Chapter Two


SINUNTOK ni Erman ang flower vase na nasa kanyang harapan. Tumilapon ito at nawasak. Wala na talaga siyang silbi kay Rena. Itinuloy ng dalaga ang kagustuhang maging imortal. Nanggigil siya. Sumugod siya sa academy kung saan isinagawa ang dark reincarnation kay Rena. Nang malaman niya na si Dario ang gumawa niyon ay wala siyang nagawa. Hindi umubra ang paghihimutok niya.

She's gone, dismayadong sabi ng isip niya.

Lumuklok siya sa sulok ng pinto sa labas ng laboratory one. Hindi niya napigil ang kanyang mga luha habang yakap ang mga tuhod. Ang dami niyang sinayang na effort at panahon para sa babaeng walang kuwenta. Galit nag alit siya.

Mamaya'y bumukas ang pinto. Hindi siya kumibo kahit kamuntik nang matapakan ng sinomang lumabas ang paa niya. Naramdaman niya ang presensiya ng kanyang ama. Hinawakan nito ang kanang braso niya saka siya inakay patayo. Pinihit siya nito paharap rito ngunit nanatili siyang nakayuko at umiiyak.

"I'm sorry, son. Sinubukan kong tulungan ka," anito.

Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay. Naiinis siya. Galit siya sa lahat. Itinulak niya ang kanyang ama. "No, dad, hindi mo ako tinutulungan! Ever since alam kong ayaw m okay Rena! Sige nga, ipaliwanag mo ngayon sa akin kung ano ba ang ayaw mo sa kanya?" asik niya.

"Because she won't give you a better future!"

"How dare you say that, dad!"

"Alam kong darating ang pagkakataong ito na magbabago siya! I was aware about Monsito Takuta, his father! He's not an ordinary Mafia Lord. He is dangerous. He was connected to the Lord of Ancient!"

"I don't care about that, dad! Ang ipinaglalaban ko dito ay si Rena!"

"Then, you are wasting your time, Erman. She not a woman I desire for you to love. Alam ng mommy mo 'yon."

"Ibig sabihin, pakitang-tao lang ang pakikipaglapit ni mommy kay Rena? Anong klase kayong magulang, ha? Bakit hindi ninyo kayang suportahan ang kaligayahan ng anak n'yo?! Nag-iisa lang ako, dad. Ni ayaw n'yo akong bigyan ng kapatid!" panunumbat niya.

Nagulat siya ng bigla siyang kasalin ni Erron. "Don't you dare, son! Lahat na ginagawa namin ng mommy mo ay pinaplano namin. Para ito sa ikabubuti mo!" nanggagalaiting sabi nito.

"Erron!" tinig ng kanyang ina, na bigla na lang sumulpot sa likuran nila.

Binitawan siya ng ama. Napaubo siya. Nang malapit na sa kanila si Natalya ay iniwan niya ang mga ito. Ayaw muna niyang makipag-usap sa kanyang mga magulang. Nagtungo siya sa paborito niyang lugar, ang underground. Doon siya tumatambay sa tuwing masama ang loob niya.

Madilim sa lugar na iyon. Pero lumiliwanag sa tuwing binubuksan niya ang six senses niya. Biglang umihip ang malakas na hangin sa paligid niya. Pamilyar sa kanya ang presensiyang papalapit sa kanya. Narito ang nilalang na bihira nagpaparamdam sa kanya.

"Bakit nandito ka? Dahil baa lam mong hindi ako okay?" tanong niya nang maramdaman niya ang paglapit ng pamilyar na presensiya sa tabi niya.

"Alam kong kailangan mo ako. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan," sagot nito.

"Kaya kong itago ang nararamdaman ko. Iwan mo na ako. Mas kailangan ka niya," aniya.

Naramdaman niya ang paghagod nito sa likod niya. "Ang sugat, habang itinatago ay lalong kumikirot. Gamutin mo 'yan. Naniniwala ako na walang sugat na hindi gumagaling," sabi nito.

Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay. "Alam ko. Pero may sugat na hilaw ang pagkakahilom. May pagkakataon na kumikirot pa rin ito."

"Hindi mo kailangang mag-alaga ng hinanakit sa puso mo. Lilipas din ang sakit na 'yan."

Kahit hindi ito nagpapakita sa kanya ay ramdam niya'ng pinagmamasdan siya nito. Hindi niya sigurado kung kilala ito ng mga magulang niya. Bata pa lang siya ay nagpaparamdam na ito sa kanya at minsan nang nagpakita sa kanya. Kaya alam niya na mayroon siyang special power. Nakikita niya ang mga elementong hindi nakikita ng kahit sino maliban sa mga hayop. Maaring may mga bampirang nakakakita sa nilalang na ito ngunit sa ibang enterpretasyon.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka nagiging okay, Erman," sabi nito pagkuwan.

Pumihit siya paharap dito. Nakita niya ang kabuoan nito. May nagbago sa anyo nito. Oo nga't isang dekada na ang nakalipas magmula noong huli niya itong nakita. Nakangiti ito habang hawak ang isang tangkay ng puting rosas. Berde ang kulay ng mga mata nito. Ga-balikat ang kulot nitong buhok na kayumanggi. Pero may pangil pa rin ito, na sumilay nang ngumiti ito.

"Bampira ka ba?" tanong niya. Nagulat siya nang bigla nitong kinagat ang bulaklak. Umapoy iyo matapos nitong kagatin. Namangha siya roon.

"Ang dugo ko ay nagmula sa aking ama. Isa siyang bampira. Pero ang nanay ko ay isang salamangkera na sa kagustuhang maging makatotohanan ang lahat na mahika ay pumayag siyang magpakagat sa tatay ko. Kaya lang, hindi matinong bampira ang tatay ko. Inanakan lang niya ang nanay ko bago ito ginawang hapunan. Ang natirang bahagi ng katawan ng nanay ko ay inialay niya sa kanyang hari, na isang Diablo. Sa kasamaang palad, ang sumpa ng aking ina ay sa akin tumama, kaya hindi ako pinalad na makita ng ibang nilalang. Isa akong invisible, pero dahil sa salamngka, nagagawa kong magpakita sa nilalang na may six senses. Hanggang ngayon ay patuloy kong hinahanap ang lunas sa sumpa, pero minamalas ako," mahabang kuwento nito.

Nakalimot siya sa sakit na nararamdaman niya dahil sa kuwento ng kanyang kaibigan. Wala pala itong pangalan. Iyon ang ipinagtataka niya.

"Bakit wala kang pangalan?" hindi natimping tanong niya.

"Hindi ako nabigyan ng pangalan ng mga magulang ko. Pagkapanganak sa akin ay pinatay ang nanay ko, ang tatay ko naman ay walang pakialam. Hanggang sa nakuha ako ng mga lobo. Doon ko nalaman na hindi ako nakikita ng tatay ko at ng ibang nilalang maliban sa mga hayop. Lumaki ako sa kagubatan kapiling ng mga hayop. Gusto kong makipaglaro sa ibang bata pero hindi nila ako nakikita. Kaya noong napadapad ako sa gubat at nakita kita, nagulat ako noong nakita mo ako. Ikaw at si Ann lang ang nakakakita sa akin. Si Ann ang tumawag sa akin na White Rose. Pero ang gusto kong maging pangalan ay Roe. Bagay ba?" Ngumiti ito.

Napangiti siya saka tumango. "Oo, bagay."

Pinitas nito ang nasunog na talulot ng puting rosas aka inipit sa kanang palad niya. "Ihalo mo sa inumin mo ang talulot na 'yan saka mo inumin. Magagamot niyan pansamantala ang sugat sa puso mo. Makakalimutan mo siya pansamantala," sabi nito.

Umismid siya. Kailan ba siya naniwala sa kabaliwan nito? Pero lahat naman ng ginawa nito para sa kanya ay epektibo. Tumango na lang siya. Pagkuwa'y biglang naglaho ang kaibigan niya kasabay sa pagbukas ng pinto.

"Erman?" tinig iyon ng mommy niya.

Ibinulsa niya ang talulot ng rosas saka humarap sa pinto. Nakatayo roon ang mommy niya. Kahit madilim ay alam niyang nakikita siya nito. Matayog ang naaabot ng vision nito katulad sa daddy niya. Humakbang ito palapit sa kanya.

"Umuwi na tayo," sabi nito pagkalapit sa kanya.

"Mauna na po kayo," aniya.

"Anak, huwag ka nang magalit sa amin ng daddy mo."

"Paanong hindi ako magagalit, 'Ma? Hindi ninyo ako sinusuportahan!"

"Paano ka namin susuportahan kung alam naming ikapapahamak mo ang mga ginagawa mo?"

Nagtataka na talaga siya. "Alam n'yo ba ang dahilan ni Rena kaya siya nagpaka-imortal?" usig niya.

"Hindi kami sigurado kung parehas ang impormasyong nalakap namin sa mga dahilan ni Rena. Noon pa man ay nahahalata ko nang may katigasan ang puso ni Rena. Nagawa niyang iwan ang pamilya niya para sa kanyang kalayaan."

"Alam ko 'yon, Ma. Pero ang babaw niya. Kung gusto niyang maging malaya, hindi niya kailangang talikuran ang relasyon namin. Hindi niya ako kailangang kalimutan!"

"Wala akong magagawa, anak. Kasama sa tinatrabaho namin ng daddy mo ang tungkol sa pamilya ni Rena. Inaasahan ko na magiging mas malinaw pa ang pag-i-imbestiga namin."

Bumuga siya ng hangin. Kaya hindi siya nagkaroon ng kapatid dahil puro trabaho ang mga magulang niya.

"Trabaho palagi ang nasa isip n'yo. Ang totoo, Ma, mahal ba ninyo ni daddy ang isa't-isa?" inis na usig niya.

Namilog ang mga mata ni Natalya. "Anong klaseng tanong ba 'yan, anak? Oo naman, mahal namin ng daddy mo ang isa't-isa," anito.

"O, eh bakit nag-iisa lang ako? Hindi ba kayo naawa sa akin? Wala akong kakuwentuhan sa bahay kaya 'yung mga hindi nakikitang nilalang ang nakakausap ko." Pumalatak siya. Noon pa siya nagtataka kung bakit nag-iisang anak lang siya.

Dumilim ang mukha ni Natalya. Iniiwasan niya madalas na mabasa ang isip nito dahil natatakot siya sa kanyang malalaman. Pero sa pagkakataong ito ay alam na niya kung ano ang iniisip nito ukol sa tanong niya.

"Dalawang beses na akong nakunan, anak. Magmula noong nagging bampira ako ay mailap na sa akin ang pagbubuntis. Ang sabi ni Dario, hindi na daw kayang magpalaki ng sangol ang bahay-bata ko. Nagkaroon daw ng komplikasyon noong binuksan ng alagad ni Dr. Dreel ang sinampupunan ko. Plano nilang maglagay ng sperm mula sa ibang bampira sa sinampupunan ko pero hindi natuloy dahil pinigil sila ni Dr. Dreel. Sino ba naman ang mag-asawang ayaw magkaanak? Ginawa na namin ng daddy mo ang lahat para masundan ka pero hindi na puwede. Pero plano namin ng daddy mo na gayahin na rin ang ibang bampira na sa incubator nagpapalaki ng anak. Baka next week ay sisimulan na namin," paliwanag nito.

May kung anong tumutusok-tusok sa puso ni Erman. Pinagsisihan niya ang panunumbat sa kanyang daddy. Hindi niya alam na may ganoong pinagdadaanan ang mga magulang niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin, Ma?" mangiyak-ngiyak na tanong niya.

"Ayaw kong mag-alala ka sa akin, anak. Hindi ko rin pnapahalata sa 'yo na malungkot ako. Galit nag alit ang daddy mo sa mga bampirang gumawa niyon sa akin. Pero wala naman siyang magagawa. Maswerte pa rin kami dahil nariyan ka." Hinaplos nito ang pisngi niya.

Hindi niya namalayan na lumuluha siya.

"I love you, anak. Alam mo bang kung wala ka ay baka matagal nang nasira ang relasyon namin ng daddy mo? Ikaw lang ang nagbubuklod sa aming dalawa. Mahal na mahal ko ang daddy mo, kahit minsan ay hindi ko siya maintindihan. Alam ko naming mahal niya ako. Sinisisi ko siya noon kung bakit ako nagging bampira. Gusto ko siyang hiwalayan dahil ayaw kong pasukin ang mundo niya, pero noong malayo siya sa akin, na-realize ko na kailangan ko siya at hindi ako mabubuhay na wala siya. Mabait ang daddy mo, anak. Marami siyang naisakripisyo para sa akin. Huwag ka sanang magalit sa daddy mo, kung ano man ang mga desisyon niya para sa 'yo. Mahal na mahal ka niya," emosyunal na pahayag nito.

Hindi siya kumibo. Niyakap niya ng ubod higpit ang kanyang ina. Alam niya minsan siyang nagging salbahe sa daddy niya. Minsan kasi ay pakiramdam niya kontrabido ito sa mga desisyon niya.

NANGINGINIG ang katawan ni Rena dahil sa matnding gutom. Maraming pagkain na inihahain sa kanya ngunit hindi kaya ng sikmura niya na lunukin ang mga iyon. Diring-diri siya sa kanyang paligid. Nagkalat ang mga bangkay ng tao at amoy malansang dugo ang simoy ng hangin sa loob ng tunnel.

"Bakit hindi ka pa kumakain, ha? Nagpapakamatay ka ba?" tanong sa kanya ni Ruki.

Si Ruki ang taxi driver na dumakip sa kanya, pagkalabas niya noon ng airport. Palagi nitong sinasabi na papatayin daw siya kapag hindi siya sumunod sa mga utos nito. Itinaas ng matutulis nitong kuko ang mukha niya. Nagtama ang mga paningin nila. Mamula-mula ang mga eye balls nito at may kalahating pulgada ang haba ng mga pangil nito.

"O baka gusto mong ikaw ang kainin ko, ha? Huwag ka nang mag-inarte! Manang-mana ka talaga sa nanay mo!" sabi nito ay bigla siyang sinampal.

Sumubsob ang mukha niya sa madungis na sahig. Ibinalik pa rin niya ang tingin rito. Nanggigigil siya. Pagkuwa'y bumaling ang tingin niya sa lalaking bigla na lang sumulpot sa likuran ni Ruki. Kakaiba ang aura ng lalaki. Ibang-iba ito sa mga tauhan ni Ruki. Pero alam niya bampira din ito dahil sa manila-nilaw na eye balls nito.

Inagaw ng kararating na lalaki ang atensiyon ni Ruki. "O, Emman, ikaw pala. Mabibigyan mo ba ako ng magandang balita, ha?" nakangising untag nito sa lalaki.

Ibinigay lang rito ni Emman ang nakarolyong papel. Pagkuwa'y umalis si Ruki. Inayos ni Rena ang kanyang mukha saka umupo nang maayos sa carpeted na sahig. Nakalatag sa mababang mesa ang mga pagkain sa kanyang harapan. Umupo sa tapat niya si Emman.

"Kumain ka na," sabi nito.

Umiling siya. Nagulat siya nang bigla nitong hinaplos ang pisngi niya. Inilayo kaagad niya ang kanyang mukha sa kamay nito.

"Huwag kang matakot, hindi ako kaaway," paanas na sabi nito.

Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya na nakatakip sa kanyang mukha saka inipit ang mga iyon sa likod ng tainga niya. Pagkuwa'y naghimay ito ng karne ng manok na hindi niya alam kung litson o nilaga. Isinubo nito sa kanya ang karne gamit ang chopstick.

"Eat it. Kailangan mong lumakas para makatakas ka rito," sabi nito.

Kumunot ang noo niya. Sa kabila ng pag-aalinlangan ay ibinuka niya ang kanyang bibig saka isinubo ang karne. Hanggang sa magtuloy-tuloy ang pagsubo niya. Itinatak niya sa isipan ang sinabi ng lalaki na kailangan niyang lumakas para makatakas siya.

Isang araw pa ang lumipas. Bumalik si Emman at kinausap ni Ruki. May kakaibang nararamdaman si Rena sa kanyang puso habang pinagmamasdan niya ang lalaki. Ito ang pinakaguwapong bampira na nakita niya magmula noong dumating siya roon sa tunnel. Maskulado ito at matangkad. Pero nalulungkot siya dahil hindi ito nagtatagal sa tunnel. Kaagad itong umaalis.

Pagkatapos niyang kumain ay pumasok siya sa palikuran. Naghilamos siya at nagsipilyo. Kailangan niyang ibalik ang kanyang kagandahan para magmula ulit siyang tao. Pagbukas niya ng pinto ay nagulantang siya nang mabungaran si Emman.

"Kumusta ka na?" tanong nito.

Narinig niya na may paparating. Hinila niya papasok sa palikuran si Emman. Nang yumapos sa katawan niya ang mga braso nito ay bigla siyang nasabik. Hinaplos niya ang matipunong dibdib nito. Umuko ito sa kanya. Sinalubong niya ang titig nito. Pagkuwa'y ikinawit niya ang mga kamay sa batok nito. Hinatak niya pababa ang ulo nito hanggang sa matagpuan ng labi niya ang mga labi nito. Nagulat siya nang kaagad nitong siniil ng halik ang labi niya.

Tumagal ang paghahalikang iyon hanggang sa madama niya ang init ng mga kamay nitong humuhubog sa kanyang katawan, lalong-lalo na sa kanyang dibdib. Ukiniling niya ang kanyang ulo nang bumaba ang bibig nito sa kanyang leeg. Umungol siya nang banayad nitong kinakagat ang balat niya. Ngunit nang madam niya na unti-unting bumabaon ang pangil nito sa balat niya ay bigla niya itong tinulak.

Nagtaas ng dalawang kamay si Emman. "I'm sorry," sabi nito.

"May balak ka bang sipsipin ang dugo ko? Stay away from me! I won't trust you!" asik niya.

"No! Hindi ganun ang gusto ko. Gusto kitang tulungang makatakas."

"Sinungaling! Bampira ka rin katulad nila! Gusto mo akong itakas para masolo mo ako! Pagkatapos ay unti-unti mo akong kakainin!"

Biglang tumawa ang lalaki. "Ew! Hindi ako kumakain ng tao. Lalawayan lang kita pero hindi kita kakainin."

"Shut up!"

"You shut up, baby! Hinalikan mo kasi ako kaya akala ko gusto mong romasahin kita. But anyway, hindi Emman ang pangalan ko. Ako si Erman Harley. Nagtatrabaho ako rito bilang mensahero, a spy and a stalker of Gods."

Tumikwas ang isang kilay niya. "At the same time, a traitor," dagdag niya.

Ngumisi ito. "Pero sa lahat ng traidor, ako lang ang matino. Sumama ka sa akin, gaganda ang buhay mo."

"No way! Baka lalong maging miserable ang buhay ko kapag sumama ako sa 'yo. Baka gagawin mo akong sex slave o ano man."

Humalakhak ang guwapong bampira. "Hindi ako ganoong klaseng lalaki, Babe."

Dinuro niya ito. "Stop calling me, babe, asshole!" asik niya.

"Ah, ah." Hinuli nito ang hintuturo niya. "Kung gusto mong maaktakas sa impiyernong lugar na 'to, sumama ka sa akin. Gagawin kitang lamok para makalabas ka rito."

"Gago! Sinong baliw ang maniniwala sa 'yo?"

"Magbaliw-baliwan ka muna para makatakas ka. May kasama akong salamangkero. Gagawin ka niyang kahit anong insekto. Then, you're free!"

Naiinis na talaga siya sa kahibangan ng lalaking ito. "Sige, nga, gawin mo!" hamon niya.

"Close your eyes," utos nito.

Ipinikit naman niya ang mga mata niya. Makalipas ang ilang sandal ay nagulat siya nang maramdaman niya ang mainit na labi nitong humahalik sa labi niya. Pagdilat niya ng mga mata ay wala siyang ibang nakikita kundi maputing kapaligiran.

KUMURAP-KURAP si Rena. Wala siyang ibang nakikita kundi puting paligid. Dahan-dahan siyang bumangon. Ang tanging naaalala niya ay ang pangyayari sa loob ng tunnel. Hindi siya sigurado kung ito na ba ang karugtong ng eksina sa loob ng banyo, o baka panaginip lang niya iyon.

Naglakad siya palapit sa bintana na may makapal na kurtinang kulay pula. Pag-apak niya sa sahig na nasisinagan ng araw ay bigla na lang umusok at napaso ang kaliwang paa niya.

"Aw!" daing niya sabay alis ng paa sa may sinag ng araw. Nagulat siya. Kaagad ding humilom ang paso sa kaliwang paa niya.

Luminga-linga siya sa paligid. Walang anumang kagamitan na naroon maliban sa aparador at bed side table. Nakakabingi ang katahimikan. Umupo siya sa gilid ng kama at pilit inaalala ang mga nangyari. Blanko na ang isip niya. Tumayo ulit siya at lumapit sa malaking salamin na nakadikit sa pinto ng anim na talampakan katas na aparador.

Pinagmamasdan niya ang kanyang sarili sa salamin. Hinaplos niya ang kanyang sariling pisngi. Kumislot siya nang biglang bumukas ang pinto sa gawing kaliwa. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: