CHAPTER 046
"HEY, WHAT'S THE MATTER?" salubong ang mga kilay ni Lara nang makita si Van na nakaupo sa harap ng minibar ng bahay ni Attorney Salveijo; ang ama nito. Simula nang umuwi sa Pilipinas ang dalaga ay doon ito namalagi sa dalawang palapag na bahay ng ama.
The house itself had four bedrooms, at madalas na wala si Attorney Salviejo dahil sa trabaho, kaya laking pasasalamat nito sa tuwing naka-uuwi ang anak sa bansa dahil natatauhan ang bahay.
Van had an access to the house; he even had his duplicate key. Lumaki ito sa pangangalaga ni Attorney Salviejo na matalik na kaibigan ng namayapang ama kaya madalas itong naroon simula pagkabata. And he was treated by Attorney Salviejo not just a client, but also like his own child.
Noong binata pa si Van ay madalas itong naroon sa bahay ni Attornye Salviejo; sometimes he would sleep there after a long day of work. Mas malapit kasi iyon sa Ortigas kaysa sa sariling bahay nito sa Antipolo. Pero nang ikasal na ito ay naging madalang na ang pagbisita ni Van doon. Sometimes he would come to visit or pick up some documents or just share a quick shots of rum with the old lawyer.
Kapag may problema si Van ay doon din ang diretso nito. Sa nakalipas na mga buwan nang mag-umpisa silang mag-away ni Demani ay madalas itong bumibisita upang humingi ng payo kay Attorney Salviejo. Pagkatapos ng dinner meeting ay makikipagkita ito sa matandang abogado upang maglabas ng sama ng loob.
Tulad ngayon sana.
But... Attorney Salviejo was on a business trip. At akala ni Van ay nakauwi na ito. Pero nang makarating si Van sa bahay ay saka nito napag-alamang hindi pa nakababalik ang matanda. Van gave him a call, and Attorney Salviejo said his trip was extended for another day due to weather. Nasa Davao pa rin daw ito kasalukuyan.
But despite that, Van chose to stay at the house. Sa minibar ito dumiretso at hinintay ang pagdating ni Lara. He knew Lara would always come home late at night; madalas itong nasa party o hindi man ay dinner dates.
Alas nueve ng gabi nang makauwi si Lara. Nagulat ito nang makita roon si Van, lalo nang abutan nito ang lalaking lango na sa alak.
Si Van na nakayuko sa counter hawak-hawak sa dalawang kamay ang basong may lamang alak ay napalingon; at nang makita si Lara na papalapit ay napangiti.
"Hello there, Lara."
Inilapag ni Lara ang handbag sa ibabaw ng counter at hinagod sa likod ang kaibigan. "What the hell is wrong this time? Bakit ka nagpakalasing? Kaya mo pa bang mag-drive?"
Van smirked and took the glass to his mouth. Inubos muna nito ang laman ng baso, napangiwi nang maramdaman ang init na dumaloy sa sikmura, bago tuluyang hinarap si Lara. Ang mga kamay nito'y bumaba sa bewang ng dalaga na nagsalubong ang mga kilay.
"Now I understand why you chose to be single," he said, smirking.
Napabuntonghininga si Lara; alam na kung ano ang nangyayari sa kaibigan.
"Did you and your wife fight again? Limang araw tayong hindi nagkita dahil hindi mo ako pinatawag sa opisina, akala ko ay busy ka lang kaya wala akong naririnig sa'yo. What is it this time?"
Van shrugged his shoulders nonchalantly. Halatang nilamon na ng alak ang katinuan ng isip. "Nothing really, she just lost the baby that she was carrying."
Napasinghap si Lara sa narinig saka hinawakan sa magkabilang balikat si Van. "Your wife was pregnant?"
"Yeah, that's right. Was pregnant. Not anymore," he then chuckled bitterly.
"Oh Van, I am so sorry to hear that. Nasaan na ngayon si Demani?"
"At the hospital, bumabawi ng lakas para may pang argumento na naman sa akin kapag muli kaming nagkita." He smirked again. "I am starting to think that my wife doesn't really love me, Lara."
"Why say so?"
"Because if she does, she wouldn't misunderstand my intentions. She would listen to me and respect my decision. Desisyon na para lang din naman sa ikabubuti niya." Pigik na natawa si Van, ibinaba ang mga kamay mula sa bewang ni Lara saka muling humarap sa counter. Kinuha nito ang bote ng whiskey na nakapatong din doon sa counter at nagsalin ng alak sa baso. "I did my best for her kahit na hindi ako pabor sa kultura ng pamilya niya. I did my best to understand her, and I even adjusted my time for her. Marami akong binago sa buhay ko nang pakasalan ko siya, ibinigay ko sa kaniya ang lahat, pero hindi niya makita-kita kahit anong gawin ko ang pagmamahal at pag-intindi ko sa kaniya. And she had the guts to tell me that I was the selfish one when in fact it was always her." Van scoffed before taking the shot. Pinangalahati nito ang laman ng baso, saka iyon halos pabagsak na ibinaba sa counter.
"Stop drinking," ani Lara bago inagaw ang baso kay Van. Subalit kaagad itong nakaiwas.
"Just let me drown my sorrows with alcohol, Lara. Kahit man lang dito ay makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon." Muli itong tumungga, at si Lara ay wala nang nagawa kung hindi magpakawala ng buntonghininga at maupo sa katabing high chair.
"How did... your wife lose the baby?"
Van scoffed again; bitterness was all over his handsome face. "I don't know, you ask her. Pinabayaan niya ang sarili niya kahit na may napapansing na siyang sintomas ng pagbubuntis. And you know what she did? Even after the symptoms were showing up, she still didn't go to the doctor to have herself checked. What's worse was she resumed taking her birth control pills." Muling pigik na natawa si Van, subalit hindi nito maikukubli sa kaibigan ang tinig nitong puno ng hinanakit at sama ng loob. "Hindi ako nagkulang ng paalala sa kaniya na alagaan niya ang kaniyang sarili dahil ilang linggo na siyang walang tulog at maayos na pahinga. Hindi ko siya pinayagan na magbantay sa pinsan niyang nasa ospital dahil alam ko—ramdam ko na hindi na rin maganda ang lagay ng kalusugan niya. I stopped her for her own, damned good. Pero ako pa ang may mali; ako pa ang tinawag na selfish, ako pa ang tarantado. Ahh, Lara. I am getting tired of this shit. Palaging ang pamilya na lang niya ang pinagmumulan ng away namin. Paulit-ulit."
Muling kumuha ng alak si Van, pinunuo ang baso saka agad na dinala sa bibig upang tumungga.
Si Lara ay walang ibang ginawa kung hindi panoorin si Van; naroon ang pag-aalala pero naroon din ang pagnanais na tulungan itong makalimot sa sakit na nararamdaman sa mga sandaling iyon.
"I'm sorry you had to go through this pain, Van..." masuyong sabi ni Lara kasunod ng paghagod sa likod ng kaibigan. "If there is something I could help you with, just let me know. Handa akong tulungan ka."
Nilingon ni Van ang kaibigan, sandaling tinitigan bago sinagot. "I just want to forget the pain my wife had caused me, Lara. Pero hindi ko alam kung papaano ko magagawa iyon."
Sandaling natigilan si Lara nang mapatitig nang husto kay Van. May kung anong ideya na pumasok sa isip. Ang ilang linggo nang gumugulo sa damdamin nito'y muling lumutang. Lara had suddenly thought of a vile idea.
And it's now or never. Ngayon na ang pagkakataon niyang gawin iyon.
Tumayo ang dalaga at yumakap kay Van.
"Your wife didn't see how great of a man you are, Van. She didn't see how loving and caring you are. She rejected your gestures of love, she ignored your efforts. She didn't deserve you, Van..."
Sandaling natigilan si Van; ang ulo nito'y nakahilig sa dibdib ni Lara at ang mga kamay ay nakabitin sa ere; sa isa sa mga iyon ay may hawak sa basong may laman pang alak.
"These past few months, you and your wife did nothing but argue over the same thing; her family. Ngayon ay muli na naman kayo nag-away dahil ayaw na naman niyang makinig sa'yo. You have been begging for your wife's time and attention, Van. You love her more than she does—at hindi niya pinahahalagahan iyon." Sandaling bumiti si Lara upang harapin si Van. "If I were you, ngayong wala pa kayong anak, ay isalba mo na ang sarili mo. Get out of that marriage and find someone who would appreciate and love you more than you do. Find someone who would never ignore nor reject the efforts you make. Someone close to you..."
Nanatiling nakamaang lang si Van sa kaharap. He had a hard time understanding what Lara was trying to say; not only because he got confused by the sudden emotions that were filling her eyes, but also due to his tipsiness. He was drunk he could no longer control himself nor the way he balanced his thoughts.
Ilang sandali pa'y kinuha ni Lara ang baso ng alak sa kamay ni Van at ibinalik iyon sa ibabaw ng counter. Her hands then went to Van's shoulder, and with a voice full of sensuality, she said...
"Let me help you forget your pain tonight, Van. And tomorrow, I'll help you decide what to do with your life."
At bago pa man nakasagot si Van sa sinasabi ng kaharap ay bumaba na ang ulo ni Lara at dinampian ito ng halik sa noo. The kiss was so tender it shocked him. Hindi na nakapagsalita pa si Van.
Hanggang sa bumaba pa ang mga labi ni Lara sa pisngi nito... sa jawline... hanggang sa sakupin na ng mapupula nitong mga labi ang mga labi ni Van.
Lara's kisses felt and tasted different, Van thought.
They didn't taste right.
They tasted like betrayal.
But instead of pushing Lara away, Van closed his eyes in submission and responded to her kisses.
And that night, Van made a mistake that he would regret his whole life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top