Chapter 8 - Discovered
“Gael, this is your parallel.” Sir Lorenzo’s voice echoed to my ears. Napaatras ako nang marinig ko ’yon mula sa kan’ya, malalim ang paghinga at nangibginig ko siyang tinititigan.
Hindi ko alam kung anong ibig-sabihin niya. Pero si Sir Lorenzo lang ang sa tingin ko’y nakakaalam ng mga pangyayari, kailangang malaman ko kung ano nga ba ang mga nangyayari. Si Sir Lorenzo lang ang tanging makasasagot sa lahat ng mga tanong ko sa kung bakit ako narito at anong ginagawa ko sa isang mundong kagaya nito.
“Are you... are you the same Sir Lorenzo?” I took the courage to ask him, saglit pang katahimikan ang akin narinig bago ko siya nakitang ngumiti at tumango sa ’kin. Nang gawin niya ’yon, nakumpira ko na rin.
“Sir, kailangan ko pong malaman ang rason kung bakit ako napunta rito.” I followed by asking him, nakita ko naman siyang ngumisi sa ’kin.
Saglit pa’y inilahad niya ang kan’yang kanang kamay papunta sa ’kin. Confused, I don’t know what to do with his gesture. Sir Lorenzo then muttered something, loud enough for me to hear what he says.
“Take my hand, Gael, and I’ll tell you everything you have to know.” Saad ni Sir sa ’kin, kaya’t nag-aalangan man ay kinuha ko ang kan’yang kamay. Isang tagpo ang nangyari, isang malakas na liwanang ang pumulas mula sa harapan ng aking mga mata.
Nagulat na lang ako nang matagpuan ko ang aking sarili sa gate ng Saint Anthon’s. Umuulan ngayon at hindi pa naglalabasan ang mga istudyante, parang pamilyar ang tagpong ito. Namalayan ko ring nababasa ako ng ulan, pero sandali pa’y naramdaman ko si Sir Lorenzo sa tabi ko. Nakita kong may hawak siyang payong na panangga sa ulan.
“This is the day of the accident, Gael.” Panimula at pag-kumpirma ni Sir Lorenzo sa hinala ko, bigla na lang pumasok sa ala-ala ko ang mga nangyari no’ng araw na ’yon.
“You’re still broken about what I told you, yet you witnessed something even worst than that—na ’yong taong mahal mo ay may mahal nang iba.” Napatingin ako sa kan’ya, nagsimulang lumakas ang ulan at ang hangin sa mga pagkakataong ito.
“When Austin confessed to Pressy, you ran and ran. You don’t care if people see you that way, you just wanted to go home and cry yourself to the fullest. Gusto mong ilabas lahat ng sakit pero ’di mo kaya, kaya gusto mo na lang mapag-isa.” Saad ni Sir Lorenzo sa isang malamig na tono. He knew everything, what I felt and how did it go.
Sandali pa’y nakakita ako ng isang lalaking tumatakbo, unti-unti ko siyang namukaan kahit masyadong malakas ang ulan. Siya ay ako, nakikita ko ang sarili ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nasasaksihan ko ngayon, at naramdaman ko namang humawak nang mahigpit si Sir Lorenzo sa balikat ko, indicating that we’re about to see something intense.
“That’s you, the broken you.” Saad pa ni Sir Lorenzo sa malamig na tono ng pananalita, napansin ko ring malamlam din ang kan’yang paningin habang pinagmamasdan niya ang Gael na tumatakbo.
Humangin nang malakas, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa ’king mga mata. Nakita ko kung ga’no ako kalungkot no’ng araw na ’yon, kung ga’no ako nasaktan. Nakikita ko sa hitsura ko ang sakit na pinagdadaanan ko noong mga pagkakataong ’yon, at kung ga’no ako naapektuhan ng mga pangyayari.
“Hoy, bumalik ka rito! Hindi pa labasan!” Narinig kong sumigaw ang guard, pero kagaya nga ng nangyari ay hindi ’yon pinansin ng sarili ko.
Hanggang sa...
“May bus! Mababangga ka, hoy!” Narinig ko ang sigaw, parating na nga ang bus no’ng mga oras na ’yon.
Time flew slowly as I saw myself got ran over by the bus, nanlaki ang mga mata ko dahil hindi naman ito ang naaalala kong nangyari. Tumilampon ako sa lupa, gumulong-gulong sa konkretong high way nang wala nang malay. Nanlumo ako sa nasasaksihan ko, napasinghal at napahawak sa ’king dibdib dahil sa isang biglaang mabigat na pakiramdam.
Sa pakakaalam ko ay may tumulak sa ’kin, at ang sabi ni Manang Teodora ay si Austin daw ’yon. Pero iba ang nakikita ko ngayon, nakabulagta ang katawan ko sa gitna ng daan. Umaapaw ang dugo sa ulo ko, nagkalat ang mga gamit ko sa daan habang ako nama’y walang malay.
“’Yong bata! Nasagasaan ’yong bata!” narinig kong sigaw ng marami—lalong-lalo na ng mga taong nakapalibot, pati na rin ng mga guard sa gate ng school.
Dito na nagsikumpulan ang mga taong nakasaksi sa pagkakasagasa ko. Pinagkaguluhan ng mga tao ang nangyari hanggang sa wala na ’kong makita pa dahil sa kumpol ng mga tao. Ang mga istudyante, ang mga pasahero sa bus, ang mga guard sa gate, at ang mga teacher sa school ay nakibaka. Kaawa-awa nila akong tinitingnan, gayon din naman ako sa sarili ko.
Dahan-dahan akong tumingin kay Sir Lorenzo at mahigpit kong kinuha at hinawakan ang kan’yang kamay na nakapatong sa ’king balikat. Nagulantang ako at nanlulumo sa mga nasaksihan ko, malalim pa rin ang paghinga at nanginginig pa rin ang aking kalamnan. Ngunit nakangiti pa ring tumingin sa ’kin si Sir na parang ’di siya nabigla sa mga nangyari.
“I know, what was told to you is different. Pero ito talaga ang tunay na nangyari, walang nagligtas sa ’yo sa reality na ’to.” He snapped his other hand and the scenarios went over from the start. But unlike what happened earlier, it was again different.
This time, I got saved. Nakita kong yakap-yakap ako ni Austin habang malalim ang paghinga naming dalawang nakabulagta sa gilid ng daan habang hapong-hapo dahil sa insidente. I can see myself relieved but I’m tired—with eyes closing, knowing I’m about to faint.
Walang madugong pangyayaring naganap dito, tuluyan na nga lang akong mahimatay dahil sa kaba at sa pagod. Madali lang ang naging pangyayari’t dumating na rin ang isang ambulansiya. They immediately sent both Austin and me to the hospital, and I know that I was sent home to rest afterwards kasi nagising na ’ko sa kuwarto ko right after what happened.
“There are two distinct realities, Gael. The original and the parallel, I managed to transport you to the other side, alam kong nahihirapan ka na kaya naisip kong dal’hin ka rito to ease your pain.” Narinig kong nagsalita si Sir Lorenzo sa gilid ko. Hindi ko pa rin maunawaan, hindi pa rin ako makapaniwala.
“S-So then you have—” hindi na ’ko nakatugon pa nang muli siyang sumabad upang putulin ang pananalita ko.
“Powers? Oo, may kapangyarihan ako, Gael. I have the power to travel and take people in between realities, hindi lang ako isang ordinaryong tao.” Nabigla ako sa nalaman.
May kapangyarihan si Sir Lorenzo na mag-travel between realities?
“So you weren’t just ordinary! S-Sorry po, nababaliw na po ba ako, Sir? Sabihin niyo po, did I lost my sanity?! D-Did I lost my mind already?! O kaya naman ay... patay na po ba ako?! Afterlife na ba ’to, Sir?!” Sunod-sunod akong nagpakawala ng tanong.
I tightly gripped both of my hands on both of Sir Lorenzo’s arms, shedding tears as I look at him with eyes craving for answers to these complicated matters happening to me. Even so, I just saw him smiling, he grins like everything is normal!
“Hindi ka nababaliw, nandito ako para tulungan kang makalimot sa mga problema mo sa tunay na mundo kahit sa maigsing panahon lang.” Sir Lorenzo patted my head, a teardrop then fell from his left eye.
He’s still smiling right after what he did to me? Causing me all of this... I don’t know... magic?
Is this man toying up with my soul? Siya ba si kamatayan at pinaglalaruan niya na lang ang kaluluwa ko?
“It’s the least that I can do, Gael. It’s the least that I can do to help you feel better. After all, isa rin ako sa may mga kasalanan kaya ka nabangga ng bus.” Saad niya pa, unti-unti niya muna akong pinakalma at nagawa ko na nga ring pakawalan ang kan’yang mga braso sa mahigpit na pagkakahawak ko rito.
“Kung nabangga po ako ng bus sa tunay na mundo, anong nangyari sa ’kin pagkatapos kong mabangga no’n? Namatay po ba ako, Sir? Patay na po ba ako?” tanong kong muli. Yet again, Sir Lorenzo snapped his fingers, changing all the surroundings flashing before my eyes.
This time, I’m inside a hospital room, it’s night at this moment. I saw a boy lying on a hospital bed, and it turns out it was me. Nakasuot ako ng isang blue hospital gown, nakapikit ang mga mata habang nakasapak ang tubo ng isang hospital equipment sa ’king bibig—may nakakabit na life support sa ’kin at ’yon na lang ang rason kung bakit pa ’ko humihinga.
I then turned to the side, seeing Mama and Papa with a saddened face. Mama is crying while facing me, Papa’s holding my hand. The realization then hit me. So this was what happened, I was hospitalized after being ran over by the bus. Sir Lorenzo and I were just standing infront of my Mama and Papa, but it doesn’t affect the way they see. Hindi nila kami nakikita.
“You’re in a coma right now, Gael. It’s because of the fractures, dislocations, and internal and external wounds you got in that incident. Madami kang bali, naghihilom pa ang mga sugat na natamo mo. Binubuhay ka lang ngayon ng life support na nakakabit sa katawan mo.” Nagsimula muling magsalita si Sir Lorenzo.
Dahan-dahan akong lumapit sa hospital bed kung nasa’n nakaratay ang katawan ko. I wept after knowing what really happened to me. Dito nauwi ang kalungkutang nadama ko no’ng araw na ’yon, naaksidente ako right after knowing that I’ve been cheated all along and my crush has yet another girl he likes.
The thing that worries me the most is that I don’t know how to face my parents when I wake up, nagdulot pa ’ko ng problema sa kanila. Wala na nga kaming pera, mahirap na nga kami’y gan’to pa ang mangyayari. Saglit pa ’kong tumingin kay Sir Lorenzo upang muli sanang magpabatid pero naunahan niya na ’ko sa pagsasalita.
“Everything will be okay, even after you wake up from the coma. Trust me, ako ang bahala sa ’yo rito sa totoong mundo.” Hinawakan ni Sir Lorenzo ang ulo ko, he patted my hair as he made a cute smile as he caressed and wiped the tears off my cheeks.
“’Wag ka nang umiyak, everything’s going to be fine.” Dagdag niyang muli.
“You have fifteen days in your parallel, Gael. After that, you’ll wake up from your coma. I’m here to make that fifteen days the most memorable thing that happened in your life. I promise, anak... ipinapangako ko.” Sir Lorenzo made a firm promise.
Dali-dali naman akong tumakbo papunta kay Sir Lorenzo at mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ako matigil sa pag-iyak, patuloy lang na bumubuhos ang luha mula sa ’king mga mata. Hagulgol ang kaakibat ng aking pag-iyak, dahil nakakabigla ang mga pangyayari. Knowing my state, alam kong pino-problema na ’ko nila Mama at Papa.
I shouldn’t have ran from back then, bakit kasi tumakbo pa ’ko? Bakit pa kasi ako umiyak? Bakit pa kasi ako nasaktan?
Sa bawat tanong na pumasok sa isip ko’y naramdaman ko na lamang na niyakap ako ni Sir Lorenzo, sinalo niyang lahat ang mga hikbi ko at nagbigay ng kaginhawaan sa ’kin ang mainit niyang yakap. Napapikit ako habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga butil mula sa ’king mga mata.
Pinakinggan ni Sir Lorenzo ang mga hinaing ko at dinamayan niya ’ko sa mga masasakit kong saloobin matapos kong makita ang sarili kong nakahilata’t lantang gulay na sa hospital bed. Sir Lorenzo gave me comfort knowing what happened to me and that he just really want to make it up and fix something he did.
“Salamat po, Sir Lorenzo.” Tanging saad ko na lang habang yakap-yakap ko pa rin siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top