Chapter 20


Elrond's POV

TUMIGIL bigla si Cooper sa pagsasalita nang bigla akong maghikab. Lintik, hindi ko napigilan. Kulang na lang unan at kumot, pwedeng-pwede na 'kong matulog dito sa Physics club room nila.

"Sorry, sorry," sabi ko sabay umayos ako nang pagkakaupo. "Napuyat din kasi ako kagabi kare-research at kanonood ng mga videos sa YouTube tungkol sa parallel universe."

Totoo naman 'yon. Dalawang oras nga lang ang tulog ko dahil sa pagbababad ko sa internet. Para tuloy pinupukpok ng martilyo 'yung ulo ko pagkagising. Napahawak bigla ako sa sentido ko dahil parang pumitik na naman 'yung ugat.

"Pumunta ka muna kaya ng clinic para uminom ng gamot. You look unwell," sabi ni Cooper sa 'kin. Sa wakas napansin din niya na hindi ako okay. Hindi naman kasi halatang excited siya at game na game na magdiscuss ng parallel universe theories kaya hindi niya na 'ko napansin.

Mabuti nga't parehas kaming mahaba-haba ang vacant ngayong tanghali. Sabay kaming kumain kanina tapos bumalik ulit kami sa club room nila, para nga kaming nag one on one mag-klase ng Quantum Physics, at sa totoo lang talaga ay wala akong maintindihan.

Kahit 'yong mga na-research ko kagabi ay hindi ko rin ma-gets. Nag-drawing pa nga ng sandamakmak na figures at equations si Cooper sa white board. Sa sobrang engrossed niya ay wala siyang pakialam kung hindi ko 'yon maintidinhan. Pero ayos lang, at least okay na kami.

"Punta lang ako clinic saglit, babalik ako agad," paalam ko sa kanya bago ako umalis ng silid.

Paglabas ko'y nag-inat ako at humikab ulit. Kahit papaano naman ay may naintindihan naman akong kaunti sa mga theories na sinabi ni Cooper. Besides, lahat ng 'yon ay theory lamang—basta ang konsepto—nasa magkaibang mundo kami ni Elora—may nag-e-exist na dimension kung saan ay kaparehas na kaparehas ng mundong ginagalawan ko ngayon.

Ang kaibahan nga lang, opposite kadalasan ang mga sitwasyon sa bawat parallel universe. Ayon sa isang theory na nabanggit ni Cooper, maaari daw na bunga ng maraming choices ay pagkakaroon ng iba't ibang path of possibilities. For example, gusto kong kumain ng ice cream at may dalawang flavor lang: chocolate at vanilla. Kung pinili ko ang chocolate, magkakaroon ng isang path sa other universe kung saan pinili ko ang vanilla flavor. Sa madaling salita ay nire-reflect daw kadalasan ng parallel universe ang opposite ng mga sarili natin or mga choice natin. Ang sakit sa ulo, 'di ba?

At least kahit na masakit sa ulo, iyon lang ang nakikita kong justification sa kababalaghang nangyari sa Coffee Project, kung bakit hindi kami nagkita ni Elora sa iisang meeting place at sa magkaparehas na oras. At iyon din ang dahilan kung bakit nakita niya raw ako (pero hindi ako 'yon) sa party, at nakilala ko si Elise...

Natigilan ako sa bigla nang maalala ang babaeng 'yon. May bakas pa rin ng pasa sa braso ko dahil sa ginawa niya.

Si Elise... Si Elise na may kakambal na si Elora... na... na... patay na raw.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko, pinilit kong ayusin 'yung paghinga ko. Parang ngayon lang nada-digest ng utak ko 'yong katotohanan na 'yon—na hindi ko makikita ang version ni Elora sa universe ko dahil... wala na siya.

Bakit ako nasaktan bigla? Bakit ang bigat? Buhay si Elora sa kabilang universe, hindi ba?

Buhay siya ro'n at hinding-hindi mo na siya makikita, tanga. Mas nasaktan ako lalo sa sinabi ng utak ko.

Nang makainom ako ng gamot sa clinic ay kaagad din naman akong bumalik sa Physics club room. Kulang na nga lang ay kuhanan ako ng BP ng nurse dahil napansin nitong nakahawak pa rin ako sa dibdib ko.

Naabutan kong kabubura lang ng mga nakasulat sa white board at may panibagong mga sinusulat na theories at equation si Cooper nang makabalik ako sa club room nila. Natigilan siya nang makita ako.

"Dude, okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong saka binitawan ang marker na hawak. Napakamot siya sa ulo. "I'm sorry, I think I went overboard in explaining this stuff with you."

Umiling ako. "Sorry din kung hindi ka talaga kayang sabayan ng utak ko. Pero, Coops, gets ko na. Nasa magkaibang mundo kami ni Elora." Ngumiti ako kahit na masakit pa rin 'yung dibdib ko. "Hindi pa rin mababago 'yung fact na imposibleng magkita kami."

Umupo naman siya kaharap ko at binitawan ang marker sa mesa. "Hey, don't say that." Napaangat ako ng tingin nang marinig ko siya. "I think you should be glad that we confirmed that you're both indeed in a parallel universe. That's already a miracle in Science."

"Medyo gets ko, pero bakit ko naman dapat ikatuwa 'yon? Ang sakit-sakit sa fact na magkahiwalay kami ng mundo."

Napabuntonghininga si Cooper, parang nauubusan ng pasesniya. "Aren't you listening the whole time I discussed this?" Honest akong umiling at halos mapatampal siya sa noo. "Nothing's impossible in this universe, Elrond. Confirming the existence of parallel universe is a groundbreaking beginning—it means there's a way for you to meet her."

"You mean may way na makapag-travel sa parallel universe?" naniningkit kong tanong.

"Yes." Tinitigan ko lang si Cooper, ni hindi man lang siya kumukurap at ibig sabihin ay talagang seryoso siya sa tinuran. Magiging skeptic sana ako pero naalala ko 'yong sinabi ko noon kay Lois, na maniniwala ako kay Cooper dahil kaibigan ko siya.

Pero mas malakas 'yung hatak ng skepticism sa utak ko kaya napasabunot ako bigla sa ulo. "Ayoko lang umasa, Coops. Alam ko namang posible pero natatakot akong umasa... nang matagal. Parang napakalaking sugal."

"Don't you think it's weird? Paano kayo nagkonekta ni Elora in the first place?" bigla niyang tanong.

"Through Alter," sagot ko.

"Exactly. Alter, that freaky and fishy app. The existence of a parallel universe is the reason why kung bakit ito nagkaroon ng reputasyon ng pugad ng mga poser. Katulad ng nangyari kay Lois at sa 'yo."

"So..."

"So, it means may something sa Alter!" bulalas niya sabay tayo. Lumapit ulit siya sa white board at nag-drawing doon. "Let's say may universe 1 at universe 2, nando'n kayo ni Elora respectively and bawat universe mayroong nag-e-exist na Alter app!" Pinagkonekta ni Cooper 'yung dalawang kahon na may nakasulat na 'Alter' sa loob at saka tinuro ang linya. "Alter connects both of you. It means may something sa app na 'yon na dapat nating ma-figure kung ano, maybe a device na may kakaibang frequency or an ultimate formula—na maaaring maging susi sa parallel universe travel!"

Hindi ko namalayan na nakanganga na pala ako habang nakikinig sa kanya. Tama si Cooper. Alter din ang maaaring magbigay sa 'min ng panibagong sagot sa misteryo kung paano kami pinagkonekta ni Elora at ng iba pang katulad namin ng sitwasyon.

Umupo muli si Cooper sa harapan ko. "What do you think, Elrond? Shall we investigate it further? We need to find who's the developer of that app." Alam kong kahit nagtatanong si Cooper sa 'kin ay deep inside ay talagang gustong-gusto niyang gawin 'yon.

Gustuhin ko man pero... Umiling ako sa kanya.

"Why?" tanong niya.

"Sorry, Coops, I know na excited ka para dito... Pero... Hindi ko kasi sigurado kung gusto ko pa bang magpatuloy—I mean... Hindi pa rin kasi nagre-reply sa 'kin si Elora no'ng kinamusta ko siya? She must also have freak out at hindi ko alam kung anong nasa isip niya." Napatitig lang sa 'kin si Cooper, alam kong alam niya na kung ano pa ang ibig kong ipakahulugan. Hindi ako sigurado kung worth the risk pa ba 'yon o sadyang acceptance na lang talaga ang kailangan.

"I understand," sabi niya at matipid na ngumiti sa 'kin. "But if ever you change your mind and you need my help, just call me."

Hindi ko na napigilan 'yung sarili ko, tumayo ako at dinukwang siya para yakapin, na-touch ako sa sinabi niya. "Thanks, Coops! Babawi talaga ako sa 'yo, pramis. Ipakikilala kita sa magagandang chix," biro ko at natawa lang siya.

"Dominic, nandiyan ka ba—" Biglang bumukas ang pinto at nadatnan kami ni Lois na magkayakap sa isa't isa. "What the heck? Cooper, binasted lang kita—bromance na kayo?!"

Tawang-tawa akong bumitaw kay Cooper, si Coops naman ay umiling nang sunod-sunod.


*****


IMBIS na umuwi ako ng bahay pagkatapos ng huli kong klase ay naisipan kong dumaan sa Coffee Project para tumambay muna. Bumili ako ng mocha frap at isang donut, pagkatapos ay doon ako pumwesto sa lugar kung saan na-realize namin na nasa magkaibang mundo kami. Binuksan ko 'yung Alter app at nakita ko 'yung huling voice message na pinadala ko sa kanya, ni hindi pa rin niya sini-seen. Baka nga in-uninstall na niya 'yung app.

eloramariz: Hi, Elrond.

Muntik ko nang mabuga 'yung frap na iniinom ko nang sumulpot bigla 'yung chat niya na 'yon.

eloramariz: How are you? Pasensiya ka na kung ngayon lang ako nagreply sa 'yo. It's just... it's too much to intake it. But don't worry about me, okay lang naman ako and I'm able to handle it well.

lord_elrond01: Hi! Akala ko talaga na-uninstall mo na 'yung Alter. Okay naman din ako.

Hindi ko na babanggitin sa kanya 'yung pambubugbog sa 'kin ng kakambal niya rito.

eloramariz: Can I call you?

lord_elrond01: Oo naman!

Ilang sandali pa'y kaagad lumitaw ang pagtawag ni Elora. Bago ko 'yon sagutin ay sinalpak ko muna 'yung earphones ko sa tainga.

Nang magtama ang paningin namin ay parehas kaming napaawang lang ang bibig. Marahil ay nagulat siya dahil nakita niya 'yung background ko rito sa Coffee Shop. Ako naman... natulala lang sa pag-glow ng mukha niya.

"Ah, oo nga pala, nandito ako ngayon sa Coffee Project," basag ko sa katahimikan at napatango lang siya. Napansin ko 'yung background niya sa kwarto niya. "Nakauwi ka na?" Tumango lang siya ulit. "Uhm... So... Weird world, ano? Alam mo ba na sandamakmak na research ang ginawa ko about parallel universe. Hindi ko pa rin maintindihan kahit na ipaliwanag sa 'kin ng geek kong kaibigan na si Cooper."

Napangiti siya. "Same. I don't get it at all."

"Pero dahil do'n, na-confirm natin sa isa't isa na hindi tayo naglolokohan. Abswelto na tayo ha." Sinubukan kong pasiglahin 'yung boses ko pero parang pipiyok ako.

"Yeah." Ang tipid lang niya magsalita, napansin ko rin 'yung mga mata niya, wala 'yong dating kislap.

"So... What do I look like diyan?" Mas lalo lang lumungkot 'yong mga mata niya nang itanong ko 'yon. "For sure mas gwapo ako." Natawa siya bigla.

"You do look like a lot, Elrond."

"I mean... mas gusto mo dapat ako kaysa sa kanya." Nabigla rin ako ng sabihin ko 'yon at napangiti lang si Elora.

"You're nothing like him at all," sabi niya. "But you're right. I like you more." Parang may kumiliti sa tagiliran ko.

Nginitian ko siya na may pang-aasar. "Confession ba 'yan, Elora?" Sumimangot siya at natawa lang ako. Hays, ang ganda niya talaga. "Joke lang. Pero, kinilig ako." Hindi naitago ng camera 'yung pamumula ng mukha niya.

Bigla akong natauhan. Heto na naman ang skeptical kong utak. Stop hitting on her already. Wala ka nang pag-asa—wala na kayong pag-asa!

Walang nagsalita sa amin ni Elora ng ilang segundo marahil parehas naming naisip ang bagay na 'yon. Kahit walang magsabi sa'min ay alam ko na naisip niya na...

"It's true, I really like you, Elrond... and I wanted to see you too," mahinang sabi niya, halos nakayuko—malungkot ang mga mata.

"I like you more, Elora... Pero... Mukhang hanggang dito na lang tayo... siguro, ano?" Nanikip na naman ang puso ko nang sabihin ko 'yon. Hindi ako makahinga. "Pero malay mo, kayo pala talaga ng counterpart ko—"

"Did you find me too?" bigla niyang putol sa 'kin. Nakatingin na siya ngayon nang deretso sa 'kin. "My counterpart on your universe? Did you find me?"

Hindi ko sukat akalain na itatanong niya 'yon. Dala siguro ng kuryosidad o baka gusto niya ring isipin 'yong katulad ng sinabi ko sa kanya.

"Elrond?" tawag niya sa 'kin nang matulala ako. Dahan-dahan akong umiling na siyang kinadismaya niya. "Why don't you find me—"

"Nakilala ko ang kakambal mo rito, si Elise."Siya naman ang natigilan nang sabihin ko 'yon. "Pero... pero sabi niya, patay kana raw." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top