Chapter 24
Elrond's POV
STRESS eating. Iyon ang naisip naming solusyon ni Cooper para makabawi mula sa nakabibiglang pangyayari kanina. Napadpad kami sa isang mall dito sa Cubao at namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng isang Japanese na eat all you can buffet.
Walang nagsasalita sa 'min ni Cooper, ngumangata siya ng sushi at ako naman ay abala sa pagpiprito ng mga karne sa grill. Kumain kami nang kumain hanggang sa mapuno ang mga bituka namin. Napasandal ako sa malambot na upuan at siya naman ay tumayo para kumuha ng dessert.
Pagbalik ni Cooper ay inabutan niya ako ng isang mangkok ng ice cream.
"Kinuha na rin kita," sabi niya saka umupo kaharap ko. Kinapa ko 'yung tiyan ko, parang sasabog na 'yon sa dami ng kinain ko pero sumubo pa rin ako ng ice cream. Pinagmasdan ko si Cooper na maganang-magana pa ring kumakain. Tiningnan ko 'yung mesa na puno ng mga pinagkainang plato, akala mo bibitayin na kami kinabukasan.
"Coops," tawag ko sa kanya. "Hinay-hinay lang."
"Eat more, dude," sagot niya sa 'kin. "You'll need more energy for our project."
Ah. Iyon pala ang dahilan ng katakawan niya, hindi dahil sa stress sa nangyari kanina.
"Kalmado ka na ba?" tanong niya naman sa 'kin at tumango lang ako. "Good. We need to digest what happened earlier."
"Kanina ko pa dina-digest habang kumakain tayo," sagot ko. Halata namang nagkaroon na kami ng energy ngayon kung ikukumpara kanina na lugong-lugo kami na pumasok sa mall.
"Alright, about your friend, Sanjay," panimula niya, wala nang ek-ek na introduction. "Obviously, siya 'yung agent na tinutukoy ng mga tatlong bad guys kanina—and the bad guys—I'm sure they're a big organization."
"Evil organization kamo," dugtong ko. "Parang sa movie lang, ah." Nag-e-exist pala talaga ang mga gano'n sa totoong buhay. "Kung sino man sila, at kung hinahabol nila si Sanjay—malamang ay habol nila ay ito." Kaagad kong kinapa sa bulsa ko 'yung importanteng bagay na binigay ni Sanjay.
"Esoterra—"
"Sshhh!" bigla kong saway sa kanya. Luminga-linga ako sa paligid sa takot na baka may ibang nagmamantyag sa 'min. Paranoid na 'ata ako. Halos dumukwang ako sa mesa para bulungan siya, "Huwag mong sabihin 'yon—nakalimutan mo na ba na baka pinakikinggan tayo nito?" Tinaaas ko 'yong phone ko at nanlaki ang mga mata ni Cooper. Sunod-sunod siyang tumango. Nakalimutan niya na 'yung mga conspiracy theory na pinagkukwento niya sa 'kin noon.
"Right, sorry. The you-know-what ang itawag natin diyan." Tumango ako. "The you-know-what is our key to multiverse travel like what your friend said." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "I'm excited to do it—pakiramdam ko 60% ang chance ng success rate natin." Natulala lang ako sa kawalan. Nang mapansin ni Cooper na hindi ko makuhang ngumiti ay napakunot siya. "Elrond, what's wrong?"
"Ah, sorry." Napakamot ako. "'Yung utak ko kasi parang nabubuhol. At saka... Ngayong nasa atin na 'to... Ibig sabihin posibleng malagay rin sa panganib 'yung buhay natin."
Napabuntonghininga si Cooper. "I know, dude. But don't worry too much."
Matipid lang akong ngumiti, kinuha ko sa bulsa 'yung Esoterra. Binalot ko muna 'yon sa panyo kong itim at saka ko inabot sa kanya.
"Sa 'kin pinagkatiwala ni Sanjay 'yan at ipagkakatiwala ko na sa 'yo ngayon..."
"You can count on me, dude."
Bago kami maghiwalay ni Cooper sa may sakayan ay tinapik ko siya sa balikat.
"Thank you sa pagsama sa 'kin ngayon, Coops."
Ngumisi si Cooper. "We're in this shit together." Natawa ako nang bahagya.
"Mag-iingat ka."
"Ikaw din, dude. I'll work on this ASAP."
Naunang sumakay si Cooper sa bus habang naiwan akong nakatulala lang sa kawalan. Ilang sandali pa'y sumakay na rin ako sa bus na may signage papunta sa amin. Medyo siksikan nga lang.
Habang nakatayo ako sa loob ng bus ay kinuha ko 'yung phone ko para i-message siya.
lord_elrond01: Sup, Elora! Nakauwi ka na?
Muntik na akong matumba nang umandar ang bus, mabuti na lang nakahawak ako.
eloramariz: Hi, Elrond. Yeah, medyo kauuwi ko lang.
lord_elrond01: Kumain ka na?
eloramariz: Yup. Ikaw?
lord_elrond01: Yup yup. Busog na busog nga ako eh.
eloramariz: Pwede ba tayong mag-usap? I mean video call?
lord_elrond01: Iyon nga rin sana ang sasabihin ko kasi may ikukwento ako hehe. Kaso nasa bus ako, okay lang kung tawagan kita?
eloramariz: Sure.
Pagkapindot ko ng call button ay nilapat ko sa tainga ko 'yung hawak kong phone. Wala pang limang segundo nang sagutin niya ang tawag.
"Hello?" Napangiti ako nang marinig 'yung boses niya. Nakakatanggal ng pagod—cheesy mo, Elrond!
"Hi!" masigla kong bati.
"Ano 'yung kukwento mo?"
Napabuntonghininga muna ako bago magsalita. "Ayun, 'di ba sinabi ko sa 'yo na pupuntahan namin ni Cooper 'yung developer ng Alter?"
"Y-Yeah. What happened?" May bakas ng pag-aalala ang boses niya.
"Napuntahan namin kaso... Pakiramdam namin nahulog kami sa rabbit hole."
"W-What did you find there?"
"Well..." Maiksi at direct to the point kong kinuwento sa kanya ang nangyari sa 'min ni Cooper. Pinaliwanag ko rin sa kanya kung paano at saan ko nakilala si Sanjay, na isa 'tong secret agent na parang keeper ng you-know-what. Kailangan ko ring i-explain sa kanya kung bakit gano'n ang tawag ko sa device na binigay sa 'kin ni Sanjay dahil sa posibilidad na may ibang nakaririnig sa 'min ngayon.
"That friend of yours... He knows that we know..."
"Oo, Elora. Ibig sabihin maaaring mino-monitor ng creators ng Alter ang conversation nating dalawa—theory man pero malaki ang posibilidad." Sa totoo lang ay wala kaming ka-ide-ideya kung ano ba ang motibo ng lahat ng 'to.
"But he gave you the you-know-what, it means he's trusting you—it means you're his last hope."
"Mukhang gano'n na nga. Kung paano napunta kay Sanjay at kung bakit siya tintugis ng mga masasamang tao ay hindi namin alam, basta ibig sabihin lang n'on ay mapanganib." Ilang segundong hindi nakapagsalita si Elora sa kabilang linya. Saktong dumaan 'yung kunduktor sa gilid ko kaya nagbayad muna ako ng pamasahe. "Hello? Elora? Nandiyan ka pa?"
"Uhm... Yeah..."
"Okay ka lang?"
"Elrond... The truth is... Pinuntahan ko rin 'yung headquarters ng GAEA rito..."
"A-Ano?" Napalunok ako nang sunod-sunod. "Anong nangyari sa 'yo? Okay ka lang ba?"
"Instead of office, entertainment bar ang nadatnan ko. But I got a strong hunch that it's just a ploy, pumasok ako sa loob—"
"Pumasok ka sa loob?!" Hindi ko mapigilang mag-react. "Sorry, sorry. Continue."
"And I found a strange wall with a galaxy design, teka, I'll send it to you..." Tinginan ko 'yung phone ko at kaagad na sumulpot do'n 'yung sinend niya. Nanlaki ang mga mata ko kasi parehas na parehas 'yon n'ong nakita namin ni Cooper!
"Nakita rin namin 'yan!" bulalas ko.
"So, I wasn't mistaken..." mahinang sabi ni Elora.
"Tapos? Anong natagpuan mo sa loob?"
"It's like a normal pub... There were drunk men who approached me but luckily... I was saved by you—I mean your counterpart, the Elrond here in my world."
Nakahinga naman ako nang maluwag nang malaman kong walang nangyaring masama sa kanya pero bakit parang merong sumiko sa dibdib ko?
"T-Talaga? Mabuti at naligtas ka niya..."
"Yeah. Mabuti na lang ay sinundan niya ako."
"Bakit ka naman niya sinundan?" nakakunot kong tanong. Hanep na 'yan, hindi ko sukat akalaing may pagka-stalker 'yung other version ko sa mundo niya.
"Uhm... I really don't know. He said he wanted to talk to me about... about the picture I showed him before. You see... I told you that I met your mom and that we're neighbors. When Elrond dragged me outside their house... I explained to him that I met you, to prove him, pinakita ko sa kanya 'yung family picture n'yo."
"Ibig mong sabihin sinabi mo sa kanya na..."
"Oo, Elrond. Kanina habang pauwi kami... Sinabi ko na rin sa kanya ang totoo, that we're in a parallel world, and that I'm willing to help you to meet his mom."
Ako naman ang hindi makapagsalita sa nalaman ko mula sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Mag-aalala, mangangamba, maiinggit sa counterpart ko na may chance na makasama siya.
"T-Thank you, Elora." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko makalipas ang ilang segundo. "Salamat din sa counterpart ko riyan at niligtas ka niya."
"You're welcome," sagot niya. "So... What's next?"
Napahinga na naman ako nang malalim. Ano na nga ang kasunod?
"Ahh... Sa totoo lang ay kailangan ko pang hintayin si Cooper, 'di ba, nakwento na sa 'yo dati na aspiring inventor ang kaibigan kong 'yon—"
"Wait. What if... What if nandito rin si Sanjay sa mundo ko? Do you think nasa kanya rin 'yung you-know-what?"
"Hindi ko lang sigurado. Don't tell me may balak ka—"
"I want to do something to help you, Elrond. At least, I want to try." Base sa tono ng pananalita niya ay ayaw niyang pigilan ko siya at mukhang wala rin siyang balak magpaawat. Napailing ako dahil may pagkakaparehas din pala sila ni Elise kahit kaunti. "You met him at Nyx, right? He's probably there too."
"Basta huwag kang basta-basta pupunta nang wala kang kasama, mahirap na"—tumikhim ako— "at saka hangga't maaari magpasama ka kay Elrond diyan." Kahit na medyo labag sa kalooban ko na sabihin 'yong huli. "Teka, close na ba kayo?"
"Huh? Ni Elrond? I mean, 'yung counterpart mo?"
"Oo."
"Don' tell me... You're jealous of him?"
"Ha? Hindi, ah," tanggi ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Tch, buking na. Hanep, sinong mag-aakala na pagseselosan ko 'yung ibang version ng sarili ko? "Ang sa 'kin lang naman, mukhang marunong siyang makipaglaban kaya mas mainam nang may bodyguard ka."
"Okay." Halatang hindi siya kumbinsido. Hindi ko man siya nakikita ay alam kong nakangiti siya na parang nang-aasar kaya napangiti na lang din ako.
"Elora."
"Yes?"
"T-Take care... always."
"You too."
*****
"DUDE, wake up!" Naalimpungatan ako nang marinig ko na may tumatawag sa pangalan ko kanina pa. Palakas nang palakas 'yung pagtampal sa pisngi ko hanggang sa malinaw kong nakita kung sino ba 'yung lintik na gumigising sa'kin.
"Cooper?" Napabalikwas ako. "Anong ginagawa mo rito?" yamot kong tanong. Nasulyapan ko 'yong alarm clock sa gilid at nakitang mag-aalasais pa lang ng umaga!
"I did it! I finally did it!" naghihisterikal niyang sigaw. Tinakpan ko 'yung bibig niya dahil baka mabulabog ang kapitbahay namin sa ganitong oras.
Dalawang araw ang nakalipas simula nang puntahan namin ang HQ ng GAEA, hindi nagparamdam si Cooper at hindi ko rin siya tinangkang bulabugin. Hindi ko inaasahan na pagkalipas lang ng dalawang araw ay pupunta na siya rito sa bahay—nang ganito kaaga. Kitang-kita ko ang laki ng eyebags ni Cooper at malamang sa malamang ay dalawang araw siyang walang tulog.
"A-Anong nangyari, Coops? Anong ibig mong sabihin?"
Imbis na sumagot ay nilabas ni Cooper mula sa isang itim na drawing tube ang mga blueprint. Nilatag niya 'yon sa kama ko kaya napabangon na ako nang tuluyan. Kinamot ko 'yung mga mata ko para mas makita ko nang maayos 'yon.
Bumungad sa 'kin ang malaking title sa itaas, JANUS 1. Sa gitna ay may detailed 2D at 3D drawing ng isang machine—parang isang high-tech door. May malaking hamba at nahahati sa gitna ang pinto, sa pinakasentro sa itaas ay naroon ang tatsulok na sa palagay ko'y doon ilalagay 'yong Esoterra. Kung tutuusin ay simple at hindi complicated ang ideyang naisip ni Cooper.
"C-Cooper—"
"Yes, dude! This is what I came up with! I called it Janus, from the two-faced Roman god of doors and gates."
"Shit! Nagawa mo nga! I'm so proud of you!" Late reaction 'yung utak ko sa tuwa. Hinampas ko siya at para kaming bata na nagtatatalon.
"Elrond?" Tumigil kami nang marinig namin ang boses ni Tita Viel sa labas.
"Yes po?" Dali-dali akong pumunta sa pinto at binuksan 'yon.
"Kumain na muna kayo ng almusal," nakangiti nitong sabi sa 'min.
"Opo, opo, susunod din po kami agad." Nang makaalis si Tita Viel ay binalikan ko si Cooper. "Paano mo nagawa nang gano'n kabilis? Genius ka talaga, Coops!"
Napakamot sa ulo si Cooper. "Actually... Nakalkal ko lang 'yung sketch na 'yan sa old archives ko. I recycled the design, and then ginamit ko 'yung code n'ong Eso—you-know-what para sa formula. Kaso..."
"Kaso?"
"Actually... Janus is still not working. May kulang sa formula na... na hindi ko magawa. Alam mo 'yung feeling na parang nasa dulo ng dila mo? Gano'n."
"Coops, proud pa rin ako sa 'yo, alam mo 'yon? Pakiramdam ko mas malaki na 'yung chance ng multiverse travel dahil dito. It's a big progress sa maiksing panahon. Amazing ka!"
Napangiti si Cooper at napakamot sa batok. "Thanks, dude. I'm still hopeful. And sa totoo lang nagpunta ako rito para humingi sa 'yo ng favor."
"Ano 'yon?"
"Aside from the missing formula, na-realize ko lang kagabi na... Para makapunta ka sa universe ni Elora, kailangang mayroon ding mag-exist na Janus na machine sa kanila—it must be done para direkta ka nitong makonekta sa universe na 'yon. Or else, hindi natin alam kung saang universe ka mapadpad once na successful na ma-launch ang Janus at para din makabalik ka rito! I realized that if there's only one Janus, para ka lang may one-way ticket!" Natulala kami parehas at tila may bumbilya na umilaw sa itaas namin. "Kaya naman favor ko sana sa 'yo na—"
"Teka, teka—gets ko na!" bulalas ko bigla. "Kailangang makagawa rin ng Janus sa universe ni Elora at walang ibang gagawa n'on kundi ikaw din—I mean, 'yong counterpart mo! Kaya kailangan sabihan ko ASAP si Elora na hanapin ka."
Pumitik si Cooper. "Bingo! Nadali mo, dude!" Dali-dali kong kinuha 'yung phone ko, kailangan masabihan ko na si Elora kahit na Linggo ngayon at napakaaga pa. Hindi ko pa napipindot 'yung keypad ko nang makita ko siyang nag-iimpake. "Okay, iyon lang naman ang pinunta ko. Uuwi na ako para hanapin ulit 'yung missing formula." Akma siyang aalis nang harangan ko siya.
"Coops, tingnan mo 'yang sarili mo sa salamin, kailangan mo munang magpahinga. Mukha kang sabog, no joke."
Pinalis niya 'yung kamay ko pero hindi ko pa rin siya pinadaan. "Elrond, I need to work on this ASAP. Naka-Eureka mode ang utak ko at kailangan kong ibuhos lahat ng makakaya ko—"
"Hindi. Kailangan mong magpahinga. Baka bumigay ka niyan sa ginagawa mo," seryoso kong sabi sa kanya at hindi naman na siya nagpumilit pa. "May naisip akong idea. Paano kung... Paano kung nasa kabilang Cooper pala ang hinahanap mong sagot?" Napakunot siya. "Kutob ko lang. Hindi ba't ganoon naman ang instances ng mga sitwasyon ng parallel universe? Minsan kung ano 'yung missing dito ay present sa kabila?"
"I guess so." Hinawakan ko siya sa balikat.
"Cooper, magpahinga ka muna, okay? Magtiwala tayo kay Elora, alam kong matutulungan niya tayo."
"Alright. I'll trust her too."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top