Chapter Four
ISANG linggo na ang lumipas pero wala pa ring improvement ang pagbabalik ng alaala ni Rena. Nakabase lang siya sa kuwento ng mga kasama niya sa academy. Tao siya dati, at kaya siya naging bampira ay dahil iyon ang gusto niya. Pero ang hindi matanggap ng sistema niya ay ang sinabi ni Alessandro na dumaan siya sa dark reincarnation, kung saan ay namatay siya at pagkalipas ng mahigit isang linggo ay muli siyang nabuhay ngunit sa panibagong nilalang.
Wala pa rin talaga siyang naaalala mabuti tungkol sa nagdaang pangyayari bago siya namatay. May ilang nakaraan siyang naaalala ngunit noong panahon na kasama niya ang kanyang mga magulang.
Kailangan niya ng maraming damit. Paano ba niya makukuha ang mga damit niya kay Erman? Hindi siya pinapansin ng lalaki. Patungo sana siya sa kuwarto ni Erman pero napako ang mga paa niya sa gitna nang pasilyo nang mamataan niya si Erman na lumabas sa kuwarto nito kasama si Janet. Mukhang masaya naman ang lalaki. Si Janet ba ang bago nitong girlfriend?
Dumiretso na lamang siya sa food center. Tahimik na roon. May nag-iisang babae na nakaupo sa tapat ng round table. Nagbabasa ito ng aklat. Bumaling ang tingin nito sa kanya. Nginitian siya nito.
"Halika, Rena, maupo ka rito," tawag nito sa kanya.
Lumapit naman siya rito at umupo sa katapat nitong silya. Inilapag nito sa mesa ang aklat. "Ako nga pala si Natalya, ang mommy ni Erman," pakilala nito.
Bigla siyang nakadama ng hiya rito. Kung may atraso siya kay Erman, baka galit din sa kanya ang mommy nito. Nginitian lang niya ito.
"Don't worry, hindi tayo magkagalit. Alam ko nag-a-adjust ka pa lang. Katulad mo, dati rin akong tao bago naging bampira. Matagal din bago tuluyang bumalik ang alaala ko. Nakalimutan ko rin ang mahal ko sa buhay. Hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero sa kaso mo, siguro mas gugustuhin mong wala ka nang maalala. Nakapag-usap na tayo before, Rena. Tungkol iyon sa mga dahilan mo kung bakit gusto mong maging imortal," kuwento nito.
"Ano pong dahilan?" curious niyang tanong.
"Gusto mong mabura ka sa mundong hindi ka naging malaya. May binaggit ka sa akin tungkol sa papa mo, pero hindi naging maayos ang pagkakakuwento mo kaya hindi ko masyadong naintindihan. Alam kong mahal mo ang anak ko. Hindi rin kita masisi kung mas pinili mong iwan siya."
Nalungkot siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya'y napakasama niyang babae.
"Galit po ba sa akin si Erman?" tanong niya.
"Siguro, pero kilala ko ang anak ko. Hindi siya basta naghinanakit sa mga mahal niya. Minsan lang talaga, narerebelde siya. May mga anak talagag ganun."
"Sorry po."
Hinawakan nito ang kanang braso niya. "Huwag kang mag-sorry, Rena. Hindi kita sinisisi kung nasaktan man ang anak ko. Malaki na siya. Kaya na niyang I-handle ang feelings niya."
"Salamat po."
"Siya nga pala, marami kang gamit sa kuwarto ni Erman sa bahay. Gusto mo bang kunin?" mamaya'y sabi nito.
"Opo! Puwede po ba?"
"Oo naman. Sumama ka na lang sa akin mamaya."
Akala niya kanina masungit si Miss. Natalya. Kinagabihan ay sumama siya kay Natalya sa bahay ng mga ito. Magaan ang loob niya rito.
Gusto niya ang aura ng bahay dahil sobrang tahimik. Naghanda pa ng meryenda si Natalya.
"Nasa second floor ang kuwarto ni Erman. Makikita mo kaagad ang kuwarto niya dahil nakaukit sa pinto ang pangalan niya," sabi ni Natalya.
"Puwede po ba akong pumasok doon kahit wala si Erman?"
"Oo naman. Hindi nagla-lock ng pinto si Erman, kaya puwede kang pumasok. Magmeryenda ka muna."
Nasa sala sila at nagmeryenda ng chicken sandwich. Mamaya'y iniwan na siya ni Natalya. Pumasok ito sa pintong katabi ng kusina. Nang maubos niya ang sandwich ay umakyat na siya sa second floor. Natagpuan kaagad niya ang kuwarto ni Erman. Tama si Natalya, hindi nga naka-lock ang pinto. Pumasok siya.
Makalat ang kuwarto ni Erman. May mga damit na nagkalat sa kama at sahig. Nakabukas ang closet kung saan parang hinalughog ng magnanakaw. Paano kaya niya mahahanap ang mga damit niya sa ganoong kagulong damitan?
Napalingon siya sa direksiyon ng banyo nang makarinig siya ng kaluskos. Kinabahan siya sa isiping may magnanakaw ngang pumasok sa kuwarto ni Erman, o kaya'y halimaw na naghahanap ng makakain. Humakbang siya palapit sa banyo.
Saktong paghinto niya sa tapat ng pinto ay biglang bumukas ang pinto.
"Hump!" halos panabay nilang sabi ni Erman, kasabay sa paglaglag ng tuwalyang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan ng binata.
Nakita niya, nakita niya ang munting alaga ni Erman. Nataranta ang lalaki. Pinulot nito ang nahulog na tuwalya saka tumalikod. Tumalikod din siya. Lihim siyang natawa.
"Hindi ka ba marunong kumatok? At ano ang ginagawa mo rito sa kuwarto ko, ha?" palatak ni Erman.
Nang harapin ulit niya ito ay nakaharap na ito sa kanya. Nakapulupot na ulit ang tuwalya sa ibabang katawan nito. Nanlilisik ang mga mata nito'ng nakatitig sa kanya.
"Sorry, akala ko wala ka," natatawang sabi niya. Hindi kasi mabura sa isip niya ang nangyari kanina.
"Kaya ba basta ka na lang papasok dito? Sino ang nagbigay sa 'yo ng pirmiso para makapasok sa pamamahay namin? Hindi ka na welcome dito!"
Umismid siya. Ganito ba talaga kasungit ang ex-boyfriend niya? "Isinama ako rito ng mommy mo. Kukunin ko lang ang mga gamit ko!" palabang sabi niya.
"Nailigpit ko na ang mga gamit mo! Nailagay ko na lahat sa maleta! Ako na ang magdadala sa academy!"
Nanririndi siya sa lakas ng boses nito. "Puwede ba huwag mo akong sigawan! Naririnig naman kita eh!" inis na sabi niya.
"Lumabas ka na! Magbibihis ako!" anito pero nakasigaw pa rin.
Inirapan niya ito sabay bira ng talikod. Paglabas niya ng kuwarto ay napangiti siya. Napaisip siya, kaya siguro niya nagustuhan noon si Erman dahil sa kasupladuhan nito. Mabilis siyang ma-hook sa lalaking suplado na medyo simpatiko.
NAKADAMA ng guilty si Erman matapos niyang sigawan si Rena. Hindi siya ganoon dati. Ni hindi niya magawang pagalitan ang dalaga kahit pa inis na inis na siya rito. Pagkatapos niyang nagbihis ay sumilip siya sa labas. Wala na roon ang dalaga. Binitbit na niya palabas ang maleta nito. Nailagay na niya roon lahat na gamit ni Rena.
Pagdating niya sa sala ay tahimik. Lumabas siya ng bahay. Maliwanag ang buwan kaya parang umaga lang sa labas. May naririnig siyang ingay buhat sa likod ng bahay. Dumiretso na siya roon. Gumagalaw ang tubig sa pool. Mamaya'y biglang umahon si Rena, suot lamang ay ternong itim na underwear.
Paningin niya'y slow motion ang pag-akyat nito sa hagdan. Biglang sumariwa sa isip niya ang nakaraang naroon silang dalawa sa pool habang inaangkin ang isa't-isa...
NAGULAT si Erman nang biglang sumampa sa kanya si Rena. Naakhilata siya sa gilid ng swimming pool matapos magsawang lumabgoy. Tumutulo ang tubig sa mukha niya mula sa basa nitong buhok.
"I'm hungry, Honey," sabi nito.
"Let's eat?" aniya.
"No, I mean, I'm hungry with your touch."
"Fuck! Kaya ayaw kong nagsosolo tayo rito, eh. May nangyayari talaga!"
Humagikgik ito. Pagkuwa'y pinaghinang nito ang mga labi nila. Ito talaga ang kahinaan niya. Humihimas ang mga kamay nito sa kanyang dibdib. Dumako naman ang mga kamay niya sa likod nito. Binaklas niya ang bra nito saka ito tuluyang hinubad. Nag-init siya nang husto dahil sa pangahas nitong halik. Iyon ang pangalawang love making nila pag nagkataon. Kasalanan niya kng bakit ito naging wild, dahil sa magandang first experience nito sa kanya. Ganoon talaga ang gusto niya, ang mabigyan ng perpektong sex experiences ang babaing mahal niya.
"Uhhhmmm..." Dumaing siya nang punuin nito ng halik ang kanyang dibdib.
Hinubog niya ang malulusog nitong dibdib. Binalikan ulit nito ang labi niya, mas pagahas at mas mapaghanap. Gusto niyang magpalit ng anyo bilang bampira para mas ma-enjoy niya ang halik na iyon. Pero dinaig nito ang likot ng dila niya. Nagsalo sa mahalay na halik ang mga panlasa nila.
Pero hindi siya roon nasabik, kundi sa kamay nitong pumaloob sa kanyang underwear. Nasabi niya sa sarili... "Papakasalan ko ang babaeng ito dahil mahal ko siya hindi dahil napupunan niya ang pangangailangan ko pisikal."
"Ooohh...shit!" daing niya nang para bang gusto nang wasakin ng kamay ni Rena ang kanyang pagkalalaki.
Umupo ito sa puson niya, habang sumasayaw. Ibinalik niya ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. Alam niya, gustong-gusto nito iyon. Hinampas ng basang buhok nito ang mukha niya. Napapikit siya.
"Sadista ka, ah!" sigaw niya.
Humagikgik lang ito. Pagkuwa'y muling inalipin ng kamay nito ang sandata niya. "Yeah..." sabi niya, habang pinapanood niya ang dalaga.
Isinubsob nito ang mukha sa pagitan ng kanyang mga hita. Napamura siya nang sakmalin nito ang alaga niya. Nanigas ang katawan niya. Nag-uumapaw na ang kahandaan niya. Napa-practice ata ang girlfriend niya para maging bampira. Pero iba ang sinisipsip nito, hindi dugo sa leeg ng biktima. Kawawa naman ang alaga niya, walang kalaban-laban.
"Keep doing that, honey! Ohhh...it's pretty good!" nahihibang nang utos niya rito.
Makalipas ang ilang sandali ay walang hasinya-senyales na inangkin siya ni Rena. Ito pa talaga ang matapang na isagad siya sa kaibutauran nito, paghkatapos ay magsisigaw.
"Huwag mo akong e-small-in, honey! Habang tumatagal, lalo akong lumalaki!" nakangiting sabi niya.
"Shut up, asshole! Kasalanan mo kung bakit ako nahibang nang ganito! Magmula sa tunnel, palagi mo na akong binibitin!" panunumbat nito, habang pabilis nang pabilis ang pag-aangat-ibaba sa ibabaw ng kanyang mga hita.
Tumawa siya. Alam niya malapit na itong matapos. Hinihintay lang niya ang sigaw nito. Mamaya'y biglang umunat ang katawan nito, bilang hudyat na nakarating na ito sa tugatog. Hinila niya ito saka siya naman ang pumaibabaw rito. Itinuloy niya ang kalbaryo ng kanilang mga katawan. Makalipas ang walang espasyo niyang pag-ulos ay tuluyan siyang nakarating sa finish line.
"Oohhhh...!" sigaw niya.
NAKAGAT ni Erman ang ibabang labi niya. Doon niya naramdaman ang pagkabuhay ng pagkalalaki niya, matapos sariwain ang nakaraan.
Memories. Damn memories! Sabi ng isip niya.
Gustuhin man niyang maulit ang nangyari ngunit hindi na maari. Wala na ng babaeng mahal niya.
"Oh, Erman! Kanina ka pa ba diyan?"
Nagulat siya nang mamataan si Rena na nakatayo sa harapan niya. Hindi sa mukha ang unang sulyap niya, kundi sa maganda nitong katawan. Umiling siya. Hindi katawan ang minahal niya kay Rena.
"No. Kararating ko lang," pagsisinungaling niya.
"Anyway, puwede ko bang mahiram ang towel mo? At baka may underwear ako diyan, pahiram naman," demanding na utos nito.
Kumunot ang noo niya. Kung sa bagay, sanay na siya na inuutos-utusan nito. Bumalik siya sa kuwarto niya at kumuha ng tuyong towel. Binuksan ulit niya ang maleta nito para kumuha ng underwear.
"Bakit ko ba ginagawa ito? Tapos na kami," sabi niya matapos maiabot kay Rena ang mga kailangan nito.
Pinagmamasdan lang niya ang dalaga habang nagbibihis sa harapan niya. Nakatalkod ito, habang nagtatago sa tuwalya.
"Bakit hindi mo gamitin ang banyo?" tanong niya rito.
"Huwag na, sandali lang naman ito," anito.
Aalis na sana siya. "Erman?" tawag nito.
Hinarap niya ulit ito. Underwear pa lang ang naisusuot nito. "Bakit?" aniya.
"Kung may nagawa man akong kasalanan sa 'yo, sorry," seryosong wika nito.
Kumirot ang puso niya. Effective ang sunog na talulot ng rosas dahil hindi na siya masyadong nahihirapan. Pero sadyang masakit pa rin lalo na't kaharap ulit niya si Rena.
"Kapag bumalik lahat ng alaala mo, malalaman mo kung ano ba takaga ang kasalanan mo sa akin. Pero nakikiusap ako, huwag mo na akong paasahin. Lalo lang akong nasasaktan, Rena," pigil ang emosyon na pahayag niya.
Humakbang ito palapit sa kanya. Hinayaan niyang ipulupot nito ang mga kamay sa leeg niya. "Pero nararamdaman kong espisyal ka sa akin, Erman," anito.
"Siyempre dahil may nakaraan tayo."
"Ikaw ba ang lalaking una kong minahal, ha?" tanong nito.
"Iyon ang sinabi mo sa akin noon. Pinatunayan mo 'yon sa akin dahil sa akin mo lang ibinigay ang importanteng parte ng pagkababae mo. Ipinagmamalaki ko 'yon. But it's so unfair na hindi ako ang magmamay-ari sa iyo habang-buhay. Huwag na nating ipilit ulitin ang tapos nang nakaraan."
Tiningnan lang niya ang luhang gumuguhit sa makikiis nitong pisngi. Alam niya ang luhang iyon ay udyok ng puso nito. Wala siyang puwang sa isip nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para hindi na niya mabasa kung ano pa ang sinasabi ng isip nito.
Naramdaman niya ang mainit nitong labi na humahalik sa kanyang labi. Hindi siya tumugon, sa halip ay sapilitan niyang inalis ang kamay nito sa batok niya. Lumayo siya rito.
"Nasa sala ang maleta mo," sabi niya. Tinalikura niya ito. Pero muli niya itong nilingon dahil may gusto siyang sabihin.
"You choose this. The woman I loved was already dead. She's gone after the dark reincarnation. You are only her replication. I'm setting you free, Rena. You can do anything you want now. Hindi na ako makikialam sa mga desisyon mo," iyon lang at tuluyan niya itong iniwan.
i
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top