Siláng (Unang Bahagi)
Mapayapa na sana ang pamumuhay
Kung hindi dumating ang mga kaaway
Biglang sumakop sa mga bayan-bayan
Sumilang ang araw sa dakong silangan.
Uulit muli ang madugong digmaan
Hindi ka sumuko sa anumang laban
Mapalaya lang ang inyong lalawigan
Ang kanilang ginawang pambubusabos.
Pagpaslang at sa kanilang walang taros
Na kalupitan sa mga mamamayan
Tila kasamaang walang katapusan
At sa ginawa nilang paniniphayo.
Ang lahat ng pinuno, pinalitan mo
Mga makabayang mestiso't Indio
Maging sa simbahan, paring Ilokano
Ang mga matapat mong kasama.
Pati ang iyong magiting na asawa
Mga tirador, baril, gulok at pana
Ay s'yang gamit niyo sa pakikidigma
Pagiging rehilyoso, iyong isinabuhay.
Pagdarasal ng taimtim, tunay at dalisay
At kasama mo ang kabiyak ng iyong puso
Kahit sa gitna ng laban, suot mo'y rosaryo
Dahil ayaw mong sumuko sa mga Kastila.
Sila'y nagalit, nasuklam at kapagkaraka
Nag-isip ng mabuti para lang mapaslang ka
Nang matapos na't hindi ka na makalaban pa
Dalawa mong kaibigan ay naging sukaban.
Sila'y nasilaw sa pera't mga kayamanan
At nung hapon sila'y pumunta sa iyong kuta
Na dala-dala ang lihim na isasagawa
At ilang saglit lang ang nakalipas.
Putok ng baril, rinig hanggang labas
Mapanglaw na taghoy, tila umiiyak
At narinig ito ng kanyang kabiyak
Tila wala nang malay at duguan.
Ang 'yong kalipas dibdib nang madatnan
Napaiyak at ika'y dali-dali
Tumakbo sa kanya o anong hapdi
Pahimakas na halik ang huling inilagda.
Mainit na yakap at mga huling salita
At unti-unti nang nawalan ng hininga
Dahan-dahan n'yang ipinikit ang mga mata
Gabi, hawak ang gulok, tumingala sa langit.
“Mahal, aking itutuloy”, ang kanyang nabanggit
Dala-dala ang pagkalungkot at pagkagalit
Nagluha't nanaghoy dahil sa kanyang sinapit.
Kay sakit ngang mawalan ng pinakamamahal.
----------------------*
[Kina Diego at Gabriela Siláng]
Ika-15 ng Agosto at Ika-8 hanggang 9 ng Oktubre, taong 2012
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top