45

The news is already out around the world. Maraming naghahanap sa'kin matapos ang hearing dahil gusto nila akong interviewhin. Wala akong pinagbigyan ni isa sa kanila. Naglilipat ako ng channel pero halos pare-parehas din naman ng laman kaya pinatay ko na lang ang TV.




Just right after I washed my dishes, someone rang the doorbell. Nagmadali akong pagbuksan 'yon dahil sunod-sunod na ang tunog, baka emergency. "Sorry may ginagawa la-LEXI!" Gulat akong makita siya at walang alinlangang yumakap agad, mahigpit na mahigpit.





"Akala ko ayaw mo pa buksan, sisipain ko na sana, eh." Tawa niya. Pinatuloy ko na siya sa loob at mabuti na lang ay wala akong gagawin, maliban sa pagpunta ng ospital mamaya.




"I'm glad you're okay. We saw everything on the news. You're so brave..."



"So are you."



"How's Joaquin by the way?"



Tipid na lamang akong ngumiti. "Still keeping my hopes up."




"I know how it feels..." Tapik niya sa aking balikat. "He'll be okay." Isinandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat habang pinagmamasdan ang repleksyon namin sa babasagin na lamesa. Upang alisin ang mabigat na nararamdaman ay tinawagan namin ang iba.





[Jewel: Keira! Ate Lexi! Mabuti na lang at tapos na ang duty ko!] Malapad ang ngiti namin nang mauna niyang buksan ang camera.




[Debby: Salamat sa Diyos at buhay pa kayong dalawa.]



[Solene: Miss ko na kayo!]



"Hi, baby Sollie!" Kaway ni Ate Lexi.



[Gian: Wow! Humihinga pa pala ang mga are!]




"Oo, buti nga ikaw rin," sagot ko.




[Jaja: Hoy! Kamusta ang Pilipinas?

Gabby: Hi, Keira! Hi, Ate Lexi!]




Aba, parehas na silang nasa ibang bansa ngayon! Debby, Jewel, and Solene are wearing their uniforms. Gianna has paint stains on her face and has a lot of canvas behind her, and Jacqueline and Gabrielle are still pursuing their dreams and they absolutely reach so far now. Nakakaproud!




Ang gulo-gulo ng video call namin. May naglalaro ng filter, may nagla-lag, may pawala-wala, at may isang tulog na, pero naging sulit ang dalawa't kalahating oras sa pag-catch up sa buhay ng isa't-isa.





Dalawa lang din kami ni Lexi ang narito ngayon pero sa ingay namin ay parang may siyam na taong nakatira rito sa bahay. Nang isa-isa nang nag-off ng tawag ay saka ko na inayos ang sarili ko sa pagpunta ng ospital.






Sinamahan ako ni Lexi mamili ng kaunting prutas at pagkain para kay Joaquin. Maging sa pagbantay ay kasama ko rin siya. Ngunit hindi siya pwedeng magtagal doon dahil may importanteng lakad pa siya. Mabuti't dumating agad si Aggy. Kahit papaano ay hindi ako nag-iisa.




"Keira, I need to go to work na. It's already time. Will you be okay, here?" paalam sa'kin ni Agatha. Balik na siya sa pagiging CEO ulit matapos namin maging Detective Conan no'ng mga nakaraan.




Tumango ako. "I won't be alone here. Pupunta rin ang pinsan niya pagkatapos ng duty."




"Good to hear." Yakap nito sa'kin. "You know what to do after I leave. When something goes wrong..."



"I'll call you."



"Good bitch, este, good girl." Tawa niya.



"'Namo." Mahina kong hinila ang dulo ng buhok niya. Mayamaya'y tuluyan na siyang umalis. Naiwan ako ulit dito na hindi alam ang gagawin. Naupo ako sa tabi ni Joaquin at pinagmasdan na lang siya habang hinahaplos ng aking hinlalaki ang kanyang kamay. "Nabo-bored na ako, wala akong kaaway." Pakawala ko ng hininga.




No'ng mga nakaraan ay halos wala ako sa sarili pero nakakayanan ko na ulit ngayon. Napangiti ako na lang ako, masaya kahit paano sa sarili. Kinakaya mo, Keira. Ang galing mo. Mas lalong lumapad ang aking labi kahit na may kaunting patak ng luha habang inaalala kung paano ako tulungan ng mga taong nasa paligid ko.






Mayamaya'y naramdaman ko na ang bigat ng aking mga mata. Senyales na 'yon ng aking antok. Wala rin naman akong gagawin pa sa ngayon kaya hindi ko na nilabanan. Habang unti-unting pumipikit ay mayroong kasabay na dasal sa aking puso't isip na sana sa oras na imulat ko muli ang aking mata kinabukasan, kasabay no'n ang paggising ni Joaquin.




Birds chirping and a sunrise woke me up. Tinignan ko agad si Joaquin pero ganoon pa rin ang kalagayan niya. Inoobserbahan ko siya ng maigi but still, no sign of movements at all. Malalim na lang akong huminga at tatayo na sana para kumuha ng pagkain nang biglang may humawak sa kamay ko.




"Ay puke!" Napatakip ako agad ng bibig.





"It's too early for that," he says in his sleepy teasing voice while his eyes are still being closed. I tried waving in front of his face, trying if he will open it. Nang hindi iyon gumana ay sinundot ko ang kanyang pisngi ng ilang beses hanggang sa... "What on earth are you doing to a bedridden man trying to rest?"





Napatili ako nang bigla siyang magsalita dahilan para matawa siya at tuluyan nang dumilat. Nanlalaki ang mga mata ko sa aking nakikita ngayon. Gising na siya? Talagang gising na siya? "I'm hungry, what's for breakfast?" Putangina, gising na nga talaga siya! Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya bigla.






"You scared me!" Naghahalong lungkot, tuwa, at inis ang dahilan nang pagbagsak ng aking luha sa kanyang balikat. "I thought you will never... You will never wake up..." I sobbed. Naramdaman ko na rin ang paghigpit ng yakap niya sa'kin. I never felt this kind of comfort since... As I'm feeling it, there's a part of me that softens.





"I missed you..." Haplos niya sa aking buhok.




"I missed you more..."




"At marami kang utang na kwento sa'kin."




Doon lang ako napabitaw. Parang nahimasmasan yata ako. Alam ko naman na kung ano ang tinutukoy niyang utang. "May bayad bago ako magkwento," hirit ko.





"Psh, name your price," mayabang niyang sambit.




"Depende na lang siguro kung hanggang saan ang gusto mong malaman."




"Okay." Kibit-balikat niya na para bang kahit anong oras ay lalapagan niya ako ng sampung milyon.




"Okay, money down." Lahad ko ng aking kamay. Biro lang naman 'to, obviously. Kinuha niya ang kamay ko at gulat akong pinatakan niya iyon ng halik habang nakatingin sa'kin.




"'Yan muna ang bayad."




Hindi na ako nakapagsalita ro'n pero tinatanong na ng isip ko kung ano kami ngayon. Doc, g-gising na nga talaga siya. Malandi na, eh.




Lumipas ang ilang araw ay nakalabas na rin ng ospital si Joaquin. Si Raven na ang nag-aalaga sa kanya ngayon sa kanila, at nakabalik na rin ako sa dating ikot ng araw ko. The company's back on track.





Iyon nga lang, naging strikto si Ma'am Thea dahil sa nangyari, dahil kay Aira. Halos lahat ng empleyado ay siya pa rin ang topic dahil sa ginawa niya. Lalo na sa pagta-traydor niya sa kanyang kapatid.





"Delivery for Ms. Monteza." Katok sa akin ni Ate Venus. Nagulat ako nang may tumambad sa'kin na malaking bouquet.



"Kani-"



"Ah, basta hindi sa'kin galing 'yan," pangunguna niya. "May dinner tayo nila Ma'am Thea mamaya. 'Wag kang mawawala, ah?" Bakas sa kanyang mukha ang kilig at hindi niya na rin ako pinagsalita pa saka tuluyan nang lumabas ng office. Iyon lang ang sadya niya.





Nang makita ko ang pulang rosas at maliliit na Lily of the Valley ay alam ko na agad kung kanino iyon galing, dahilan na rin nang malapad kong pagngiti. No one will give me this except one. My indeed exceptional one. Habang pinagmamasdan ang bouquet ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya.



💌 09*********:
See you on Saturday



🗨️ To: 09*********
Ganap?


💌 09*********:
Date


🗨️ To: 09*********
Ha?!

Anong date?!

Hindi naman tayo




💌 09*********:
Gagawin kong tayo, bakit?





Pinigilan ko agad ang aking ngiti! May trabaho pa 'ko sana mamaya niya na lang ako nilandi. Kapag kami nasesante sabay ng ninang niya, ah...




💌 To: 09*********
Wala kang choice

Sakin ka babagsak





"Ulol!" Hindi ko na napigilan at nagpaikot-ikot na ako sa aking swivel chair kasabay ang malakas na pagtawa. "Para kang gago, bwisit ka!"





🗨️ To: 09*********
Sige





Sige, dahil hindi naman ako tumatanggi! Kahit 'wag ka na ring magtanong kung papayag ba 'ko maging tayo dahil ang sagot doon ay oo agad! Dami mong alam! Hindi niya na rin ako nireplayan. Kapal ng mukha! Ako pa talaga last chat! Antayin na lang natin ang Sabado.





"So ano? Magkakapamangkin na ba 'ko sa inyo?" Panglimang tanong na sa akin ni Aggy ngayong araw habang inaayusan ang sarili ko.




"Sinasabi mo? Lalabas lang naman kami," kalmado ko lang na sambit kahit sa totoo lang ay binabaliw na ng sobra ni Joaquin ang damdamin ko ngayon.




"Weh, lalabas lang? Talaga?" mapanukso niyang sambit.




"Kung gusto mo na ng bata, ikaw gumawa. Mayroon ka na rin naman na. Baka nga maunahan mo pa 'ko magbuntis."




"Sus, wala akong sex life ngayon."



"Bakit? 'Di kayo bati?"



Umirap lang siya sa'kin kaya pinagtawanan ko. "Saya mo, ah? Palibhasa ngayon ka na lang madidiligan ulit, eh," and she fired back.





"Wala ngang madidiligan ngayon! Kakain lang kami sa labas! Iyon lang, period, tapon susi." Tapos na ako mag-ayos at hindi na rin umangal pa si Aggy sa sinabi kong 'yon. Malakas talaga ang paninindigan kong mauuna siyang mabuntis kaysa sa'kin.





Mayamaya'y narinig ko na ang kotse ni Joaquin. Sabay kaming lumabas ni Agatha dahil uuwi na rin siya. "Ayos lang ba ang itsura ko?" I suddenly felt conscious as we were getting closer to the gate.





"Tatlong oras kang nag-ayos, imposibleng hindi ka maayos tignan. Bakit? Kinakabahan ka ba?"



Tumango ako.



"You deserve this."



Napatingin ako sa kanya. Gusto kong i-elaborate niya pa kung bakit.




"I know how much you love him at ngayong unti-unti na kayong nabubuo ulit, why not give it another shot? I believe this is the right time for both of you. H'wag mo nang isipin pa ang sasabihin ng ibang tao sa'yo. Hayaan mo naman ang sarili mong sumaya." She held my hand. Hinatid niya pa ako hanggang kay Joaquin na naghihintay na ngayon sa labas ng kanyang sasakyan.





"I love you," she mouthed as she waved at me. Ngumiti ako at niyakap siya. "Thank you... For being always there for me..."




Clocks never stop ticking, seasons pass by, and you will never know what could happen the next day you breathe. I never thought of myself getting crazy over someone I used to hate. Just how funny destiny plays with me all the time. Joaquin... One day I wanted to break his jaw, then one day, I found it as one of his hottest body parts.





I built walls around me after heartbreak and after hearbreak, but then, one day... I don't know he climbed it, it's just that. Like a damn strike of lightning hit me. I never liked crying in front of a guy, nor showing I'm scared, yet I found myself looking for comfort from a man, always lending his shoulders to let the heavy clouds out of me. I can handle myself, 'til I found gentleness in someone I least expected.





"Gusto ko sumakay ng kalesa pero dapat ikaw ang magpapaandar," gago kong sabi habang naglalakad-lakad kami sa Intramuros.




"You want me to be the horse? Seriously?"




"Oh, bakit? Bagay naman sa'yo."




"Okay. neigh-neigh." Kibit-balikat niya na lang. "May option na 'ko kung ano 'ko sa susunod na buhay."



"Ano 'yong iba?"




"Kotse, tapos gusto ko ikaw ang sasakay sa'kin."




Napatigil ako sa pagkain saglit ng sorbetes dahil may kung anong pumasok sa utak ko. Natahimik kami parehas pero bigla rin siyang tumawa matapos ang limang segundo. Mukhang parehas nga kami ng iniisip. Kahit hindi naman siya kotse, ginagawa ko naman sa kanya 'yon noon... "Gago, ampota..." mahinang sambit ko na lang habang nagpipigil ng ngiti.




Ngayon na lang ako ulit nakabalik sa Intramuros at nakakatuwa dahil ganoon pa rin ang itsura. Habang tumatagal ay napapadalas ang paglabas-labas namin ni Joaquin. Nasanay na lang ako sa tao pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin hinahayaang lumagpas sila sa limitasyon nila sa'kin.




I entertain when it's important and I become sarcastic and mean when it's not, when I feel like the intentions are not good at all. Kaya hindi talaga ako pwedeng maging celebrity, eh. Tapos agad ang career ko kapag nanaray ako.





Habang naghahanap ng kalesa ay kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod no'n. Madalas niya iyong ginagawa at pagkatapos ay hahaplusin gamit ang kanyang hinlalaki. Minsan ay iniisa-isa niyang hawakan ang aking mga daliri at para bang sinusuri ito na ewan at hindi ko maintindihan. Kahit madalas na niyang hawakan ang kamay ko sa publiko ay nagugulat pa rin ako.





Kahahanap namin ng kalesa ay inabutan na kami ng ulan kaya dali-dali kaming sumilong sa Fort Santiago, doon na rin naman kami malapit. Tahimik kong inuubos ang ice cream habang pinagmamasdan ang ulan nang magpaalam siya sa'kin saglit upang sumagot ng tawag.





Binalik ko ang atensyon sa ulan nang makaalis siya. Inilahad ko ang aking kamay upang saluhin ang malalaking patak na parang bata, nang biglang mag-vibrate ang phone ko.




💌 09*********:
Come over, I found a carriage




Nanlaki ang mata ko sa tuwa. Sa wakas naman!




🗨️ To: 09*********
TALAGA?!

NASAAN KA?!!


💌 09*********:
Behind you, miss





"Huh?" Napakunot ang noo ko matapos iyon mabasa. Anyway, I still turned my back to see him and it surprised me. Napasinghap ako nang makita ang kanyang hawak - isang maliit na pulang kahon. Tumalikod ako muli sa kanya habang dinadama ang bawat paru-paro.





Mayamaya'y naramdaman ko na ang braso niyang humawak sa aking bewang at unti-unti akong niyakap mula sa likod. "Hi." He chuckled. Sumasabay na ngayon ang aking mata sa malakas na buhos ng ulan.




"Why are you crying?"




"W-wala lang! Sino ba namang 'di maiiyak d'yan!" Napatakip na 'ko ng mukha.




"I'm just holding a ring, not an onion." He laughed.




"Gago!"




"As far as I recall from our tour years ago, there's a church not so far away from here."




Alam ko iyon! San Agustin Church 'yon!




"Baka hindi tayo makasal sa loob no'n kasi bago ka pa tumapak, sunog ka na," asar niya pa, sabay tawa.




"S-seryoso ka ba?!" Tama ba ang narinig ko?! Ikakasal kami sa loob no'n?! Lord, hindi po ba ito panaginip?!





"Ssh..." He laughed a little again saka ako pinaharap sa kanya at inalis ang aking kamay sa pagkakatakip. "Keira..." Sandal niya ng kanyang ulo sa akin habang ako'y nakayuko.






"S-sir Joaquin." Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Pero ngayon sigurado akong hindi 'to gawa ng lungkot o galit.





"Will you marry me?"




Pinunasan ko na ang aking luha at tiningala siya. "Kahit hindi mo tanungin..." Pagtango ko. "Yes." Malapad akong ngumiti. Kinuha niya na ang kamay ko saka isinuot ang singsing.




"Finally... A forever with you..." Mahigpit niyang yakap sa'kin. Naramdaman kong unti-unti nang nababasa ang aking balikat. "I love you, Keira," he whispered.




"I love you," I whispered back as my hug got tighter.





There's always a question inside my head back when I was younger... How will you fix things when it has been cut? I guess I finally found my answer. Simple, it cannot be fix anymore, especially if it's a string. But it can always find another to connect to a new one, and broken roads took the advantage and led me straight to its end.





It isn't just a single thread but a journey of surviving scissors and getting out of the needle. It's something that gives beautiful stitches at the end of sewing a broken fabric. Love... Like winning in sports, after those tournaments I have joined, have been injured a lot of times, I still manage to win.





Maybe my hands can break bones, but behind a hard fist, there's a soft palm whose fingers fit mine so perfectly, willingly holding it with calmness - a safety love.




Joaquin Dominic De Vera, my fiancé, I will always love to drive every second of lifetime with you, even until the end of our strings.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top