Chapter Seventeen
"SAAN mo ako dadalhin?" tanong ni Erman, nang pakiramdam niya'y malayo na ang nalakad nila.
"Just keep walking, my dear," sabi ni Rena.
Nang huminto sila ay pinakiramdaman niya ang paligid. Napakatahimik. Kinakabahan siya baka lumabas na sila ng academy.
"What now?" tanong niya.
Naramdaman niya ang pagkalas ni Rena sa piring ng mata niya. Nang makalaya ang mga mata ni ay namamgha siya sa nakikita.
"Happy birthday, Baby!" bati sa kanya ni Rena, na noo'y nakatayo sa harapan niya.
Iginala niya ang pangin sa paligid. Hindi niya alam kung ano ang nakain ni Rena at inayusan nito ng bongga ang underground na para bang may ikakasal. Naka-set ang table na ternong pula ang cover. May nakatulos na malaking kandila sa gitna ng bilog na mesa sa tabi ng sariwang bulaklak na nakatulos sa maliit na flower vase. May mga pagkain ding nakahain sa mesa.
Mamaya'y may narinig siyang romantic instrumental music na hindi niya alam kung saan nakalagay ang stereo.
"Take you're set, my husband to be," sabi ni Rena, at ito pa talaga ang humila ng silya para sa kanya.
"Teka, parang baliktad ata," komento niya.
"This is reality, my, dear. Set ang let's have a dinner first," sabi nito.
Umupo na lang siya. Pagkuwa'y umupo na rin ito sa tapat niya.
"The foods," sabi niya. Presentable ang mga pagkain at paborito niya lahat.
"Yes, I cooked this for you," anito.
"You alone? All of this?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Nagpaturo ako sa ibang babae pero ako talaga ang nagluto lahat. Hueag mo lang laitin ang lasa."
"But impressive. I like you better," nakangiting sabi niya.
"I just want to show you how lucky I am to have you in my life. I never think that I won't give you enough love, 'cause I knew that I already given you my heart. No straggles, no tears, no pain, just love. Gusto kong bumawi sa lahat na kabutihan at sakripisyo mo para sa akin, Erman. There's no enough price for those efforts," masuyong pahayag nito.
Ginagap niya ang kamay nito. Matamang tumitig ito sa kanya. "Bumalik ka sa akin, sapat na 'yong kabayaran, Rena. Everytime that we are together, you don't know how happy I am. Everything seems normal and I can say that only love may exist to this world. Your efforts tonight will be memorable to me, it's made me a real man, a lucky man," ganti niya.
Ngumiti ang dalaga. "I am so excited to marry you, Erman. Sana nga ay mangyari na," anito.
"Malapit na. Malapit ko nang ma-complete ang exam sa final, at next week ay may misyon ako na ibinigay ni Tito Dario."
"Anong misyon?" Bakas sa mukha nito ang pagkabahala.
"Pinapahanap sa akin ang affected ng virus na katawan ng heneral ng hukbong sandatahan."
"E 'di ang hirap no'n!"
"I have a radar, I can search him."
"Bakit kailangang iyon ang gagawin mo?"
"Parte iyon ng misyon, dahil ang heneral ay may posibilidad na makatulong upang mabuo ang formula ng rabia-apocalypse. Ayos kasi sa survivor na anak ng heneral, may matandang doktor na dumakip noon sa tatay niya at kinopya ni Dr. Dreel ang formula ng vaccine na ginawa ng heneral para sa rabbis ng aso. Dating doktor ang heneral kaya marami itong alam sa larangang medikal. Ang sabi kasi ng anak ng heneral ay naka-tattoo sa likod ng heneral ang formula ng anti-rabbis na ginawa nito. Hindi iyon pangkaraniwang anti-rabbis, dahil kaya din niyong patayin ang lahat na uri ng kamandag mula sa mababangis na hayop at poisonous insects," paliwanag niya.
"Kapag ba nagtagumpay ka ay puwede na tayong maikasal?" anito.
"Yes, kasi kasabay niyon ay huling exam na."
Umaliwalas ang mukha ng dalaga.
"So, let's eat!" sabi niya.
Una talaga niyang tinikman ay ang beef steak. Namangha siya. Para sa katulad ni Rena na hindi magaling sa larangan ng pagluluto ay malaking karangalan para sa kanya na maipagluto siya nito ng paborito niyang pagkain. Hindi man ito kasing sarap ng luto ng Tito Serron niya, espisyal naman ito para sa kanya dahil alam niya may kasama iyong pagmamahal.
"Ang sarap!" hatol niya sa steak.
"Talaga? Baka naman inuuto mo lang ako," anito.
"O sige, sabihin na nating hindi siya kasing sarap ng luto ng professional, pero dahil mahal ko ang nagluto, espisyal ito at ito ang pinakamasarap na steak na natikman ko."
Ngumiti ang dalaga. "Tikman mo rin ang tempura," pagkuwa'y sabi nito.
Hindi siya masyadong mahilig sa seafood pero dahil luto ng mahal niya, wala siyang aayawan. Nagustuhan niya ang sweet and sour sauce at ang templa ng breading ng tempura.
"Puwede na tayong magpakasal," sabi niya.
Humagikgik ang dalaga. Kumain na rin ito.
"Sa totoo lang, magmula noong nakilala kita, lahat na mga bagay na hindi ko naranasan noon ay ipinaranas mo sa akin, lalo na ang kalayaan at pagmamahal. Kaya hindi ako magsasawang paulit-ulit na magpapasalamat sa 'yo, Erman," sabi ni Rena makalipas ang kensi segundong katahimikan.
Tinitigan niya ito ng mataman. Natutuwa siya dahil tuluyan nang bumalik ang alaala ni Rena. Naaalala na nito ang nakaraan nito magmula bata ito.
"And I am proud of myself, Rena. Halos iisa tayo ng nararamdaman. Magmula kasi noong nakilala kita ay natutunan kong pahalagahan ang mga simpleng bagay. Dati, okay lang sa akin na balewalain ng iba. Hindi rin naman ako masyadong naging masaya sa pamilya ko dahil wala akong kapatid. Palaging busy ang mga magulang ko. Kaya noong nakadama ako ng atraksiyon sa 'yo, sinabi ko sa sarili ko na bubuo ako ng panibagong mundo sa piling mo, at ang mundong iyon ang pupuno sa kakulangan ko sa buhay," seryosong pahayag niya.
"Pero minsan kitang sinaktan."
"Love has always painful side, we can't avoid it. Sumpa na siguro 'yon. Alam ko 'yon noon pa pero hindi ko inintindi dahil iniisip ko na sa dami ng naisakripisyo ko ay malabong iiwan at sasaktan mo ako, but everything has change, that was reality and a painful part of love. I already think about those consequences before, but I didn't mind because I have a hard feeling that you won't give up anything about us. But it was difficult to accept at first. Sabi nga palagi sa akin ni Torn, always hoping for a positive result but do not expect too much, because expecting too much was the one reason to hurt yourself. And I am agree with that. Isa ako sa nakalimot sa sinabi niya'ng iyon kaya ako nasaktan nang sobra."
"Gusto kong maging masaya ang pagsasama natin, Erman. Hindi man sa normal na pamumuhay, basta malaya at walang kaaway," sabi nito.
"Sisiguraduhin ko 'yan, Rena," pangako niya.
Pagkatapos nilang kumain ay sinabayan nila ng mahinhing sayaw ang musika matapos makapagpahinga ng kalahating oras. Sa loob ng thirty-one years ni Erman sa mundo, ngayon lang siya nagkaroon ng makahulugang kaarawan. Dahil sa mga nagdaang gulo at problema ng bansa ay hindi na niya naaalala ang kaarawan niya. Bata pa lang kasi siya ay namulat na ang isip niya sa digmaan ng lahing kinabibilangan niya.
PAGKALIPAS ng isang linggo ay Iniharap ni Erman si Rena sa kanilang Panginoon habang may piring ang mga mata nito. Sa mansiyon sa CDO ginanap ang retwal at si Dario ang namuno sa ritwal upang tawagin ang Panginoon ng dark blood vampire.
Pinatulog nila ang dalaga at si Zyrus ang kumuha ng dugo mula sa kaliwang braso ni Rena. Ang nakuhang dugo ay ipinatak ni Dario sa ginawa nitong pabilig na apoy. Kailangang lumiyab ang apoy pagpatak ng dugo upang malaman nila kung positibo ang resulta. Ibig sabihin ay katanggap-tanggap sa Panginoon ang kanyang paunang halad.
Nang ipinatak na ni Dario ang dugo sa gitna ng apoy ay hindi ito kaagad lumiyab, pero pagkalipas ng ilang sandali ay biglang tumaas ang apoy at umihip ang malakas na hangin sa loob ng ritual room. Napangiti si Erman. Kasunod ng paghalad ay nag-alay na siya ng taimtim na dasal bilang pasasalamat sa pagbasbas ng Panginoon.
Lalong nagpursige si Erman na maipasa lahat na pagsusulit at misyon para maikasal sila ni Rena sa lalong madaling panahon. Pagkatapos ng pagalay ng paunang halad ay sinimulan naman ni Erman ang misyong ibinigay sa kanya ni Dario.
Nasagap niya ang aura ni Gen. Alivio sa bayan ng Lapu-lapu. Kritikal ang sitwasyon doon dahil halos sinakop na ng mga taong affected ng virus ang lugar. Mabuti na lang at hindi umaalis sa police station ang heneral kung saan marahil ito kinain ng virus. Ang problema niya ay kung paano siya makapasok sa istasyon na hindi nakikipagbuno sa mga halimaw.
Kapag umaga kasi siya susugod ay mahihirapan siyang makuha ang heneral dahil masusunog ito sa araw. Hindi naman daw importanteng madala niya ang katawan ng heneral, basta makopya lang niya ang formula ng vaccine sa likod nito. Mukhang nagugutom na ang mga halimaw dahil hindi na halos makalakad.
Paglapag niya sa entrada ng istasyon ay nabaling sa kanya ang atensiyon ng lahat na halimaw sa gigilid. Habang papalapit ang mga ito sa kanya ay kinagat niya ang kanang braso niya upang lumabas ang dugo niya. Noong bata siya ay nadiskubre niya na nagkakaroon ng sarilng buhay ang dugo niya kapag nakakalabas sa katawan niya at nagagawa niya itong utusan.
Pagpatak ng dugo niya sa lupa ay kumalat ito at gumapang palapit sa mga halimaw. Tumalon siya at lumapag sa likuran ng mga halimaw na isa-isang natutunaw dahil sa pagbalot ng dugo niya sa mga katawan ng mga ito. Pagbukas niya ng pinto ng istasyon ay bumulaga sa kanya ang nag-uumpukang halimaw na may pinapapak na katawan ng lalaki. Malansang hangin ang sumalubong sa kanya.
Nang maramdaman ng mga halimaw ang presensiya niya ay bumaling sa kanya ang atensiyon ng mga ito. Sinuwerte siya dahil isa sa pitong halimaw na pumapapak sa biktima ay si Gen. Alivio. Buo pa ang katawan nito at may laman ng kaunti, pero nahumpak na ang mukha at lubog ang mga mata na pulos puti na lang. Gulanit na ang unpormeng suot nito, pero buo pa ang name tag sa kaliwang dibdib nito.
Nagpalit siya ng anyo at isa-isang pinugutan ng ulo ang mga halimaw gamit ang mahahaba niyang kuko. Nang si Gen. Alivio na lang ang natira ay mabilis siyang bumaling sa likod nito. Hinawakan niya ang tuktok ng ulo nito para hindi ito makagalaw. Pagkuwa'y pinunit niya ang damit nito sa likod. Tumambad sa kanya ang malinaw pang tattoo sa likod nito, na halos sinakop ang kauoan.
Dinukot niya sa bulsa ng pantalon niya ang binigay sa kanya ni Alessandro na solar scanner. Pinindot lang niya ang red button ay lumiwanag ang blogang panel ng device na parang flash light. Ang ilaw na iyon daw ang kokopya sa formula. Awtomatiko na raw magpo-program sa loob ng scanner ang formula. Itinutok lang niya sa likod ng heneral ang ilaw kung saan nasasakop ang kabuoan ng formula. Wala siyang maintindihan dahil pinaghalong litra at numero ang formula. Ang ibang salita at isinulat sa Chinese kaya lalong hindi niya maintindihan.
Kusang namatay ang ilaw. Sign daw iyon na tapos na ang kopyahang nagaganap. Nang matagumpay niyang makopya ang formula ay pinakawalan na niya ang hiniral. Hindi na niya ito sinaktan. Pero ang sabi ni Alessandro, mas maganda pa rin daw na dalhin niya pauwi ang katawan ng heneral, dahil maaring may makopya pa sa memorya nito.
Nakakuha siya ng posas sa istasyon at iyon ang pinanggapos niya sa mga kamay ng heneral. Dinikitan niya ng packaging tape ang bibig nito para hindi makakagat. Pagkatapos ay isinama na niya ito sa paglipad pabalik sa academy.
"Good job!" bati sa kanya ni Alessandro pagdating niya sa laboratory one. Inasikaso kaagad nito ang heneral.
"Hinihintay ka ni Tito Dario sa opisina niya," pagkuwa'y sabi ni Alessandro.
Pinuntahan kaagad niya si Dario sa opisina nito. Naroon din ang daddy niya, sina Leandro, Marcos at Zyrus. Mukhang may pinag-uusapan ang mga ito. Nakaupo ang mga ito sa tapat ng mahabang mesa.
"Take your seat, Erman," sabi sa kanya ni Dario.
Umupo naman siya sa bakanteng silya na nasa kaliwa ng daddy niya. Tiningnan siya ni Erron. "How's you're mission, Son?" tanong nito.
"I made it, Dad," sagot niya.
"Congrats!" nakangiting bati nito sabay tapik sa likod niya.
"Thanks, Dad," nakangiti ring sabi niya.
Pagkuwa'y ibinalik niya ang tingin kay Dario na nagsisimula muling magsalita. Mukhang may kinalaman sa kanya ang paksa kaya siya pinapunta roon.
"Nanggaling ako sa templo ng mga imortal sa Russia noong isang araw at nakausap ko si Steven Scott. Siya na pala ang bagong namumuno roon dahil noong nagdaang taon ay nagpatiwakal ang pinakamatandang caretaker ng templo, na isa sa estudyante ni Draculus. Binuksan ni Steven ang usapin tungkol kay Prince Rios. Sinabi niya na nadadamay ang templo sa mga plano ni Rios. Una, nakuha nito ang isa sa singsing ni Draculus, na nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan. At ayon din sa source ni Steven, narito na raw sa Pilipinas si Rios, para sa paniningil nito," sabi ni Dario. Tumitig ito kay Erman.
Nabuhay bigla ang tensiyon sa dibdib ni Erman. Naisip niya, maaring tama si Rena sa sinasabi nito na naroon lang sa paligid nila si Rios. Hindi niya maitago ang kaba.
"At mukhang ramdam na rin ng buong organisasyon ang presensiya ni Rios, dahil sa paglalabasan ng mga itim na insekto. At natuklasan ko noong huli kong sinuri si Rena, may bakas na ng kamay ni Rios sa katawan niya, ibig sabihin niyon, nagkita na sila, spiritual and physical, pero dahil nasa ilalim ng orasyon ko ang buong academy, hindi niya basta-basta makukuha si Rena, maliban na lang kung lumabas si Rena at doon sila nagkita. Kailangan nating maging alerto, lalo na't hawak ni Rios ang singsing ni Draculus. He can kill anyone of us in just one word," dagdag pa ni Dario.
Lalong tumindi ang tensiyon sa dibdib ni Erman. Paano niya malalabanan si Rios? Ano'ng laban niya sa singsing ni Draculus na kayang pumatay ng anumang nilalang sa pamamagitan ng isang salita? Sa halip na matakot at nag-isip siya ng paraan kung paano manalo.
Pagkatapos ng maikling oras ng pagpupulong ay personal naman niyang kinausap si Dario. Silang dalawa na lang ang naiwan sa loob ng opisina nito. Una'y binati siya nito sa matagumpay niyang misyon.
"Huwag kang matakot kay Rios, Erman. Kung tutuusin, mas malakas ka sa kanya dahil lahat na abilidad at kapangyarihan mo ay natural, hindi katulad sa kanya na nakaw at nilimos niya sa kung sinong diablo ang kapangyarihan niya. Huwag mong kakalimutan na mas malakas ang dugo mo kumpara sa kanya," payo sa kanya ni Dario.
"Salamat po, Tito," aniya.
"Malaking tulong din kung maikasal kayo ni Rena dahil ano man ang mangyari ay mapoprotektahan kayo ng Panginoon laban sa marahas na kamatayan. Magpakatatag ka lang. Bukas na ang final exam mo kaya mag-aral kang mabuti. Kapag naipasa mo na lahat, kailangan mo na lang maipasa ang mga pagsusulit na ibibigay sa 'yo ng Panginoon bago ka mabigyan ng takdang panahon kung kailan ka ikakasal. Pagbutihan mo, bata," nakangiting sabi nito.
Napawi ang pangamba niya. "Hindi ko po kayo bibiguin, tito," aniya.
"Sige na, magpahinga ka na."
Tumayo na siya at nagpaalam rito.
P.kv+
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top