Chapter Eleven (SPG)


HINDI makatingin ng diretso si Rena sa mga mata ni Erman. Nahihiya siya matapos nitong ikuwento kung paano siya nagtapat ng damdamin niya para rito. Parang ayaw niya itong paniwalaan.

"Baka hindi naman talaga ganoon ang ginawa ko, Erman. Parang ang OA ko."

"OA ka naman talaga. Pero ang cute mo kapag nagdadrama ka. Pero siyempre hindi ka maniniwala dahil kuwento ko lang 'yon. Pero iyon talaga ang totoong nangyari. Pagkatapos noong nangyari sa yate, ang smooth na ng pagsasama natin. Kahit napakasalahe ni Derek, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil nakatulong kahit papano ang kalokohan niya para malaman kong mahal mo rin ako," sabi nito.

"Salamat, Erman. Salamat din sa cashew nuts."

"Ah, speaking of cashew nuts, may nakuha akong marami niyon sa isang grocery sa Maynila. Hiniram nga ni Sandro ang isa para daw ibigay sa 'yo."

"Puwedeng pahingi?"

"Ano ka ba? Para naman talaga sa 'yo ang mga 'yon." Tumayo si Erman.

Sumunod siya rito hanggang sa kuwarto nito. Napangiti siya nang makita ang isang malaking kahon na puro nakaplastic bottle na cashew nuts. Imported pa ang iba. Namili na siya ng isa na uunahin niyang kainin. Umupo siya sa kama ni Erman at doon binuksan ang isang bote at pinapak ang nuts.

Tumigil siya sa pagsubo nang makita niya si Erman na naghuhubad ng damit. Biglang uminit ang pakiramdam niya habang nakatitig siya sa maskuladong katawan ng binata. Naghubad na rin ito ng pantalon.

"I'll take a bat," sabi nito saka hinablot ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto at ipinulupot sa ibabang bahagi ng katawan nito.

Tumango lang siya. Nagpatuloy siya sa pagsubo ng cashew nuts.

Nakalahati na niya ang laman ng bote nang lumabas ng banyo si Erman. Basa na ang buhok nito. Nalalanghap niya ang mabangong sabon na ginamit nito. Sinundan niya ng tingin ang binata hanggang sa huminto ito sa tapat ng malaking closet nito. Tumapat ito sa malaking salamin.

"Ang bango mo, babe," sabi niya rito.

Awtomatikong humarap sa kanya si Erman. Nakangiti ito. "Baka gusto mo ring maligo," anito.

"Hm?" tumikwas ang isang kilay niya.

Inilapag niya sa ibabaw ng misa ang bote ng cashew nuts saka niya binalikan ng tingin si Erman. Kumislot siya nang masipat niya ang imahe ng isang lalaki sa likod ni Erman buhat sa salamin. Nakaharap sa salamin si Erman habang nagsusuklay ng buhok. Kumurap-kurap siya. Biglang nawala ang lalaki.

Baka nagmalik-mata lang siya. Tumayo siya at pumasok sa banyo. Binuksan niya ang shower habang isa-isa niyang hinuhubad ang saplot niya sa katawan. Pagkuwa'y itinapat niya sa tumatagistis na tubig ang kanyang ulo. Mabilis ding nabasa ang buong katawan niya.

Sa kanyang harapan ay may malaking salamin. Dinampot niya ang sabon at mahinhing ihinagod sa kanyang katawan, lalong-lalo na sa kanyang dibdib. Pumikit siya. Habang lumilipas ang sandali ay nararamdaman niya na parang hindi na niya kamay ang humahagod sa katawan niya. Unti-unti ay inaalipin ng bayolenteng init ang kanyang buong sistema.

"Hmmmm..." umungol siya.

May naririnig siyang boses ng lalaki na bumubulong sa tainga niya pero hindi niya maintindihan ang sinasabi. Dumilat siya ng mga mata nang makaamoy siya ng malansang dugo. Pagtingin niya sa kanyang kamay ay binabalot ito ng dugo. Hinarap niya ang kanyang sarili sa salamin. Doon niya nalaman na hindi tubig ang lumalabas sa shower kundi dugo. Pero hindi siya nakadama ng takot, sa halip ay humihilab ang sikmura niya. Naroon pa rin sa sistema niya ang init. Kumurap-kurap siya. Biglang naglaho ang dugo. Pinihit niya pasara ang shower.

Pinatuyo lang niya ng hinubad na damit ang katawan niya saka binalot niyon ang basa niyang buhok. Wala kasi siyang nakitang tuwalya. Paglabas niya ng banyo ay namataan niya si Erman na nakatayo pa rin sa harapan ng salamin. Hubo't hubad na ito. Sumigla ang init na naroon pa rin sa kaibuturan niya. Maganda ang katawan ni Erman, maskulado at malalaki ang muscles.

Inalis niya ang damit na nakapulupot sa buhok niya saka inihagis sa silya. Pagkuwa'y humakbang siya palapit kay Erman. Niyakap niya ito mula sa likuran. Bigla itong humarap. Ginagap niya ang mga kamay nito saka inilapat sa kanyang mayayamang dibdib. Nang hubugin ng mga kamay nito ang kanyang dibdib ay binitawan na niya ang mga iyon. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at inilingkis sa leeg nito. Sumampa siya rito. Ipinulupot niya ang mga paa sa katawan nito.

Naglakad si Erman hanggang sa lumuklok ito sa kama. Tinulak niya ito pahiga sa kama. Pagkuwa'y siniil niya ng halik ang mga labi nito. Dumapo ang mga kamay nito sa kanyang baywang. Hinatak ito pataas ang katawan niya hanggang sa tumapat ang dibdib niya sa mukha nito.

"Uhmmmmm..." umungol siya nang nilalasap ng mainit nitong bibig ang kanyang dunggot. Umigtad siya.

Tumagal ito sa kanyang dibdib hanggang sa itaas pa nito ang katawan niya. Sumalampak siya sa mukha nito. Pag-angat nito sa kanya at itinukod niya ang mga tuhod sa magkabilang gilid ng ulo nito.

"Shit!" Hinablot niya ang kumot nang manalanta ang malikot na panlasa nito sa kanyang kaselanan, katuwang ang ilang daliri nito.

Wala siyang laban sa ganoong estilo. Para siyang idinadarang sa naglalagablab na apoy habang patuloy na hinahagilap ang katinuan ng kanyang isip. Hindi pa niya naaalala ang parteng iyon ng pagkalalaki ni Erman, pero nagulat siya sa ginagawa nito sa kanya. Napakasarap nitong magmahal. Tipong paliligayahin ang buong katawan at kaluluwa niya.

Isang minuto mahigit siyang naghahabol ng hininga dahil sa nakakahibang na sensasyong dulot ng panlasa at kamay ng binata sa kanyang kaibuturan. Nanlalambot siya at parang nakalutang lang siya sa hangin. Nang matapos ito ay doon lang siya nakadama ng matinding pangangatog. Bumalik siya sa kandungan nito. Lumuklok siya sa nakausling sandata ni Erman, pero hinawakan muna niya iyon at minasahe. Kailangan din nito ng mas mainit na masahe.

Lumuhod siya sa sahig, sa harapan ng binata at sinimulang hagurin ng sabik niyang panlasa ang puno't dulo ng pagkalalaki nito. Nang marinig niya ang halinghing nito ay lalo siyang nagpursige at hinusayan ang ginagawa.

"Aaaahh..." Kumapit ang isang kamay nito sa likod ng ulo niya. Isinubsob pa nito ang mukha niya sa kandungan nito.

Hindi siya makahinga. Iniangat niya ang kanyang ulo at dinalasan na lang ang paglabas-masok ng alaga nito sa kanyang lalamunan. Hinihintay niya ang sign nito kung dapat na ba siyang tumigil, pero naaliw pa ito. Nang ito na ang nag-angat ng ulo niya ay saka lamang siya tumigil. Hinila siya nito. Pumangko ulit siya sa mga hita nito. At sa pagkakataong iyon ay inangkin na siya nito.

Sinimulan naman kaagad niya ang pag-iindayog, walang humapay, walang patalastas hanggang sa makalimutan niya ang kasalukuyan.

"Oooohhh... Aaahhhh..." walang tigil na daing ni Erman. Hindi niya alam kung sino sa kanila ang higit na maingay.

Abot kamay niya ang bote ng cashew. Pero naunahan siya ni Erman na dumakot ng nuts. Isinubo nito sa kanya ang tatlong nuts kasama ang tatlong daliri nito. Bumabagal ang pagkilos niya. Pero dahil sa pagpalo ng palad nito sa pang-upo niya'y nabuhay na muli ang lakas niya.

"Come on! Come for me, baby!" hiling nito, habang sinasabayan ang indayog niya.

Sinasalo ng bibig nito ang tumatalbog niyang dibdib. "Aaaahhh... Uhhmmmm..." dumalas ang ungol niya at lumakas pa nang sa pakiramdam niya'y nalalapit na siya sa tugatog.

At sa pagsusumikap ng kanyang katawan ay hindi niya napaghandaan ang pagsalubong ng sarili niyang orgasmo. Napasigaw siya habang tinatamasa ang walang kasing sarap na resulta ng kanyang pagpupursige. Pero hindi pa doon natatapos ang kalbaryo ng kanyang katawan dahil muling binuhay ni Erman ang kanyang pagnanasa nang ito naman ang pumaibabaw sa kanya.

Lalo niya iyong kinasabikan. Mas mabilis at malakas si Erman. Lalo siyang nasasabik nang ibahin nito ang kanilang posisyon. Challenging ang pag-atake nito mula sa kanyang likuran habang siya'y nakadama sa kama. Wala siyang ibang kinakapitan kundi ang kubrekama. Naramdaman niya ang pagdoble ng lakas ni Erman, na alam niyang hindi normal nitong katawan angumaangkin sa kanya.

Nang ihiga siya nito muli ay nasaksihan niya ang pagpapalit ng anyo ni Erman. At sa patuloy na pag-angkin nito sa kanya ay muli siyang inalipin ng bayolenteng init.

"What a hot vampire, huh?" nakangiting sabi niya rito.

Nakadukwang ito sa kanya, habang ang ibabang-bahagi ng katawan nito ay walang tigil ang pag-ulos sa kanya. Nakaangat ang mga paa niya. Saka niya ipinulupot ang mga iyon sa likod nito. Naglalabasan ang malalaking ugat sa noo at pisngi ni Erman. Namumula ang mga mata nito.

"Kailangan ko ang dark side ko para mas mapaligaya ka, Rena. Alam kong kakayanin mo ang lakas ko," sabi nito sa kabila ng pag-ulos.

"Kayang-kaya kita, Erman, pero ang kama mukhang bibigay na," biro niya.

"Never mind. Let's reach the top together!" sabi nito.

Hindi siya naka-oo dahil pagkasabi nito niyon ay naroon na siya sa taas.

"I'm sorry," sabi niya.

"Ganyan ka naman, eh, palagi mo akong iniiwan," may tampong sabi nito.

Pagkatapos ng walang humpay na pag-ulos nito sa kanya ay nagbitiw ito ng malakas na sigaw. Nanatili ito sa loob niya hanggang sa kumalma ang pangangatal ng katawan nito. Yumakap ito sa kanya at sandaling pinaghinang ang kanilang mga labi.

"I wish to have a another round after an hour," sabi nito.

"As you wish. I want some nuts," aniya.

"Oh, thanks." Bumangon si Erman at dinampot ang bote ng cashew nuts.

Pagkuwa'y humiga ulit ito sa tabi niya. Umunan naman siya sa dibdib nito habang sinusubuan siya ng nuts.

NAGISING si Rena dahil sa mainit na hanging humampas sa mukha niya. Pagtingin niya sa kanyang tabi ay wala na si Erman. Madilim ang buong kuwarto pero nakikita niya ang mga bagay sa paligid. Bumangon siya at binalot ng kumot ang hubad niyang katawan. Hinagilap niya ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Pero pagpindot niya sa switch ay hindi pa rin umilaw.

Gumana ang night vision niya. Naghagilap siya ng maisusuot na damit sa damitan ni Erman. Sinuot niya na pabaliktad ang brief nito. Hindi na siya nagsuot ng pants. Mahaba naman sa kanya ang t-shirt ni Erman hanggang kalahati ng hita.

Lumabas siya. Madilim pa rin sa pasilyo kung hindi niya gagamitin ang night vision. Pero kakaibang liwanag ang nakikita niya. Mamula-mula ang paningin niya sa paligid. Pagdating niya sa dulo ng pasilyo kung saan may hagdan pababa ay bigla siyang huminto. May narinig kasi siyang pagaspas ng hangin sa 'di kalayuan.

Rena...Rena...

Kumislot siya nang marinig ang kanyang pangalan sa ilalim ng paos na tinig ng isang lalaki. Domudoble ang pandinig niya sa boses ng lalaki. Iginala niya ang paningin niya sa paligid. Pagtingin niya sa direksiyon ng malaking bintana sa mataas na bahagi ng gusali ay may malaking itim na ibon na lumilipad. Mamaya'y bigla siya nitong inatake.

"Hump!" Napaupo siya sa sahig. Biglang nawala ang ibon matapos siyang kampasin ng pagpak nito sa mukha.

Makirot ang kaliwang bahagi ng pisngi niya. Nang kapain niya'y may nakapa siyang likido. Dumugo ang sugat na iniwan roon ng ibon. Tumayo siya at bumaba ng hagdan. Madilim pa rin sa buong bulwagan. Dinala siya ng mga paa niya sa food center. Maliwanag na doon dahil may ilang kandila na nakatirik. Pero wala siyang makitang tao.

Kumislot siya nang may kamay na humawak sa balikat niya. Pagpihit niya sa kanyang likuran ay namataan niya roon si Erron, ang daddy ni Erman. Dumistansiya siya rito.

"Kayo po pala," wika niya. May naiwan pa rin kaba sa puso niya.

"How are you?" seryosong tanong nito.

"Okay lang po."

"Nawalan tayo ng supply ng kuryente dahil may sumira sa power plan na naka-konekta sa iba't-ibang water falls. Sinusubukan naming gamitin ang solar panel pero limited area lang ang nasu-supply-an ng kuryente dahil ilang araw na makulimlim at hindi nakapagkarga ng maraming enerheya ang battery. Hindi rin kaya ng hangin mag-supply ng kuryente dahil maalinsangan ngayon at halos kapos ang hangin," sabi nito.

"Kaya po pala madilim. Ahm, nakita n'yo ho ba si Erman?" pagkuwa'y tanong niya.

"Lumabas siya kasama ang ibang grupo para matukoy kung sino ang lapastangang sumabutahe ng kuryente. May ilang security kasi na nakakita sa mga malalaking ibong itim na umaaligid rito sa academy. Kaya hinihigpitan namin ang seguredad at hindi kami nagpapalabas ng tao."

Naalala niya ang ibong umatake sa kanya kanina. "Bakit po may mga ibon?"

"Maaring pinadala sila ng mga kalaban para magmatyag sa atin. Pero hindi gumagamit ng ibon ang mga black ribbon soldier kung aatake sila. Isa pa, hindi sapat ang puwersa nila para lumusob basta rito. Mga dayo ang ibon, ibig sabihin, nagmula sila sa ibang bansa. Maaring may hinahanap silang nilalang rito."

Kinakabahan siya. Para siyang pinapaso nang mapansin ang mapanhusgang titig ni Erron sa kanya. Dahil sa mga sinabi ni Erman tungkol sa daddy nito, natatakot na siyang dumikit sa daddy nito, dahil alam na niya na tutol pa rin hanggang ngayon si Erron na magpatuloy ang relasyon nila ni Erman.

"Rena," sambit ni Erron.

Ibinalik niya ang tingin rito. Pero nanatili siyang tahimik.

"Hindi ko na kayang kontrolin si Erman. Ipinipilit pa rin niya ang gusto niya. I'm sorry but I want you to stay way from him. Ikaw na lang ang lumayo sa kanya. Ang panaginip mo oong natulog ka sa ataol, totoo lahat na iyon, at mangyayari sa kasalukuyan kung hindi mo lalayuan si Erman. Nagawa mo na ang parte mo, and we are thankful that you save others from Rios plan. Pero hindi doon natatapos ang lahat. Hanggat narito ka sa puder namin ay inilalagay mo pa rin sa mapanganib na sitwasyon ang buong grupo, lalong-lalo na ang anak ko. Hindi kami ang organisasyon na sumasali sa digmaan. Sinusupil lang namin ang mga masasamang bampira na sinasakop ang malilit na bayan. Kung matimbrihan ni Rios na hawak ka namin, mapipilitan kaming tanggapin ang nakatakdang digmaan at hindi maiwasang may buhay na mawawala sa amin. Ilang beses ko na itong pinaliwanag kay Erman pero ayaw niyang makinig sa akin. Kaya ikaw na lang ang kumilos."

Napaluha si Rena dahil sa sinabi ni Erron. Alam niya 'yon, pero katulad ni Erman, matigas din ang ulo niya.

"Hindi ko po kayang iwan si Erman. Kapag lumabas ako dito sa lugar ninyo, hindi ako sigurado kung mabubuhay pa ako. Kayo na lang po ang pamilya ko." Nasasaktan siya sa isiping baka pipilitin siya ni Erron na umalis.

"Ayaw kong maging masama sa paningin mo. Ayaw ko ring makitang nasasaktan ang anak ko. Pero higit na ayaw kong makitang bangkay na lang ang anak ko. Ang mas masaklap doon, kadugo ko at ni Erman si Rios. Wala kaming sigalot sa isa't-isa, dahil pareho kaming nagparaya sa desisyon ng tatay namin. Sa totoo lang, target ko na pasukin ang pangkat ni Rios, dahil umaasa ako na makakatulong siya sa organisasyon namin. Pero oras na malaman niya na kasabwat kami sa pagtatago sa 'yo, doon na tuluyang masisira ang relasyon ko sa kapatid ko. Nanumpa na ako sa panginoon namin na hindi na ako papatay ng kadugo ko. Kung tutuuusin, kaya kong patayin si Rios, pero baka iiwan na ako ng asawa ko kapag nalaman niya na may pinatay na naman ako na kaanak. Ang giyera na tinutukoy ko ay hindi lang sa pagitan ng dalawang grupo, kundi sa pagitan ng iisang lahi. Then, kung ipagpipilitan ninyo ni Erman ang gusto ninyo, magpakasal kayo sa retwal na paraan."

"Ho?" Napanganga siya.

"Kapag nagpakasal ka kay Erman, at nagkaanak kayo, mas malakas ang laban ninyo kontra sa sumpa ni Rios. Pero hindi madali 'yon. Bihira sa mga bampira ang nagpapakasal sa retwal na paraan, dahil palagi itong may kapalit. At hindi rin papayag ang Panginoon namin na ikasal kayo gayong engaged ka sa ibang bampira, at kadugo pa ni Erman. Maraming batas na sinusunod ang Panginoon namin pagdating sa pagkasal sa magkapareha. Una; kailangan nakapasa na si Erman sa mga examination na kailangang ipasa ng isang bampira na kabilang sa maharlika. Pangalawa; nasa hustong gulang na dapat si Erman. Thirty one years old ang pinakabatang tinatanggap sa mga nagpapakasal. At pangatlo; kailangan maipasa rin ni Erman ang pagsubok na binibigay lamang ng aming Panginoon. Take note, si Dario pa lang ang maharlikang bampira na ipinasa lahat na requirements sa pagpapakasal, kaya siya lang ang ikinasal talaga sa batas ng mga bampira. Thirty years old pa lang si Erman, at binalewala niya ang mga examinations na binigay sa kanya ni Dario. Kung makulit kayong dalawa, pag-usapan na ninyo ang pagpapakasal at pag-anak. Kasi kapag nabasbasan kayo ng Panginoon namin, magkakaroon kayo ng proteksiyon mula sa kanya kotra sa anumang banta ng ibang nilalang. Kasi kung kami lang na pamilya niya, wala kaming kakayanan na bigyan kayo ng wastong proteksiyon dahil pisikal na lakas lang ang kaya naming iambag."

Napaisip si Rena. Kung iyon ang kailangang gawin, dapat ay himukin na iya si Erman na mag-aral mabuti para maipasa nito ang kung anong examinations. Kahit papano'y naibsan ang pangamba niya. Horror kasi kung magsalita si Erron, para bang katapusan na ng mundo eh may iba pa palang option.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: