Chapter 84: The Fiancée
Patawid na tayo sa Jaesie era hahaha pabalik na rin naman na tayo sa Sab era soon.
This chapter is dedicated to CristinaBagtas2 na isa sa nag-iwan ng comment last, last chapter. Thank you po sa pagbabasa, enjoy reading!
♥♥♥
Hindi ko kahit kailan babawiin ang impression ko kay Jaesie na napakataray niya. Hindi naman niya ako tinatarayan pero ganoon kasi siya kumilos.
Ang problema, may dalawa sa barkada ko ang naniniwala sa gender equality.
Alam ko nang hindi magiging okay ang gabi ng iba sa amin kasi nasimulan na. Kahit ako, kaya kong sabihin na hindi alam ni Patrick ang ginagawa niya. Jaesie didn't look like she was joking around, pero bilib ako na pumatol 'to sa kabarkada kong spoiled brat. And that was the case.
"Patrick, is this serious?" pangangastigo agad ni Daddy Rico, the pakialamero like his Mum.
"Dude, I already gave her a ring," sagot ni Patrick.
"We're not talking about the ring, Pat. My question is—"
"Irrelevant," biglang sagot ni Jaesie kahit hindi naman siya kinakausap. "Bakit pinag-iinitan mo si Patrick?"
"Miss, I'm not talking to you," naiinis na sagot ni Rico.
"E di, tayo'ng mag-usap! Problema ba 'yon?" mabilis na sagot ni Jaesie, dinuduro pa si Rico.
Napakuha tuloy kami ng beer at tamang inom lang habang nanonood ng nag-uumpisang rumble nila.
"Alam mo, kanina ka pa, e." Inis na inis si Jaesie, lalong lumabas ang kasungitan.
Natatawa kami ni Melanie, hindi ko alam kung dahil ba sa tama ng alak o talagang nakakatawa silang panoorin.
"You're not even in the conversation," mahinahong sagot ni Rico pero ang offensive ng word choice.
"I'm in this conversation, and you're humiliating Patrick in front of me!"
"Ah! Humiliation! Wow!" Nagiging sarcastic na si Rico, naglahad pa ng mga braso habang naghahanap ng kakampi sa paligid. "This lady has no idea how I humiliate people. I'm just asking a friendly freaking question! Kailan ako nang-humiliate just because I asked a person if he's serious or not!"
"Then bakit mo kailangang tanungin si Patrick kung seryoso ba siya?"
"Because we know he's not, miss."
"Bakit ba marunong ka pa sa kanya? Ikaw ba ang magpapakasal."
"'Yan ang point, just in case you don't understand!' Nanduduro na si Rico, mukhang mainit na ang ulo. "Kasi wala kaming alam na magpapakasal na pala siya, and we don't even know you!"
Umentrada na kaming barkada.
"Kilala namin si Jae, dude," sabi agad ni Will.
"Yeah," segunda ni Calvin, at kahit ako, tumango rin.
"Bakit ako, hindi?" tanong pa sa amin ni Rico.
"Ewan namin sa 'yo," mahinang sagot pa namin sabay higop ng beer at tingin sa kung saan-saan.
Biglang natahimik si Rico, napahiya yata namin nang di-oras.
"See?" maangas na sabad ni Jaesie. "Ikaw lang pala ang hindi nakakakilala sa 'kin, kaya pala ang ingay mo. Wow, ha."
"But still, ang question ko, kung seryoso ba si Patrick, hindi kung kilala ba kita. I'm not even talking to you in the first place kasi hindi naman ikaw ang makakasagot sa tanong ko. Wala ka bang enough comprehension to understand that?"
Binitiwan ko ang hawak kong beer para lang pumalakpak ng isa habang nagpapadyak sa upuan.
Rico, putang ina, ayaw talaga patalo! Hindi kami matatapos dito nang hindi niya pinaluluhod si Jaesie sa kanya!
"Ang yabang mo, e 'no?"
"Of course!" malakas na sagot ni Rico na nakapagpatakip ng bibig ko para lang hindi ako makahalakhak. "You don't know me, miss."
"At wala akong pakialam kung sino ka!" Mabilis na tumayo si Jaesie at tiningnan paibaba si Patrick. "Friend mo 'to? Puwes, magpalit ka na ng friend mo. Napaka-antipatiko!"
Walang paa-paalam, nag-walkout si Jaesie at ibinagsak pa ang pinto paglabas niya.
"Jae!" Tumayo na agad si Patrick para sundan ang fiancée na niya.
"Look at that," naiinis na sinabi ni Rico. "We're not done talking, di ba? Tapos biglang aalis. Manners where? Come on!"
Gets ko ang point ni Rico. Kahit din ako, e. Wala kasing sinabi si Patrick na magpo-propose siya kay Jaesie. Ni hindi ko nga rin alam na nagde-date pala sila.
Pero ayoko ring pangunahan kasi malay ko ba kung seryoso siya o hindi, pero alam ko ring hindi. At alam kong naramdaman 'yon ni Rico kasi alam naming lahat kung sino ba talaga ang trip ni Patrick.
Hindi kasi 'yon madaling baguhin lalo kapag nakikita mo ang signs saka sa kilos ni Pat na 'yon at 'yon pa rin hanggang ngayon.
Ayokong sabihin na panakip-butas niya lang si Jaesie, kasi hindi ko kayang ilagay ang label na 'yon para kay Jae, probably because she doesn't look like someone na papayag tawaging rebound.
Hindi trip ni Rico si Jaesie for Patrick. O hindi rin talaga trip ni Rico si Jaesie at all. Grabe magsagutan, sobrang bihira ang cases na talagang may pumapalag kay Rico kapag nambabarda siya. Si Tita Tess nga lang ang kilala kong nakakasagutan niya na talagang sigawan.
May point din naman kasi si Rico. Hindi naman siya nagtaas ng boses sa una pa lang. Mahinahon pa nga ang tanong kung seryoso ba si Patrick. Hindi ko na rin alam kung bakit umabot sa sigawan ang lahat pero natuwa na lang kami sa nangyari. Siyempre, ako lang ang sinisigawan ni Rico dito kapag nabubuwisit siya kaya bago sa pandinig na hindi ako ang kaaway.
"Hayaan mo na si Pat," sabi ko na lang kay Rico. "Baka seryoso na this time. Tingnan na lang natin, baka mag-work na. At least, hindi sila mag-aaway ni Calvin diyan."
Naka-date ni Calvin noon si Jaesie, nasa college pa lang kami. Hindi sila nag-work kasi ang problema naman talaga, si Calvin. Kahit ako, kaya kong aminin 'yon. Kung makapagpalit ng babae si Calvin kada araw, talo pa ang nagmemeryenda lang ng babae.
Niligawan din ni Will si Jaesie. Nabanggit sa 'kin 'yon ni Will minsan. Hindi lang sila natuloy kasi may rason si Will na tinanggap ni Jaesie. Hindi ko masabi kung ano 'yon pero hindi na rin ako nag-usisa. Kumbaga, personal matter, ayokong makisawsaw.
Dumistansya si Rico kay Patrick kasi ayaw nilang magpang-abot. Ayaw kasing sumagot ni Patrick kapag tinatanong siya kung bakit si Jaesie, lalo kung si Rico ang nagtatanong, kasi alam naman naming magbabarkada na kapag ito ang nagtanong, sinasapian 'to ni Tita Tess sa pagiging tsismoso. Hindi 'to titigil hangga't hindi nakokontento sa sagot na gusto niya.
January next year, sabi pa namin, ayan, nakakailang months na, pero sila pa rin. Baka nga seryoso na kasi si Jaesie pa rin, e. Inusisa ko na si Patrick.
"Dude! 'Musta?" Inalok ko agad sa hangin ang kamay ko.
"Yo! How's your day, Clark?"
"Ays lang."
Nagkita kami sa BGC. May isang coffee shop doon na wala halos tao ang pinagtambayan namin.
"Jaesie's coming today. Nag-text na siya, malapit na siya sa area," balita ni Patrick pagsilip niya sa relo.
Mahaba pa rin ang buhok ni Patrick, naka-ponytail, at lalo pang nadagdagan ng sukat. May hikaw pa rin siya sa tainga pero dalawang round earrings na lang kompara noon na nakaparami.
Hindi naman sa inaasahan kong baka kaya siyang ibalik ni Jaesie sa dati, yung malinis na ayos niya na inaasahan ni Tita Liz, pero baka tanggap ni Jae na ganito ang itsura ni Patrick.
"Okay naman kayo ni Jaesie," sabi ko.
"Yeah!" Mabilis siyang tumango. "We're doing good!"
Tumango-tango na lang ako kahit pa parang hindi ako kontento sa sagot na 'yon. Siguro kasi si Patrick ang kausap ko. Iba ang definition niya ng good sa good namin.
Hindi naman siya nagsinungaling na around the area na si Jaesie. Pahigop pa lang ako sa kape ko nang dumating ang fiancée ni Patrick, naka-formal suit—yung white na pang-ilalim tapos pinatungan ng red coat tapos red pants. May dala ring folder kasama ng shoulder bag. Nakatakong pa nga kahit matangkad naman na.
Kung may isang bagay man akong magugustuhan kay Jaesie, 'yon na siguro ang pagiging simple ng mukha niya, in a sense na kaya niyang humarap sa amin na ang meron lang sa mukha niya, pulang lipstick.
Walang guhit ang kilay, wala yung mga pekeng pilikmata, wala yung mga cream na kung ano-ano. Kapag pinagpawisan siya, magpupunas siya ng noo gamit ang likod ng palad tapos walang didikit doon na kung ano-anong kulay.
"Hello, gentlemen," bati niya sa amin at naupo na sa mesa kung nasaan kami ni Patrick. "I'm sorry, late ba 'ko?"
"Nope!" nakangiting sagot ni Patrick. "You're just in time. May order ka?"
"Yeah! Mocha latte. Wait, ako na," sabi niya at akmang tatayo pero naunahan na siya ni Patrick.
"Let me."
Kagat-kagat ni Jaesie ang labi niya habang sinisilip mula sa puwesto namin ang menu. "Hundred . . . forty . . . three. Okay." Kumuha agad siya ng wallet at nagbilang doon ng pera.
"Psst!" sitsit ko.
Sumulyap tuloy siya sa 'kin.
"Ano 'yan?" tanong ko, inginunguso ang ginagawa niya.
"Uhm . . . kukuha ng pera?" naiilang na sagot niya.
"Para saan?"
"Sa order ko?"
"Si Pat pagbayarin mo, gagi."
Sumimangot agad siya sa sinabi ko. "Magkano lang yung latte."
"Kaya nga si Pat ang pagbayarin mo," pilit ko.
"Lagi naman siyang nagbabayad for our meal. Magkano lang naman yung latte."
Sabay pa kaming nag-angat ng tingin pagbalik ni Patrick dala ang latte ni Jaesie.
"How much?" tanong ni Jae.
"It's on me."
"Pat . . ." nakikiusap nang pagtawag ni Jaesie.
"Jae, coffee lang 'to. Come on." Paglapag ni Patrick ng cup sa mesa, kinuha na niya ang wallet ni Jaesie para itago ulit 'yon sa bag nitong isa.
Aminado naman akong sanay ako sa libre. 'Yan nga ang bumuhay sa akin sa halos kalahati ng buhay ko. Pero hindi ko talaga ma-digest si Jaesie bilang tao ha-ha! Malamang kasi sa lahat ng babaeng nakilala ko, si Jaesie lang ang conscious na conscious sa pera pero willing din naman gumastos. Kami kasi, kapag nilibre mo 'ko, tatanggapin ko. Sa susunod, ako naman ang manlilibre. Sanay yata sa KKB 'tong babaeng 'to.
"What's this?" tanong ni Patrick nang buklatin ang folder na dala ni Jaesie.
"Oh! Yeah!" Biglang lumapad ang ngiti ni Jaesie at dama kong masaya siya. Parang may imaginary sparkles na sumulpot sa ibabaw ng ulo niya nang ipakita ang folder kay Patrick. "Nag-revise ako ng business plan. I'm planning to put up a laundry shop sana. Wala kasing laundry shop doon sa malapit sa office namin. Maybe I can work on that one. Maghahanap na lang ako ng magandang puwesto."
Ooohh, buti pa 'to, may plano sa buhay.
"Laundry shop?" nakasimangot na tanong ni Patrick.
"Yes!" nakangiting sagot ni Jaesie habang mabilis na tumatango.
"No." Biglang isinara ni Patrick ang folder at inilayo kay Jaesie palapit sa akin. "Jae, you don't need to work. I can work for us. Marami akong pera. Like . . . enough for our family."
Parang bulang nag-pop ang imaginary sparkles sa mukha ni Jaesie at nakagat niya ang labi habang nakatitig kay Patrick.
Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko.
"Pat," mahinahon nang pagtawag ni Jae, at nawala ang tuwa sa tono niya. "I want to have a business."
"Jae, no." Umiiling na tumanggi si Patrick at nakangiwi pang naghimas ng noo. "Clark has a business. Sobrang stressed niya sa business niya. Wala na siya halos time. I know how hard it is to put up a business. Ayaw mo ba na sa bahay ka lang tapos chill ka lang doon? You don't have to stress yourself for something like this! Ayokong ma-stress ka rito!" Itinuro pa niya ang folder na dala ng fiancée niya. "And laundry shop? Why? I mean—laundry? Really? We have maids naman, e!"
Gusto kong umentrada, shet. Baka lang kasi hindi naiintindihan ni Patrick ang point ni Jaesie kaya baka kailangan ko pang i-interpret.
Kaso yung itsura ni Jaesie, parang nagtitimpi na lang sa pag-iyak.
"Yeah. You're right," pagsuko niya, at ramdam ko ang bigat n'on. Kinuha niya ang folder at binilog 'yon.
"Jaesie, ayokong mapagod ka, okay? Ayokong ma-stress ka."
Nakatitig lang ako sa business plan, at napataas ang magkabilang kilay ko nang kuyumin 'yon ni Jaesie hanggang malukot sa gitna bago niya ibalik sa shoulder bag niya.
"It's okay, Pat. Okay lang. I understand."
"Mapapagod ka lang, Jae, believe me. I'll give you money na lang, how much ba need mo?"
Dude, hindi pera ang kailangan niyan. Sana ni-refer mo na lang sa 'kin kaysa i-turn down. Tsk, tsk, tsk.
Gusto kong mainis kay Patrick. Ang dami ko kasing tinutulungang magtayo ng business, so alam ko rin ang hirap ultimo paggawa ng business plan at ang proseso kung saan magtatayo, ano ang itatayo, paano itatayo ang negosyo. Hindi 'yon basta isang gabi lang pinag-isipan. And before mai-print ni Jaesie ang business plan sa folder niya, alam kong hindi lang isang gabi ang ginugol niya roon.
Gusto ko lang malaman kung okay ba silang dalawa, pero . . . hindi ko alam.
Hindi okay sa paningin ko ang nakikita ko ngayon.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top