Special Update #4
Special Update Chapter 4
"Kailan ka pa natutong mang-away ng girl ha Marcus Liam?!" Suway ko sa anak ko, Grade 1 na sila ni Ethan at talaga namang sumasakit na ang ulo ko sa dalawang 'to. Lalong lalo na kay Marcus, ipinatawag ako sa school nila dahil binuhusan daw nitong si Marcus ng tubig ang kaklase niyang babae. Umiiyak naman siya ngayon dahil pinalo ko siya pero hindi naman malakas iyon, paraan ko lang naman yon para disiplinahin siya.
Humihikbi na siya ngayon at sunod sunod na pagpunas ng luha niya ang ginagawa niya. "Lagot ka talaga sa Daddy mo pag uwi niya, ang bad bad mong bata ka." Kanina pa kaming dalawa dito sa kwarto nila ni Ethan.
Si Ethan naman nakatungo at nakikinig sa pangaral ko sa kapatid niya, si Troy at Monique naman nakasilip sa may pintuan, kinder na sila Troy kaya naman mas lalo kaming naging aligaga ni Kyle sa paghahatid sa apat na anak namin.
"*sob! *sob! Mo-mommy. So-sorry, k-kasi b-binigyan k-ko lang naman po ng toys si Bianca k-asi crush ko siya... K-kaya lang tinapon niya ka-kasi ang pangit daw. La-laruan kaya ni Monique yon, t-tapos sasabihan niya ng pa-pangit! Kaya bi-nuhusan ko siya ng wa-water." Humihikbing paliwanag niya, hindi ko alam kung matatawa o magagalit ako dito sa anak ko, nagkaka-crush na siya at nagagawa na rin niyang ipagtanggol ang kapatid niya.
"Kinuha mo toys ko!!!" Matinis na boses ni Monique iyon! Lumapit naman si Ethan sakanya at tinakpan ang bibig nito... "Galit na si Mommy wag ka nang maingay." Bulong niya sa kapatid pero rinig ko pa rin...
"So-sorry p-po Mommy...huhuhu." Humahagulgol na siya sa pag iyak at napapitlag ako nang bigla niya akong yakapin. "Sor-sorry Mommy..." Bulong niya, hinagod ko ang likod niya at inalo ko na siya na h'wag umiyak.
"Anong nangyari?" Sa wakas umakyat na rin ang asawa ko, tinawagan ko kasi siya kaagad pagkatapos akong ipatawag sa school, humigpit ang yakap sa akin ni Marcus dahil sa takot niya sa Daddy niya. Minsan na kasi siyang napalo nito noon, dahil nga sa pang aasar sa kaklase niya at hindi nanamin mabilang kung ilang beses kaming pinatawag ng teacher niya. Umiling iling ako kay Kyle saka binuhat ko si Marcus, mabigat na ang anak ko. Big boy na talaga.
Tumungo sa balikat ko si Marcus at hikbi pa rin siya ng hikbi. "Ano bang nangyari?" Bulong niya sa akin, umiling iling ako.
"Pakainin mo na yung tatlo, sigurado ako hindi nanaman kakain 'tong si Marcus." Bulong ko, kumunot ang noo ni Kyle.
"Hindi pwedeng hindi kakain ng dinner, Marcus big boy ka na di ba? Bakit nagpapakarga ka pa sa Mommy?" Ma-awtoridad na tanong ni Kyle, pero hindi umimik si Marcus sakanya.
Binelatan ko naman siya pero nabigla ako nang bigla niya akong halikan sa labi, pero sandali lang iyon. "Sayang, pupunta pa naman kami bukas sa Ocean Park, mukhang may hindi kasama ah." Pang aasar ni Kyle kay Marcus! Kaagad naman tumingin sakanya si Marcus.
Natawa si Kyle sakanya, "Baba na anak, nahihirapan si Mommy sayo." Suway ni Kyle, kaagad nagpababa si Marcus at tumingala siya sa ama.
"Pupunta tayong Ocean park?!" Excited na sigaw ni Marcus. Tumango naman siya bilang sagot, tuwing sabado kasi ipinapasyal namin ang mga bata at kapag linggo naman nagsisimba kami.
Nandito na kami ngayon sa Ocean park, panay naman ang takbo nung tatlong lalaki dahil tuwang tuwa sila sa mga isda, sumusunod naman sakanila ang dalawang Yaya nila. Si Monique naman karga karga ni Kyle, habang ang kaliwang kamay niya nakahawak sa kamay ko.
"Daddy! Fissshhh!!" Sigaw ni Monique, "Yes Princess,"
"Si Nemoooooo!!!Nemoooo!!" Sigaw ni Troy habang tinuturo ang kamukha ni Nemo. "Ang dami nila!!!" Sigaw ulit ni Troy, nakakatuwa makita yung itsura nila.
"Dad papicture tayo." Paalala ko sakanya, yan kasi ang laging ginagawa ni Kyle tuwing namamasyal kami kailangan may picture ang pamilya. Ibinaba niya si Monique, ibinigay ko naman sakanya ang nakasabit na camera niya sa leeg ko.
"Yolly, pasuyo naman. Picturan mo kami." Tawag ni Kyle sa isang Yaya nila Marcus, kaagad siyang lumapit saamin at kinuha ang camera.
"Boys! Pipicture!" Sigaw ko sa tatlong makulit kaagad naman silang tumakbo palapit saamin. Tumabi si Marcus sa Daddy niya habang si Ethan naman inakbayan ang kapatid na si Troy, si Monique naman nakasampa sa akin. "Monique look at the camera..." Bulong ko kay Monique dahil panay ang lingon niya sa aquarium. Tumawa siya at tumingin sa camera.
Masaya ako dahil kahit ang kukulit ng anak namin, ramdam ko naman yung pagmamahal sa buong pamilya. Nawawala ang pagod ko tuwing makikita kong masaya sila, at parang kinukurot ng kung ano ang puso ko sa tuwing malungkot sila.
Masaya rin ako dahil kahit ang tagal tagal na ng pagsasama namin ni Kyle, hindi pa rin siya nagbabago. Araw araw pa din niyang sinasabi at pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal.
"Magpakabait, Marcus! H'wag mang aaway ng classmate okay?" Bilin ko, hinatid kasi namin ni Kyle ang mga bata sa school.
"Aye! Aye!" Sigaw niya, humalik na siya sa akin pati si Ethan... "Ethan, yung psp mo itago mo kapag may klase kayo. Makinig kay teacher." Bilin ko, "Yes Mom... I love you." Sagot niya sa akin.
Humalik na rin sa akin sila Monique, pati si Kyle hinalikan na rin nila. Mayroon pa rin silang kasamang Yaya pero hinihintay na lang sila nito sa canteen. "Yolly, tumawag kayo kapag may problema." Bilin ni Kyle.
"Opo Sir..."
Pinaandar na ulit ni Kyle ang kotse, hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at isa isang hinalikan ang daliri ko. "Date tayo Mommy." Bulong niya, napatingin ako sakanya, "Paano ang studio?" Tanong ko sakanya, "Nandun naman si Felix saka yung ibang tauhan."
Tumawa naman ako, "At ano namang nakain mo? Bigla kang nagyaya ng date?" Natatawang tanong ko sakanya. Hindi na kasi kami ulit nakakalabas na dalawa lang kami, palaging kasama yung mga anak namin.
Ngumiti siya at marahan na pinisil ang kamay ko. "Masama bang masolo ang asawa ko?" Natatawang tanong niya, "Grabe ka, nasosolo mo naman ako ah!" Pang aasar ko sakanya.
"Yeah kapag gabi." Natawa ako sakanya, kahit kailan talaga ang bibig nito. Palagi ko nga siyang pinagsasabihan kasi madalas naririnig siya ng mga bata, kaya ayon panay ang tanong lalo na yung dalawang panganay namin.
Tumigil kami sa bahay na pinagawa niya, "Bakit nandito tayo Dad? Di ba sa mga bata 'to?" Tanong ko sakanya, tumango naman siya. "Yes baby, pero saatin din naman 'to..." Sabi niya saka hinawakan niya ang kamay ko, pumasok kami sa loob.
Napangiti ako sa walling ng bahay dahil parang painting ang style non, pero ang totoo non kuha lang ni Kyle yon. Kompleto na rin ang gamit sa sala, pati yung limang kwarto kumpleto, oo lima kasi gusto ni Kyle kahit minsan umuwi kami dito kapag malaki na yung apat.
Hinila niya ako sa may kitchen at napanganga ako nang makita kong may nakaready ng pagkain don, may kandila rin sa gitna ng lamesa, napapikit ako nang halikan niya ang labi ko. Ngumiti siya at tinitigan ang mata ko, "Sabi ko naman h'wag kang nganganga di ba?" Natatawang sabi niya, natawa ako kaya hinampas ko siya, bigla kong naalala yung mga panahon na niligawan niya palang ako bilang girlfriend na niya!
Hinila niya ako at pinaupo, sinindihan naman niya yung kandila bago naupo sa kaharap kong upuan. "Happy anniversary baby..." Bulong niya, nanlaki ang mata ko. Sht, nakalimutan kong anniversary namin ngayon. Tumawa siya, "Naiintindihan ko baby, busy ka sa mga anak natin..." Bulong niya, hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa at marahan na pinisil iyon.
"Mommy, salamat sa lahat..." Biglang tumulo yung luha ko, pinunasan ko iyon at ngumiti ako. "No Dad, thank you... Kasi hindi ka nagbabago." Umiiyak na bulong ko, tumayo siya at hinila niya yung isang upuan para tabihan ako. "Shhh, it's alright baby...mahal na mahal kita." Bulong niya at dinampian niya ng halik ang labi ko, tumango tango ako, hinalikan niya ang noo ko.
"Happy anniversary Dad, I love you." Bulong ko... "I love you more..."
At kahit pareho pa kaming busog dahil sa breakfast na niluto ko kanina, kumain pa rin kami ng luto niya. Namiss ko yung luto niya, tinalo talaga ako nito pagdating sa pagluluto.
Pagkatapos naming kumain nahiga kami sa kwarto namin, ginawa kong unan ang dibdib niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. "Ang tagal na din noh Dad? Seven years..." Bulong ko, alam kong nakangiti siya ngayon kahit hindi ko siya tignan...
"At habang tumatagal mas lalo kitang minamahal..." Sabi niya, tumingala ako sakanya at pinagtagpo namin ang mata namin. "At habang tumatagal nagiging pasaway yung mga anak natin." Natatawang sabi ko sakanya, ngumisi naman siya.
"Hayaan mo magiging strikto ako." Pagpapatawa niya, "Kailan ka naging strikto?!" Sigaw ko sakanya, tumawa lang siya, pero sa totoo lang magaling magdisiplina ng anak itong asawa ko, yun nga lang pagkatapos niya kasing pagalitan at paluin inaamo niya kaagad, edi mas lalong lumalaking pasaway yung apat.
Pinagsalubong niya ang kamay naming dalawa, "Mommy, sorry kung minsan wala ako sa bahay kapag nangungulit yung mga bata."
"Ano ka ba Dad, natural lang yon dahil nasa trabaho ka di ba? Saka hindi ka naman nawawalan ng oras saamin ng mga bata, basta Dad sinasabi ko sayo h'wag na h'wag kang mambababae!!" Hiyaw ko sakanya, "Mambababae pa ba ako eh sayo palang panalong panalo na ako, Mommy ikaw ang thirty years old na talaga namang sexy pa rin hanggang ngayon, ang ganda ganda mo baby...saka ang hot mo." Binulong niya lang iyon na para bang may naiisip nanaman na kung ano!
"At ikaw naman ang thirty one years old na pervert!" Sigaw ko! Tumawa naman siya, pero seryoso mukha pa ring binata si Kyle kahit na thirty one na siya, alaga pa rin ng exercise yung katawan niya, nakaregister pa rin kasi siya dun sa pinag-gy-gyman niya. At mas lalong gumuwapo ang asawa ko. "Pero gwapo ka pa rin Dad, hindi kaya pagkamalang Nanay mo ako?!" Natatawang sabi ko.
Umiling iling siya, "Of course not baby, mukha kang eighteen." Pambobola niya saka pumaibabaw sa akin at hinalikan ang noo ko, ang ilong ko at ang labi ko. "Nambobola ka Dad." Bulong ko.
"Hindi Mommy, sa mga mata ko at mata ng mga anak natin mananatili kang maganda at sexy." Nakangiting sabi niya, nilamon niya ng sobrang lalim na halik ang labi ko na kaagad ko namang tinugon.
"Are you still taking your pills?" Tanong niya habang hinahalikan ang leeg ko, "Y-yes Dad..." Sagot ko, oo nagpipills pa rin ako dahil kung hindi baka nagmukhang ampunan na ang bahay namin! Lumipat ulit ang halik niya sa labi ko. "Sayang, gusto ko pa naman ng pang lima..." Tumatawang sabi niya sa pagitan ng labi naming dalawa hinampas ko ang likod niya pero mas pinag igihan niya ang paghalik sa akin na nauwi nanaman sa ganon.
Si Kyle Cando, ang lalaking para sa akin ay gwapo, sexy, hot, sweet, mabait, bolero lahat na!Basta para sa akin mananatili siyang perfect husband sa puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top