CHAPTER 11
CHAPTER 11
Hiniga ng binata sa sahig si Xia at inumpisahang mag-CPR.
"Xia, gumising ka!" sambit nito. Nang wala pa rin itong respond, inulit niya ang ginawa niya. Hindi niya ito tinigilan hanggang sa huminga na ang dalaga.
"Doc, dalian niyo po," hila ni Bliss sa doctor. Agad naman nito sinuri si Xia.
"Pasok niyo siya loob. Kailangan niya malagyan oxygen," utos ng doctor na sinunod naman ni Zander. Pagkapasok nila sa kwarto, nilagyan ito ng oxygen at dextrose. Nagpakuha din ito ng dugo nang mapansin ang labis na pamumutla ng dalaga.
Samantala, unti-unting naayos nila Trevor ang gulo sa ospital. Pinagsama-sama nila ang lahat ng tinamaan ng Vampire virus at saka nila ito iniwan sa mga pulis. Pasamantalang ikinulong ang mga taong nalagyan virus at ang lalaking bampira bago ito dinala sa Osamu Mental Institute and Rehabilitation.
Xia's POV
Nasaan ako? Ano nangyari? Ang naalala ko binuksan ko ang pinto dahil sa ingay. Tapos...
Napabangon ako at napahawak sa leeg. Naalala ko na ang nangyari. Pati ang sakit na naramdaman ko habang bumabaon ang ngipin ng bampira at ang pagsipsip ng dugo nito. Kinilabutan ako bigla. Hindi naman siguro ako magiging bampira tulad sa mga napapanood ko sa tv?
Napatingin ako sa pinto nang iniluwa nito si Zander. Sumagi bigla sa isip ko 'yung nakita ko. Hindi ko alam kung totoo iyon o nanaginip lang ako.
"Xia, gumising ka," rinig kong sabi ni Bliss. Dahan-dahan ako dumilat at nakita ko siyang hawak-hawak ang pulso ko. Tumingin siya sa leeg ko pababa na parang sinusuri ako. Napasulyap ako sa kulay pula niyang mata. Bakit pula ang mata niya? Bampira rin ba siya?
"Zander!"
Muli akong napapikit dahil sumasakit nanaman ang puso ko. Katulad noon nahihirapan nanaman ako huminga.
"Kailangan natin maalis sa kanya ang virus bago siya maging bampira,"
Mula sa maliit na pagkakadilat, nasilip ko si Zander na nakaupo sa harapan ko habang kausap niya si Bliss.
"Sabihin mo sa akin kung naalis ko na," aniya. Hinawakan ko siya para kunin ang atensyon niya. Pagtingin niya sa akin, kulay pula na ang mga mata niya. Nasisiraan na yata ako? Bakit nag-iiba na ang tingin ko sa mga mata nila? Epekto ba ito ng pagkakagat sa akin?
"Sorry kailangan ko gawin ito," bulong sa akin ni Zander saka ako kinagat.
"Aahhhhhhh!!" napasigaw ako at napakapit sa kanya dahil sa sakit.
Napakunot ang noo ko habang inaalala ang pangyayaring iyon. Hindi ko masabi kung totoo ba iyon o kathang-isip ko lamang. Tinignan ko ang mga mata nila Zander; itim naman ito. Panaginip lang ba ang nakita ko?
"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Trevor.
"....."
Pero paano kung totoo ang lahat? Hindi ko naman sila masyado kilala. Kung si Mr. Sanchez nga na akala ko mabuting tao, may masama pa lang binabalak sa akin. Paano kung kinukuha lang nila ang loob ko? Tama bang nagtiwala ako sa kanila?
Ang daming tanong na gumugulo sa aking isip, sa sobrang dami hindi ko na namalayan ang paglapit nila. Nagulat na lang ako nang hawakan ako ni Bliss kaya natapik ko ang kamay niya.
"S-sorry," naiilang na sabi ko. Habang sumusulyap sa kanya.
"Bakit ganun reaction niya? Galit ba siya sa akin? May nagawa ba akong kasalanan? Dahil ba ito sa nangyari kagabi? Nakita ba niya ang lahat?"
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Bliss sa isip ko. Para bang nabasa ko ang iniisip niya.
Ano nangyayari sa akin? Napahilot ako sa ulo. Pakiramdam ko nababaliw na talaga ako.
"Xia, may problema ba?" tanong ni Trevor.
"Kung may gusto ka sabihin, sabihin mo na."
Napatingin ako kay Zander nang marinig ko ang boses niya sa isip ko. Ako ba sinasabihan niya?
"Oo. Ikaw nga. Tama ang hinala ko. Nababasa mo ang isip ko?" aniya sa isip ko na para bang kinakausap niya ako .
Nababasa ko isip niya? Wait! Alam niya din nasa isip ko. Ibig sabihin nababasa niya din isip ko?
"Xia, ayos ka lang?" tanong ni Claude.
Tumango ako bilang tugon saka humiga ulit at nagtago sa kumot. Ayoko muna sila makausap. Sumasakit lang ulo ko sa kakaisip. Baka mabaliw na talaga ako dahil sa kakaisip.
Tinignan ko ng masama si Zander nang hilain niya ang kumot ko. Ano problema nito?
"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na," aniya habang seryosong nakatingin sa akin.
Bumuntong hininga ako at muling umupo.
"Tao ba kayo? O b-bampira?" tinignan ko sila at mukhang inaasahan na nila ang itatanong ko.
"Ano gagawin mo kung bampira kami? Lalayuan mo ba kami? Katatakutan tulad ng iba?" tanong ni Bliss. Kitang-kita sa mukha niya ang lungkot. Nakosensya tuloy ako dahil sa kinilos ko. Kahit bampira sila, wala naman sila ginagawang masama sa akin. Subalit nahihirapan ako magtiwala ngayon dahil sa mga nangyari sa akin. Hindi ko na nga alam kung sino at ano paniniwalaan ko. Natatakot ako na baka magkamali ako ng pagkakatiwalaan.
Alam ko din na dapat ko pa sila pasalamatan sa mga nagawa nila sa akin.
"Sorry... hindi ko na kasi alam iisipin ko. Naguguluhan na ako sa nangyayari," mahinang sabi ko. Hindi ko akalain na may bampira pala talaga. Akala ko gawa lamang sila ng imahimasyon.
"How about you? Tao ka ba?" tanong ni Claudine.
"Claudine!" sigaw ni Bliss na nagulat sa tanong ni Claudine.
"Alam kong napapansin niyo rin na may kakaiba sa kanya. Sino bang tao ang may kakayahang manira ng sasakyan sa isang sigaw lang?"
"...."
Tama naman siya. Sino nga bang tao ang nakakagawa ng ganun? Tapos hindi lang iyon ang kaya kong gawin. Minsan nagkatotoo yung mga salitang lumalabas sa bibig ko. Para bang may kung sinong nilalang ang tumutupad sa mga sasabihin ko. Tapos ngayon nakakabasa ako ng isip? Tao nga ba ako? Wala naman kakaiba sa akin maliban doon.
"Oh? Natahimik ka? Tama ako diba? Kung may mas makakaitindi man sayo, kami yun. Dahil katulad mo may kakaiba rin sa amin. Gusto rin namin mamuhay ng normal tulad ng isang ordinaryong tao. Hindi naman namin ginusto na maging bampira kami. Pero ano magagawa namin? Pinanganak kaming bampira."
Isang imahe ng isang bata ako pumasok sa isip ko.
"Gusto ko maging tao," aniya habang nakatingin sa bintana; malabo ang mukha nito. Sa tabi niya may mga pulang rosas na nakatanim.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang iyon pumasok sa isip ko pagkatapos ko marinig ang sinabi ni Claudine. Napailing na lang ako at isinantabi muna ito.
"Tama ka. Pero masisi mo ba ko kung matakot ako sa inyo? Mula noong bata ako ang alam ko hindi totoo ang mga bampira. Tama naman diba? Walang nakakaalam na totoo kayo. Kung meron man, iilan lang siguro at mas pinipili na lang nila manahimik. Sino ba maniniwala na totoo kayo? Baka nga mapakamalan pa akong baliw kapag sinabi ko na may bampira talaga. Kung hindi pa ako inatake ng mga bampira hindi ko malalaman na totoo kayo. Dahil din doon kaya natatakot ako. Gustuhin ko man magtiwala sa inyo, natatakot pa rin ako. Hindi ko na nga alam... kung ano iisipin ko," medyo hinanaan ko na ang boses ko sa huli nang mapansin kong nagkakaroon ng crack ang bintana. Medyo pasigaw na kasi ako dahil sa inis ko sa sarili ko at sa mga nangyayari sa akin.
"......"
"Tama na muna yan. Kailangan ni Xia magpahinga," pambabasag ni Trevor sa katahimikan.
"Lalayo muna kami sayo, para makapag-isip ka. Basta wag mo kakalimutan na nandito lang kami. Kung handa ka na makipag-usap sa amin, pwede mo kami puntahan," sabi niya sa akin bago niyaya sila Claude na umalis.
Pag-alis nila, bumalik ako sa pagkakahiga.
Tama ba ang ginawa ko? Bakit parang ang lungkot? Bakit parang mas gusto kong nasa tabi ko sila? Bakit ang ang sakit sa pakiramdam habang pinapanood ko silang lumabas?
Napabuntong hininga ako. Kahit ano ba ang dahilan ng nararamdaman ko, isa lang nasisigurado ko; mag-iisa nanaman ako sa buhay.
Isang katok ang umagaw ng atensyon ko. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at umayos sa pagkakahiga.
"Hello Ms. Whiteboard. Kamusta ka na?" nakangiting tanong ni Jason habang naglalakad palapit sa akin.
Bakit napadalaw ang isang ito??
"....."
Nagdududang tinignan ko siya hanggang sa mapatingin ako sa suot niyang kwintas.
"Saan mo nabili iyang kwintas mo?" tanong ko dahil katulad ito sa akin. Huli na nang mapagtanto kong nagsalita ako. Napatakip ako ng bibig. Ningitian niya ako.
"Totoo ba itong nakikita ko? Kinausap mo ko ng hindi gumagamit ng whiteboard?" aniya bago sinagot ang tanong ko.
"Bigay ito ng parents ko," seryosong sabi niya.
"At hindi ito nabibili sa kung saan. Pinagawa nila ito noong bata ako."
Pinagawa? Napahawak ako sa kwintas ko. Pinagawa din ba ito?
"Meron ka din pala," nakangiting sabi niya habang nakatingin sa kwintas ko.
Tinanguan ko na lang siya dahil wala na akong balak magsalita.
"Nagdala ako ng paborito mong mansanas. Gusto mo ipagbalat kita?" aniya.
"Paano no nalaman na paborito ko yan? Stalker ba kita?" hindi ko mapigilang magtanong sa sinabi niya. Konti lang nakakaalam ng tungkol doon. Bakit alam niyang paborito ko ang mansanas?
Natawa siya bigla.
"Nagsalita ka nanaman. Hindi ako stalker. Hindi mo ba talaga ako nakikilala?"
"Ikaw si Jason, kaklase ko."
"I mean hindi mo ba ako natatandaan? Nagkita na tayo dati bago pa tayo naging magkaklase," aniya kaya tinignan ko siya ng mabuti.
Umiling ako nang wala ako matandaan na nakita ko siya dati.
"Kaibigan ako ng kuya mo. Nagpraktis kami ng sayaw doon sa bahay niyo noong grade 4 kami."
Muli akong napatitig sa kanya. Parang may nangyari nga na ganun. Pilit ko siya inaalala hanggang sa may maalala ako.
"Xia, anak pakitawag naman sila kuya mo sa labas. Sabihin mo magmiryenda muna sila," sabi sa akin ni Mama kaya lumabas ako ng bahay para tawagin sila. Naabutan ko sila na sumasayaw sa garahe. Hinintay ko na muna sila matapos bago magsalita
"Kuya," tawag ko kay kuya Calvin pagkatapos niya patayin ang tugtog nila.
"Magmiryenda daw muna kayo sa loob sabi ni Mama," sabi ko nang lumingon siya sa akin.
"Sige, susunod kami."
Pumasok na ako sa loob.
"Ito na miryenda mo," sabi ni Mama sabay abot sa akin ng tray na may lamang dalawang cupcake, hiniwang mansanas at orange juices.
Dinala ko ito sa sala at pinatong sa maliit na table doon. Nakita ko pa sila kuya na papasok habang paupo ako. Dumiretso agad sila sa kusina.
Hindi nagtagal lumabas si kuya habang may bitbit na juice.
"Kumakain ka nanaman ng mansanas," puna niya sa akin saka umupo sa tabi ko.
"Masarap eh. Saka paborito ko ito," tugon ko sabay lingon sa lalaki na lumabas ng kusina. Napansin naman iyon ni kuya kaya napatingin din siya.
"Jason, dito ka dali pakilala kita sa kapatid ko. Wag mo nga lang liliwagan. Bata pa yan," tawag niya sa lalaki.
"Ah!" sambit ko habang tinititigan si Jason. Kamukha nga niya yung bata dati. Bakit ngayon ko lang iyon napansin?
"Ano? Naalala mo na? Madalas ako pumunta sa inyo noon kahit nung tapos na kami magpraktis."
Tumango ako bilang tugon.
"Hula ko lang naman na paborito mo itong mansanas kasi madalas kita makitang kumain nito noon," paliwanag niya.
"Kung kaklase ka ni Kuya noon bakit naabutan pa kita?"
"Repeater ako," nahihiyang sabi niya. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Wala kasi sa itsura niya. Saka matalino naman siya. Ningitian niya lang ako.
"Ano? Gusto mo?" tanong niya habang pinapakita yung apple na pulang pula.
Tumango ako. Siyempre hindi ko tatanggihan ang paborito kong kainin.
"Hugasan mo na lang," sabi ko.
Tumayo naman siya para hugasan ang mansanas sa cr.
"Salamat," nakangiting sabi ko nang abutin niya ito. Agad ko ito kinain dahil matagal na din ako hindi nakakain ng mansanas. Simula noong nawalan sila mama hindi na akoj nakakain nito.
"Kinakausap mo na ako ngayon, ibig sabihin ba niyan friends na tayo?" tanong niya.
Tinanguan ko siya. Wala naman masamang makipagkaibigan sa kanya. Saka interesado din ako sa kwintas niya. Baka sakaling may ideya siya kung saan galing itong kwintas ko.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top