Chapter One (Unedited)
NAGHIMUTOK sa galit si Aya pag-uwi niya sa probinsiya nila. Tatlong taon siyang nagtrabaho sa Japan bilang singer para sa kinabukasan ng mga kapatid niya tapos malaman-laman niya na nagpunta ng Maynila ang kapatid niyang babae para magtrabaho bilang prostitute.
"Bakit? Bakit?" gigil na tanong niya sa tita Elisa niya nang makaupo na siya sa sofa sa sala ng bahay nila.
"Aywan ko. Ang sabi niya magtatrabaho raw siya sa isang organisasyon bilang secretary."
"Anong organisasyon iyon?"
"Hindi ko alam. Tapos sinabi sa akin ng kaibigan niya, nakita raw niya sa isang night bar si Ava at sumasayaw na hubad."
"Anak ng tokwa!" napapatayong sabi niya.
"Hindi ko kaagad sinabi sa iyo dahil baka ma-distract ka sa trabaho mo. Hindi ako sigurado kung totoo ang sinabi ni Marice. Ibinigay nga niya sa akin ang address ng bahay na tinutuluyan ni Ava."
"Nasaan ang address?" aniya.
Dali-dali namang nagtungo sa kuwarto si Elisa. Pagbalik nito ay dala na nito ang maliit na notebook. Ibinigay nito iyon sa kanya na nakabuklat na kung saan nakasulat ang sinasabi nitong address.
"Wild heart organization," sambit niya sa pangalan ng kompanya kalakip ng address.
"Kung saan-saan lang daw dinadala si Ava para magtrabaho. May sinabi pa sa akin si Marice, eh. S-sex slave ba 'yon?" ani Elisa.
Nag-init ang tainga niya. Hindi na siya nagsayang ng oras. Kinabukasan din ay bumiyahe siya papuntang Maynila. Pero hindi naman mismong Maynila ang address. Nasa bahagi ito ng Tagaytay. Siguro ang mga bar na tinutukoy lang ni Elisa ang nasa Maynila. Pero nagtataka siya, kung organisasyon ang pinagtatrabahuhan ni Ava, bakit ito naging prostitute? Ang alam niya sa mga organisasyon ay grupo ng mga taong sumusugpo sa mga katiwalian at grupo ng mga sindikato.
Isang araw lang siya sa Maynila pagkatapos ay nagtungo na siya sa Tagaytay. Napapunta tuloy siya sa lugar na iyon na wala sa oras. Sabi niya noon bago siya umalis papuntang Japan ay ipapasyal niya ang mga kapatid sa Tagaytay pagbalik niya.
Inihatid siya mismo ng tricycle driver sa tapat ng malaking gate ng sinabi niyang address. Namangha siya, gate pa lang sobrang laki na hindi makita ang loob. Pinindot kaagad niya ang gate bell. Mamaya'y bumukas ang maliit na gate at iniluwa ang matangkad na lalaking suot ang itim na uniporme. May sukbit itong baril.
"Ano po'ng kailangan nila?" tanong nito pagkasara sa gate.
"Ahm, magtatanong lang po sana kung may bakante pang trabaho, mag-a-apply sana ako," kunwari ay sabi niya.
"Pasensiya na pero lalaki ang hinahanp ngayon para bodyguawrd at hardinero," anito.
Nagtataka siya. Ano ba'ng meron sa loob. "Ah, hindi po ba sila nangangailangan ng singer?" aniya.
"Singer?" natatawang sabi ng lalaki.
"Opo, baka kulang sila ng mang-aawit. Magaling po akong kumanta."
Umiling-iling ang lalaki. "Doon ka mag-apply sa mga bar, hindi dito. Nakakaabala ka lang," anito saka siya tinalikuran at pinagsarhan ng gate.
"Sira ulo." Umalis na lamang siya sa tapat ng gate.
Naglakad-lakad siya hanggang sa makakita siya ng inn. Nagpahinga muna siya roon habang nag-iisip ng dapat niyang gawin. Kung anu-ano na ang pumapasok sa kukoti niya. Hanggang sa maalala niya ang napanood niyang Japanese movie tungkol sa babaeng agent na nagpanggap na lalaki para mapasok ang lugar ng mga sindikato. Idol niya ang babae na iyon kaya bumili rin siya ng maraming wig para paglaruan ang mukha niya.
Tinawagan kaagad niya si Elisa at sinabing ipadala nito sa kanya ang mga naiuwi niyang wig, lalo na 'yong para sa lalaki, pati na rin ang mga makeup niya.
Makalipas ang dalawang araw ay nakarating na sa kanya ang package. Namili kaagad siya ng wig para maging lalaki ang buhok niya. Tiniis niya kahit mainit sa ulo. Pagkuwa'y kinapalan niya ang kilay niya gamit ang eye liner. Mabuti na lang pinagpala siya ng magandang tinig at may kalakihan at sinanay niya ang paiba-iba ng boses. Nag-aral din siya ng mix martial arts sa Japan kaya nagkalaman ang mga braso niya. Hindi rin siya pinalad na magkaroon ng malaking boobs. Pero binalot pa rin niya ng benda ang dibdib para hindi halata.
Nagpagawa siya ng mga pekeng papeles sa Recto, may kaibigan kasi siya roon na magaling sa pamimeke. Binago niya lahat ng pagkakilanlan niya. At nang handa na siya ay bumalik siya sa Wild Heart Organization para mag-apply bilang hardinero. Alam niya mahirap kapag bodyguard dahil hindi siya ganoon kalaki. May talento naman siya sa paghahalaman.
Pagdating niya sa guard house ay kinapaan pa siya ng guwardiya at pinadaanan ng metal detector ang katawan niya. May mga kasabayan siya na siguro'y bodyguard ang papasukan. Siya lang ang aplikante para sa hardinero.
"Papasukin na ang mga iyan!" utos naman ng isang security sa humalughog sa mga gamit nila.
Isinakay sila sa multicar saka dinala sa isang malaking bahay na may tatlong plapag. Kinabahan siya nang iwan sila ng guwardiya sa tatlong naglalakihang mga lalaki na di-baril. Nasa malawak na bulwagan sila at nakahilira habang tuwid ang tayo. Siya ang nasa pinakadulo at pinakamaliit sa lahat.
Mamaya'y may lalaking lumabas mula sa isang pinto at humahakbang palapit sa kanila. Napamata siya nang matitigan ito. Napalunok siya ng dalawang beses nang matutukan ang matipunong pangangatawan nito. Bakat na bakat ang maskuladong dibdib nito sa suot nitong hapit na pulang kamesita. Namumutok ang hitik na abs nito sa puson na bumakat din sa damit nito. Pero hindi kasing laki ng mga bodyguards nito ang katawan nito. Kung hindi ito batak sa trabaho ay maaring alaga ng fitness equipment ang magandang hubog ng katawan nito. Katamtaman ang kaputian nito at makinis ang kutis.
Napilitan siyang tingnan ang mukha nito nang may isang dipa na lang ang pagitan nito sa kanila. Bigla na lang nangatog ang tuhod niya nang sandaling magtama ang mga mata nila ng lalaku. Ang mga mata nitong mapan-akit kung tumingin. May kasingkitan ang mga iyon na naliligiran ng mayayabong na pilik, na may kayumangging eyeballs. Ang ganda ng pagkakatangos ng ilong nito na makitid at bumagay sa maninipis at naghuhugis puso na mamula-mula nitong mga labi. Mayroon itong mababaw na mga biloy sa magkabilang pisngi nang sandali nitong kagatin ang ibabang labi nito. May isang pulgada ang haba ng kayumanggi nitong buhok na sinuklay pahimpil sa likod. Hindi siya sigurado kung ano ang taas nito, basta hanggang baba lang siya nito.
"They're only five?" mamaya'y sabi nito sa isang bodyguard nito.
"Yes sir," tugon naman ng lalaki.
Kumabog ang dibdib ni Aya nang huminto ito sa harapan niya. Sinuyod nito ng tingin ang kabuuan niya. Pagkuwa'y tumigil ang mga mata nito sa mukha niya. Napalunok siya nang bigla nitong hawakan ang baba niya.
"Bakit may batang napasama rito?" mamaya'y tanong nito sa mga alalay.
Napalunok siya. Bata raw siya?
"Ah, hardinero po siya, sir," sagot naman ng isang lalaki na nasa likod nito.
"Hardinero? Puwedeng maging celebrity heartthrob ito tapos magiging hardinero?" anang lalaki.
"Nagmula po siya sa Quezon province, sir," sabi naman ng isang alalay.
Binitawan naman nito ang baba niya. Tumalikod na ito saka lumakad. "Sige, isa-isa silang papasukin sa opisina ko, ihuli na ang hardinero," sani nito sa mga alalay.
Nakahinga nang maluwag si Aya. Pero nagtataka siya bakit ang tagal naman bago lumabas ang ibang kasama nila pagkapasok sa opisina ng boss? Ang huling lumabas ay nagtataas pa lang ng zipper ng pantalon. Inalipin na siya ng kaba. Bakit ganoon? Anong ginagawa sa mga kasama niya?
"Ikaw na, bata!" sabi naman sa kanya ng isang alalay.
Nagatal ng husto ang mga tuhod niya habang papalapit sa pinto ng opisina. Ang bodyguard pa ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Pagdating sa loob ay ang alalay pa mismo ang nag-lock sa pinto. Namangha siya sa lawak ng opisina. Pero wala naman sa office table nito ang lalaki kanina.
"Come here!" mamaya'y narinig niya mula sa kanyang kaliwa.
Pagtingin niya'y naroon ang lalaki at prenteng nakaupo sa stool chair at naghihintay sa kanya. Lumapit naman siya. Hinawi niya ang sliding door saka pumasok. Pagkasara niya sa pinto ay tumayo ang lalaki.
"Stand right here," anito saka itinuro ang sahig na may nakaguhit na malaking bilog.
Tumayo naman siya sa gitna ng bilog. Humakbang ito palapit sa kanya at huminto may dalawang dangkal ang pagitan sa kanya.
"Take off your clothes," mama'y utos nito sa kanya.
Napamata siya. Bigla na lang uminit ang buong sistema niya. Hindi na niya magawang kumilos. Inalipin na siya ng kaba.
"I said, take off your clothes!" pasigaw na nitong utos.
Kumislot siya. Mabilis siyang nag-isip ng palusot. "Ahm, I'm sorry sir, but—I-I have skin problem," nanginginig ang boses na sabi niya.
"I don't care. Please... undress," mahinahon nang sabi nito.
Natolero na siya. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi tumakbo, pero baka kapag ginawa niya iyon ay bigla siyang barilin ng lalaki. Hindi pa rin siya kumikilos.
"Okay. I'll do it for you," anito at bigla na lang kinapa ang dibdib niya, pababa sa balakang niya.
Natigilan ito nang tumigil ang mga kamay nito sa baywang niya. Tiningnan siya nito sa mga mata. Hindi siya nakapalag nang bigla na lang nito itaas ang laylayan ng damit niya kasama ang pangatlong makapal na damit na suot niya saka walang habas na hinubad ang mga iyon.
Nanlaki ang mga mata nito nang mahantad sa mga mata nito ang dibdib niya na binalot ng benda. "Damn!" Napamura ito. Marahas na hinablot nito ang wig niya. Naladlad ang ga-balikat niyang buhok.
Bigla na lang siya nito itinulak padikit sa dingding. Idiniin nito ang kanang kamay sa puno ng dibdib niya. "Who sent you here, huh?!" gigil na tanong nito.
Umiling-iling siya. "W-Wala, I came alone," nangangatal ang tinig na sabi niya.
"Do you think I trust your words? Ang lakas ng loob mo! Imposibleng nagpunta ka rito na walang ibang dahilan. Nagpanggap ka para mag-espiya?" Pumalatak na ito.
Wala siyang nagawa nang marahas nitong hubarin lahat ng saplot niya sa katawan kasama na ang benda sa dibdib niya. Kinapa nito ang katawan niya maging bibig niya. Nag-init siya nang pati pagkababae niya ay ginalugad ng kamay nito. Hindi siya nakatiis, kinapitan niya ang kanang braso nito saka iyon pinilipit, sabay tinuhod ang sikmura nito.
"Argh!" daing nito.
Ngunit malakas ito. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito saka mariin siyang isinadal sa dingding. Ginapos nito ang mga kamay niya sa likuran saka idiniin ng mga tuhod ang mga hita niya. Hindi siya nakapalag.
"Sinasabi ko na nga ba, espiya ka ng mga kaaway. Maabilidad ka, pero walang makakaisa sa akin, lady. Now, you're trapped her, walang nakakalabas na buhay sa teretoryo ko lalo pa't kamuntiqk mo na akong ipahamak! Ngayon, sabihin mo sa akin kung sino ang nagpadala sa iyo rito? Si Mr. Yakamoto ba?" anito.
Hindi niya pinansin ang mga pinagsasabi nito. "Hindi ko alamq ang mga pinagsasabi mo! Pumunta ako rito mag-isa para sa kapatid ko!" palabang sabi niya.
"Oh, oo nga pala, ang mga espiya ay hindi nagsasabi ng totoo kapag nahuhuli dahil baka siya ang balingan ng amo niya. Kumita na sa akin 'yan. O baka gusto mong masaktan para umamin ka," anito.
"Nagsasabi ako ng totoo! Ito lang ang paraang alam ko para makapasok dito. Gusto kong makita ang kapatid kong si Ava Madrid!" aniya.
Sandaling napaisip ang lalaki. Pero lalo pa itong nagduda sa kanya. "Tama na! Lalo mo lang ako ginalit!"
"Hindi nga ako espiya! Gusto ko lang makita ang kapatid ko!" giit niya.
"Fine. Hintayin mo siyang dumating after one hundred days."
"Ano?"
"Yes, after one hundred days, pagdating niya, saka ko malalaman na totoong kapatid mo nga siya. Pero hindi ka makakaalis sa teretoryo ko hanggang hindi ko napapatunayang inosente ka. Tumagal ng ilang taon ang organisasyon na ito pero wala pang nangahas na mahimasok dito para matagumpay na mag-espiya, at hindi ikaw. Pero salamat dahil at least ngayon alam ko na na may kaaway pa rin ako. Pero napahanga mo ako. Magagamit kita," anito.
Kumislot siya nang haplusin nito ang isang dibdib niya. Naisip niyang lumaban pero inaalala niya ang mga alalay nitong di-baril. Baka doon pa siya mamatay. Pero walanghiya, mapapasabak siya sa laban nito dahil sa ginagawa ng lalaking ito sa katawan niya. Bigla tuloy niya na-miss ang kanyang nobyo na nag-asawa na dahil sa pagkainip na mahintay siya.
Tuluyan na siya nitong pinakawalan pero nag-iwan ng nakakahibang na init ang mga kamay nito sa katawan niya. Pinasadahan pa nito ng tingin ang kahubaran niya.
"You're beautiful, stunning and hot, but you're already taken. Hindi na ako magtataka dahil lahat ng babae na nagtatrabaho kay Mr. Yakamoto ay ikinakama muna niya. But you're still look fresh," anito.
Kinikilabutan siya. Bakit ba nito iginigiit na espiya siya ng Mr. Yakamoto na iyon, e hindi naman niya iyon kilala? "Hindi ko kilala ang sinasabi mo. Baka katulad ka rin niya, maniac!" aniya.
Binato siya nito ng mayahap na tingin. "How dare you! Don't fucking judge me, lady! Nangahas kang pumasok sa teretoryo ko, it's your fault! Lahat ng bagong hired na empleyado rito ay dumadaan sa mahigpit na pagsisiyasat pisikal, dahil minsan nang may pumasok na babae rito na nakitaan namin ng voice recorder device sa loob ng ari niya! At hindi mo ako masisi kung nahawakan ko ang pagkababae mo dahil sa kapangahasan mong magpanggap na lalaki. Nag-iingat lang ako. Isa pa, sanay na akong nakakakita at nakakahawak ng maseselang parte ng katawan ng babae."
Hindi siya nakaimik. Isa-isang pinagpupulot niya ang damit saka isinuot.
"You're staying here until I prove that you're innocent," mamaya'y sabi nito.
"No! Ano ba ang gusto mong proweba?" aniya.
"Sabi mo kapatid mo si Ava Madrid, pero wala siya rito sa Pilipinas. May pagkakahawig nga kayo kaya lalo akong nagduda. Hintayin natin siya after one hundred days. Hindi kita puwedeng pakawalan dahil kapag ginawa ko iyon, siguradong magsusumbong ka sa amo mo."
"Huh! Makulit ka rin, eh. Kapatid ko lang ang pakay ko. Malay ko ba sa kalakaran ng mga buhay ninyo?"
"Fine. Tutal kapatid mo ang pakay mo, walang ibang paraan para makita siya kundi manatili ka rito. Hindi mo na siya makikita sa labas kahit anong hingi mo ng tulong sa awtoridad."
Natigilan siya. Nagdududa na talaga siya sa kapatid niya. Pero napaisip siya. Makakatulong ang lalaking ito para makita niya si Ava.
"Kung hindi mo ako papakawalan, ano naman ang gagawin mo sa akin?" aniya pagkuwan.
"Hindi ba gusto mong magtrabaho bilang hardinero? You're hired."
"Ano?"
"Ginusto mo ito kaya huwag kang magreklamo. Magtatrabaho ka sa akin tapos sasahuran kita. Lahat ng iuutos ko sa iyo ay dapat mong sundin pero may sahod pa rin iyon. At kailangan mo ring sundin ang one hundred one rules ko habang narito ka sa teretoryo ko. Gagawa ako ng kontrata na nasa iyo kung pipirmahan mo o hindi. Good for one hundred days iyon. Nakapaloob na roon ang rules ko pero unexpected ang mga ipapautos ko. Ang binipisyo na makukuha mo rito ay ang makita ang kapatid mo at magkakatrabaho ka pa. Don't worry, my company was permitted and legal," anito.
Kumalma din ang sistema niya. Tamang-tama, kailangan niya ng trabaho dahil hindi na rin siya sigurado kung matatanggap siya ulit sa abroad. Pumayag siya sa suhesyon nito pero sisiguruhin niya na hindi siya magiging sex slave katulad ng sinabi ni Elisa. Magandang pagkakataon din iyon para malaman talaga niya kung ano ang nangyari sa kapatid niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top