Chapter 78: Open Ending

Ayan, start na ng aking busy days. Hoping makapag-update pa rin regularly. Legit na next chapter ang uwi ni Sabrina hahaha eniweeey, this chapter is dedicated to cuddlykads17 na isa sa tambay sa comment section last chapter. Thank you so much po, enjoy reading!


♥♥♥


Unang date ni Patrick na makiki-fourth and a half wheel kami nina Melanie at Eugene.

Pumunta kami sa isang Filipino buffet restaurant na medyo kaunti na ang tao kasi after lunch naman na. Ramdam ko namang nao-awkward-an na ang ka-date ni Patrick sa amin, pero ramdam ko rin na wala na sa kanya ang interes ng lalaking ka-date niya.

Kandong-kandong ni Melanie si Eugene, ako naman ang kumuha ng pagkain para sa kanya. Wala pa akong kinukuha para sa akin kasi nga, may kasama kaming baby.

Six-seater ang mesa kung tutuusin, basta ba magsisiksikan kami. Malaki-malaki ang mesa, magkatabi sina Patrick at Faye, yung ka-date niya. Magkatabi kami ni Melanie sa kabilang side ng couch.

"Ingat ka, snatcher wannabe 'yang kalaro mo," paalala ko kay Melanie nang ilapag ko ang plato niyang maraming laman sa mesa.

"Hahaha! True ba?"

Hindi pa man ako nakakaupo nang maayos, biglang sumambulat sa hangin ang ilang piraso ng fried rice at gulay nang dakmain ni Eugene ang platong kalalapag ko lang.

"Oh my God!" tili ni Faye na isa ring nagulat.

"Ayan na nga bang sinasabi ko, e." Humatak agad ako ng table napkin.

"Aah, OMG!" natatawang tili ni Melanie at binuhat agad patayo si Eugene para ilayo sa mesa. "Ang bilis ng kamay!" Hawak agad niya ang kamay ng baby at pilit binubuka. "Eugene, ano ka ba naman?"

Dalawa na kami ni Melanie na nagtulong, ibuka lang ni Eugene ang kamay niya para bitiwan yung mga kanin at kulay na dinakma sa plato.

"Hahaha! Dalhin nga natin 'to sa Quiapo. Parang magandang sideline 'to, ha," natatawang sabi ni Melanie habang nililinisan ang kamay ni Eugene gamit ang wet wipes.

Ako naman ang nag-imis ng ilang kalat na pagkain sa parte namin.

Napasulyap ako kina Patrick at Faye na naiilang na yata habang pinanonood kami. Ako na ang magsasabi kay Faye, kung hindi niya gusto ang anak ni Leo, wala sa barkada ko ang magugustuhan din siya.

"Nagugutom ang baby? Gusto mo ng gulay?" pakantang tanong ni Melanie, hinuhuli sa hangin ang kamay ni Eugene na dadakma pa ulit ng pagkain sa mesa.

Tumayo na ako at kumuha ulit ng panibagong set ng pagkain sa plato ko saka ako bumalik sa mesa namin. Mabuti na lang talaga, marunong humawak ng bata 'to si Melanie, hindi ko pa naririnig umiyak si Eugene kahit inagawan na namin ng dinakmang pagkain.

"Magsayote ka muna, ha? Baka hindi ka matunawan." Nagdudurog si Melanie sa gilid ng plato niya ng sayote galing sa chopseuy at 'yon ang isinusubo kay Eugene.

Pagbalik ko, kung makatitig si Patrick kay Melanie, gusto ko nang batuhin ng table napkin saka sitahin ng, "Huy! Tunaw na! Yung ka-date mo, katabi mo lang!"

Nagkukulit pa rin naman si Eugene pero kung anong bilis ng kamay ng baby, ganoon din kabilis ang kamay ni Melanie sumalag. Super Saiyan ba 'tong babaeng 'to?

"Bilis ng reflex, ha," puna ko sa kanya. Pagkatapos kasi ng unang kalat ni Eugene, hindi na nasundan.

"Marami pa 'tong kakaining bigas bago makalampas sa 'kin," mayabang na sabi niya at pinunasan na ang bibig ni Eugene na kalat-kalat ang gulay sa bibig. "Parang gusto ko rin tuloy ng baby."

"Gusto mo?"

Sabay-sabay pa kaming napatingin kay Patrick dahil sa tanong niya.

"Ha?" inosenteng tanong ni Melanie. Pigil na pigil naman ang tawa ko kay Pat.

"I mean . . ." Biglang namula si Patrick sabay urong sa plato niya. "G-Gusto mo." Itinuro pa ng tingin ang pudding niyang nasa maliit na cup.

"Uy, syor!" masayang sagot ni Melanie at hinatak nga ang pudding na alok ni Patrick, wala man lang second thought. "Aakala ko, aalukin mo 'ko ng baby, hahaha!"

Kahit ako, natawa rin. Akala nila, sinasakyan ko ang joke ni Melanie, pero alam ko kasing patay na patay na patay 'to si Pat sa kanya.

"Clark." Kunot ang noo ni Mel nang tumingin sa akin tapos itinuro ang bibig niya.

"May yaya ka, ha," sabi ko na lang pero ako na ang dumampot ng kutsara sa gilid at nagsubo sa kanya ng pudding. Nagsandok din naman siya pero si Eugene naman ang sinubuan.

"Uy, kain ka lang diyan!" sita niya sa ka-date ni Patrick na kanina pa tahimik.

Walang isinagot si Faye, ngumiti lang nang matipid.

"Clark, gusto ko n'ong hipon," sabi ni Mel, nginunguso yung nasa plato ko.

"O, ano gagawin?"

"Palanguyin mo ulit sa dagat," sarkastikong sagot niya. "Balatan mo, dali. Ginugutom na 'ko, e."

"Aliping-alipin ako, ha."

"Dali na! Kiss na lang kita mamaya."

"Kaumay ka." Pero ipinagbalat ko rin naman siya ng hipon. Siyempre, ako muna kakagat bago siya.

"Ano ba 'yan? 'Liit-liit na nga lang niyan, hahatian pa 'ko."

"Tine-taste test ko lang, baka biglang bumula bibig mo, e."

"Akin na nga!" Ngumaganga naman siya kaya sinubuan ko na rin. "Ano ba 'yan, Clark? Hindi man lang isinawsaw sa sauce! Wala ka bang panlasa?"

"O, ito, higupin mo." Pinagsandok ko siya ng cajun sauce sa maliit na lalagyanan saka ko pinahigop sa kanya. Hinigop naman!

Patola talaga 'tong babaeng 'to kahit na kailan.

"Puwede ba 'to si Eugene sa hipon?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Parang hindi naman siya allergic. Nakakakain naman 'yan ng may hibe. Bibigyan mo ba?"

Umiling naman siya. "Hindi. Pagkain ko 'to, e."

"Gagi ka." Natatawa ako siyang siniko sa braso.

"Penge nung torta," pagnguso niya sa mga nasa platong dala ko.

Naging invisible ang date ni Patrick sa buong oras ng pagkain namin. Hindi ako kumain nang marami. Nakihati lang din ako sa lahat ng isinubo ko rin kay Melanie. Bow ako sa kanya kasi kahit sina Manang, hindi kayang pakainin si Eugene na malinis ang mesa hanggang matapos. Kahit din ako, parang may tournament kami ni Eugene sa mesa kada pakain ko, e.

Hindi na nga namin namalayan ang oras. Kung hindi pa tatawag si Calvin, hindi pa namin maaalala na susunduin lang pala si Mel doon sa mall.

"Uy, sorry, ha. Sana hindi namin naabala ang date n'yo," sabi ni Melanie kay Faye, kahit pa inabala naman talaga namin nang sadya ang date nito nina Patrick.

"No, it's okay," sabi ni Patrick, hawak na sa baywang ang ka-date niya—na malamang na gagawin talaga niya kasi yung watcher ni Melanie, kaharap na niya ngayon. "Minsan ko lang naman kayo makita."

"Grabe sa minsan!" natatawang sagot ni Mel at inakbayan na si Calvin kahit mas matangkad itong isa. "Enjoy your date pa rin, maaga pa naman. Alas-tres pa lang." Kami na ni Eugene ang sunod niyang binalingan. "Aww, uuwi na si Ninang Ganda." Nilapitan niya ulit si Eugene saka pinisil-pisil ang pisngi. "Pasyal ulit tayo sa susunod, ha?"

"Ba-bye ka na kay Ninang Ganda," sabi ko at pinakaway si Eugene. "Ba-Bye, Ninang Ganda."

Kumaway naman si Eugene at sinundan namin ng tingin sina Calvin at Melanie na paalis na.

"Ba-bye, baby! I love you, I love you!" Nakailang flying kiss pa si Mel habang hatak-hatak ni Calvin ang kamay niya.

"Ingat kayo pauwi, 'tol!" sigaw ko.

Simpleng kumaway lang si Calvin habang nakatalikod.

Ibinalik ko ang tingin kay Patrick. Na kay Mel pa rin ang tingin niya. At kahit wala siyang sabihin, alam kong nanghihinayang pa rin siya sa nangyari sa kanilang dalawa.

Hindi ko na tuloy alam kung sino ang may pinakamasakit na experience sa aming lahat.

Si Leo, single nga ang babaeng mahal, nasa Hong Kong naman.

Si Rico, yung babaeng mahal, ikakasal na sa iba next week.

Si Patrick, single nga yung babaeng mahal, hindi naman siya mahal, binakuran pa ng kinakapatid.

Kung tutuusin, kayang ilaban ni Patrick si Melanie, e. Kaso tingin ko, nasobrahan sa comfort si Patrick para hindi malaman kung paano "lalaban" para sa kanilang dalawa.



♥♥♥



Bukas na ang kasal ni Cheska, at invited kaming magbabarkada. Kahit nga ako, nabigyan ng invitation, nagulat ako.

Pero ang naging sorpresa lang siguro doon, yung nalaman ko noong dumaan ako kina Rico para alamin kung okay lang ba siya.

Best man kasi siya ng groom at nalaman lang namin kung kailan two days before the wedding na.

Sa isip-isip ko, kailan mo 'to tinanggap? Kailan mo 'to in-agree-han para hindi sabihin sa 'min agad?

Pinuntahan ko siya kasi out of the blue naming nalaman, kung hindi pa dahil sa announcement. Ultimo sa wedding invitation, walang nakalagay kung sino ang best man at maid of honor, pero may list naman ng groomsmen at bridesmaids.

"Yaya Beth, si Ron?" tanong ko.

"Baka nasa kuwarto. Hindi naman siya bumaba."

"Sige po, akyatin ko na lang."

Wedding na bukas. Ang venue, sa event's place sa Dasma na malapit sa golf course. Kayang lakarin dito kung tutuusin kasi limang kanto lang ang layo.

"Rico?" tawag ko pagpasok sa kuwarto niya.

Walang tao, sumilip pa ako sa bathroom.

"Dude, you there?"

May mga gamit naman sa kama. Parang mga regalo yata pero hindi pa nakabalot nang maayos. Nakita ko rin doon ang invitation kaya dinampot ko. Baka lang kasi kapareho lang din ng sa amin at nag-last minute change of plan lang sila na gawing best man si Rico.

Pero hindi.

Para talaga sa best man ang nakalagay sa invitation. Naka-gold emboss pa ang pangalan ni Ronerico Dardenne.

Kung meron mang isang nakapagpataas ng kilay ko, 'yon na ang handwritten letter na nasa loob ng invitation, halatang isiniksik na lang kasi nasa pinunit pang notebook page.


To Ronie,

     I know you're disappointed in me right now, and I am very sorry. Hindi ko na ija-justify ang sarili ko kasi wala na ring point, but I want you to know that I appreciate every little thing you did for me. You're the best friend I've ever had.

     We're not perfect. We all have our fair share of flaws. And I am thankful that you accepted me despite all that.

     Maybe you're thinking, "I was the one who should be on that altar with her," like you've planned, but I know you deserve the best.

     You didn't judge me after what happened. Your family didn't judge me for that. I never heard Tita Tessa say something bad about me despite all the judgment I've received from all those people I thought would understand what happened to me. I even thought she would be the first one to abhor me to death for hurting you, but she fought by my side when everyone was against me.

     Until the last minute, I know you've tried.

     I love you, and if I'm not as shattered as I am today, maybe I can love you as much as you do to me. Pero kahit sarili ko, hindi ko na rin kayang mahalin ngayon. Kapag tumitingin ako sa salamin, hindi ko na makita pa ang sarili ko. Kapag tumitingin ako sa ibang tao, kahit hindi nila ako kilala, tingin ko, nandidiri silang lahat sa 'kin kasi ganito ako. It's giving me nightmares even if I'm awake. I'm asking God, why me? Bakit sa akin nangyayari 'tong lahat? May ginawa ba 'kong mali? May sinaktan ba 'ko para parusahan niya 'ko nang ganito? But I have no right to question Him and His will. I'll just pray for strength at sana matapos na 'tong lahat.

     I'm sorry for being this weak. I'm sorry for hurting you. I'm sorry if I don't see myself as good enough for you.

     I'll pray that someday, makita mo rin ang babaeng hindi kukuwestiyunin ang worth niya kung deserving ba siya for you. I'll pray na sana, yung susunod mong mamahalin, mahalin ka rin niya hanggang dulo kasi hindi ko 'yon kayang gawin para sa 'yo. If I can't pray for my salvation anymore, I'll pray for your happiness instead. Because above anything else, I know you deserve to be happy because you're worth it.

     Thank you for believing in me when I don't believe in myself anymore. Maybe in another life, we can work this out.

     I'll see you at my wedding.

Love,

Cheska


♥♥♥


Siguro nga, wala akong karapatang husgahan ang ibang tao dahil lang may nalaman akong maliit na fraction ng buhay nila. Kasi hindi ko rin naman alam kung anong klaseng mga option lang ang meron sila para mag-decide kung ano ba ang best para sa kanila at ano ang hindi.

Wedding day ni Cheska at Congressman Conrado Ynares. Controversial wedding pa nga kasi umaandar pa rin ang rape case niya, kumbaga halo-halong reaction na kung public stunt lang ba 'to kasi nanalo nga bilang congressman itong Ynares dahil na rin kay Cheska at sa "love against all odds" na relasyon nila. Natalo sa eleksyon ang mga Gallego at haharap pa sila sa kasong isinampa ng panig nina Cheska.

Hindi ko alam kung matatawag ba 'tong hustisya kasi alam kong hindi rin naman mahal ni Cheska itong pakakasalan niya.

Masasabing intimate ang wedding kasi nasa 175 lang ang invited kasama kaming magbabarkada saka ibang close friend din namin gaya nina Roxette at Wynn.

"Hindi ko kaya 'tong ganito," bulong ni Calvin na katabi ko. "Ako nasasaktan para kay Early Bird."

Kahit din ako.

Wala kaming narinig na reklamo kay Rico mula nang magsimula ang ceremony, pero ramdam naming nasasaktan siya. Para pa ngang maiiyak na siya anumang oras pero wala lang luhang tumutulo kaya hindi makumpirma.

"Paano kaya kung si Kyline, nakahanap ng iba sa Hong Kong, 'no? Tapos best man si Leo sa kasal," sabi ni Will na hindi namin inaasahan.

Napatakip ako ng bibig saka napasulyap kay Leo na ang talim ng tingin sa pinsan niya. Ayoko ngang i-drop kasi ang off ng timing, si Will naman ang walang prenong nagsabi ng laman ng utak ko.

"Huwag kang magsalita, please lang, William," warning ni Leo.

Nagtaas lang ako ng kamay para ipakitang hands off ako sa "biruan" nila.

Pero sa totoo lang, hindi ko kayang magbiro ngayon. Yung letter ni Cheska, hindi ko kayang idaan sa biro. Malamang kasi ni isang hint na nakatanggap ng ganoon si Rico, wala kaming idea—maliban sa akin na hindi sinasadyang mabasa 'yon. Hindi niya sinabi, wala siyang ipinaliwanag sa amin. Ang alam lang namin, brokenhearted siya rito sa kasal. Pero hindi namin alam kung ano pa bang meron sa likod ng sakit na 'yon.

Hindi naman sa masama ang loob ko dahil hindi siya nagshe-share ng problema niya. Noong nagkaproblema rin kasi ako kay Cheska, hindi ko rin naman magawang i-share sa kanya. Kaya ewan ko na rin.

Tingin ko nga, nandoon lang kami sa kasal para suportahan siyang maging best man sa babaeng gusto niyang pakasalan noon.

Hindi man ako yung nanligaw sa bride, pero ramdam ko ang sakit. Ramdam ko ang panghihinayang. Ramdam ko kay Rico ang pakiramdam na, "Mahal kita kaya okay lang kahit hindi ako, basta maging masaya ka lang."

Kaya nga paglapit niya sa 'min, kahit patapos pa lang ang ceremony, sinalubong na namin siya kasi naglalakad pa lang siya, tumutulo na ang luha niya.

"Dude."

Pailing-iling siya habang tahimik na umiiyak.

"Dude, okay lang 'ya—"

"Ronie . . ."

Papalapit pa lang kami!

Pasalubong pa lang kami!

Ilang metro na lang!

Hindi namin alam! Lima? Sampu? Trese?

Hindi namin alam kung ilang babae ang biglang sumalubong sa kanya at nagpaatras sa aming magbabarkada.

"Whoa, easy, girls."

Nakatanga lang kaming lima sa likod habang nakikitang may dalawa nang babaeng yakap si Rico sa magkabilang gilid. May isa pang tagapunas ng luha niya. May isang tagahagod ng buhok. May isang tina-tap siya sa likod. May gusto pang sumingit sa harap.

"Alam n'yo, parang gusto ko nang umuwi," sarkastikong sabi ni Leo. "Ngayon na mismo."

"Ako rin," segunda ni Calvin.

"I really thought I was the babaero here," sabi pa in Patrick habang tinuturo ang sarili niya.

"Kung sa 'tin siguro mangyari 'to, baka yung sumalubong sa atin, mga security guard na lang, 'no?" sabi ko.

"Tapos itatanong kung babalik pa ba tayo sa event kasi baka harangin na tayo sa susunod," dagdag ni Will.

"Ang accurate, 'tol." Natatawa na lang kaming nag-apir ni Will.

Alam naming masakit 'to para kay Rico, pero wala na rin kasi siyang magagawa dahil kasal na si Cheska. Kailangan na lang siguro niyang tanggapin lahat.

Alam ko ang pakiramdam. Naramdaman ko rin 'to kay Mother Shin. Pero sana, gaya namin ni Mother, maging magkaibigan pa rin sila kahit hindi naging sila sa huli.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top