Chapter Four
KUMUKULO pa rin ang dugo ni Camia padating niya sa kanyang bahay sa isang subdivision sa Quezon Avenue. May sampung kilometro lamang ang layo niyon sa opisina nila. Namana pa niya sa grandparents niya ang dalawang palapag na bahay na mayroong tatlong kuwarto. Sa laki ng bahay ay mag-isa lang siyang nakatira. Isang beses sa isang linggo ay umuupa siya ng taga-linis dahil wala na siyang panahon.
Dumeretso sila sa kusina at kumuha ng isang bote ng mineral water sa refrigerator at deretsong nilagok. Pakiramdam kasi niya'y sasabog siya sa sobrang inis, dagdag pa ang nakaka-dehydrate na init ng panahon at magkahalong pollution at crowded na mga sasakyang nagpapasikip sa kalsada. Nanlalagkit na siya dahil sa pawis. Pakiramdam niya'y aatakihen siya ng heat stroke. Sanay na siyang bumiyahe na nagku-commute pero noon lang siya nairita nang husto. May kotse naman siya pero hindi niya magamit dahil hindi pa siya nakapag-renew ng driver's licence niya. Namana pa niya ang pulang Nissan Sentra sa Lolo niya at labis ang pag-aalaga niya roon bilang alaala ng yumano niyang Lolo.
Noon lamang siya nakaramdam ng gutom. Halos tatlong oras din pala ang nasayang niya para lang makausap nang personal ang boss ni Cole, pero wala pa rin siyang napala.
"Nakakainis ang lalaking 'yon. Napakayabang," maktol niya habang naghuhugas ng bigas na sasaingin niya.
Natigilan siya nang maalala ang ilang bahagi na kuwento sa kanya ni Cole hinggil sa boss nito.
"Mabait sa akin si Boss. Hindi siya basta nakikipag-usap nang personalan sa mga empleyado pero sa akin, open siya. Inaalam niya lahat tungkol sa pamilya ko. Nagka-interes pa siyang alamin kung ano ang ikinamatay ng Mama ko. Magaan ang loob ko sa kanya. Pakiramdam ko nga parang kapatid ang turing niya sa akin," naalala niyang kuwento ni Cole.
May naisip siyang mga ideya. Maaring may personal interes si Remus kay Cole kaya ganoon na lang ang trato nito sa boyfriend niya. Minsan ding sinabi ni Cole na nakatanggap ito ng malaking pera mula kay Remus noong namatay ang nanay nito. Tulong daw iyon ni Remus. Katunayan ay nagpunta pa raw sa last night ng burol ang boss nito. Noong panahong iyon, hindi pa niya boyfriend si Cole. Limang buwan noong namatay ang Nanay nito ay nakilala niya ang binata sa kasal ng katrabaho niyang si Herman, na high school friend ni Cole. Mas bata ng isang taon sa kanya si Cole pero mas matured itong mag-isip kaysa kanya.
Nag-iisang anak lang si Cole ng mga magulang nito. Naikuwento nito na iniwan ng tatay nito ang nanay nito noong sampung taon pa lamang ito. Nakapag-asawa na raw ng iba ang tatay nito. Para maitaguyod si Cole, nagtrabaho bilang kasambahay ang nanay nito sa Hongkong nang mahigit sampung taon. Noong umuwi ito ay may sakit na ito sa baga. Nahulog sa lung cancer ang sakit nito at hindi na naagapan.
Naawa siya kay Cole noong una pero nang natuklasan niya ang kasipagan nito at kabaitan ay hindi niya namalayang nahuhulog na ang loob niya rito. Kaya noong niligawan siya nito ay kaagad niya itong sinagot. Masaya siya sa relasyon nila. Malawak din ang pag-unawa ni Cole at wala silang naging mabigat na away. Siya lang naman ang napa-paranoid minsan kaya inaaway niya ito. Hindi nagkulang si Cole para mapasaya siya. Malaki rin ang naging papel nito sa buhay niya para maka-recover siya sa lahat na kabiguang dinanas niya sa buhay. Kaya hindi siya papayag na basta na lang itong mawala na hindi niya alam kung nasaan ito at ano ang nangyari. Ipinapangako niya na hindi siya titigil hanggat hindi ito natatagpuan.
Pagkatapos kumain ng tanghalian ay nagbabad sa laptop niya si Camia. Mayroon siyang internet connection na buwan-buwan niyang binabayaran. Naa-access din niya sa kanyang laptop ang system ng computer na ginagamit niya sa opisina. May record siya ng mga on-going cases na hinahawakan ng team niya. Siya ang leader ng team nila na tinawag niya'ng 'lady dragons' grupo ng mga agent na pawang kababaihan ang miyembro. Qualifications ng pasado sa grupo ay kailangang malakas ang sex appeal ng babae pero knowledgeable sa spy works at may background sa martial arts at self-defence. Siya rin ang inatasang firing instructors para sa mga babae dahil sa pagkabihasa niya sa paggamit ng baril. Ang Lolo niya ang humasa sa kanya para maging sharp shooter. At sa pag-aaral niya ng ballistic ay natuto na rin siyang gumawa ng personal niyang explosive devise.
Maliban sa pagiging agent, nagtatrabaho rin siya bilang part-time sa ballistic laboratory simula noong pumasa siya sa licensing examination.
Para makalimutan ang inis ay binalikan ni Camia ang nabinbin niyang trabaho. Binuksan niya ang mga pumasok na report ng mga kagrupo niya sa kanyang system. Maraming panibagong kaso ang naipasa sa team nila. Kahit anong abala niya ay paminsan-minsang naiisip pa rin niya ang kaso ni Cole. Hanggang sa ni-review niya ang company record ng CLC corporation. Nang wala pa rin siyang makuhang negatibong impormasyon sa kumpanya ay nag-focus naman siya mismo sa may-ari nito. Nai-scan niya ulit ang nakuhang kumalat na litrato ni Remus at hinalungkat ang personal data nito. Walang lumabas na impormasyon tungkol sa mga magulang nito at kahit sa ibang kaanak nito. Naka-indicate sa data nito ang residential address nito at iyon ay matatagpuan sa isang subdivision sa Fairview. Nai-research niya sa Facebook at iba pang social media site ang pangalan nito pero wala siyang makita. Tanging kumpanya lang nito ang merong page sa Facebook na maaring admin lang at mga empleyado rin nito. Inalam din niya ang mga brand ng sasakyan ng ginagawa ng naturang kumpanya.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga naka-post na litrato sa Facebook page ng kumpanya. Iilan lamang ang litrato na may capture si Remus. At isang litrato ang umagaw sa pansin niya. Ang caption nito kasama ang isang naka-suit ding lalaki habang parehong nakahawak ang mga ito sa kahon ng susi ng kotse. Sa gawing kaliwa ng mga ito ay mayroong malaking salamin kung saan nakikita ang repleka ng tao. Ang katakataka ay bakit ang kasama lang ni Remus ang mayroong repleka sa salamin? Nai-zoom niya ang litrato. Malinaw na walang repleka sa salamin si Remus.
"God! Is it real?" hindi makapaniwalang untag niya.
Nai-copy paste niya ang litrato saka in-save sa kanyang flash drive. Ipapasuri niya iyon sa eksperto.
Linggo ng hapon, walang pasok sa trabaho si Camia. Nagtungo siya sa kilala niyang paranormal expert na dating kaibigan ng Lola niya. May puwesto ito sa Baclaran at nagbebenta ng mga herbal oil at kung anong pangontra sa mga masasamang elemento. Na-adopt din niya ang sinaunang tradisyon kung saan naniniwala ang mga tao sa mga usaping supernaturals. Ganoon kasi ang Lola niya at maging ang Lolo niya.
"Camia, ang tagal nating hindi nagkita. Kumusta ka na?" masiglang bati sa kanya ni Madam Yolanda.
Pumasok siya sa store nito. Nagpupunas ito ng mga abubot na paninda nito. "Okay lang po. Mukhang busy po kayo," aniya.
"Hindi naman masyado. Napasagsag ka ata rito. May kailangan ka ba?" anito.
Iginiya siya nito paupo sa silyang katapat ng mesa nito. Umupo naman siya saka inilabas ang nai-print niyang litrato ni Remus na may kakaibang caption. Umupo ang ginang sa katapat niyang silya.
"Ipapatingin ko lang po itong litrato," aniya saka iniabot dito ang litrato.
Kinuha ng ginang ang litrato at tinitigang maigi.
"Napansin ko po sa picture na ang isang lalaki ay walang nakitang repleksiyon sa salamin," sabi niya tungkol sa litrato.
Gumamit pa ng magnifying glass ang ginang para masuri maigi ang litrato. "Oo nga, wala nga siyang repleksiyon sa salamin pero ang kasama niya ay napakalinaw ng repleka," komento nito.
"Bakit po nagkaganoon? Posible po bang mangyari 'yon?" usisa niya.
"Hindi ito normal. May ganitong kaso rin akong nakita noong bata ako noong nagbakasyon kami ng nanay ko sa Spain. Ang lalaking dumaan sa tabi ko ay napansin ko na walang repleksiyon sa salaming nasa tabi ko. Ayon sa pag-aaral naming mga psychic, ang mga taong walang repleka sa salamin ay maaring elemento ng diablo o kaya'y mga elemento na walang kaluluwa. Maari ring mayroong mga imortal na nilalang katulad ng mga bampira. Ang ibang lahi ng bampira ay matatawag na patay na. Ang iba, walang heartbeat, meron ding walang makitang anino at walang repleka sa salamin," paliwanag ng ginang.
"Does vampires really exist?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Base sa natuklasan ko, sa bansang Russia ay may natuklasan ang mga tao na naninirahang bampira sa ilang bahagi ng bansa. Nakadakip sila ng isa sa mga ito at napatunayang bampira nga dahil sa mga katangian nito at napatunayan din sa ekspiremento. Maari raw na kumalat na sa mundo ang lahi nila at nabibigyan lang ng iba-ibang interpretasyon."
"Posible kayang meron niyon dito sa bansa natin?"
"Hindi mo ba napanood ang balita noong isang gabi ang tungkol sa lalaking biktima na hinihinalang pinatay ng aswang? Pero kakaiba ang nangyari sa biktima. Na-drain ang dugo ng biktima at tanging bakas ng pangil lang ang nakita sa leeg nito. Sa ngayon ay isinasailalim pa raw sa otopsiya ang bangkay ng biktima para malaman kung ano ba talaga ang sanhi ng kamatayan nito," kuwento nito.
"Hindi ko alam 'yon," aniya. Palibhasa naging abala siya sa pag-aasikaso sa pagkawala ni Cole kaya hindi na siya nakakapanood ng balita.
"Bibigyan na ng mga awtoridad ng babala ang mga tao na mag-iingat."
Kinuha niya ulit ang litrato at tiningnan. "Ano po ba ang mga katangian ng mga bampira?" pagkuwan ay tanong niya sa ginang.
"Ang tradisyonal na alam ko, ang karaniwang bampira ay mga nocturnal o aktibo sa gabi. Nasusunog sila sa sikat ng araw. Maputla ang kaputian ng balat nila at mapapansin ang kakaibang kulay ng mga mata nila kahit sa mga banyaga. Pero meron din daw mga bampira na nakakasuong sa sikat ng araw at parang ordinaryong tao ang pisikal na katangian," paliwanag nito.
"Paano po malalaman na bampira ang kasama natin?" curious na tanong niya.
"Kung nakakasuong sila sa araw, maaring tama na hindi mo makita ang repleka nila sa salamin. May mga ilang bagay rin silang iniiwasan, katulad ng banal na bagay, bawang at bagay na gawa sa pilak. Take note; ang katawan nila ay hindi basta natatablan ng nakamamatay na bagay. Nasusugat ang balat nila pero mabilis itong humihilom. Natatakam sila sa sariwang dugo ng tao o hayop."
Nalibang na siya sa usapan nila ng ginang. Nang maalala na magsisimba pa pala siya ay nagpaalam na siya rito. Nagsimba siya sa malapit na simbahan.
Inabutan ng traffic si Camia kaya alas-otso ng gabi na siya nakarating sa bahay niya. Bumili na siya ng lutong ulam. Pinainit lang niya ang natirang kanin saka kumain. Tanging dalawang aso lang ang kasama niya sa bahay at pinapakawalan niya tuwing gabi. Si Spike at Striker, na parehong breed na Saint Bernard. Anak pa ng mga aso ng Lolo niya ang dalawa. Katunayan ay ipinangalan sa breed ng aso ang pangalan ng agency nila na St. Bernard Intelligence Agency.
Pagkatapos niyang kumain ay pinakain naman niya ang dalawang aso ng dog food. Pagkuwan ay naglinis siya ng kusina. Maaga pa ang pasok niya kinabukasan kaya kailangan niyang matulog nang maaga.
Papanhik na sana siya sa second floor nang marinig niya ang walang tigil na kahol ng mga aso na para bang may nakitang kakaiba. Nagmadali siyang umakyat sa kanyang kuwarto at kinuha ang kanyang personal made na baril. Ikinasa niya ang baril at dagling bumaba. Nasa likuran ng bahay ang mga aso kaya sa backdoor siya dumaan. Kumubli siya sa poste habang nakamasid sa paligid. Si Striker ay sugod-atras ang ginagawa sa tapat ng malagong halaman habang walang tigil sa pagkahol. Si Spike naman ay nakaharap sa tangke ng tubig at doon kumakahol.
Nang sumugod na si Striker sa halaman ay nagulantang siya nang makita ang lumipad na malaking itim na ibon. Hindi siya sigurado kung ibon dahil napakalapad ng pakpak. May isa pang lumipad mula sa tangke ng tubig at bigla itong sumugod sa kanya. Doon niya napansin na hindi iyon ibon, kundi malaking paneke. Babarilin na sana niya ito ngunit hinampas ng pakpak nito ang kamay niya. Hinabol ito ng mga aso kaya mabilis ding nawala.
Nang tumahimik ay saka lamang niya naramdaman ang kirot ng sugat sa kanang braso niya na nahagip ng matalim na pakpak ng kakaibang insektong iyon. Nang matiyak na wala nang banta ng panganib ay pumasok na siya sa kabahayan. Ginamot niya ang kanyang sugat. May isang pulgada ang haba ng sugat pero hindi naman ganoon kalalim. Mahapdi iyon. Nang malagyan ng gamot ay tinapalan niya ng band aid ang sugat. Nakaluklok siya sa gilid ng kama nang biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa bed side table.
Nagulat siya at nang damputin niya ang cellphone ay nahagip ng kamay niya ang naka-frame na litrato nilang dalawa ni Cole. Nahulog iyon sa sahig at nabasag ang salamin nito. Na-miss niya ang tawag dahil una niyang dinampot ang litrato. Nang tingnan niya ang damage ay ang parte lang ni Cole ang nabasag na halos nahati sa buong katawan nito. Isa iyong masamang pangitain ayon sa Lola niya. Bigla siyang inalipin ng kaba.
Inihiga lang niya sa mesa ang litrato saka kinuha ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya kung sino ang tumawag ay nagimbal siya nang malamang si Cole ang tumawag. Dagli niya itong tinawagan ngunit hindi na ito makontak.
"Com on! What happening?" naiinis na wika niya.
May limang beses na niyang nai-dial ang numero ni Cole pero hindi na makontak. Sumandal na lamang siya sa headrest ng kama at yakap ang sariling mga binti. Bugso ng matinding emosyon ay humagulhol siya. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
KINABUKASAN pagpasok ni Camia sa opisina ay kaagad niyang sinimulan ang nakapilang paperwork. Kailangan matapos niya ang mga iyon bago ang tanghalian. Mayre-report kasi siya sa ballistic laboratory. Naalala niya, may kaibigan si Cole na nagtatrabaho rin sa CLC corporation, si Joshua, na isa sa nag-aasimbol ng mga sasakyan. Minsan na niyang na-meet si Joshua at kapatid ito ng isa sa katrabaho niya sa ballistic laboratory.
After lunch pagdating niya sa laboratory ay naabutan niya si Jerom, na siyang nakatatandang kapatid ni Joshua. Naka-assign si Jerom sa field pero masuwerte siya na naroon ito. Hiningi niya ang phone number ni Joshua. Nang makuha ay tinawagan niya si Joshua. Nakausap niya ito sandali pero nakiusap na after duty na lang sila mag-usap pero napapayag niya ito na magkita na lang sila. Maaring mas maraming alam si Joshua tungkol sa CLC corporation dahil mas matagal itong nagtatrabaho roon. Katunayan ito ang nagpasok kay Cole sa kumpanya.
Sumipot naman si Joshua sa usapang magkikita sila sa isang restaurant sa Fairview. Kagagaling lang nila pareho sa trabaho. Napansin niya ang malaking ipinayat ni Joshua. Mas malusog ito noong una silang nagkita.
"Pumayat ka ata," puna niya rito.
"Epekto na ito ng kakalanghap ko sa pintura ng kotse. Kahit malayo ang area namin sa nagpipintura ay umuusbong pa rin ang amoy," sagot nito.
"Wala ba kayong medical assistance sa kumpanya?" usisa niya.
"May Philhealth naman kami at merong sariling medical staff ang kumpanya. Sinasagot naman ng management ang gastusin kapag may naaksidente sa loob ng kumpanya."
"Pero bakit wala silang aksiyong ginagawa sa pagkawala ni Cole?" namumurong tanong niya.
"Iyon na nga rin ang naisip ko. Nakiusap na ako sa personal assistant ni boss tungkol kay Cole pero ang sabi niya, hindi pa raw nila maharap ang tungkol doon."
"Ano ba kasi ang nangyari?"
"Ang sabi ng ibang kasamahan ni Cole sa department nila, noong lunch break daw ay nagpaalam si Cole na magbabanyo pero nakita raw sa CCTV na pumunta si Cole sa harap ng maintenance office at may kasama itong lalaki na nakasuot ng jacket with hood. Sumama rito si Cole sa lugar na hindi naaabot ng CCTV. Pagkatapos noon ay biglang nawala si Cole at hindi na nakabalik pa," kuwento ni Joshua.
"Hindi man lang ba nagpa-imbestiga ang boss ninyo kung sino ang lalaking sinamahan ni Cole? Responsibilidad pa rin iyon ng kumpanya dahil paanong may nakapasok na outsider sa working area nila samantalang restricted area 'yon?"
Kumibit-balikat lang si Joshua.
"Duda talaga ako. Meron talagang kababalaghang nagaganap sa kumpanya ninyo. Wala ka bang napapansing kakaiba sa boss mo?" aniya.
"Si Boss, bihira siya humaharap sa amin. Kadalasan ay secretary lang at manager o OIC sa kanya-kanyang department ang humaharap sa amin. Hindi ko pa nga siya nakaharap nang personal simula noong nagtrabaho ako rito. Hindi kasi kami allow pumasok sa main office kapag hindi importante. Mga opisyales lang ang naroon. Kapag salary day naman ay sa accounting office sa ground floor lang kami nakakatambay. Pero matagal na kaming nagdududa sa personal assistant ni boss na si Sir Torio. Ni minsan ay hindi pa namin siya nakitang lumabas sa umaga. Nakikita lang namin siya kapag tapos na ang duty at palubog na ang araw. Ang sabi ng mga empleyado sa gabi, madalas si Sir Torio ang naglilibot sa mga working area. Hindi rin daw ito masyadong nakikisalamuha sa ibang empleyado," kuwento ni Joshua.
Dahil sa kuwento ni Joshua ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na mag-imbestiga at usigin pa si Remus. Hindi siya titigil hanggat hindi nakakabalik si Cole.
Kinabukasan ng lunch break ay bumalik si Camia sa CLC corporation office. Sa pagkakataong iyon ay kalmado na siya at humingi na siya ng permiso sa security officer na naroon siya para personal na makiisa para sa kaso ni Cole. Pero bago naaprobahan ang hiling niya ay naghintay pa siya ng sagot mula mismo kay Remus.
Pagkatapos ng halos isang oras na paghihintay ay tinawag na siya ng secretary. Iginiya siya nito patungong fifth floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Remus. Nagtataka siya bakit sa labas ng elevator lang siya puwedeng ihatid ni Karen, na secretary at unang nakausap niya na masungit.
"Why here?" 'takang tanong niya sa babae.
"I'm not allowed to come inside to the office of the president," sagot nito.
"Ano? Paano ang business transactions niya? Hindi ba dapat ikaw ang mas malapit sa kanya?"
"That's the rule and I think it's not your business to know the company rules. This is your chance, so be nice to him. Bihira nagpapapasok ng outsider si boss sa mimsong opisina niya, o mas mainam sabihin na never siyang tumanggap ng ibang tao maliban kay Sir Torio. You're lucky, Miss. Go ahead, grab the opportunity," sabi nito saka ito muling pumasok sa elevator.
Wala na siyang choice kundi tumuloy. Matapang siya nang dumating doon pero bakit bigla na siyang kinakabahan habang papalapit sa opisina ni Remus. Namangha siya. Ang buong fifth floor ay para lang kay Remus. Napakalawak ng lobby ng ikalimang palapag. May mga bookshelves sa gigilid ng lobby at halatang mamahalin ang mga kagamitan mula chandelier, mga upuan, mesa at furniture. Tatlong pinto lang ang nakikita niya sa floor na iyon. Ang nag-iisang pinto raw sa gawing kaliwa ang opisina ng boss.
Bumuntong-hininga siya pagdating niya sa tapat ng malaking pinto na yari sa makapal na bakal. Inayos niya ang kanyang damit. Pulang blouse at cream na skinny jeans ang suot niya at two inches red sandals ang sapin niya sa mga paa. Tinirintas naman niya nang isahan ang kanyang buhok. Manipis na pink lipstick ang ipinahid niya sa mga labi at ordinaryong face powder ang inilagay niya sa kanyang mukha.
Pipindutin pa lang niya ang berdeng button sa gilid ng pinto ay nagulat siyang nang bumukas ang sliding door. Mukhang nakita na siya ni Remus sa pamamagitan ng CCTV footage. Humakbang siya papasok. Namangha siya sa sobrang lawak ng entrada. Pumihit siya sa kanyang kaliwa kung saan nakita niya ang malaking office table kung saan niya namataan si Remus na nakaupo sa swivel chair at deretsong nakatingin sa kanya. May tatlong dipa ang layo niya rito.
"Nice to meet you again, Ms. Camia Orteza!" bungad nito sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top