Chapter Four (Unedited)
PAGLABAS ni Aya ng study room ay saka pa lamang humupa ang pangangatal ng katawan niya. Nasa estado pa rin siya ng init. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon kay Adam na hindi pa nga niya lubos na kilala. Isa pa rin ito sa suspect niya sa pagkawala ng kapatid niya. Pero aminado siya na wala siyang pinagsisihan sa ginawa. Hindi naman kasama sa rules ni Adam na hindi puwedeng makipagtalik rito. Naiisip pa rin niya ang mukha nito kanina habang inaangkin niya ito.
Isang linggo pa ang lumipas. Nasasanay na rin si Aya na maging na mas maaga pa sa alas-singko para sa arawang pagsasanay nila. Pero matapos ang huling tagpo nila ni Adam ay hindi pa niya nakikita ang bulto nito. May ilan na ring kababaihan na nakagaanang loob niya, lalo na si Jean na nakatoka sa kusina para magluto ng pagkain nilang lahat. Kasama nito sa kusina si Susan, na pinakamatanda sa kanila.
Pagkatapos ng halos tatlong oras na pagsasanay ng self defense at ehersisyo ay may kanya-kanya na silang lahat na trabaho. Nakarating na siya sa paligid ng company building sa paghahalaman. Malaki na ang initim ng balat niya dahil sa kakabilad sa araw. Hindi umobra ang sun block na pinapahid niya sa balat para hindi siya umitim. Nagsuot na lamang siya ng long sleeve at rubber gloves habang nagbubunod ng damo sa paligid ng mga halaman na nasa gigilid ng malawak na garahe.
Habang tinutumpok niya sa tabi niya ang mga nabunot ng damong ligaw ay natigilan siya nang biglang lumilim sa puwesto niya. Nang tumingala siya ay isang malaking paying ang nakasukob sa kanya habang hawak ni Adam. Suot nito ang itim na Amerikana nito.
"Sinabi ko na kay Bob na bilihan ka ng payong na isinusuot lang sa ulo para hindi naman matuyot ang utak mo. Manipis pa iyang sombrero mo," sabi nito.
Aywan niya bakit bigla ata siyang nasabik pagkakita rito. "Okay lang ako," aniya saka muling nagbunot ng damo.
Mamaya'y umupo na ito sa tabi niya habang isinaklob ang malaking paying sa kanila. "Mahigit isang linggo ka na rito, siguro naman kaya mo nang magtrabaho sa labas," anito.
"Ano naman ang gagawin ko?" walang interes na tanong niya.
"Katulad ng sinabi ko, parte ng trabaho ninyo ang maging asset. May isang bar na pina-imbestigahan sa amin, na umano talamak ang bintahan ng droga. Partner ng organisasyon ko ang pulisya, NBI at PDEA sa bawat operations. Pero mayroong isang organisasyon na alam ko'ng may anumalyang ginagawa o mayroong inside job. Sa ngayon, inuunti-unti namin ang mga maliliit nilang sangay na nagkalat sa Metro Manila, maging sa mga probinsiya. Hindi lang tungkol sa ipinagbabawal na gamot ang modos nila, talamak din ang bintahan ng laman at babae. Kaya babae ang karamihan sa aaset namin, dahil hindi ito masyadong kahinahinala. Siyempre, kaya ko kayo sinanay ng self defence para sa kaligtasan ninyo, aside from that, I hired a hundreds of skilled men to protect you outside the operations. Bawat isa sa inyo na asset ay may lima o higit pang undercover bodyguard maliban sa undercover member ng pulis o PDEA. Hindi ito pamimilit, pero since pumirma ka ng kontrata, kailangan mo itong gawin. O kung ayaw mo naman na mag-isa, puwede kang umalalay sa asset. Lahat ng mga kasama mo rito ay sanay na at niyakap nila ang trabaho dahil sa kagustuhan nilang makatulong sa pamilya at sa mga naabuso. So, kung wala kang pakialam sa lipunan, magtiis ka na lang na magbunot ng damo," mahabang paliwanag nito.
Naisip na naman niya ang kapatid, at ang naikuwento sa kanya ni Jean tungkol sa karanasan nito bilang sex slave ng isang dayuhan. Kaya ito nagtrabaho kay Adam ay para makatulong sa katulad nitong naabuso at makatulong na rin sa pamilya. Nasisiguro naman daw ni Adam ang kaligtasan nila sa bawat sabak nila sa trabaho sa labas.
"Sige, papayag ako. Kailan 'yon?" pagkuwa'y sabi niya.
"Bukas ng gabi. Isang night bar ang papasukin ninyo at kailangan lang ninyo matiyak na positibo nga iyon sa talamak na bintahan ng ipinagbabawal na gamot. Kasama natin ang PDEA sa operasyon na ito. Dahil may talento ka sa pagbabalatkayo, ikaw ang naisip ko na maaring pumasok. Magpapanggap ka lang naman na lalaki na kunwari ay buyer. Ang kalakaran kasi doon, idinadaan sa mga babae ang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Karamihan, nakasiksik sa ari ng mga babae ang pakete ng droga at ikaw na buyer ang dudukot niyon kapalit ng salaping hinihingi ng babae. Pero ang kalakarang iyon ay nalakap naming sa isang branch ng bar sa Alabang. So possible rin na ganoon din sa Mabini branch. Na-raid na rin ng PDEA ang Alabang branch kaso nahihirapan silang pasukin itong Mabini dahil sa higpit ng siguredad at hindi basta-basta ang mga babae roon. Kaya sila lumapit sa akin para mas mapadali ang operasyon. Huwag kang mag-alala, bukas ng umaga ay pupunta rito ang ilang opisyal ng PDEA para sa plano ng raid operation. Dapat narito ka bago mag-alas nuwebe ng umaga. Day off mo muna sa paghahalaman bukas, huh?" anito saka tumayo.
Nang tingnan niya ito ay papalayo na ito sa kanya, pero iniwan nito ang payong. Sa halip na kabahan ay bigla siyang nasabik.
Kinabukasan ng umaga pagkagaling ni Aya sa training ay nag-almusal na siya. Kagabi pa siya nag-iisip tungkol sa misyon. At ngayong dalawang oras na lang ang hihintayin niya para sa meeting ay bigla siya ginupo ng kaba.
Nag-iisa lang siya sa kusina at tahimik na kumakain. Hindi niya namalayan ang pumasok dahil sa lumalawak niyang imahenasyon. Kumislot na lang siya nang may mabigat na kamay na sumampa sa balikat niya.
"How's your morning, Aya?" tanong ng pamilyar na boses ng lalaki.
Paglingon niya sa likuran ay si Adam. Dagli naman itong bumaling sa harapan niya saka umupo. Kumuha din ito ng plato na nakahanda saka sinalinan ng sinangag na kanin at pritong itlog. Kukunin din sana nito ang nag-iisang hotdog sa serving plate pero nagbago ang isip nito matapos tumingin sa plato niya na panay kanin na lang at walang ulam.
"Kunin mo na ang isang hotdog. Itlog na lang sa akin," anito.
"Hindi na, marami pa namang itlog," aniya.
"Sige na, huwag ka nang mahiya." Tinusok nito ng tinidor ang hotdog saka inilagay sa plato niya.
"Nahiya ka pa, alam ko namang mahilig ka sa hotdog," sabi pa nito, na biglang nagpainit sa mukha niya.
Hindi niya ito pinansin. Kanina pa siya nagkakamay kumain pero humawak lang siya ng kutsara pagdating ni Adam. Pero nang makita niya itong nagsuot ng plastic gloves na siyang ginagamit sa paghahanda ng pagkain ay binitawan niya ang kutsara. Sumubo ito ng pagkain na nakakamay, pero my gloves.
Pinulot naman niya ang hotdog saka isinubo ang dulo niyon. Natitigilan si Adam habang titig na titig sa kanya. Nang kagatin niya ulit ang hatdog ay lumabas ang puting cheese sa loob niyon, na kaagad naman niyang sinalo ng dila. Nasaksihan niya ang pagtaas-baba ng adam's apple ni Adam. May isang dipa lang ang pagitan nila sa isa't-sa.
Mamaya'y kumislot siya nang sagiin ng paa nito ang hita niya. Tumigil siya sa pagsubo at napilitang tumitig sa kaharap.
"Sorry?" anito, habang nakataas ang isang kilay.
Nagpatuloy siya sa pagsubo. Mamaya'y tumama na naman ang paa nito sa hita niya at napalakas pa. Luminga siya sa paligid nang masiguro na walang ibang tao. Nang matiyak na sila lang ang naroon ay itinaas niya ang kaliwang paa at tumama sa pagitan ng mga hita nito.
"Ouch!" daing nito. Mulagat ang mga matang tumitig ito sa kanya.
Nginisihan niya ito. "May masakit ba sa iyo, Sir?" sarkastikang tanong niya.
Tumikwas na naman ang isang kilay nito. "Dadagdagan ko ang rules ko, puwedeng hawakan ang ibon ko pero hindi puwedeng saktan. Kapag sinaktan mo ito, kailangan mo itong hipuin para kumalma," anito.
Napalis ang ngiti niya. "Hindi 'yan kasama sa kontrata na pinirmahan ko," aniya.
"Para lang ito sa iyo, Aya, dahil masyadong malakas ang loob mo na sumalungat sa rules ko. These rule was effective today bago mo ako sinaktan."
"Ano? Baliw ka nga. Kasalanan ng ibon mo dahil hindi siya lumipad ng mataas. Tapos biglang nanunuka," pilyang sabi niya.
Bumungisngis ito. "Gusto na talaga kita, Aya. Dahil sa pinagagawa mo, bumababa ang profile ko at nasusugatan ang ego ko. What if aalukin kita ng isang relasyon?" anito.
"Anong relasyon?" gumagaralgal na tanong niya.
"Be my honey," anito.
May kung anong humilagpos sa dibdib niya. Ano naman ang nag-udyok rito para alukin siya na maging honey nito? "Nakadroga ka ba?" natatawang tanong niya saka muling sumubo.
"Unang beses na ginalaw kita, para akong tumikim ng droga. You made me insane. Ganoon naman talaga ang sex, parang droga, once natikman mo na, hahanap-hanapin mo. At kapag itinigail mo, nakakabaliw."
Tumawa siya ng pagak. "Hindi ka pa pala naka-move on," aniya.
"Hindi kasi ako nakaganti."
"Ano?"
"Hindi kasi ako sanay na inuunahan ako ng babae. Pakiramdam ko kabawasan iyon sa pagkalalaki ko. Pero proud ako dahil nagawa kitang hibangin, pero unfair 'yon para sa akin. So, will you be my honey?" Inulit pa nito ang alok.
Itinuwid niya ang likod. "I apologize, Sir, but I'm not here to ride your damn joke," aniya.
"Who told you I'm kidding, Aya?"
"Your words. I'm not easy as you think. Natukso lang ako sa katawan mo pero wala iyong ibig sabihin. Pinagsisihan ko na iyon, at hindi na iyon mauulit pa," matigas na sabi niya, sabay tumayo.
"But you did well."
"Thank you." Iyon lang saka niya ito tuluyang iniwan.
Nanginig ang kalamnan ni Aya pagdating niya sa kuwarto. Siguro nadala lang siya ng mga salita ni Adam kaya nagiging wild siya sa pagsagot rito. Pero hindi siya ganoong klase ng babae. May kahihiyan siya. Ano ba ang pinakain sa kanya ni Adam at nagkakaganoon siya? Pakiramdam niya magkarugtong ang bituka nila ng lalaking iyon.
WALA pang alas-nuwebe ay nakarating na si Aya sa company bulding at prenteng nakaupo sa sofa sa lobby. Hindi naman niya alam kung saan gaganapin ang meeting kaya doon na lang siya maghihintay para mas madali siyang makita ni Adam.
Mamaya'y may dumating na grupo ng mga lalaki na pawang nakaitim. Natuon ang paningin niya sa lalaking nanguna sa mga ito na may dalang maliit na itim na maleta at may sun glasses sa mga mata. Habang papalapit sa kanila ang mga ito ay unti-unti niyang nakikilala ang lalaki.
Damn, it was Henry! Ang nobyo niya na nagpakasal umano dahil hindi siya nahintay.
Dali-dali siyang tumalikod. Naalala niya, noong umalis siya ay sinabi sa kanya ni Henry na pupunta itong Maynila para doon na magtrabaho bilang PDEA agent. Nagtapos ito sa kursong Criminology pero mas pinili nitong magtrabaho sa PDEA. Pero bakit ito naroon?
Kasabay sa pagdating ng mga ito ay siya rin ang dating ni Adam kasama ang mga lalay nito. Nag-tagpo ang mga ito sa lobby pero siya kunwaring walng pakialam na nakaupo sa sofa sa likuran ng mga ito. Nang tingnan niya ang mga ito ay bigla na lang nagawi sa kanya ang paningin ni Henry. Itinaas pa nito sa ulo ang salamin.
"Aya?!" gulat na tawag nito sa kanya.
Nabaling ang atensiyon ng lahat sa kanya. Kung puwede lang ang matunaw na siya.
"Aya, anong ginagawa mo dito? Hindi ba nasa Japan ka?" sabi pa ni Henry nang makalapit sa kanya.
Tumayo naman siya, ngunit hindi niya naibuka ang bibig nang mamagitan sa kanila si Adam. "So, magkakilala pala kayong dalawa," kaswal na sabi ni Adam.
Binalingan naman ni Henry si Adam. "Hindi lang magkakilala. Girlfriend ko siya," ani Henry.
Tumitig sa kanya si Adam. Nasa mga mata nito ang labis na pagkamangha.
"Can you please explain it to me, Atty. Del Ferro? Bakit nandito siya? Don't say..." namumurong usig ni Henry kay Adam.
"Bakit hindi ang girlfriend mo ang kausapin mo tungkol diyan? Mas importante ang meeting kaysa personal na usapan. Let's proceed to the conference room," mamaya'y sabi ni Adam. Nagtiuna na ito sa paglalakad.
Sumunod naman ang mga alalay nito at ang grupo ni Henry. Kung hindi pa siya iginiya ni Bob na sumunod ay hindi siya kikilos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top