Chapter 35
"ALAM mo, Beatrix, napakaswerte mo kay Sir Romulus, ano?" si Krizzy na ikinawit sa kanyang braso ang sariling braso habang papalabas sila ng elevator.
"Oo nga! Tanggap ka pa ng pamilya," si Brian na niyakap naman ang kabila niyang braso.
"Sabi mo fake lang 'yang blue diamond mo. Grabe! Ang bongga! Mahal tiyak 'yan," komento uli ni Krizzy. Tipid na mga ngiti lang ang naging tugon niya sa kadaldalan ng dalawa. Sinulyapan niya ang singsing na suot. Napakaganda nga nito. Naging brooch ito ni Peter na paglaon ay ipinagawang singsing at naging family heirloom ng Saldivar. Ibinigay ito ng mama ni Romulus kay Luna nang mag-propose si Romulus kay Luna pero ibinalik din ni Luna kay Romulus.
Okay na sana ang lahat sa kanila ni Romulus kaso hindi sa kanyang nanay na hindi sang-ayon sa muli niyang pakikipagrelasyon kay Romulus. Ang nais nito ay mamuhay na lang silang malayo sa mga lycan at Paganus. Baka gumulo na naman raw ang buhay nila. Nalaman niya rin mula kay Luna na ang ipinapadala pala nitong tulong sa magulang niya ay galing pa rin kay Romulus. Pinalabas lang na galing kay Luna dahil una, ayaw ni Romulus na malaman pa ng ibang tao lalo na ni Romi na nagagawa pa nitong tumulong sa magulang niya kahit na niloko na niya, at pangalawa ay hindi rin tumatanggap ng ibang tulong ang magulang niya maliban lamang kung galing kay Luna. Sobrang nahiya ang magulang niya kay Romulus dahil sa ginawa niyang pag-iwan dito.
Pero hindi niya kayang pagbigyan ang kanyang magulang ngayon. Nagkamali na siya at ayaw na niyang magkamali pang muli. Hindi niya kayang mawala sa kanya si Romulus. Hinding-hindi na niya uulitin pa ang bagay na iyon.
Natigil sa paghakbang si Beatrix na sinundan naman ng dalawang kaibigan nang makita ang taong hindi inaasahan na nakatayo sa daraanan nila. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba habang magkasalubong ang kanilang titig.
"Ang ex," usal ni Krizzy na pumisil sa kanyang braso ang kamay.
"Nandito lang kami, back-up mo," ani Brian na mas lalo pang ikinawit ang braso sa kanya.
"Hey," malumanay na bati ni Missy. Nahihiya pa itong ngumiti na kung tutuusin ay siya ang dapat mahiya. Ang bait talaga nito.
"Missy?" bati niya sa mababang boses.
"Can we talk?" Sa halip na bitawan ng dalawang kaibigan ay higit lang ang paghigpit ng kapit ng mga ito sa kanyang braso na para bang may mananakit sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni Krizzy, at bahagya itong tinanguan para sabihing ayos lang siya.
"Mauna na kayo."
"Sure ka? Bantayan ka namin," si Brian na pinukol si Missy ng nagbabantang titig.
"Okay lang ako, Brian. Sige na. Mauna na kayo." Saka hihintayin pa rin naman niya si Romulus. May kausap lang ito. Ang balak nila ay magkape muna habang hinihintay si Romulus. Pinipilit ng dalawang samahan muna siya.
"Sure ka talaga?" paniniguradong tanong ni Krizzy. Ngumiti siya rito bilang tugon. Humalik ang dalawa sa kanyang pisngi bago tuluyang nagpaalam. Panay pa ang lingon ng dalawa sa kanila ni Missy hanggang sa makalabas.
When she and Missy were left alone, a deafening silence engulfed them as no one spoke. They only exchanged awkward looks as they both struggled to find a conversational opening. Missy laughed softly, a perfect way to break the silence and lessen the tension that had wrapped around them.
"Doon tayo," she said, referring to the seating area. They took slow, deliberate strides towards the lounge area. She couldn't say anything. She was at a loss for words. Upon approaching the area Missy took a seat on the long-armed-chair while Beatrix remained rooted in place, unsure where to sit. Missy patted the space next to her, inviting Beatrix to join her and eventually, Missy had her sitting next to her. She held the handbag securely in place on top of her thigh by grasping the handles with her two hands. Missy's gaze dropped on her hands, probably noticing how tight her grip was.
"I'm sorry," Beatrix finally said, causing Missy's gaze to lift to her face.
A sad smile curved her lips. "No. I'm sorry. Hindi naman talaga dapat ako nakipagrelasyon kay Romulus. Hindi dapat ako pumayag sa gusto ni Romi." Inabot ni Missy ang kamay ni Beatrix, ipinatong nito ang kamay sa kanyang kamay.
"Sana mapatawad mo ako."
She shook her head, taking Missy's hand in her, ang enclosed it with her hands. "Wala kang kasalanan. Ako ang nang-iwan kay Romulus. Kung tutuusin ako ang nanggulo sa relasyon niyo ngayon."
"Romulus doesn't love me. Pinagbigyan lang niya ang kagustuhan ni Romi, and maybe to use the chance to forget you...to forget the pain."
"How about you?" Muling bumaba ang tingin ni Missy sa kamay ni Beatrix na para bang naroon ang sagot sa tanong niya. Nang muling mag-angat ng tingin sa kanya si Missy ay puno na iyon ng luha. Mabilis nitong hinila ang kamay na hawak ni Beatrix kasabay ang pagbagsak ng luha na agad nitong pinunas. Marahan itong tumawa. Tawang hindi mo mariringgan ng saya at sa halip ay lungkot.
"The couple should love each other." Mariing naipikit ni Beatrix ang mata nang makaramdam ng sakit sa boses ni Missy. She was hurt probably because she loves Romulus already.
"I'm okay. Don't worry...nakakahiya. Pagtitinginan ako ng mga tao. Ano kaya ang iniisip nila?" Iniligid naman ni Beatrix ang paningin sa paligid. Halos lahat ng nagdaraan ay nakatingin sa kanila, kahit ang ilang taong nakaupo sa couches sa lobby ay nagbubulungan habang nakatingin sa kanila.
Mang-aagaw. Iyon ang salitang binitawan ng isang babae at umirap sa kanya. Hindi niya naririnig pero nababasa niya ang buka ng bibig.
"Are they laughing at me? Kaya mo bang basahin ang iniisip nila?"
"Hindi, eh. Pero hindi ka naman siguro nila pinagtatawanan. Kung meron man, baka sa akin sila galit."
"Hindi pala tayo dapat nag-usap dito. I want to spend more time chatting with you but people gave me terrible awkwardness," ani Missy na tuluyang tinuyo ng palad ang mukha.
"Do you want to go somewhere else?" Hindi na nasagot ni Missy ang tanong ni Beatrix nang tumunog ang phone nito. Kinuha nito iyon at binasa ang mensahe.
"Si mommy." Ngumiti ito pagkabaling sa kanya.
"Magdi-dinner kasi kami ngayon, nasa resto na raw sila ni ate. Bukas kasi balik na kami sa Benguet. Nagpunta lang talaga ako rito para kausapin ka at humingi ng sorry...gusto mo bang sumama sa akin? Ipapakilala kita kay mommy."
"Tingnan mo nga naman...magkasama ang dalawang nagpapagamit sa iisang lalaki." Agad na sumama ang mukha ni Missy nang makita ang paglapit si Drake. Humalukipkip at mayabang na ngumisi sa kanila. Tumayo si Missy na kanya namang sinundan.
"I told you not to show your face to me. Naaalala ko sa pagmumukha mo ang kapatid mo." Iritang hinaplos ni Missy ang noo. Tumawa naman si Drake.
"Kaya ka laging naloloko dahil masyado kang mabait, Missy."
"Naloloko ako dahil maraming manlolokong katulad ng kapatid mo, Drake."
"At katulad rin kapatid mo at ng..." Lumipat ang tingin ng lalaki sa kanya. "Katulad ng kaibigan mo." Nanunuyang tumaas ang sulok ng labi nito.
"Nagpapauto ka lagi."
"Shut up!" Inirapan ni Missy si Drake at kapagkuwa'y humarap kay Beatrix. Kinuha nito ang dalawa niyang kamay.
"Mag-usap na lang tayo sa susunod, ah? Sa birthday ko. Sa susunod na araw na iyon actually pero isasabay na sa birthday ni mommy sa 30, this month. Bet niya kasi ang costume party since halloween. Sa bahay lang gaganapin sa Benguet. Punta ka, please! Sagot ko na ang costume mo, ipapadala ko sa bahay ng parents mo."
"Ahm...titingnan ko."
"No, please! Pumunta ka, at balita ko nariyan si Luna, isama mo na rin if you want, pero huwag na si Romulus, ah. Awkward, eh."
"I'll be there, too."
"Shut up, Drake! Hindi kita inimbitahan!" asik nitong baling kay Drake habang hawak pa rin ang kamay ni Beatrix.
"Ikaw, hindi, pero ang kapatid mo, oo at pati na rin ang mommy mo." Muling umirap si Missy na bumaling kay Beatrix.
"Close ang parents namin kaya wala akong choice kahit ayaw ko. He's actually more annoying than his brother."
"Mukha nga," ani na lang niya kahit gusto niyang balaan si Missy tungkol kay Drake...si Drake nga ba? Paano kung si Clyde ito? Maaaring mapahamak si Missy.
Niyuko ni Beatrix ang kanyang bag nang maramdaman ang vibratition ng phone. Bumitaw siya mula sa pagkakahawak ni Missy. Agad niyang kinuha ang phonr at sinagot ang tumatawag na si Manoela. Bahagya siyang humakbang palayo.
"Manoela?"
"Confirm, Beatrix. Hindi is Drake ang taong nagta-trabaho sa Lua Azul kundi si Clyde, ang taong napatay mo." Nanigas si Beatrix sa kinatatayuan at dahan-dahang gumawi ang tingin kay Clyde na ngayon ay kinukulit si Missy.
"How?" mahina niyang usal.
"His brother, Drake, was a mountain hiker who was ruled dead by authorities after being lost for more than a month on the mountain. He had gone missing about a month before Clyde died. Then, according to Drake's wife, she received a call from Drake's mother informing her that Drake is currently in the Philippines. But he was different, a stranger. We investigated Clyde's grave to authenticate his identity, but no one was there." Pakiramdam ni Beatrix ay bumugso ang lahat ng dugo sa kanyang ulo sa narinig. Kung nasa katawan nito si Siera, ibig sabihin ay pumayag si Clyde na gamitin ni Siera ang katawan nito para balikan siya.
"Mukha ring matagal ka ng natagpuan ni Siera, Beatrix. Kung bakit hindi ka niya nagagalaw ay hindi ko alam. Iyan ang aalamin ko."
"Are you okay, Beatrix?" tanong ni Missy nang mapansin ang kanyang pagkakatulala. Mabagal ang ginawa niyang pagtango kasabay ng pagbaba ng kamay niya.
"Pumunta ka kung gusto mo wala akong pakialam!" Muling asik ni Missy sa lalaki bago padabog na naglakad palapit kay Beatrix.
"Tawagan na lang kita. I need to go. Basta aasahan kita sa party. Kapag hindi ka nagpunta magtatampo ako."
Tipid na ngumiti si Beatrix. "Sige."
Bigla na lang siyang niyakap ni Missy. Mahigpit na mahigpit. "I'm sorry." Binitawan siya nito saka mabilis nang tumalikod. Nahagip pa rin ng kanyang mata ang pagkislap ng luha sa mga mata nito. Mabilis na naglakad si Missy patungo sa exit. Nang tuluyang mawala sa pangin niya si Missy ay dahan-dahan ang pagbaling ng kanyang tingin kay Clyde na kasalukuyang nakatitig sa kanya. Wala sa loob na umatras si Beatrix nang humakbang ito palapit sa kanya. Nakataas ang sulok ng labi sa nang-uuyam na ngisi. Tumigil ito sa kanyang harapan habang nakatitig sa kanya. Parang hinuhugot ang kanyang kaluluwa ang paraan ng pagtitig nito. Tumaas ang kamay ni Clyde, higit pa siyang nanigas nang ilapit nito ang kamay sa kanyang mukha. Mariin niyang ipinikit ang mata.
"Beatrix?" mabilis na nagmulat si Beatrix. Nanatili ang kamay ni Clyde sa ere pero napigil ang paghawak nito sa kanyang mukha dahil sa pagdating ni Romulus.
"Romulus!" Mabilis siyang tumakbo kay Romulus at yumakap sa baywang nito.
"May problema ba, pare?" Itinaas ni Clyde ang dalawang kamay, tumaas lang ang sulok ng labi nito bago sila tinalikuran sa halip na humingi ng pasensiya sa may-ari ng kumpanya.
Humaharap sa kanya si Romulus. Hinawakan siya sa balikat. "Ano ang nangyayari? Ang lalaking iyon, pamilyar."
"Si Clyde, ang ex ni Missy."
"What? Hindi ba patay na 'yon? Paanong—" Naglakad siya patungo sa sofa at naupo roon. Sumunod naman sa kanya si Romulus.
"Si Drake. Nagpapanggap siyang si Drake, ang panganay na kapatid ni Clyde. Ang sabi ni Manoela, posibleng nasa katawan nito si Siera. Nararamdaman ni Manoela ang presensiya ng isang Formosa kay Clyde."
"Ang Siera na ito ang dahilan ng pagkamatay ni Heironimos diba?" Tumango si Beatrix.
"Ano ang ginagawa niya rito sa kumpanya? Ano ang pakay niya sa 'yo? Bakit hindi siya matahimik?"
Itinaas ni Beatrix ang kamay, ipinakita ang singsing kay Romulus. "Dahil dito."
"Sa singsing?"
"Sa hiyas na nasa singsing. Kay Celtici ang hiyas na ito Romulus. Nakuha ito ni Peter, ang ninuno niyo, nang araw na subukan ni Siera na kunin ang kapangyarihang narito." Inabot ni Romulus ang kamay ni Beatrix. Naguguluhang pinakatitigan ang singsing.
"I thought it's an ordinary family heirloom."
"It's not. Dito nakapaloob ang kapangyarihan ng reyna ng mga Formosa na matagal ng gustong makuha ni Siera. Si Celtici ang nakatakdang maging may-ari ng kapangyarihan na ito. And I'm not sure if I can take the power in it since I'm not actually a Formosa, I'm not Celtici. I'm Beatrix Naval, I'm a human with the ability to foresee the future." She sighed frutatedly.
"But one thing I need to make sure of. Siera shouldn't have it. Guguluhin niya ang mundo ng Formosa at tiyak na hindi lang ang kaharian nila ang guguluhin nito kundi pati na rin ang mga karatig na kaharian, ang Mourama, ang tirahan ng mga kalahi ni Manoela. But how can I stop her? I'm tired of this kind of life. I want a normal life." Kinabig siya ni Romulus.
"We will do everything to protect the power of that gem."
Niyuko ni Beatrix ang hawak na phone. Tumatawag si Baltazar. Kumawala siya mula sa pagkakayakap ni Romulus at sinagot ang tawag.
"Hello, Baltazar."
"Si Beatrix ba ito?" Boses iyon ng isang babae, at kung hindi siya nagkakamali ay tila galing ito sa pag-iyak na agad niyang kinabahala.
"Ako ho ito. Sino ito? Si Baltazar po?" magkakasunod niyang tanong.
"Si Melita ito, ang mayordoma ng mga Tavarez. Kanina pa kita tinatawagan kaso hindi kita makontak."
"Nakapatay ho ang telepono ko kanina. Naka-charge. Bakit ho kayo napatawag?"
"May nangyari kasi kay profesor pati na rin sa magulang ni Baltazar." Humigpit ang hawak ni Beatrix sa telepono. Sa tono palang ng boses ng mayordoma ay hindi mo pagdadalawang-isipan na may masamang nangyari.
"Ano po ang nangyari?"
"Wala na sila. Patay na sila."
"Ho? Lahat sila? Ano ang nangyari?" Gulat niyang bulalas.
"Kahapon nangyari. Ang sabi cardiac arrest daw. Maayos naman sila. Dinalhan ko pa si Professor ng tsaa habang nasa library niya at masigla naman ito. Ang mag-asawa ay napakabata at malulusog para magka-cardiac arrest. Tapos sabay-sabay. Para ngang gusto ko nang maniwala sa mga sinasabi ni Baltazar."
"Ano ho ang sinasabi niya?"
"Ang sabi niya. Monster daw ang pumatay sa lolo't mga magulang niya. Kinuha raw ang punyal ng patay sa lab." Napahawak si Beatrix sa dibdib. Gumapang ang matinding takot sa kanyang katawan. Posible kayang may kinalaman si Siera sa bagay na ito?
"At tama si Baltazar dahil nawawala nga ang punyal sa kinalalagyan niyon." Natitiyak niyang may kinalaman si Siera sa bagay na ito. Ang bruha! Naghahasik na talaga ng lagim at nang damay pa ng mga inosente.
"Kumusta ho si Baltazar?"
"Panay ang usal niya ng monster. Paulit-ulit. Hinahanap ka rin niya. Nag-aalala ako para sa kanya, hija. Maaari ka bang pumunta rito?"
"Sige. Saan kayo ngayon?"
"Sa chapel, dito rin sa village. Dito ang burol." Tumango si Beatrix kahit hindi naman siya nakikita ng kausap.
"Pupunta na po ako riyan."
Agad ngang pumunta si Beatrix at Romulus sa sinabing lugar ng Mayordomang si Melita. Nang makita siya ni Baltazar ay agad itong tumalon pababa sa kinauupuan at tumakbo sa kanya. Yumakap ito sa kanyang hita. Agad namang lumuhod si Beatrix at niyakap ang bata.
"Beatrix, please, don't leave me. I'm scared of that monster. She has red eyes. Her hands released black smoke and it killed my parents and grandpa." Nahigit ni Beatrix ang sariling paghinga.
"She? She's a girl?"
"Yes! She's a long-haired black lady. Her nails are long and black. Her eyes were like blazing meteors. She's scary. She killed my granpa, my daddy and my mommy." Nagsasabi ng totoo si Baltazar. Si Siera ang may gawa ng lahat ng ito. Babae? Nakakapagbago ng anyo si Siera.
Tiningala niya ang mayordoma na nakatayo sa likuran ni Baltazar.
"Na-check niyo ba ang CCTV?"
Tumango ang babae. "Wala namang ibang taong nakita sa CCTV o kahit ang sinasabi ni Baltazar. Pero kita sa CCTV ang pagkakaatake ng pamilya at ang kung paanong mahintakutan si Baltazar. Makikita na may kausap si Baltazar sa telepono bandang ala-una y media ng hapon hanggang sa sumigaw ito nang lumingon na para bang may kinatakutan." Kahapon iyon. Siya ang kausap ni Baltazar at bigla na lang itong nawala sa linya. Ipinikit ni Beatrix ang mata at mahigpit na niyakap ang bata.
"I'm just here. I won't leave you." Binuhat niya ang bata. Naupo sila sa mahabang upuan sa unahan katabi si Romulus hahang kandong naman niya si Baltazar, nanatili itong nakayakap sa kanya. Si Manang Melita ay naupo sa kanyang tabi. Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot. Mugto pa ang mga mata nito.
"Sino ang mag-aalaga sa kanya ngayon?" ani Manang Melita na nagsimulang humikbi habang nahahabag na nakatingin kay Baltazar.
"Wala siyang ibang kaanak. Nag-iisang anak ni Profesor ang ama ni Baltazar at wala ring kapatid si Profesor. Ang kanyang ina ay isang Amerikana. Kung meron man kaanak sa ama ay malalayong relatives na halos hindi na nakikilala pa at ganoon din sa kanyang ina. At hindi ko alam kung may tatanggap ba kay Baltazar. May aako kaya sa pagpapalaki sa kanya? May aako ba sa malaking responsibilidad, kung meron man baka maging kaawa-awa lang ang bata." Nagpahid ng luha ang ginang saka muling nagpatuloy sa malungkot na kuwento.
"Kung ako naman, matanda na ako. Paano ko siyang mabibigyan ng magandang kinabukasan? Wala rin akong asawa at anak na makakatulong sa pagpapalaki sa kanya. Wala akong ibang alam na trabaho kundi ang pagkakatulong. Dito na ako tumanda sa pamilyang ito."
"Manang, maaari mo namang gamitin ang mga naiwang properties at pera ng mga Tavarez kay Baltazar."
Marahas na umiling ang ginang. "Iyon nga ang problema. Kung meron sana ay baka hindi ko problemahin ang pagpapalaki sa bata dahil tiyak na matutustusan ang pangangailangan niya ang kaso ay wala...walang naiwan ang mga magulang ni Baltazar pati na rin si Profesor. Naubos lang ang lahat ng ari-arian at pera ni propesor simula nang hanapin niya ang bangkay na iyon na mukhang naging mitsa pa ng kanyang kamatayan. Doon nito inubos ang pera...ang mga magulang naman ni Baltazar ay nalugi ang itinayong negosyo. Ang bahay at ilan pang ari-arian ay iniilit na ng bangko at napakarami pa nitong utang. Iyon ang sabi ng abogado."
Nilinga ng ginang ang paligid. "Tingnan mo. Kakaunti lang ang bumisita. Kakaunti lang ang kakilala nila at halos ang nandito lamang ay mga kapitbahay." Napansin nga niya. Hindi naman iyon kataka-taka sa propesor dahil marahil da pagiging introvert nito. Iba ang focus nito.
Inabot ni Manang Melita ang binti ni Baltazar at hinaplos. "Diyos ko po! Tulungan niyo ang batang ito. Naiisip ko palang ang paghihirap na mararanasan niya ay para na akong mamatay." Sunod-sunod ang pagpatak ng luha nito. Hindi mapigilan ni Beatrix ang maluha. Inabot niya ang buhok ni Baltazar at marahang hinaplos.
"I'm sorry, Baltazar. Mula noon hanggang ngayon ay lagi na lang kitang ipinapahamak." Inilapat niya ang labi sa ulo nito at mahigpit na niyakap ang bata. Kung sana lang kinuha na lang niya ang punyal katulad ng suhestiyon ni profesor ay baka hindi ito nangyari. Sobrang nasasaktan ang puso niya para kay Baltazar. Ipinahamak na niya ito noon at ngayon ay ito na naman.
Nagpasya si Beatrix na iuwi na muna si Baltazar nang makatulog ito. Si Manang Melita naman ang naiwan sa chapel. Hindi niya nakitang umiyak ang bata. Hindi niya alam kung aware ba ito na hindi na nito makakasama ang lolo at mga magulang panghabang buhay. Sana. Kasi kung hindi ay baka umasa lang ito at lalo lamang itong masasaktan.
"Aampunin ko siya," sigurado niyang sabi habang nakatitig kay Baltazar na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Nabitin ang tangkang pagbuhay ni Romulus sa makina ng saskyan dahil sa sinabi niya. Mula kay Baltazar ay inilipat niya ang tingin kay Romulus. Nakatitig lang ito sa kanya.
"I feel like he's my responsibility now. He sacrificed himself in order for me to get back here. Hindi ko siya kayang pabayaan ngayong kailangan niya ako. I'm not financially stable but I think—"
"I am financially stable. We will adopt him. We will support him," putol ni Romulus sa kanyang sinasabi.
"Romulus," she uttered his name with so much emotion—love particularly.
"Thank you." Romulus leaned forward. He reached for her face to run the pad of his thumb over her skin with so much gentleness.
"Para sa 'yo. I'll do everything for you. I'll give everything that makes you happy." She pressed her forehead against his.
"Thank you so much!" Gumalaw ang mukha nito para ilapat ang labi sa kanya pero hindi iyon nangyari. Ang kanilang labi ay lumapat sa ibang bagay. Nang yukuin ay si Baltazar iyon, iniharang ang kamay sa pagitan ng kanilang mga bibig.
"No, no kiss."
"May alam akong bahay ampunan. Tingin ko, okay siya doon." Natatawang pinalo ni Beatrix ang braso ni Romulus. Pinanggigilan niya si Baltazar. Mahigpit itong niyakap at hinalikan sa mukha. Nang muli siyang mapatingin kay Romulus ay madilim na ang mukha nito habang nakatitig sa kanila kaya muli siyang napatawa. Tama bang pagselosan ang bata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top