Chapter Ten
UMALIS sa kabaong si Rena. Hindi binitawan ni Erman ang kaliwang kamay niya hanggang sa makalabas sila sa kuwartong iyon. Kahit masama ang panaginip niya ay nagising siyang masaya dahil naroon si Erman sa tabi niya at hindi ito galit sa kanya. Dinala siya nito sa kanyang kuwarto.
"Huwag ka nang matulog ulit sa ataol," sabi ng binata pagdating nila.
"Pero hindi ba iyon naman talaga ang tulugan ng mga bampira? Isa pa, nakatulong ang pagtulog ko sa ataol para masilip ko ang future at ilang bahagi ng nakaraan na hindi ko naalala," aniya.
"Hindi ka inborn na bampira at ayaw kong nakikita ka sa tulugang iyon. Parang ipinapahiwatig niyon na patay ka na."
"Iyon naman ang sabi mo 'di ba? Patay na ako sa buhay mo, at iyon ang totoo, Erman."
Matamang tumitig sa kanya ang binata. "Sinabi ko lang 'yon dahil galit ako sa ginawa mo. Pero ang totoo, hindi kita kayang patayin sa puso't-isip ko," seryosong wika nito.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong niya.
"Oo, galit pa rin ako dahil makulit ka. Pero concern ko lang iyon. After na mabasa ko ang sulat mo, na-realize ko na may pagkukulang din ako dahil puro kaligayahan lang ang iniintindi ko noong tayo pa. Hindi ko minsan natanong kung ano ang mga bumabagabag sa 'yo. Ang akala ko noon ay sadyang nanlalamig ka lang sa akin kaya ka nagbago. Nabanggit mo sa sulat, sino ang tinutukoy mong estrangherong lalaki na nagsabi sa 'yo tungkol kay Prince Rios?"
Naalala niya ang panaginip niya. "Si Torn, pero tinatawag din siya na 'White Rose'. Sa panaginip ko lang siya nakilala. May kasama siyang dalagita na ang pangalan ay Angelica," sabi niya.
Ang seryosong mukha ni Erman ay nahalinhan ng pagkamangha. "A-anong hitsura ng lalaki?" balisang tanong nito.
"Matangkad siya, maputi, mahaba ang buhok na alon-alon. Palagi siyang may dalang puting rosas."
"Damn! I know him!" bulalas ng binata.
"Kilala mo si Torn?" manghang sabi niya.
"Childhood friend ko siya. Pero maliban sa panaginip, nagkita na ba kayo ng personal?"
"Oo, dalawang beses na, pero palaging nakabalot ng kasuutan ang katawan niya."
"Nagpakita siya sa 'yo."
"Nagpakita? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong niya.
"Matagal ko nang kaibigan si White Rose, at wala siyang pormal na pangalan. Si Angelica lang ang nagbibigay sa kanya ng pangalan. Pero isa siyang invisible day walker vampire. Iilang nilalang lang ang nakakakita sa kanya. Kapag walang hangin ay hindi ko rin siya nakikita maliban na lang kung sinadya niyang magpakita sa akin."
Nawindang siya. "Pero bakit ganoon na lang ang concern niya sa akin?" aniya.
"I don't know. I think I need to talk to him. Hindi niya sinabi sa akin ang tungkol kay Prince Rios."
"Binaggit niya sa akin ang pangalang Steven Scott. Nagtatrabaho daw siya sa lalaking 'yon."
"Fuck! He's a liar!" Hindi na mapakali si Erman.
"Bakit, Erman?"
"Ilang beses kong tinanong si Torn kung may alam siya tungkol kay Steven Scott, pero sinabi niyang wala. Hanggang ngayon, blanko ang record namin kay Steven Scott kaya hindi pa rin namin makombinsi ang grupo na basta magtiwala sa lalaking iyon. He's a traitor." Pumalatak na si Erman.
"Pero sinabi ni Torn na kaya siya nandito ay para ma-monitor ang nangayayari sa Sangre Organization. Gusto daw matiyak ni Steven Scott na walang malalakas na kaaway ang sumisira sa organisasyon. I think there' nothing to worried about Steven Scott, He just concern."
"Kahit na. Hindi basta magtitiwala si Tito Dario sa concern ni Steven. Alam namin na may iba pa siyang binabalak."
Naisip ni Rena, na kung aalis siya sa Sangre Organization ay mas mapapanatag siya na malalayo sa gulo ang grupo. Pero saan siya pupunta pag-alis niya?
"Ako lang naman ang naiisip ng mga pinuno ninyo at ng ibang grupo na maglalagay sa inyo sa gulo. Kung wala ako rito, hindi magpapadala ng alagad si Rios para hulihin ako," malungkot na sbai niya.
Kumislot siya nang hawakan ni Erman ang magkabilang braso niya. Napakahigpit ng kapit nito. Tumapang ang anyo nito.
"Stop blaming yourself, Rena. You didn't choose this. Inilayo kita sa kamay ni Ruki, at pinanindigan kong kupkupin ka. Ano mang banta ang darating sa buhay mo, damay ako. Pero hindi kita sinisisi rito. Huwag ka ring papaapekto sa sinasabi ng ibang kasama ko. Hindi lang ikaw ang nagdala ng panganib sa grupo namin, at lahat na 'yon ay nalagpasan namin. Kaya naniniwala ako na malalagpasan natin ang panganib na 'yon," puno ng determinasyong sabi nito.
"Pero pinatay mo si Ruki. Marami pa siyang masasagot sa mga tanong ko," may hinanakit na sabi niya.
"Akala ko napatay ko na siya, Rena, pero naka-survive siya. Hindi ko napinsala ang puso niya kaya nabuhay siyang muli. Eighty percent sa dugo ni Ruki ay vampire, ang ang natitirang pursiyento ay dugo ng tao. Ordinaryong tao ang lolo ni Ruki, at dating kasama ng papa mo sa mafia group sa Japan. Pero dahil hindi nagkasundo ang lolo ni Ruki at ang tatay mo kaya pinapatay ng tatay mo ang lolo ni Ruki sa isang bampira. Ang nanay ni Ruki ang bampira, na anak ng lolo niya sa isang bampira na nagsisilbi sa templo ng mga imortal. Nakapag-asawa ng maharlikang bampira ang nanay ni Ruki, pero lahat sila ay namatay sa kamay ng tatay mo. May kapatid si Ruki sa nanay, si Razen. Pero pinapatay ng tatay mo si Razen. At kaya ka dinakip ni Ruki ay dahil iyon ang naisip niyang paghihiganti sa tatay mo."
Nagimbal ang buong sistema ni Rena. Dahil sa impormasyong iyon ni Erman ay naiintindihan na niya ang magulong impormasyong nalakap niya.
"P-paano mo nalaman lahat na 'yan, Erman?" tanong niya.
"Si Ruki ang nagkuwento sa akin noon, noong hindi pa ako galit sa kanya. Pero pagkatapos na nalaman ko ang talagang pakay niya sa 'yo, naiinis na ako sa kanya. Hindi tama na pagbuntunan ka niya. Wala kang alam sa mga kasalanan ng tatay mo. Kaya noong sinabi niya na papatayin ka niya ay gumawa ako ng paraan kung paano ka itakas."
Unti-unting sumisikip ang dibdib ni Rena. Na-realize niya na napakasama pala talaga ng tatay niya. Naalala na niya si Razen na kapatid ni Ruki. Nasaksihan pa niya noon kung paano inutusan ng tatay niya ang alagad nito na pugutan ng ulo si Razen.
Bumitiw siya kay Erman at lumuklok sa gilid ng kama. Marami siyang gustong gawin at isipin pero madalas ay naka-hang ang utak niya dahil sa magkahalong emosyon sa puso niya.
"Tinatrabaho ng grupo namin ngayon ang tungkol kay Prince Rios. Tahimik sila ngayon dahil sa pagkakaalam nila na patay ka na. Pero oras na may tauhan siya na nakakita sa iyo, siguradong gagalaw ulit sila. Kaya nakikiusap ako na huwag kang lalabas ng academy, Rena," sabi ni Erman.
Tumango siya. Pagkuwa'y lumapit ito at umupo sa kanyang tabi. Ginagap nito ang kamay niya. "I'm sorry, Rena. Hindi dapat kita idiniin sa galit ko. Kung sana naipaliwanag mo sa akin nang maayos ang dahilan mo noon, sana mas nakapag-adjust ako. Kahit palagi kaming nag-aaway ng daddy ko dahil sa 'yo, ipinagpipilitan ko pa rin ang gusto ko. Alam kong hindi ikaw ang tamang babae, pero ipinaglaban kita dahil ikaw ang isinisigaw ng puso ko," masuyong pahayag nito.
Matamang tumitig siya sa mga mata nito. Ibang klaseng lalaki si Erman. Napakahuwaran nito. "Sorry din, Erman. Natakot lang ako kaya pabigla-bigla akong nagdesisyon. Alam ko kasing tututulan mo ang pasya ko kaya minabuti kong huwag nang pansinin ang hinaing mo. Mahihirapan lang kasi akong ituloy ang plano ko kung makikita kitang nagpuprotesta. Inaamin kong mali pa rin ang ginawa ko. Sinaktan pa kita." Tumulo na naman ang luha niya.
Maagap namang hinaplos nito ang pingi niya. "Nahihirapan pa rin ako haabng nakikita kang umiiyak, Rena. Magmula noong nakipaghiwalay ka sa akin ay hindi ko na magawang ngumiti. Masayahin akong nilalang, pero binago mo ako," anito.
"Kasalanan ko na naman ba?" namimilog ang mga matang tumitig siya sa mga mata nito.
"Yes, kasalanan mo. Pero napatawad na kita. Alam kong hindi pa bumabalik lahat ng alaala mo kaya wala akong karapatang magtampo."
"Tulungan mo akong ibalik ang masasayang alaala ko, Erman. Gusto kong malaman kung paano naging tayo."
Ngumisi ang binata. "Kasalanan 'yon ng cashew nuts."
"Oo nga, naalala ko 'yong kamuntik ka nang mamatay dahil sa cashew. Bakit mo nga ba ginawa 'yon?"
"Dahil gusto kong makita ka na palaging masaya. Kakaiba ang ngiti mo noong nakatikim ka ng cashew nuts. Doon ko nasagap sa sarili ko ang kakaibang damdamin."
"Ikuwento mo sa akin."
Ikinulong nito sa mga kamay ang mukha niya saka tumitig sa mga mata niya. "Just stare at me closer, and you will see the past," sabi nito.
Sumunod naman siya. Ganoon naman kabilis naglakbay ang diwa niya patungo sa nakaraan.
HINDI pa nakak-recover si Erman sa pagkalason ng usok ng cashew nuts ay parang gusto na naman niyang mag-ihaw ng mga buto. Pero may warning na siya mula sa mommy at daddy niya. Kapag ginawa pa daw niya ulit ang pagsusunog ng mga buto ay palalayasin ng mga ito si Rena sa academy.
Naubos na ni Rena ang inihaw niyang cashew nuts. Matamlay na ulit ang dalaga. Kinabukasan ng umaga ay nagtungo ulit siya sa cashew farm at nanguha ng bunga. Pinuno talaga niya ang isang sako. Pero wala siyang balak na mag-ihaw ng mga iyon. Dinala niya ang mga buto sa safe house sa Mactan at inutusan ang mga tao na ihawin ang mga buto. Dinala niya ang mga ito sa nag-iisang isla sa Mactan na walang nakatirang tao. Kinunstiyaba pa biya si Derek, na siyang gumawa ng apoy na hindi namamatay.
Habang naghihintay na maluto ang mga buto ay naglayag sila ni Derek sakay ng yate. Sinuyod nila ang karagatan.
"Hindi ka rin baliw kay Rena, ano, kuya Erman?" sabi ni Derek.
Nakahiga sila sa deck, sa harapan ng yate. Pareho silang hubad baro. "Iba kasi ang feeling na may napapasaya kang babae," sabi niya.
"Ibang-iba si Rena sa mga babaeng nakilala ko. Ang babaw ng kalgayahan niya," natatawang sabi ni Derek.
"Palibhasa mga liberated woman ang gusto mo."
"Oy, hindi. Mahilig lang ako sa sexy at charming. Pero gusto ko talaga ng virgin," sabi nito.
Tumawa siya. "Hindi na virginity ang priority ngayon ng karamihan. Ang iportante, kaya silang mahalin pabalik ng mahal nila. Aanhin mo ang virgin kung hindi ka kayang mahalin ng tapat?" aniya.
"Yeah, the matchmaker real talk. Pero alam mo, kuya, para kay si Kuya Devey, possessive, at the same time, martyr and a little maniac."
"What?!" Napapaupong untag niya.
Kinawayan siya ni Derek. "Kidding aside, but that was the truth," sabi pa nito.
"Fuck you asshole! Sasabihin ko rin 'yan kay Tito Dario, dahil nagmana sa kanya si Devey."
Umupo si Derek at dumampot ng almond nuts niya. "You're a nuts, dude. Kapag kausap ako ni Daddy, tumutubo ang pangil niya sa galit. Nagmana daw ang katigasan ng ulo ko kay Mommy. Pero alam mo, I like Rena's butt, so sexy and yummy."
Hindi niya pinansin ang tungkol sa daddy nito. Ang tungkol kay Rena ang kinaputok ng buntsi niya. Hinuli niya ang kanang braso ni Derek at kinagat.
"Aw! Shit!" malakas na sigaw ni Derek.
Hindi niya pinakawalan ang braso nito kahit tumatagas na ang dugo. Hindi niya matanggap na may ibang lalaking nagnanasa sa katawan ni Rena.
Sinuntok siya ni Derek sa dibdib. Nakalimutan niya na mas malakas ito sa kanya. Tumalsik siya sa sulok ng yate. Pakiramdam niya'y nabale ang spinal cord niya.
"Eh kung sunugin kaya kita, Erman! Tiyak na iiyakan ka ni Rena," sabi ni Derek. Nakatayo na ito sa harapan niya. Sinusunog ng umaapoy nitong mga daliri ang bakas ng kagat niya. Mabilis na humilon ang sugat nito.
"You, asshole! Kapag sinunog mo ako, mamamatay ka rin," nakangising sabi niya.
"Ah, oo nga ano? Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Dahil ba nag-donate ka ng dugo sa akin? Ipaliwanag mo nga."
"My blood has own live. Kaya ko itong utusan na patayin ka," sabi niya.
"Yeah, now I know. Hindi na lang kita susunugin. Ilalabas ko na lang ang dugo mo sa katawan ko, fuck you!"
Nagulat siya nang biglang sinunog ni Derek ang telang nagsisilbing pinto sa kuwarto ng yate. Bumalikwas siya ng tayo.
"Ah, nakalimutan ko nga palang sabihin sa 'yo na kasama ko si Rena na sumakay sa yate na ito. Natutulog siya sa kuwarto, actually magkatabi kaming nakahiga sa kama kanina," ani Derek.
Nag-init ang bunbunan ni Erman. Kinuha niya ang timba at sumalok ng tubig sa dagat saka inapula ang apoy. Nang mamatay ang apoy ay pumasok siya sa kuwarto. Wala naman doon si Rena. Dumiretso siya sa banyo. Naka-lock kaya sinira niya ang seradura.
"Aaaah!" Sigaw ni Rena, sabay sampal sa mukha niya.
"Shit!" bulalas niya nang makita ang hubo't-hubad na katawan ng dalaga.
"Bastos ka!" Pinagsasampal ni Rena ang dibdib niya.
Hinuli niya ang mga kamay nito. "Wait!"
Tumigil sa pagpiglas ang dalaga.
"Masusunog na ang yate, ang sarap pa ng ligo mo?" sabi niya.
Biglang namutla si Rena. "S-si Derek?" anito.
"Huwag mong hanapin ang gagong 'yon! Kamuntik na niyang sunugin ang yate. At bakit ka sumama sa kanya rito, ha?'
"K-kuwan, ang sabi niya may surprise date daw tayo rito. Sabi niya magpaganda daw ako at magpabango."
"Damn! Naniwala ka naman sa lokong 'yon? Walang ginawang mabuti sa kapwa si Derek, sakit siya sa ulo ng tatay niya."
"Ibig sabihin hindi ikaw ang nagplano nito? So sayang pala ang effort ko. Umasa lang ako. Alam mo ba kung gaano ako na-excite nang sabihin ni Derek na magda-date tayo? Plastic ka rin pala, Erman. Paasa ka rin!"
Nagulat siya. Pero naroon ang pananabik niya.
"Akala ko gusto mo talaga ako kaya nag-e-effort ka. Para saan pala ang mga sakripisyo mo? Pagkatapos mo akong paibigin?"
Napangiwi siya. "Wait. Huwag kang magdrama rito."
"Hindi ito drama, Erman! Gusto talaga kita! Kaya lang hindi ko masabi sa 'yo dahil natatakot ako na baka hindi ka nakakadama ng ganoong para sa akin. Alam mo bang ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na umibig? Akala ko totoo 'yong sinabi mo noon na in-love ka, pero parang joke dahil pagkatapos noon ay hindi mo ako pinapansin."
Natawa siya. Pero para bang may kung anong gumagalugad sa puso niya.
"Sandali lang, Rena. Masyado kang nagpapatalo sa hakahaka mo. Kaya kita iniwasan noong nalason ako ng usok ng kasoy, ay dahil binalaan ako ni Mommy, na kapag nakita pa niya ako na kasama ka ay ilalayo ka nila sa akin. Natakot ako kaya umiwas muna ako sa 'yo. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi ako seryoso sa sinabi ko. That's why I'm here. Matigas ang ulo ko kaya kahit may banta na ang parents ko, nanguha pa rin ako ng cashew nuts at pinasunog sa mga tao. Kalimutan mo na ang agam-agam mo dahil ang totoo, mahal kita," paliwanag niya rito.
Namimilog ang mga mata ng dalaga. Naglaho na ang galit sa mga mata nito. Mamaya'y ngumiti ito. Nagulat siya nang bigla itong yumakap sa kanya.
"I love you too, Erman," sabi nito.
Kinagat na lang niya ang ibabang labi niya para makontrol ang pagwawala ng kanyang pagkalalaki, dahil sa paglapat ng hubad na katawan ng dalaga sa kanyang katawan.
ABR
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top