Chapter Three


TINITIGAN lang ni Rena ang babaeng pumasok. Pamilyar ito sa kanya pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Nakasuot ito ng maong na pantalon at puting coat. Naisip niya, baka doctor ito.

"Hi, Rena! Ako si Charie. Malamang hindi mo ako naaalala. Sinusundo kita. Kailangan mong pumunta sa laboratory two," nakangiting sabi nito.

Walang imik na sumunod naman siya dito.

Naglalakad sila sa pasilyo nang masalubong nila ang pamilyar na lalaki. Matalim ang pagkakatitig nito sa kanya. May pakiramdam siya na kilala niya ito. Lmagpas na sila rito pero panay ang lingon niya sa lalaki. Ni hindi ito lumingon sa kanya.

"Sino 'yon, Charie? Bakit ang sama ng tingin niya sa akin?" tanong niya sa kasama.

Tiningnan lang siya ni Charie. Hindi ito umimik hanggang sa makarating sila sa laboratory 2. Bumungad sa kanya ang sandamakmak na higanteng incubator at mga laboratory equipment. Sinalubong siya ng isa pang magandang babae. Namumukhaan niya ito.

"Welcome back, Rena! Ako si Narian," pakilala kaagad nito.

May nangyari siguro sa kanya kaya hindi niya nakikilala ang mga ito. Ngumiti lang siya. Iginiya siya ni Narian papasok sa isang maliit na kuwarto. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng puting coat ang nadatnan nila. May hawak itong malaking injection.

Pinaupo siya ni Narian sa gilid ng kama. Pagkuwa'y hinubad nito ang hospital gown niya. "Bakit mo ako hinuhubatran?!" asik niya.

"Sssshh... huwag kang mahiya. Sanay na si Doc. Sandro sa katawan ng mga babae. Relax ka lang diyan, baby," sabi nito.

Wala siyang saplot sa katawan nang pinahiga siya ni Narian sa kama. Lumapit sa kanila ang guwapong doctor.

"Narian?" takang untag ng lalaki kay Narian.

"Yes, Doc?" napalingong sagot ng dalaga.

"Bakit ikaw ang nag-a-asist? Nasaan si Charie?" kunot-noong tanong ng lalaki.

"Ah, e tinutulungan niya si Rafael doon sa nagwawalang halimaw. Huwag kang mag-alala, Doc. Nakapag-aral ako ng two years Medical Technology bago naging pulis."

"Huwag ka masyadong magaslaw rito, baka makabasag ka," sabi ng guwapong doctor.

"Gusto mo ba mahinhin, Doc? Babagalan ko na lang ang kilos ko," sabi pa ni Narian.

Pero mukhang hindi naman napipikon si Alessandro. Hindi na ito kumibo. Inihanda na ni Rena ang sarili sa pagtusok ng malaking karayom sa kanang braso niya. Makirot at naramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likiko sa mga ugat niya.

Makalipas ang ilang sandali ay biglang nanginig ang mga kalamnan niya. Nanunuyot ang lalamunan niya. Mainit ang pakiramdam niya sa kanyang katawan. Paglapit ulit ng doctor ay may hawak na itong isang baso ng pulang likido. Sa kabilang kamay nito ay may hawak na test tube na may lmang kulay berdeng likido.

Pinahawak nito kay Narian ang baso ng pulang likido. Pagkuwa'y pinatakan nito ng berdeng likido ang puson niya.

"Aaaahh!" sigaw niya nang pakiramdam niya'y nabubutas sa sobrang init ang tiyan niya. Gusto niyang pumiglas ngunit namanhid na ang buong katawan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang pagtingin niya sa tiyan niya ay nagkaroon ng malaking butas roon. Umuusok ito. Hindi na niya maramdaman ang sakit.

May maliit na tabletang kulay itim na inilagay ang doctor sa butas ng tiya niya. Pagkatapos ay mabilis na kumipot ang butas hanggang sa tuluyang mawala. Kinuha naman ng doctor ang baso ng pulang likido saka pinatakan ng kaunti ang hintuturo nito.

Napasinghap siya nang maamoy niya ang mabangong amoy nito. Napanganga siya nang isinubo nito sa bibig niya ang daliri nitong may dugo. Humilad ang sikmura niya, hudyat ng matinding gutom. Nang malasahan niya ang dugo ay lalong nag-asam ang kanyang lalamunan na matikman iyon muli. Ipinagkait ni Alessandro ang baso ng dugo. Nagwala siya. Naglabasan ang malalaking ugat sa leeg niya. Naramdaman niya ang paghihimutok ng kalamnan niya. Tinubuan siya ng matutulis na pangil at ang paningin niya sa paligid ay namumula.

Hinablot niya sa kamay ng doctor ang baso ng dugo saka ito sabik na nilagok. Nahimasmasan siya pagkatapos na maubos ang laman ng baso. Normal na ang paningin niya. Pero parang may kulang. May naamoy siyang mas masarap. Binalingan niya ng tingin si Narian. Ito ang naamoy niyang masarap. Tumubo ulit ang pangil niya.

Hindi siya nakatiis, sinugod niya si Narian at akmang sasakmalin sa leeg ngunit tumilapon siya pabalik sa kama matapos siyang iwaksi ng matigad na braso ni Alessandro.

"Don't touch her! She's not your food!" saway sa kanya ni Alessandro.

Nagpumilit pa rin siyang malapitan si Narian. Iniharang na ni Alessandro ang kanang braso, habang yakap ng isang kamay nito si Narian. Kinagat niya ang braso nito. Nang malunok niya ang kaunting dugo nito ay bigla na lang siya nakadama ng panlulumo. Hanggang sa tuluyang manilim ang paligid niya.

PINAGMAMASDAN ni Erman ang nahimbing na si Rena. Nakatulog ito matapos makalunok ng dugo ni Alessandro. Naikuwento sa kanya ni Alessandro ang nangyari matapos nitong buhayin ang immortal na katawan ni Rena. Mabangis pala ang dalaga.

"Kailan siya magigising?" tanong niya kay Alessandro.

"Anytime now. Kapag nagising na siya, hindi na siya masyadong wild," sagot nito.

Tinitigan niya ang mukha ng dalaga. Mayroong nagbago. Kanina nang masalubong niya ito sa pasilyo ay nahahalata na niya na hindi na siya nito nakikilala. Wala na ang Rena na minahal niya.

"Wala na si Rena," malungkot niyang sabi.

Humarap sa kanya si Alessandro. "Alam mo namang babalik pa ang alaala niya," anito.

"Pero hindi na siya ang babaeng nakilala ko. Kahit bumalik ang alaala niya, wala na iyong silbi dahil tinapos na niya ang lahat sa amin," may hinanakit na sabi niya.

"Then move on, Man."

Tumayo siya at humakbang palapit kay Alessandro. "It's easy for you to say 'move-on' dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko, Sandro!" asik niya. Magmula noong nagging bampira si Rena ay galit na siya sa lahat, dahil kinonsinti ng mga ito ang desisyon ng dalaga.

"Don't get me wrong, Man. Gusto ko lang din matulungan si Rena."

Sa inis niya'y sinuntok niya si Alessandro. Tumalsik ito sa sulok ng mesa. Dumugo ang gilid ng labi nito. Ngunit hindi ito nanlaban. Tumayo lang ito at pinahid ang dugo sa bibig.

"I told you, you're not that good Chemist, Sandro! Masyado kang mayabang! Akala mo alam mo na lahat! Ni wala kang alam sa larangan ng pag-ibig! Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko? Para akong namatayan ng taong pinakamahalaga sa akin! Well, ganoon na rin 'yon. Pinatay n'yo si Rena!" nanggagalaiting pahayag niya kasabay sa pagdaloy ng kanyang mga luha.

Hindi kumibo si Alessandro, sa halip ay lumipad ang tingin nito kay Rena na biglang nagising. Hinarap niya ang dalaga. Emotionless ang mukha nito habang titig na titig sa kanya. Lalong nanikip ang dibdib niya. Iniwasan niya ito ng tingin. Tinungo niya ang pinto saka lumabas.

Pagdating niya sa kuwarto ng mga lalaki at kinuha niya ang sunog na talulot ng rosas na inilagay niya sa lunch box. Kumuha siya ng isang basong tubig saka ininom kasama ang talulot ng rosas kahit hindi siya sigurado kung effective ang sinabi ng kaibigan niya. Pagkatapos ay humiga siya sa kama. Ginugupo siya ng antok.

LUMIPAT na si Rena sa kuwarto niya. Marami siyang naiisip habang sinusuyod niya ng tingin ang kabuuan ng kuwarto. Bawat bagay na naroon ay nagpapahiwatig ng pamilyar na damdamin. Hinawakan niya ang naka-frame na litrato na nakapatong sa bed side table. Ang lalaking kasama niya sa litrato an gang lalaking nagwawala kanina sa kuwarto sa laboratory. Bakit sila magkasama sa litrato?

Pamilyar sa kanya ang lalaki, at may kakaiba siyang nararamdaman sa puso nang makita niya ito. Kamukha nito ang lalaki sa panaginip niya. Habang lumilipas ang oras ay unti-unti din niyang nakakalimutan ang kabuuan ng panaginip niya habang naroon siya sa isang tunnel.

Marami pa siyang nakitang litrato na kasama niya ang lalaking iyon. Mayroon nga silang pinagsamahan. Binuksan niya ang drawer ng mesa. Dinamot niya ang gold bar. Pagkahawak niya rito ay may pangyayaring dumapo sa isip niya, na maaring may kinalaman sa bagay na iyon.

"Kill him!" narinig ni Rena na utos ng papa niya sa lalaking tagasunod nito.

Sumilip siya sa siwang ng pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang masaksihan niya ang pagpugot ng isang lalaki sa ulo ng lalaking nakaluhod sa harapan ng papa niya, gamit ang espada. Dumanak ang dugo sa sahig. Ang ulo ng kawawang lalaki ay gumulong palapit sa pinto ng kinukublian niya. Natapat sa kanya ang mukha nito. Dilat ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Doon niya nalaman na kilala niya ito. Tumulo ang luha niya.

K-kuya Razen... sigaw ng isip niya. Tatlong taon na nagsilbi sa kanila si Razen bilang bodyguard niya. Pero bakit ito pinapatay ng papa niya? May kasalanan ba ito?

Kagabi lang, nag-usap pa sila ni Razen sa hardin...

"Baka hindi mo na ako makikita bukas, Rena. Ito na lang ang maibibigay kong alaala sa 'yo," sabi ni Razen, habang nakaupo sila sa damuhan. Ibinigay nito sa kanya ang munting gold bar.

"Bakit, aalis ka na ba?" mangiyak-ngiyak na sabi niya.

"Oo, pero babalik ako. Hahanapin ko lang ang kuya ko."

"Sigurado kang babalik ka?"

"Oo."

Pinaghawakan niya ang pangakong iyon.

Gustong-gusto nang lapitan ni Rena ang katawan ni Razen ngunit nakita siya ng papa niya. Tumakbo siya ngunit hinabol siya nito. Nagtago siya sa ilalim ng kanyang kama. Pumasok ang papa niya pero kaagad ding lumabas. Narinig niya ang pag-lock nito sa pinto. Doon na siya humaglgol ng iyak.

WALANG tigil sa pagpatak ang luha ni Rena habang inaalala ang mga nangyari. Ibinalik niya sa drawer ang gold bar. Hindi pala mabuting tao ang papa niya. Iyon ang nakatanim sa isip niya.

Binuksan niya ang closet niya, iilan lang ang damit na naroon. Napansin niya ang iilang damit ng lalaki at underwear. Bakit may damit ng lalaki doon? Nalilito na siya. Kailangan niya ng makausap na makapagpaalala sa kanya ng nakaraan.

Isang linggo pa ang lumipas. Nako-kontrol na ni Rena ang pananabik sa laman ng tao, pero uhaw pa rin siya sa dugo. Mabuti na lang maraming stock na dugo ang academy. Si Charie ang madalas niyang nakakasama at kausap. Pinapaalala rin nito ang ilang bahagi ng nakaraan niya. Sumasama din siya sa mga operasyon ng grupo tuwing gabi.

Si Erman, si Erman pala ang lalaking kasama niya sa litrato. Ang sabi ni Charie, ex-boyfriend daw niya si Erman. Curious siya kung bakit sila naghiwalay. Gusto niyang kausapin ang lalaki pero umiiwas ito sa kanya. Galit ito. Naisip niya na baka siya ang may kasalanan kaya sila naghiwalay.

"Si Erman ba ang nakakuha ng virginity ko, Charie?" hindi natimping tanong niya kay Charie. Kararating lang nila sa safe house sa CDO.

Biglang tumawa si Charie. "Bakit ba ako ang tinatanong mo? Malay ko ba sa sex life mo? Pero ang sabi mo sa akin noon, si Erman lang ang naging boyfriend mo. Malamang, siya ang nauna," sabi nito.

"Pero wala akong maalala tungkol sa pinagsamahan namin."

"Hindi pa ngayon. Ang sabi ni Alessandro, mga three o five months bago tuluyang babalik ang lahat na alaala mo, depende kung gaano ka-agrisibo ang taong nagpapaalala sa iyo ng nakaraan. Sa palagay ko, mas mabilis ang pagbabalik ng alaala mo kung si Erman ang nagpapaalala sa iyo ng mga bagay-bagay. Kasi mas mahaba ang pinagsamahan ninyo, at mas marami kayong nilikhang alaala."

"Pero hindi niya ako pinapansin. Galit ba siya sa akin?"

Kumibit-balikat si Charie. Pumasok na sila sa safe house. Busy na si Charie sa pag-asikaso sa mga taong nagkakasakit. Wala siyang makausap.

Nang dumating ang chopper ay lumabas siya. Nakita niya si Erman na bumaba mula sa chopper. Aalis na sana ang chopper pero hinabol niya ito. Nakasampa pa siya.

"Shit!" gulat na sabi ni Elias, na siyang nagmamaneho ng chopper. Nakahiga sa upuan si Derek, ang anak ni Dario. Noong isang araw lang niya nakilala ang mga ito, pero dahil pamilyar na, kaagad niyang nakasundo ang mga ito.

Umupo si Derek at binigyan siya ng space sa upuan. Umupo siya sa tabi nito. "Saan ka pupunta?" masungit na tanong ni Elias.

"Kung saan kayo pupunta, doon din ako," sagot niya.

Ngumisi ang katabi niyang si Derek. "Manghuhuli kami ng mga zombie, ate Rena," anito.

Bigla siyang na-excite. "Sasama ako!"

"Kung sa bagay, malaya ka na. Wala ka nang boyfriend na pakialamero." Tinitigan niya ang nagsalitang si Derek.

Napaisip siya. Si Erman ba ang tinutukoy nito? Ganoong klaseng boyfriend ba si Erman?

Inilapag ni Elias ang chopper sa gitna ng malawak na kalsada. Maliwanag ang buwan. Sa 'di kalayuan ay may mga naglalakad na halimaw.

"Bakit tayo narito?" tanong niya sa mga kasama.

"Papasukin namin ang estasyon ng pulis. May hahanapin lang kaming papeles," sagot ni Elias.

Bumaba na ang mga ito. Sumunod naman siya hanggang sa loob ng police station. May iilang halmaw sa loob. Mukhang gutom na gutom na ang mga ito dahil hindi na halos makatayo. Nahuhuli siya sa paglalakad. Mamaya'y may kamay na humaklit sa kanang balikat niya. Paglingon niya sa likuran ay nakahanda na ang halimaw na lalaki sa pagsakmal sa kanya.

Pinahaba niya ang mga kuko niya saka dinukot ang puso nito. Bumulagta ito sa sahig. Aywan niya bakit hindi man lang siya nakakaramdam ng takot. Habang abala ang dalawang lalaki sa paghahanap ng papeles ay siya naman ang tumutugis sa mga halimaw na nagtatangkang sumugod sa kanila. Pero habang lumilipas ang oras ay lalong dumadami ang mga ito.

"Damn! Saan pa tayo dadaan nito?" angal ni Derek nang mapansin na ring naliligiran na sila ng mga halimaw.

"May dala akong granada. Pasabugin natin sila," ani Elias.

"Sira! Gusto mo bang sumabog din tayo?"

Tiningnan ni Rena ang kisame. May halimaw na sumisira niyon mula sa itaas. Pagtigin niya sa bintana ay may mga nakaabang din doon. Wala na silang choice kundi sugurin ang mga halimaw sa daan.

"Bahala na!" sabi ni Derek. Nauna itong sumugod sa mga halimaw habang isa-isang pinupugutan ng ulo ang mga ito gamit ang matulis nitong kuko. Namangha siya, nagiging abo ang mga halimaw matapos matamaan ng kuko ni Derek.

Sumunod na sila ni Elias. Mahusay din si Elias gumamit ng samurai. Paglabas nila sa naturang istasyon ay doble ang bilang ng mga halimaw sa labas. Maging sa chopper nila ay tinatambayan ng mga ito. Kanina pa nagtatanong ang isip niya, kung bakit nagkaganoon ang mga tao?

Hindi sila makalapit sa chopper dahil dinumog na sila ng mga halimaw. Ang alam niya mga tao lang ang hnahabol ng mga ito dahil sa amoy ng dugo at katawan. Iilan lang ang lumalapit sa kanya. Gusto talaga ng mga ito ang mga kasama niya.

Pinasabog ni Elias ang granada nito sa kumpol na mga halimaw. Nagkahiwa-hiwalay ang mga katawan ng mga ito. Pero mayroon pa ring natitira.

Tumakbo na sa chopper si Elias saka pinaandar. Sasakay na rin sana siya nang may kama na sumakal sa leeg niya. Ilit niyang inaabot ang ulo ng halimaw ngunit nanghihina siya dahil hindi siya makahinga.

Nagulat siya nang bigla siyang pakawalan ng halimaw. Una'y iniisip niya na baka si Derek ang tumulong sa kanya. Ngunit pagpihit niya sa kanyang likuran ay nakatayo roon si Erman. Nakabaon pa ang isang kamay nito sa dibdib ng halimaw, na nakayakap rito. Sandaling naparalisa ang katawan niya nang magtama ang mga paningin nila ng binata. Tumulin ang tibok ng puso niya.

"Let's go, guys!" tawag ni Elias. Umaangat na ang chopper.

Sumakay na si Derek. Sumunod na rin siya, kasunod ni Erman. Napaggitnaan siya nina Derek at Erman. Parang may dumaang anghel nang maayos na ang lipad nila. Maigsi lang ang upuan kaya siksikan silang tatlo roon. Magkadikit ang mga balikat at hita nila ni Erman, ganon din kay Derek, pero kakaibang init ang nararamdaman niya sa katabi niyang si Erman. Parang may espisyal sa nararamdaman niya rito.

BKw[7K?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: