Chapter Nine


NAGKAROON ng pagkakataon si Rena na makausap nang personal si Erron. Hindi siya sigurado kung naging malapit ba siya sa mga magulang ni Erman noon. Pero nararamdaman niya na mabuting nilalang ang tatay ni Erman. Dinala siya ni Erron sa malaking kuwarto kung saan nakalatag ang mga eleganteng kabaong ng mga bampira. Sa henerasyon ngayon, na-adapt na ng mga bampira ang lifestyle ng mga tao kaya iilan na lang ang natutulog sa kabaong.

May iilang bampira na natutulog sa nakahilirang kabaong. Hindi ito literal na kabaong na masyadong malalim ang higaan. Lumapit si Rena sa puting kabaong kung saan nakahiga ang tatay ni Alessandro.

"Bakit po dito natutulog si Dr. Clynes?" tanong niya.

"Dito na siya inabutan ng umaga. Si Zyrus ang bampira na hindi kayang isakripisyo ang nakasanayang pamumuhay. Natutulog siya kasama ang pamilya niya sa bahay pero bihira. Hindi siya basta natutulog sa kama. Isa o dalawang beses lang kasi siya nakakatulog sa isang linggo kaya kailangan sa kabaong siya matulog para mas lumakas siya. Isa sa mga kabaong dito ay puwede mong gamitin. Mas komportable tayong mga bampira matulog sa kabaong kumpara sa kama. Kapag hindi ka nakakatulog sa kama, pumunta ka lang dito. Ang mga day walker vampire lang ang hindi natutulog sa kabaong," paliwanag nito.

Naisip na naman niya si Erman. Nalulungkot pa rin siya dahil hindi pa nanunumbalik lahat na alaala niya.

"Galit po sa akin si Erman. Nagkukuwento po ba siya sa inyo tungkol sa akin?" sabi niya.

"Minsan lang. Madalas kaming nagtatalo ni Erman. Mas malapit siya sa mama niya. Malayong-malayo ang ugali ni Erman sa akin. Nakuha niya ang ugali ng lola niya. Inaamin ko, marami akong pagkukulang kay Erman. Hindi kasi ako katulad ng ibang tatay na malambing sa anak. Pero ma ibang ways ako para ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi kami pinalad ni Natalya na magkaanak ulit. Na-damage kasi ang matres ni Natalya pagkapanganak kay Erman. Actually noong ipnagbubuntis pa lang niya si Erman ay nagkaroon na ng problema dahil sa tangkang pag-alis ng mga masamang bampira sa fetus na nasa sinampupunan ng asawa ko. Mabuti hindi natuloy na malaglag si Erman. Pero nagkaroon ng koplikasyon noong manganak si Natalya dahil active ang dugo ni Erman bilang dark blood vampire. Duting delivery, nag-transform si Erman as vampire at na-damage ng kuko niya ang masisilang organs ni Natalya. Sensitive na ang matres ni Natalya. Hindi na kayang magpalaki ng cells ang bahay-bata. Lumalaki man pero namamatay kaagad. Until we stop doing the process. Masakit para sa akin na hindi mabigyan ang simpleng kahilingan ni Erman. Bata pa lang siya noon ay humihingi na siya ng kapatid. Kaya hindi ko siya masisi kung magtampo siya sa amin. Maraming beses kaming nanlamig sa isa't-isa ng asawa ko. Minsan kasi ay matigas din ang ulo niya. Nagiging paranoid siya. Pero naiintindihan ko. Kahit palagi niya akong sinisisi at inaaway, pinapabayaan ko siya dahil mahal ko siya at hindi ko kayang itapon na lang basta ang pinagsamahan namin. Alang-alang kay Erman, pinakisamahan ko pa rin siya kahit halos ayaw na niya akong makita minsan. Nagrerebelde pa rin siya dahil sa hindi niya ginustong maging bampira. Hanggang ngayon, hinahanp-hanap pa rin niya ang normal na buhay bilang tao."

Kumikirot ang puso ni Rena habang nakikinig sa kuwento ni Erron. May pakiramdam siya na narinig na niya ang kuwentong iyon noon. Kung tutuusin, pareho sila ni Natalya na dating tao. Siguro kung bumalik na lahat na alaala niya ay maghihinayang din siya sa normal na buhay na tinalikuran niya. Pero ginusto niya iyon. Kung mayroon man siyang dapat sisihin, iyon ay ang desisyon niya. Pero base nga sa sinabi ng nakakaalam, tama lang ang ginawa niya para sa kaligtasan niya at sa iba pang maaring mapahamak sakaling nagtagumpay si Rios na makuha siya.

"Pumili ka na ng kabaong mo, Rena. Kapag natulog ka sa kabaong, magkakaroon ka ng buhay na panaginip na may kinalaman sa nakaraan mo. At ang mga pangyayari sa panaginip mo ay maiiwan sa isip mo," sabi ni Erron.

Itinuro niya ang abuhing kabaong na nag-iisa sa sulok ng kuwarto. Pagkuwa'y humiga na siya.

"Gusto mo bang takpan kita?" tanong ni Erron.

"Huwag na po," aniya.

"Maiwan na kita."

Tumango siya. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Magaan ang pakiramdam niya. Hanggang sa unti-unting nabubura ang kasalukuyan sa isip niya.

IMINULAT ni Rena ang kanyang mga mata nang may mainit na bagay na dumampi sa pisngi niya. Bumangon siya nang nakita niya ang mukha ni Erman na sandaling dumukwang sa kanya. Namataan na lang niya ito na humahakbang palapit sa pinto.

"Erman!" tawag niya rito.

Nang humarap ito sa kanya ay hindi mukha ni Erman ang nakita niya kundi mukha ng estrangherong lalaki. Ngumiti lang ito saka tuluyang lumabas. Patakbong sinundan niya ito.

Ngunit paglabas niya ng pinto ay nagulat siya nang mapadpad siya sa maliwanag na gubat na naliligiran ng matatarik na punong kahoy at malalagong halaman. Tanging huni ng mga ibon ang naririnig niya at pagaspas ng hangin sa mga dahon ng halaman.

"Sino ka?" tanong niya sa estrangherong lalaki.

Humarap ulit ito sa kanya. Nagulat siya nang mukha na naman ni Erman ang nakikita niya. "Erman..." bigkas niya.

"I love you, Rena..." wika nito at bigla na lang may tumulos na patalim sa dibdib nito kung saan nakapuwesto ang puso nito.

Napamata siya. Sa likuran ni Erman ay nakatayo ang estrangherong lalaki. Nakangiti ito, habang si Erman ay sumusuka ng dugo.

"Nooooo!" sigaw niya kasabay sa paghampas ng malakas na hangin sa kanyang mukha. Pansamantala siyang nabulag.

Pagmulat ulit ni Rena ng mga mata ay natagpuan niya ang sarili na nakahiga sa kabaong. Sa puntong iyon ay iniisip niya na panaginip lang ang nangyari kanina. Pero pagbangon niya ay namataan niya si Erman na nakatayo sa harap ng pinto at nakatingin sa kanya.

Kung kailan lalapitan na niya ito ay bigla nitong binuksan ang pinto at lumabas. Hinabol niya ito. Paglabas niya ng pinto ay naroon na siya sa isang kuwarto na pulos puti ang paligid. Wala siyang nakikitang anumang bagay. Biglang nawala si Erman.

"Hi, Rena!"

Kumislot siya at dagling pumihit sa kanyang likuran kung saan niya narinig ang boses ng lalaki.

"Ikaw?" aniya. Ang lalaking kaharap niya ay iyon din ang estranghero na nagbigay ng impormasyon tungkol kay Rios. May kasama itong magandang dalagita na suot ay puting bestida.

Sa wakas ay tinanggal ng lalaki ang takip sa ulo nito. Lumadlad ang ga-balikat na buhok nitong aalon-alon. Maputi ito at may berdeng eyeballs. Guwapo at matikas ang lalaki. May hawak itong puting rosas.

"Sino kayo? Ano'ng kailangan n'yo sa akin?" tanong niya.

"Ako po si Angelica," nakangiting pakilala ng dalagita.

Sandali lang niya tinitigan ang dalagita. Pagkuwa'y tumitig siya sa lalaki. Hindi ito nagsalita.

"Siya si Torn, pero white rose ang tawag ko sa kanya," si Angelica na ang nagpakilala sa lalaki.

"Ang weird," natatawang sabi niya.

"Nag-usap na tayo, Rena," sabi ng lalaki.

"Oo, alam ko. Ginawa ko ang suhesyon mo na gawin ang dark reincarnation, pero ang kapalit, hiniwalayan ko si Erman at nagalit siya sa akin," aniya.

"Lahat ng positive at may kaakibat na negative. Hindi ko sinabing kapag ginawa mo ang dark reincarnation ay tatahimik na ang buhay mo at magiging ligtas ka na sa banta ni Princepe Rios. Nanggaling ako sa Templo ng mga imortal sa Russia, at nakilala ko ang pinakabatang experimented vampire na si Steven Scott. We are talking a lot about the issue of Dark Town management. He sent me here as a spy. But I have my own mission need to be accomplished. Steven Scott was the only creature that has ability to control and to copy anything in this world. But he was the dangerous vampire in this generation. I myself was not comfortable with him but I'm still working with him as one of my priority as a unidentified creature. I want to be a part of all organizations but they are warned by the highest leader to not trust any unidentified creatures like me. Alam ni Steven Scott ang tungkol sa plano ni Rios, pero hindi siya nakikialam dahil ika niya'y personal issue iyon. Pero sinabi ko na connected ka na sa Sangre organization kaya naging aware siya. Mahal ni Steven ang bumubuo sa Sangre Organization kaya gusto niyang makialam. At mahal ko rin ang Sangre Organization kaya ako nandito. Hindi naman ako ganoon kasama para pilitin kang umalis sa organisasyon para mai-save ko ang miyembro ng organisasyon na malapit sa puso ko. I don't want to offend you but this is reality. We can't avoid Rios revenge. Hindi papatay ng inosenteng nilalang si Rios kung walang hahadlang sa plano niya. But his plan was already broken. And it is because of your sacrifices. You are brave, Rena. Bihira ang baliw na tao ang isusuko ang mortal na katawan para sa kapakanan ng nakararami. But you did very well, and I am so amazed and impressed. But think about it, you're not yet safe," mahabang pahayag ni Torn.

Bumibilis ang tibok ng puso ni Rena habang inuunawa ang mga sinabi ni Torn.

"I don't know what to do. I'm afraid of losing someone important to me. My mother, I don't have idea if she's still alive. And specially Erman. I have a bad dream about him that there's a man who killed him in front of me. May ideya ka ba tungkol sa panaginip na iyon?" aniya.

"I can see the hint, but I am not sure if it was the exact idea that I have in my mind. Pero ang alam ko lang ay hindi ka pa nagigising, Rena. You're still on second part of your dream. But don't mind about that bad dreams. That was only a bad sign. Pero kailangan mong mag-ingat. Minsan kasi, ang panaginip ay nabubuhay sa ibang bersiyon."

Tumango-tango siya. "Tatandaan ko ang mga sanabi mo," aniya.

Ngumiti ang lalaki. Pagkuwa'y inalok nito sa kanya ang isang tangkay na puting rosas. Nang hahawakan na niya ang bulaklak ay biglang bumuka ang sahig na kinatatayuan niya at bigla siyang bumulusok pailalaim.

"Aaaaaaaah!" sigaw niya.

KINAGAT ni Erman ang kaliwang braso ni Rena. Bigla itong nagising. Hingal na hingal ito. Nagulat siya nang bigla itong yumakap sa kanya.

"Thanks, you're alive," humihibing sabi nito.

Kanina lang ay hirap na hirap siyang gisingin ito kahit anong alog niya sa katawan nito. Dahil nagdeleryo ito kaya kinagat niya. Kapag ganoong nagdedeleryo kasi ang natutulog ay alam niya na may masama itong panaginip. Kamuntik pa silang nag-away ng daddy niya kanina dahil nalaman niya na ito ang nagpatulog kay Rena sa kabaong...

"DAD, bakit mo pinatulog sa kabaong si Rena?!" galit na tanong niya sa kanyang ama nang maabutan niya ito sa clinic kasama ang mommy niya.

"Kailangan niyang matulog sa kabaong para mas maging bukas ang isip niya. Ang sabi ni Zyrus, mahirap ma-recover ang memory ni Rena dahil sa isang tragic past na sumira sa ibang memory sa utak niya. May pinagdadaanang trauma si Rena since bata siya. At baka nakalimutan mo, hindi na tao si Rena," sabi nito.

Lalo siyang nanggalaiti. "But she's still the woman I love!" giit niya.

"Akala ko ba sumuko ka na? Ikaw mismo ang nagsabi na patay na ang babaeng mahal mo."

"Sinabi ko 'yon dahil iyon ang dikta ng isip ko, Dad! Pero ang mga salitang iyon ay hindi idinikta ng isip ko dahil udyok ng puso ko! Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang pakawalan si Rena. Mahal na mahal ko siya, Dad!" emosyunal na pahayag niya.

"Stay away from her, Erman! Papatayin ka ng pagmamahal na sinasabi mo! The woman you love was a dangerous weapon that can kill you anytime now!"

Umangat ang kanang kamay niya at gustong saktan ang daddy niya pero nasalo ng mommy niya ang kanyang galit na kamao. Dumaloy ang luha niya habang nakatitig siya sa mukha ng kanyang ina.

Hinarap ni Natalya ang asawa. "Puwede ba, Erron, layuan mo kami ng anak mo! Sa halip na makatulong ka, lalo mo lang sinasaktan ang anak mo!" asik nito kay Erron.

"You are always my Queen, Natalya. Kailan ba ako nanalo sa 'yo? Pero sana huwag mong kunsintihin ang anak mo. Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Ginagawa ko ito hindi para sa organisasyon kundi para sa pamilya natin. Mahal na mahal ko kayo kaya minsan ay kailangan kong maging sakim sa ibang bagay. In order to protect you and our son, I need to show you my dark side. Kilala mo ako, Natalya, at alam mo kung saan ako nagmula. Kailan ba kita pinahamak? At sino ba ang ama na ayaw lumigaya ang anak? Pero kung ang kaligayahang gusto niya ay alam kong ikapapahamak niya, bakit ko siya kukunsintihin? Kasama ko ang mga eksperto sa lahat ng larangan, kaya alam ko kung ano ang mga tumatakbo sa isip nila. Hindi ako kasing talino nila, pero marunong akong makiramdam sa mga kilos nila. Kung gusto mo ng tahimik na buhay, irespito mo ang mga desisyon ko bilang asawa mo. Hindi naman ako magdedesisyon na ikapapahamak ng pamilya ko," seryosong pahayag ni Erron.

"We already talk about it, Erron. And like I told you, I am always keep this family safe and free, kahit tatatlo lang tayo. Pero sa palagay ko'y dapat nating pag-usapan ang paggigiit mo na layuan ni Erman si Rena. Nagiging masama ang empresyon sa 'yo ng anak mo dahil dito. I know you're a good guy, and I love you," ganti ni Natalya.

Sa puntong iyon ay naiinip na si Erman. Palagi na lang siya naiipit sa ga desisyon ng mga magulang niya. Bumitiw siya sa kamay ng mommy niya saka iniwan ang mga ito. Binalikan niya si Rena. Mahimbing pa rin ang tulog nito sa kabaong. Matapos niyang mabasa ang sulat na binigay sa kanya ng dalaga ay hindi na niya naiisip ang masakit na pakikipaghiwalay nito sa kanya, dahil sa sulat na iyon ay nalaman niya ang dahilan ng dalaga kung bakit nito tinalikuran ang pagiging mortal.

Hinaplos niya ang makinis nitong pisngi. Miss na miss na niya ito. Hindi siya nakatiis, hinalikan niya ang mga labi nito.

"Erman..." bigkas nito habang sakop ng bibig niya ang mga labi nito.

"I love you, Rena..." wika niya pagkatapos ng mapusok na halik.

Tulog pa rin ang dalaga.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: