hi.Ako si Chesca Torres,18 years old" Sabi ko
"Mag hanap ka na ng upuan mo" Sabi ni Sir kaya umupo ako sa tabi ng lalaking naka headset,may klase naka headset sya? Naka headset sya at tulalang nakatingin sa may bintana. Ay bangag? Ang lalim yata ng iniisip nya.
Nagulat ako ng mahulog ang panyong nasa lamesa nya,pinulot ko 'to.Kinulbit ko sya at humarap sya sakin at sabay tingin sa panyo kong hawak.Inalis nya ang kanyang headset.
"Sayo yata 'to" Sabi ko sa kanya
"Sayo na" Tipid nyang sabi at nag headset na ulit,nagulat ako ng tumayo sya at lumabas ng room ng walang paalam sa teacher pero hindi naman sya sinita ng teacher.Hindi kaya sya ang may ari ng School na 'to? Dami kong naiisip.
Discuss
Discuss
Discuss
Lumabas ako ng room at nagugutom na ko,ikaw ba naman ang hindi kumain ng umagahan,kaso ang tanong asan ang Canteen dito? Sa baba? Sa first floor?
Napatingin ako sa lalaking nag lalakad at feeling ko nag sslow motion ang lahat habang hinahangin ang kanyang buhok,ba't ang lakas ng appeal nya? naka pamulsa lang sya habang nag lalakad papunta sa direksyon ko,walang ekspresyon ang muka nya at blangko lang 'to. Edi wow
"Ang pogi ni Travis" Napatingin ako sa dalwang babaeng nakatingin din pala sa lalaking dumaan at nilagpasan lang ako. Parang nakita ko na sya?
"Kung gusto mong malaman sa guard ka mag tanong"
Tama,sya yung lalaking suplado at pag narinig mo ang boses nya ay giginawin ka sa sobrang lamig.
"Akin lang sya,ang akin ay akin---Aray" Nagulat ako ng may bumunggo sakin pero sya ang nahulog sa sahig.Nilahad ko ang kamay ko para tulungan sya pero hindi nya 'to tinanggap at tumayo lang sya. "Seriously? Ghad, ba't ka ba pakalat kalat sa daan?" Maarte nyang sigaw.
"Sorry miss hindi kasi kita nakita" Sabi ko,tulala kasi ako kanina at iniisip yung lalaking dumaan kanina.
Tiningnan nya ako ulo hanggang paa.
"Newbie ha? Bago ang Uniform?"
"Ah Oo,kakalipat ko lang kasi--Ghad" Nagulat ako ng tapunan nya ako ng juice na kinuha nya sa kasama nyang babae.
"Ayoko ng sinasagot ang tanong ko,So sad? Siguro naman may Uniform ka pa para makapag palit ka" Sabi nyang mataray. "Gusto mo pa?" Nagulat ako ng buhusan nya nanaman ako,kaya napayuko ako sa hiya sa mga nakatingin.
"wala na kong U-uniform" Sabi kong mahina
"Seriously? Narinig nyo ba sya? Wala na syang extra Uniform? Are you poor? Ghad. 5,000 pesos for Uniform hindi mo kayang bilhin? Paano ka nakapag aral dito?" Bakit mag kano ba bayad sa School na 'to "Sabagay kahit mahihirap kaya nadin mag bayad ng 100,000 para nakapasok dito,maliit na halaga lang naman 'yon e" What? 100,000? Seryoso ba sya?
"100,000?"
"Omy? So hindi mo alam? Ghad kawawa ka naman pala.Hindi mo alam baka kulangin 'yang allowance mo,kung ako sayo aalis na ako sa School na 'to.Ang School na 'to ay hindi bagay sayo, dahil ito ay para lang sa mga katulad namin" Tinulak nya ko dahilan ng pagkabagsak ko sa sahig. "Akin na nga 'yang Shake mo" Sabi nya at kinuha sa isang babae ang Shake. "Mas malagkit,mas masaya" Sabi nya at nakataas pa ang kilay.Napayuko ako at pumikit.
Bakit? Bakit wala paring malagkit na tumutulo sakin? Napamulat ang aking mata at tumingin sa shake na nasa sahig na.Natapon? Napatingin ako sa kamay ng babaeng bubuhusan dapat ako pero may nakahawak sa kanya, kaya ba nahulog ang shake?
"N-nash" Sabi nung babaeng binuhusan ako ng Juice
"Wala ka nabang maggawa sa buhay?" Sabi nung sinasabi nyang Nash at parang yung boses nya ay katulad nung lalaking suplado na ang lamig.Ang seryoso nya masyado.Binitawan nya na yung babae .
Ang Uniform ko.
"Tumayo ka dyan" Seryoso nyang sabi sakin kaya dahan dahan akong tumayo. "Iisa lang ang Uniform mo?" Seryoso nyang tanong kaya tumango nalang ako,bumuntong hininga ito at pumikit. "Remove your clothes" Seryoso nyang sabi sa babaeng binuhusan ako ng Juice.
"P-pero--"
"Remove your clothes" Seryoso nitong sabi ulit at tinikom nung babae ang kanyang kamao at hinubad ang kanyang damit,naka sando naman sya. "Skirt" Bigla akong nakaramdam ng awa sa babaeng 'to.
"W-wag na.." Sabi ko
"Remove" Seryosong sabi ng lalaking 'to
"Hindi naman masyadong basa ang palda ko"
"Tss" Kinuha nya ang damit sa babaeng binuhusan ako at inihagis sakin ang damit nito sabay alis nya.Mag papasalamat ba ako sa kanya? Napatingin ako sa babaeng naka sando nalang.
"Here" Binigay ko na sa kanya ang uniform nya at tumakbo para habulin ang lalaking 'yon.
Hanggang sa makaabot sya sa rooftop,umupo sya sa rooftop at nag headset.Ang hilig nyang mag headset.
Tumabi ako sa kanya at inalis nya ang headset nya.
"Don't disturb me" Sabi nyang seryoso
"Salamat" Sabi ko sa kanya,tiningnan nya ang Uniform ko,siguro nag tataka sya kung ba't di pa ako nag papalit "Sorry pero hindi ko kayang kunin ang Uniform ng babaeng 'yon.Kung kukunin ko 'yon baka sya naman ang walang masuot"
"Ipasuot mo 'yang basa mong Uniform" Seryoso nyang sabi,matatawa sana ako kung joke 'yon kaso ang seryoso nya masyado. "And now? Mag aaral ka ng basa ang damit?"
"Siguro"
"Tss,bumili ka ng Uniform" Sabi nyang seryoso at nakatingin lang sa unahan
"5,000.Masyado syang mahal" Naalala ko ang bayad sa School na 'to. "Totoo bang 100,000 ang bayad dito?"
"Oo" Sabi nya
"Ang mahal,san naman ako kukuha ng ganong pera?"
"Ang School na 'to ay pang mayaman,so anong ineexpect mo? Libre ang pag aaral dito?"
"Hindi ko kasi alam,at ngayon lang ako bumalik dito"
Nakaramdam ako ng lagkit sa katawan at lamig,ikaw ba naman ang buhusang ng Juice na sobrang lamig.
Tumingin sya sakin ng seryoso
"Tss,asan ang panyo ko?" Naalala ko yung panyo nya,balak ko din itong isauli sa kanya.Nilabas ko sa bulsa ko at inabot sa kanya,nagulat ako ng punasan nya ang damit ko. "Here" Nilapag nya sa may tabi ko ang pera,what pera?
Tumayo ito at pababa na ng hagdan para iwan ako.
"Teka,para san 'to?"
"Bumili ka ng bagong uniform"
"Pero diko kayang bayaran 'to"
"Sinabi ko bang babayaran mo 'yan?" Seryoso nyang sabi at bumaba na ng hagdan,binilang ko 'to at 6,000 labis pa ng isang libo.Seryoso ba sya? Ibibigay nya sakin ang gantong kalaking pera?
Diko 'to kayang tanggapin.Pumunta nalang ako sa Cr at pinunasan ang juice na nasa damit ko,naalis naman sya kaso basa talaga.
Wala akong naggawa kung di bumili ulit ng bagong uniform,babayaran ko nalang sya.
Pumasok na ako sa room at naka headset lang sya ulit at nakatulala,kinulbit ko sya at inabot ang 1,000.Tumaas ang isa nitong kilay.Inalis nya ulit ang headset nya.
"Ano 'yan?"
"Labis yung pinahiram mo,tapos babayaran ko nalang yung 5,000 kahit hulug hulugan ko"
"di ko pinapabayaran sayo 'yan" Sabi nyang seryoso
"Hindi pede,masyadong malaki ang perang 'yon para ibigay mo lang"
"Hindi ako nag papautang,walang kwenta ang pera" Sabi nyang seryoso "Pera lang ang binigay ko sayo,walang mawawala sakin"
Seryoso ba talaga sya.
"Hindi pede" Kinuha ko ang palad nya at sapilitang nilagay ang 1,000 sa palad nya at isinara ko na 'yon. "Basta,babayaran ko yung perang 'yon"
"Tss" Sabi nyang mahina at nilagay nalang sa bulsa yung 1,000 at umub-ob.
****
Nag iintay ako ng Taxi pero walang nadaan.Hala diko pa naman alam kung saan ang bahay ko.Address alam ko kaya sasabihin ko nalang sa taxi driver pero pag nag lakad ako baka maligaw ako
"Wala kabang sundo?" Napahawak ako sa dibdib ko,nakakagulat sya.
"Taxi" Sabi ko
"Tss,sumabay kana" Sabi nya at sumakay sya sa kotseng yellow. Sumabay? Seryoso ba sya? Binigyan nya na ako ng 5,000 tapos sasabay pa ako sa kanya? Bumaba ang salamin ng kotse nya "Sasabay kaba? Wala masyadong nadaan na taxi dito" Sabi nya,napabuntong hininga ako at sumakay sa kotse nya. "Mag seat belt ka" Ginawa ko nalang ang sinabi nya.
"Salamat" Sabi ko sa kanya pero hindi sya sumagot at seryoso lang syang nag drive.
"San kaba?"
"***** street" Sabi ko
****
Nash's Pov
Palinga linga sya na mukang nag hahanap ng Taxi.Sa tingin nya ba na may dadaan ditong Taxi?
Nilagpasan ko sya pero napahinto ako,diko mapigilan ang sarili ko.Tss.
"Wala kabang sundo?"
"Taxi"
Wala akong naggawa kung di ang pasabayin sya,nag drive nalang ako.Hanggang sa makaabot na ako sa address na sinabi nya.
"Andito ka na----The hell" Tulog na sya? Ganon kabilis? Tinutulak ko sya pero hindi sya nagigising. Bumaba ako ng kotse at umikot para buksan ang pinto kung asan sya,binuhat ko sya papasok sa bahay nya,tama naman ang address kaya dito sya nakatira.Nilock ko ang kwarto nya bago ako lumabas pati narin ang pinto.
Maliit lang ang bahay nya at muka ngang wala syang pambayad sa School. Bakit paba sya pumasok don? Masyado nyang pinapahirapan ang sarili nya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top