Chapter Two
NAGISING si Camia dahil sa malakas na tunog ng alarm clock na nakapatong sa bed side table. Kumilos siya upang kunin ang alarm clock ngunit napadaing siya nang biglang nanakit ang katawan niya lalaong-lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita. Saka lamang niya naalala ang pinaggagawa niya. Wala siya sa kanyang kuwarto.
Mahinhin siyang kumilos at bumangon. In-off niya ang alarm clock. Alas-singko pa lamang ng umaga. Medyo madilim pa kaya hinanap niya ang switch ng ilaw saka binuksan. Kitang-kita niya ang pulang mantsa sa puting kobre-kama. Katibayan iyon ng pagkawala ng kanyang pagkaberhin. Pero ang katakataka ay bakit hindi niya kasama si Cole? Iniwan ba siya pagkatapos ng naganap sa kanila?
Nang hilain niya ang kumot ay tumalsik ang isang kuwintas na napigtas ang lace nito. Nakakabit pa rin ang bilog na pendant nito na kasing laki ng limang pisong coin. Mukha itong ginto at maumbok na tila may laman sa loob. May kabigatan din ito. Pinulot niya ang kuwintas. Kinapa niya ang dibdib niya. Suot niya ang kanyang kuwintas. Wala rin siyang nakitang kuwintas na suot ni Cole ni minsan. Puwede ring kabibili lang nito sa kuwintas. Pero ang tanong niya, nasaan si Cole?
Itinago niya sa kanyang bag ang kuwintas. Pagkuwan ay pumasok siya sa banyo at naligo ng maligamgam na tubig mula sa shower na mayroong water heater.
Pagkatapos maligo ay nakialam siya sa kusina. Pagbukas niya sa refrigerator ay wala itong laman. Naka-off ito. Nang buksan naman niya ang rice cooker ay napatakip siya ng ilong nang maamoy ang inaamag na kanin. Maging ang natatakpang ulam sa mesa ay inaamag na. Niligpit niya ang kalat ay naglinis. Nagtataka na siya. Kung umuwi si Cole, imposibleng hindi nito naisipang iligpit ang panis na pagkain. Maselan ang binata at ayaw na nappanisan ng pagkain. Nagugutom na siya kaya nagsaing siya nang kaunti at nagbukas lang ng nakalatang corned beef.
Kumakain na siya nang biglang tumunog ang door bell. Dagli siyang tumayo at nagtungo sa pinto sa akalang si Cole na iyon. Naisip niya na baka tulog pa siya nang lumabas ito at nag-jogging, bagay na palaging ginagawa ng binata. Subalit pagbukas niya ng pinto ay matabang babae ang tumambad sa kanya. Si Ginang Rosana, ang landlady ng two story apartment na iyon.
"Good morning! Nakauwi na ba si Cole?" nakangiting tanong nito.
"Ah, k-kagabi po. Hindi ko po alam kung saan siya nagpunta," sagot niya.
"Kagabi? Pumunta ako rito kagabi ng alas-otso pero walang tao. May tatlong araw nang hindi ko siya nakikita. Sisingilin ko sana siya para sa bayad ng kuryente."
Nawindang siya. Ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya. "Tatlong araw? Pero kasama ko po siya kagabi," aniya.
"Sigurado ka ba? E hindi naman nakita ng anak ko sa CCTV na pumasok na siya," wika nito.
Binalot na siya ng pagkabahala. Hindi siya kombinsido sa natuklasan. "Uhm, puwede ko po bang makita ang kuha ng CCTV sa ilang araw na sinabi ninyong hindi umuwi si Cole?" hiling niya.
"Sige. Halika sa unit ko."
Sumunod naman siya sa ginang. Pagdating sa tinutuluyan nitong unit kung saan din ang monitor ng lahat na CCTV footage ay pina-review niya sa anak na lalaki ng ginang ang nai-record na mga video. Ni-review nila ang kuha ng CCTV sa loob ng tatlong araw kasama ang kahapon. Lahat ng taong pumapasok sa gusali ay nakikita sa video mula pa sa garahe. Maging ang pagpasok niya kagabi ay nakita. May CCTV footage rin sa tapat ng unit ni Cole kaya alam kung pumasok ang binata. At sa loob ng tatlong araw ay walang nakita na dumating si Cole at pumasok.
Nagimbal si Camia. Kung hindi umuwi si Cole, sino naman ang lalaking nakasama niya kagabi? Binalot na ng kaba ang buong sistema niya. Imposible. Hindi iyon maari.
"Pero, Ma'am, may kasama po ako kagabi sa unit ni Cole. Ang alam ko siya 'yon. Hindi po ba nakita sa CCTV na may pumasok sa unit niya?" pilit niya.
"Saan naman siya dadaan? Nasa second floor ang unit niya at may grills ang lahat ng bintana," sabi naman ng anak ni Gng. Rosana.
Napaisip din siya. Pina-review ulit niya ang kuha ng CCTV sa maghapon at gabi kagabi. Wala talagang nakitang ibang pumasok sa unit ni Cole maliban sa kanya. Kahit sa mga ibang araw, walang pumasok. Tanging si Gng. Rosana ang lumapit sa unit pero hanggang labas lang at nagpipindot ng doorbell.
Balisang-balisa na si Camia. Napakaimposible naman ang nangyari. Sigurado siya na may kasama siyang lalaki kagabi. Kahit lasing siya at wala sa katinuan, ramdam niya sa kanyang katawan na mayroon siyang nakatalik kagabi. Hindi na niya kinulit ang mag-ina. Kumuha siya ng pera at binayaran ang bill ng kuryente ni Cole. Binayaran din niya ang upa para sa susunod na buwan. Pero bago siya umalis ay pina-off niya ang plangka ng kuryente sa unit ni Cole.
KUMISLOT si Camia nang may daliring sumundot sa pisngi niya. Nahimasmasan siya. Namataan niya si Tanya na nakaupo sa ibabaw ng mesa niya. Nakataas ang makinis nitong hita. Nanunukso ang ngiti nito.
"Ano, success ba ang plano mo kagabi?" tanong nito sa kanya.
Lalo lamang siyang nababalisa. Bumuntong-hininga siya.
"May mali, Tanya," aniya.
"Anong mali? Tinanggihan ka ba ni Cole?" nag-aalalang sabi nito.
"I think hindi si Cole ang naakit ko kagabi," bunyag niya.
"What?!" Napabalikwas nang tayo si Tanya at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya.
"Hindi umuwi si Cole may tatlong araw niya. Na-review ko ang CCTV ng apartment at malinaw na hindi siya umuwi," kuwento niya.
"Ano? Paano nangyari 'yon? Pero sigurado ka bang may nakasama ka kagabi sa room niya? O baka napasobra ang kalasingan mo kaya nag-ilusyon ka lang na kasama mo siya," palatak nito.
"Hindi. Sigurado akong may kasama ako kagabi. I lost my virginity at nakita ko ang blood stain sa kama. Kahit lasing ako kagabi, ramdam ko'ng may umangkin sa akin na lalaki," giit niya.
"O my God! Don't kidding girl."
"Do you think I'm kidding? It's really happened, Tanya."
"Kung gano'n sino ang lalaking nakasama mo?" usig nito.
"Hindi ko alam."
Hindi na niya malaman ang gagawin niya. Pakiramdam niya'y umabot na sa lalamunan ang stress niya. Hirap siya sa paghinga. Pati si Tanya ay natataranta.
"What we gonna do now? Where's Cole then?" anito.
Umiling siya. "Hindi ko alam. I don't know what to do," mangiyak-ngiyak na sagot niya.
Hindi matanggap ng sistema niya na ibang lalaki ang nakakuha ng virginity niya.
"Pumunta ka na kaya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Cole. Baka naroon lang siya at may special project na ginagawa," suhesyon ni Tanya.
Nabuhayan siya ng pag-asa. Tumayo siya. "You're right. Baka nga nandoon lang siya," aniya.
Kinuha niya ang kanyang bag saka nagmamadaling umalis. Sumugod siya sa tanggapan ng CLC corporation, ang isa sa pinakamalaking auto manufacturing sa bansa at nagbebenta rin ng mga high class na sasakyan na gawa rin ng mga ito. Nagtatrabaho si Cole sa kumpanya bilang auto mechanic.
First time nakaapak ni Camia sa napakalawak na kumpanya. Katabi lamang ng limang palapag na tanggapan ng kumpanya ang mismong pagawaan ng mga magagarang kotse at iba pang sasakyang panlupa. Ang sabi ni Cole, nasa higit-kumulang limang-libo katao ang nagtatrabaho sa nasabing kumpanya. Naka-base ang kumpanya sa North Caloocan.
May kalahating oras na siyang naghihintay sa lobby ng gusali bago may nag-abalang kausapin siya. Isang matangkad na babae at nakasuot ng black slacks at itim na coat. May suot itong eyeglasses. Medyo mataray ang hilatsa ng mukha nito.
"What can we do for you, miss?" magalang na tanong sa kanya ng babae.
Tumayo naman siya. "Uh, good morning, Ma'am! Itatanong ko lang po kung naka-duty po si Cole Juarez," aniya.
Hindi kaagad nakasagot ang babae. "Uh... according to his co-workers, Cole has abandoned his duty three days ago and until now he didn't reported. May I ask who you are and your connection to Mr. Juarez?" anito pagkuwan.
Bumuntong-hininga siya. "I'm his girlfriend. I called him many times but he doesn't answer his phone. Are you sure that he leaved without permission?" paniniguro niya.
"Yes."
"But hen, why your company didn't do any actions to investigate about his case?" usig niya.
"That's not our obligation. We didn't please employees if they decided to leave our company without our permission. We declared that Cole Juarez has been AWOL. Leaving the duty of responsibility was a serious case and violation against our company's rules and regulations and we didn't tolerate employees who has been commited those violations."
Nag-init ang bunbunan niya. Doon na siya nagduda na may nangyayaring hindi maganda sa loob ng kumpanyang iyon.
"No! That was embarrassing for employees rights!" hasik niya.
"Excuse me? We're not obligate to make our own investigation regarding to missing employees, unless if it was connected to the company operations."
Nagtagis ang bagang niya. "But he was on-duty the time he was gone!" protesta niya.
"Yes, but no one forced him to leave. He decided to leave without management's permission so it was his fault."
"Then show me the evidence or and prof that Cole leaved your company by intension," pilit niya.
"You're requesting too much, lady," sabi nito.
"Of course I do. I want to talk to your boss, now!" nanggagalaiti nang sabi niya.
"You have to set an appointment before seeing him in person. And before that, make sure that your intention was good, if not, he won't entertain you. I'm sorry, miss. I think you're too much wasting my time," sabi ng babae saka siya iniwan.
May lumapit naman guwardiya at iginiya siya palabas ng gusali. Hindi na siya nagpumiglas. Tinimpi niya ang naghihimutok niyang galit. Payapa siyang umalis pero ipinangako niyang babalik siya. Magsasagawa siya ng sekretong imbestigasyon hinggil sa operation ng CLC Corporation. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ang management ng kumpanya sa pagkawala ni Cole.
ISANG araw hindi pumasok sa trabaho si Camia para lang ma-imbestigahan ang CLC corporation. Pero sa mga nalakap niyang impormasyon, legal at malinis ang operation ng kumpanya. Wala rin itong record na negatibo mula sa mga government agencies. Nakuha rin niya ang impormasyon tungkol sa may-ari ng kumpanya pero hindi siya kumbinsido. Nagdududa rin siya sa identity ng owner na si Remus Albano, isang twenty-six year old businessman, single at nabibilang sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Napag-alaman din niya na isa itong half-Rusian-Filipino. Hindi niya maikakailang napakaguwapo ng batang negosyante at base na rin sa kumakalat na trending post related sa negosyante, alam niyang malakas ang hatak nito sa social media. Maraming netizen ang nahibang sa katangian nito at pinagpapantasyahan ito ng mga kababaihan. Marami ring curious at insecure. Pero wala siyang pakialam sa mga natuklasan. Ang tanging gusto lang niya ay maibalik si Cole. Wala siyang makukuhang magandang sagot kung hindi niya makakausap nang personal ang boss ni Cole. Alam niya'ng may alam ito.
BIYERNES ng alas-tres ng hapon ay bumalik si Camia sa CLC corporation office. Subalit sa entrada pa lang ng gusali ay hinarang na siya ng guwardiya.
"Sorry, ma'am, office hour po, hindi po kami tumatanggap ng bisita na walang appointment letter alinman sa mga opisyales, lalo na sa prisedente," paliwanag ng guwardiya sa kanya.
"Paano ako makakakuha ng appointment letter kung hindi ako papasok?" matapang na tanong niya.
"Kailangan po mayroon kayong contact sa loob para mabigyan kayo ng permiso para makapasok sa ganitong oras."
"Sinabi ko na dati na boyfriend ko si Cole Juarez," giit niya.
"Pero hindi na po nagre-report dito si Cole."
"Kaya nga ako narito para malaman ang tungkol sa kanya."
Mamaya'y may dumating na magarang itim na kotse. Hinila siya ng guwardiya paalis sa daraanan. Nakita niang bumaba ang dalawang kalalakihang pawang naka-suit. Kasunod nito ang matangkad na lalaking nakasuot ng itim puting tuxedo at may suot na sunglasess. Malaki ang pangangatawan nito at matikas. May five feet, eleven inches ang taas nito. Maputi, matangos ang ilong at mamula-mula ang maninipis nitong labi. May isang pulgada ang haba ng buhok nito na barber cut. Nabaling naman ang tingin niya sa babaeng kumausap sa kanya noong isang araw na kasunod ng lalaki. Hula niya, ang lalaking iyon na ang may-ari ng CLC Corporation. Deretso ang pasok ng mga ito sa gusali.
Nagpumiglas siya sa kagustuhang makapasok.
"Let me go! Ano ba?!" pagpupumilit niya.
"Hindi po kayo puwedeng pumasok, Ma'am!" saway sa kanya ng security guard.
Humugot siya ng lakas saka itinulak ang lalaki. Nagkaroon siya ng pagkakataong makatakbo sa pinto ngunit kaagad siyang hinarang ng dalawang lalaking kasama ng boss.
"Ano ba? Bitawan n'yo ko!" hasik niya.
Napansin niya na huminto ang lalaking kasama ng masungit na babae. Kung hindi siya nagkakamali, secretary ang babae. Nag-uusap ang dalawa. Deretso ang tingin niya sa bruskong lalaki habang nagpupumiglas.
"Let her in," mamaya ay utos ng lalaki sa mga tauhan nito.
Pinakawalan naman siya ng dalawang lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top