Chapter Sixteen
MASAYA si Rena dahil sa kabila ng mga pinangangambahang banta ni Rios ay nakikita na niya'ng puno ng determinasyon si Erman. Purgirido ito sa pag-aaral. Nagkaisa ang matataas na opisyales ng organisasyon para mabigyan sila ni Erman ng proteksiyon. Kahit sinabi ng mga ito na hindi lubos na mapipigil ng mga ito ang banta ni Rios, buo naman ang loob niya na magtatagumpay sila.
Unti-unti na ring nakaka-recover ang mama niya, pero limitado pa rin ang oras ng pakikipag-usap niya rito. At least kahit papano ay nalaman na niya ang katotohanan tungkol sa kanyang ama. Kaya hindi siya magtataka kung bakit ganoon na lang ang trato sa kanya ng kinalakhan niyang ama.
Busy sa pag-aaral si Erman at sa mga pagsusulit na ibinibigay rito ng nakakataas na opisyales ng maharlikang bampira. At sa ikawalang gabi na mag-isa lang siya sa kanyang kuwarto ay hindi siya kaagad nakatulog dahil pakiramdam niya'y sinisigaan ang katawan niya. Naligo na siya ng malamig na tubig pero mainit pa rin ang pakiramdam niya.
Humiga siya sa kama at pinilit makatulog. Antok na antok na siya pero hindi siya makatulog. Mamaya'y para siyang nakakalimot, hanggang sa blanko na ang isip niya.
Kumislot si Rena nang maramdaman niya na may mainit na bagay na humahaplos sa pisngi niya. Pagmulat niya ng mga mata ay mukha ng lalaki ang nakita niya. Hindi niya ito kilala pero may kakaibang reaksiyon ang puso niya.
Paglinga niya sa paligid ay wala na siya sa loob ng kuwarto, kundi sa isang kagubatan na tanging nagsisilbing liwanag ay ang bilog na buwan. Nakahiga siya sa lupa. Inilahad ng lalaki ang kanang kamay sa kanya.
"Hold my hand, please," sabi nito.
Umupo siya, pero hindi siya humawak sa kamay nito. Nakatitig lang siya sa maamong mukha nito. Madilim ang aura nito, siguro dahil sa pulos itim nitong kasuutan at ga-leeg nitong itim at kulot na buhok. May maganda itong mukha, pero dahil sa mapulang eyeballs nito ay alam niya na bampira ito.
"Who are you?" tanong niya.
"Just hold my hand, no question ask," demanding na sabi nito.
Dahandahang inaabot niya ang kamay nito, ngunit nang maglalapat na ang kamay niya sa palad nito ay biglang kumirot ang sikmura niya. Sa halip na hawakan ang kamay nito ay sa puson niya siya humawak dahil sa kirot.
"Argh!" daing niya.
Nagulat siya nang biglang humaba ang mga kuku ng lalaki. Nag-iba ang anyo nito. Naglabasan ang malalaking ugat sa mukha at leeg nito at tumubo ang mahahaba nitong pangil.
"If I would not have your body and soul; must better you die!" asik nito at bigla nitong kinalmot ang tiyan niya.
"Uhh!" sigaw ni Rena.
Bumalikwas siya ng upo.
"Hey, what's wrong?" tanong ni Erman na nasa tabi niya at napaupo rin. Hubad baro ito.
Nang makita niya ito ay bigla siyang yumakap rito. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Hinahapo siya. Nagpapasalamat siya dahil panaginip lang ang nangyari.
"I have a bad dream," sumbong niya sa binata pagkakalas niya rito.
Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. "Don't mind that bad dream. That's only a dream," sabi nito.
"Pero para siyang totoo. Dati, boses lang ng lalaki ang naririnig ko, ngayon, nakikita ko na siya sa panaginip," aniya.
"Sinong lalaki?"
"Hindi ko siya kilala."
"Baka si Rios 'yon," hula nito.
Iyon din ang iniisip niya.
Humiga si Erman kasama siya. Umunan siya sa dibdib nito, habang nakalingkis ang mga kamay nito sa katawan niya. Pinilit niyang makalimutan ang masamang panaginip.
"Kumusta ang pag-aaral mo?" pagkuwa'y tanong niya rito.
"Mahirap pero nakakaya ko naman. Kailangan kong magsakripisyo para sa ikabubuti ng relasyon natin. Kahit anong banta na gagawin ni Rios, hindi ka niya makukuha sa akin. Hindi ko hahayaang masayang lang lahat na naisakripisyo ko para sa 'yo," puno ng tapang na sabi nito.
Tiningala niya si Erman. "Salamat, Erman. Ang tanging maibibigay ko lang sa iyo ang ang pagmamahal ko. Hindi ako magpapatalo sa banta ni Rios," aniya.
Hinagkan siya nito sa noo. "Basta huwag ka lang bibitiw sa akin, walang makapaghihiwalay sa atin," sabi nito pagkuwan.
"Huwag mo rin ako bibitawan, Erman. Huwag sana dumating ang pagkakataon na ikaw ang kusang bibitiw sa akin, wala akong magagawa doon."
Binuhat siya nito at isinampa sa ibabaw nito. "Don't think about that. Always think positive," wika nito, habang ga-daliri lamang ang pagitan ng mga mukha nila.
Tumango siya. Pagkuwa'y naghinang ang kanilang mga labi. Niyakap siya nito, saka ito gumulong at pumaibabaw sa kanya. Ang kilos ng mga labi nito'y nagiging marubrob at mapaghanap. Kasabay niyon ay humubog ang isang kamay nito sa kanyang dibdib. Umungol siya habang angkin nito ang bibig niya.
Kumapit siya sa likod nito ng mahigpit lalo na nang bumaba ang labi nito sa kanyang leeg-at bumaba pa sa puno ng mayayaman niyang dibdib. Itinaas nito ang laylayan ng kanyang damit hanggang leeg. Pagkuwa'y pinalaya nito ang kanyang dibdib, saka siniil ng halik-halinhinan ang bawat dunggot nito.
"Uhhmmm..." tuloy-tuloy na ang halinghing niya hanggang sa dayuhin na rin ng bibig ng binata ang kanyang kaselanan.
Sandali lang nanalanta ang munting panlasa nito at ilang daliri sa kanyang pagkababae. Ramdam niya ang pananabik nito na maangkin siya. Sapat na para sa kanya ang kahandaan nito. At sa pagdating ng pagkalalaki nito ay lalong humigpit ang kapit ng mga kamay niya sa likod nito, hanggang sa hindi niya nakontrol ang lakas dahilan upang bumaon ang mga kuko niya sa balat nito.
Umangat ng bahagya si Erman upang makapag-ulos nang mabuti. Itinaas nito ang mga paa niya saka dinalasan ang paglabas-masok ng sandata sa kanya. Kumapit na lang siya sa kobrekama, nang pakiramdam niya'y magkalasug-lasog ang katawan niya sa lakas ng pagbayo sa kanyang ng kapareha.
Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na gumanti kay Erman dahil mabilis siyang nakaraos. Masaya na siya kahit isang beses siya hinatid ni Erman sa sukdulan ay napaligaya siya nito, kahit sobrang busy na nito sa pag-aaral.
Tumigil na rin si Erman matapos itong nagbitiw ng orgasmo sa loob ng kanyang sinampupunan. Bumalik ito sa pagkakahiga at 'tulad niya'y pilit ikinakalma ang pangangatal ng katawan dahil sa dindi ng emosyon. May isang minuto din silang tahimik.
Nang mahimasmasan ay umunan ulit si Rena sa matatag na dibdib ni Erman. Niyakap ulit siya nito.
"Next month, thirty-one na ako. Sisiguruhin ko na maikakasal na tayo," sabi ng binata.
Tiningala niya ito. "Paano 'yong sabi mo na halad sa Panginoon ninyo?" tanong niya.
"Kapag nabuntis ka this month, sigurado na ang panalo ko," masayang sabi nito.
"Don't say ang baby natin ang gagawin mong halad?"
"Yes."
Naalarma siya. Kumalas siya sa yakap ni Erman saka umupo. "No!" asik niya.
Umupo si Erman at ginagap ang mga kamay niya. "Let me explain, Rena. Hindi nangangahulugan na papatayin ko ang anak natin para gawing halad. Kapag kompermadong buntis ka, Ang dugo mo ang magsisilbing partial donation, at hindi ang mismong anak natin. At kapag nabasbasan na tayo ng Panginoon, puwede na tayong magpakasal. After na maisilang mo ang baby natin, saka lamang siya kukunan ng kaunting dugo at iyon ang ibibigay sa Panginoon bilang halad. Ganoon ang proseso. Hindi ako ganoon katuso at kasama para ipahamak ka at ang magiging anak natin. This is the only way to win," paliwanag nito.
Mabilis ding kumalma ang tensiyon sa dibdib niya. "Sorry. May tiwala naman ako sa 'yo, Erman," kalmado nang sabi niya.
"Of course you need to trust me. All we need to do was trust each other."
Tumango siya. Pagkuwa'y niyakap siya nito.
ISANG buwan pa ang lmipas.
Patuloy pa rin nakakadama ng nakakabalisang pangitain si Rena, at napapanaginipan pa rin niya ang lalaki na idinidiin niya na si Rios. Lalong sumasama ang hudyat nito habang napapadalas ang pagdanas niya ng morning sickness. Hindi na iyon normal kaya sinabi na niya kay Erman ang mga nararamdaman niya.
Dahil sa excitement ay nagpasya si Erman na ipasuri na siya sa eksperto. At nang malamang positibo siya sa pregnancy test at napatalon sa tuwa si Erman. Dala-dala nito ang result ng test pagdating sa food center kung saan sila nagkita. Saksi ang lahat na estudyante sa resulta, at dinamayan sila sa pagdidiwang. Sunod-sunod na pagbati ang natanggap nila.
Sinugod kaagad sila ni Natalya nang makarating rito ang magandang balita. Kung napaiyak ito sa tuwa, si Erron ay walang reaksiyon. Pero okay lang. Sanay na si Rena sa ugali ng husband to be niya.
"Hindi ako ready magka-apo pero ang sarap sa pakiramdam!" sabi ni Natalya.
Kasalo ni Rena ang mga magulang ni Erman sa iisang mesa at pinagsasaluhan ang mga putaheng nakahain. Katabi niya si Erman, habang kaharap niya ang mga magulang nito.
"You are blessed, Ma," sabi ni Erman.
"At least may apo. Mauunahan n'yo pa kami ng daddy mo," nakangising sabi ng ginang sabay siko sa asawa.
Tiningnan lang ni Erron si Natalya. Parang wala itong pakialam sa nangyayari sa paligid nito. Kailangan niya ng bonggang adjustment para sa daddy ni Erman.
"What about you, Dad, are you happy?" tanong naman ni Erman sa ama.
"I have no choice, nariyan na 'yan," seryosong sagot ni Erman.
Medyo nalungkot roon si Rena.
Nakita niya'ng kinurot ni Natalya ang tagiliran ng asawa. Manhid na rin ata ang asawa nito.
"Kahit kailan talaga kontrabido ka! Sabihin mo na lang na masaya ka, huwag 'yang parang tutol ka! Insecure ka lang sa anak mo dahil hindi ka makabuo!" sita ni Natalya sa asawa.
"Mommy! Huwag naman kayo ganyan kay Daddy! Baka biglang maghanap ng iba 'yan!" saway naman ni Erman sa ina.
"Wala akong pakialam kahit maghanap siya ng iba! Basta siguraduhin lang niya na mapanindigan niya ang gagawin niya!" buwelta ni Natalya.
Hindi na umimik si Erman. Natatawa ito.
"Namumuro ka na sa akin, Natalya. Pasalamat ka, kahit ganyan ka, hindi kita kayang ipagpalit sa iba dahil hanggang ngayon patay pa rin ako sa 'yo. Mahal lang kita kaya hindi kita papatulan," sa wakas ay sabi ni Erron.
"Sus! Matapang ka lang sa kama!" ani Natalya.
"Tumahimik ka na nga! Magigising ang apo natin! Palibhasa magiging lola ka na kaya palaging mainit ulo mo," ganti ni Erman.
"Nako!" Pinisil ni Natalya ang pisngi ni Erron.
Bigla naman itong hinarap ng asawa at siniil ito ng halik sa labi.
Napisil ni Rena ang kamay ni Erman dahil sa hindi maitagong kilig. "Ang sweet nila!" aniya.
"Alin ang sweet d'yan? Ang corney ni Daddy," komento ni Erman.
Pinisil ulit niya ang kamay nito. "Inggit ka lang, eh," tudyo niya.
"Bakit naman ako maiinggit? Mas romantic ako kaysa kay Daddy."
"Sige nga, ipakita mo sa akin ang romantic na sinasabi mo," hamon niya.
"Later, kain muna tayo para may lakas," nakangiting sabi nito.
KINAKABAHAN si Rena sa unang pagkakaton na susuriin ni Dario ang pagbubuntis niya. Siniguro nito na normal ang pagbubuntis niya para tiyak na ligtas ang gagawin nilang pag-aalay ng dugo niya sa Panginoon ng mga dark blood vampire.
Pagkatapos ng positibong pagsusuri ay pinaghandaan naman ni Rena ang surpresa niya para sa kaarawan ni Erman. Humingi siya ng tulong sa mga kababaihan sa academy para maihanda niya nang maayos ang darausan ng munting salu-salo. Nagpaturo din siya sa mahuhusay sa kusina kung paano magluto ng mga paboritong pagkain ni Erman. Sinamantala niya ang pagkakataon na busy sa pagsusulit si Erman.
Inayusan nila ang underground. Kasama niya sina Farah, Romz, Narian at Rebecca sa pag-aayos ng lugar. Nakigulo din sa kanila ang mga kalalakihan, sina Derek, Rafael, Symon at Elias. Gusto niya makitang umiiyak sa tuwa si Erman kapag nakita ang surpresa niya.
Nang maihanda na ang lahat pati pagkain ay naligo na siya. Alas-diyes ng gabi matatapos ang exam ni Erman. Siguradong gutom na 'yon. Nasa loob siya ng banyo. Binalot lang niya ng tuwalya ang hubad niyang katawan. Humarap siya sa salamin at binawasan niya ang kumakapal na niang kilay.
Habang nagbubunot siya ng kilay ay biglang bumukas ang pinto sa likod niya kasabay sa pagihip ng hangin. Wala namang pumasok. Una'y naisip niya na baka si Torn 'yon at nagpaparamdam sa kanya.
"Torn? Are you there?" tanong niya.
Isang minuto na ang nakalipas pero hindi lumitaw si Torn. Mamaya'y biglang sumara ang pinto. Kumislot siya pero hindi siya pumihit sa likuran niya dahil nakikita naman niya ito buhat sa salamin. Makalipas ang ilang sandali ay umihip ang malamyos na hangin sa paligid at biglang pakiramdam niya'y yumayapos sa kanya.
Tumitig siya maigi sa salamin pero hindi ang mukha niya ang tinitingnan niya kundi ang itim na aninong unti-unting tumitingkad-hanggang sa mabuo ang imahe ng lalaking nakaitim. Saka lamang niya nakita at naramdaman na nakayapos sa baywang niya ang mga kamay nito.
"Uhmmm!" gulat na bigkas niya, ngunit hindi naman siya makapalag.
Matalas ang pagkakatitig sa kanya ng lalaki, habang unti-unting sumisikip ang baywang niya sa mga braso nito. Nararamdaman na niya ang pagkirot ng sinampupunan niya.
"Rena!" tinig ni Erman mula sa labas.
Kumurap si Rena. Biglang naglaho ang lalaki at lumuwag ang pakiramdam niya. Nang kinatok ni Erman ang pinto ng banyo ay pumihit siya paharap sa pinto at dagli itong binuksan. Nang makita niya si Erman ay yumakap siya rito ng mahigpit. Napaiyak siya sa sobrang takot.
"Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong nito.
"Nandito siya," sabi niya.
"Sino?"
"S-si Rios..."
Kumalas ito sa kanya at balisang tumitig sa mukha niya. Hinaplos nito ang magkabilang pisngi niya.
"I said, don't mind him! Panaginip lang 'yon!" sabi nito.
"Hindi ako natulog, Erman! At lalong hindi ako nanaginip! Nandito siya kanina, nakita ko sa loob ng banyo!" giit niya.
"Hallucination mo lang 'yon! Imposibleng makapasok rito si Rios!"
"No! Hindi iyon hallucination, Erman! Maniwala ka sa akin!" Inalog niya ang katawan ni Erman.
"Fine! Fine! Stop thinking about him! Magmula bukas pagpasok ko ulit, pasasamahan na kita rito kay Natassa at Syn, para hindi ka nag-iisa. Magbihis ka na," sabi lang nito.
"That was not enough, Erman. Kailangan nating kumilos para mahanap si Rios. He's really here!"
"Okay! Kakausapin ko ang ibang miyembro. Relax ka lang. It's my birth day, let's celebrate. Huwag mo akong pag-aalalahin."
Kumalma siya nang maalala ang inihanda niyang pagkain para kay Erman. Pero baka hindi na niya magagawa ang romantic dinner date na gusto niya. Pinilit niyang makalimutan ang nangyari kanina sa banyo. Kailangan niyang maging matapang at positibo.
Simpleng pink dress lang ang suot niya at nag-make-up ng manipis para mas magiging makabuluhan ang inihanda niyang surpresa. Nilagyan niya ng piring sa mga mata si Erman saka ito inalalayan patungo sa underground, habang nakaalalay din ang ibang kasama niya sa paghanda ng surpresa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top