Chapter 4
HINDI na natahimik si Janet buhat sa magkasunod na gabing inuusig siya ng alaala ni Luke. Madalas niya itong napapanaginipan at minsan pa'y wari nakikita niya ito, lalo na kapag nag-iisa siya. Para makaiwas sa hindi normal na mga naiisip niya ay nakisalamuha siya sa grupo ng kababaihan roon sa academy. Madalas kasi ay naroon lang siya sa pabrika at nagpapakaabala sa trabaho.
Pumasok siya sa suite ng mga babae. Malawak ang kuwarto na may division para sa silid tulugan. May sarili din itong lobby at banyo. Nadatnan niya sa mini sala set ang grupo nila, Charie, Zyjara, Narian, Rena at Rebbeca. Puro lalaki ang paksa ng mga ito. Bihira siya nakikisalamuha sa mga ito dahil palagi siyang naa-out of place. Pakiramdam niya'y hindi siya nababagay sa grupo.
"Oh, Janet, halika nga dito!" tawag sa kanya ni Rebecca.
"Bakit ang lungkot mo?" kaswal na tanong sa kanya ni Rena. Si Rena ang ex-girlfriend ni Erman, na umanoy mas pinili ang maging bampira.
Naikuwento sa kanya ni Erman na hindi ito pabor sa kagustuhan ni Rena, na maging bampira. Noong pinapili nito ang dalaga ay mas pinili ni Rena ang kagustuhan kaysa sa pagmamahal ni Erman. Kahit nanliligaw sa kanya si Erman ay ramdam pa rin niya na mahal pa rin nito si Rena, dahil hanggang ngayon ay hindi nito kinikibo ang babae.
Si Zyjara at Narian naman ay magpinsang buo na dating naglilingkod sa batas bilang pulis, pero dahil hindi na umuubra ang hukbong sandatahan sa mga bampira at virus ay mas pinili ng mga ito na makiisa sa sangre organization. Masaya ang mga ito sa piniling buhay, hindi katulad niya na ibinabaon pa rin ang sarili sa kinamulatang pamumuhay.
Kahit naiilang ay nakihalubilo siya sa mga ito. Umupo siya sa tabi ni Rena, na may hinihigop na blood juice. Nang alukin siya ni Rena ng mixed nuts ay mariin niya itong tinanggihan.
"Napansin ko na ilag ka pa rin sa amin. Hindi ka pa rin ba naka-move on sa nangyari sa buhay mo, Janet?" mamaya'y sabi ni Rena.
Bumuntong-hininga siya. "Nakapag-move on na ako," aniya.
"Oh, eh bakit parang namatayan ka pa rin?"
"Nami-miss ko lang ang dati kong buhay."
"Come on. Tanggapin na natin na hindi na maibabalik ang normal na pamumuhay ng mga tao."
"Hindi ganoon kadaling talikuran ang buhay kung saan ka namulat. Siguro para sa iyo ay okay lang. Pero magkaiba tayo ng sitwasyon. Almost perfect ang buhay na pinaggalingan ko. Nawala iyon sa akin sa masaklap na paraan. Namatay ang mga magulang ko dahil sa virus. Lahat na mahal ko sa buhay ay nawala na walang kalaban-laban," madamdaming pahayag niya.
Hindi kaagad nakaimik si Rena. Suminsim ito ng blood juice. "Yeah, you're right. We come from a deferent situation. I choose to stay alone without turning the past, 'cause I don't have a perfect life before. Naisip ko, tama lang itong pinili kong buhay. Atleast masaya ako rito," seryosong sabi nito.
"Kaya mo ba tinalikuran pati ang nilalang na nagmamahal sa iyo?" usig niya.
Tiningnan siya nito nang mataman. Malamim na paghinga ang naitugon nito sa kanya.
Pumitlag siya nang biglang hampasin ni Rebecca ang kanang braso niya. "Girls, huwag kayo masyadong seryoso, baka mabuntis kayo niyan na virgin! Alam n'yo ba, ayon sa aklat ng paranormal; ang babaeng tahimik raw ay natitipuhan ng mga engkanto, kaya sila tinataniman ng binsi sa sinampupunan," pananakot ni Rebecca.
Nagtawanan ang iba nilang kasama maging ang ilang kababaihan sa paligid nila. Ngumiti lang siya. Isa siya sa believer ng paranormal. Isang half-vampire, half-human si Rebecca, pero na-adapt nito ang asal ng isang ordinaryong tao.
Mamaya'y tungkol na naman sa mga lalaki ang paksa ng mga ito. Ilang beses niyang narinig ang pangalan ni Zack. Hindi siya magtataka kung ang ilang kababaihan ay labis na nahuhumaling kay Zack. Hindi siya magtataka kung ang ilan sa mga ito ay naging kalaguyo ang binata.
Na-trap na si Janet sa kuwentuhan. Hindi siya nakatanggi nang alukin siya ng mga ito na uminom ng red wine na gawa sa ubas. Isang baso lang ang nainom niya pero umiinit na ang kanyang pakiramdam. Nang makatiyempo ay sumibat na siya.
Habang patungo siya sa food center ay naalala niya na ibinilin sa kanya ni Serron na silang dalawa ni Elias ang magpapakain sa mga binalanggo. Sa halip na tumuloy sa food center ay tinatahak niya ang daan patungo sa kusina na hindi nalalayo sa food center. Inaasahan niya na alam na rin ni Elias ang responsibilidad sa oras na iyon.
Bago siya makakarating sa kusina ay madadaanan niya ang laboratory one. Ang laboratory na pangalawa ay naroon sa ikalawang palapag. Huminto siya sa tapat ng laboratory kung saan sa malaking pintuan nito ay may biligang salaming bintana. Nasisilip niya mula roon sa labas ang nangyayari sa loob. Magmula noong mapadpad siya sa sangre academy ay hindi pa siya nakakapasok sa mga laboratoryo nito.
Pagsilip niya sa binatana ay napamata siya nang makita ang naglalakihang incubator na may lamang iba-ibang uri ng spicemen. Maaring ang iba sa mga ito ay mga bampira na ini-ekspirementuhan. Mayroon ding fitus ng iba-ibang uri ng hayop. Nabaling ang tingin niya sa nag-iisang incubator na nakabukod. Habang tumatagal na nakatingin siya sa hubo't-hubad na lalaking naroon sa loob ng incubator ay unti-unti itong napapamilyar sa kanya. Maputla ang kulay nito paris sa isang bangkay.
Kumislot siya nang sa paningin niya'y nagmulat ng mga mata ang lalaki. Umatras siya. At sa kanyang pag-atras ay bumalya ang likod niya sa matigas na bagay. Awtomatiko siyang pumihit sa kanyang likuran.
"Ano'ng sinisilip mo riyan?" tanong ni Zack, na siyang sumalo sa likod niya.
Dumalas pa ang kabog ng dibdib niya. Matagal bago siya nakakibo. "Ahm, na-napadaan lang ako," balisang sagot niya.
"Saan ka ba dapat pupunta?" kaswal na tanong nito habang nakahalukipkip.
"Kuwan, sa-sa kusina."
"Pumunta ka na doon," udyok nito.
Walang imik na tinalikuran niya ito. Dumeretso siya sa kusina. Pagdating niya ay naroon na si Elias. Naisalansan na nito sa cart ang mga pagkain. Doon na nila ito aayusin pagdating sa bilangguan.
"Nakakainis, dapat kasi may regular na nakatoka rito sa jail. Ang dami ko kayang ginagawa," maktol ni Elias, habang tinutulak ang cart ng pagkan. May tinutulak din siyang cart na sariwang dugo naman ang karga na nakasilid sa plastic bag.
"Puwede mo naman iyong i-suggest sa mga opisyales. Ako nga rin ay first time ko itong gawin," aniya, habang tudo ang dikit kay Elias.
Ang alam kasi niya'y mga bampira o expiremented vampire ang mga nakakulong roon. Pagdating nila sa unang hanay ng piitan ay kinikilabutan siya nang makita ang ibang bampira na pangit ang mga mukha. Pakiramdam niya'y lalabas ang mga ito at kakainin sila.
"Damn! Hindi natin maipapasok ang pagkain nila kung hindi natin papatayin ang kuryente," angal ni Elias.
"Hindi ba ilulusot lang ang pagkain sa parisukat na bintana? May desk naman sa loob. Puwede lang natin ipasok ang pagkain na hindi na kailangang patayin ang kuryente," sabi niya.
"Paano kung biglang mangahas ang mga halimaw na hilahin ang kamay natin? Ang sabi ni si Serron, kung nanlalaban ang halimaw ay puwede na nating bigyan lang ng dugo."
"E 'di ganoon na lang."
Ang ibang bampira ay hindi naman kumikibo. Naghihintay lang ang mga ito na maipasok ang pagkain. Pero ang iba'y gusto talaga silang hablutin. Ginamit ni Zack ang mahabang tong na yari sa pilak. Napansin niya na umiiwas sa pilak ang nagwawalang bampira.
"Hindi ba bampira ka rin, Elias? Hindi ka ba natatakot sa pilak?" curious na tanong niya kay Elias, nang makarating na sila sa pinakadulo at huling hanay ng piitan.
"May wooden handle naman ang tong kaya hindi ko mahahawakan ang pilak. Isa pa, hindi naman ako purong bampira kaya hindi na ako ganoon ka-sinsitibo sa mga ganitong bagay.
Pagdating nila sa tapat ng cage number fifty ay natigilan siya nang mapansin niya ang nakapiit roon na lalaki. Nakaluklok ito sa kama, habang nagbabasa ng aklat. Pamilyar sa kanya ang hilatsa ng pagmumukha nito pero wala siyang ideya kung saan niya ito nakita. Hindi ito na-distract sa pagdating nila. Ni hindi ito tumingin sa kanila.
"Bampira din ba siya Elias?" pabulong na tanong niya sa kasama.
"Oo, pero katulad ko siya na may dugong tao. Last week lang siya nadakip," tugon ni Elias.
"Bakit siya ikinulong?"
"Naging positibo kasi na miyembro siya ng black ribbon na nagmula sa Russia. Dumayo siya rito sa bansa dahil may hinahanap siyang tao. Hindi ko na alam ang ibang detalye." Ipinasok na ni Elias ang pagkain ng bilanggo. Pagkuwa'y bumaling naman ito sa huling piitan.
Naiwan siyang nakatitig sa nakakulong na lalaki. Kampanti siya na ipasok ang bag ng dugo sa mesa nito gamit ang tong. Pagkalapag niya sa dugo ay bigla itong tumingin sa kanya. Kumislot siya saka umatras ng isang hakbang. Lalo itong naging pamilyar sa kanya.
"Ahm, enjoy your meal," sabi niya rito.
"Thanks," seryosong wika nito.
Hindi niya ito inalisan ng tingin hanggang sa nililisan na nila ni Elias ang lugar. Hindi magawang huminga ni Janet nang maluwag habang hindi sila nakakalabas ng piitan. Pagbalik nila sa kusina ay uminom kaagad siya ng tubig.
"Ikaw na ang magligpit rito, Janet, may pupuntahan pa kami ni Erman," mamaya'y sabi ni Elias.
"Oo."
Nagmamadaling umalis si Elias. Hinugasan muna niya ang mga nagamit na mga kobyertos. Masyadong maluwag ang kusina at sa mga oras na iyon ay wala siyang kasama. Marahil ay naihatid na rin sa food center ang ibang pagkain. Wala na kasi siyang makitang pagkain roon. Minadali niya ang pagliligpit para makahabol siya sa hapunan.
Habang pinupanasan niya ng malinis na bimpo ang mga hinugasan niyang kobyerto ay bigla na lang namamatay-sindi ang mga ilaw. Una'y binaliwala niya iyon baka ika niya'y may problema lang talaga sa linya ng kuryente.
Mamaya'y dumalas pa ang pagpatay-sindi ng mga ilaw na tila sasabog na. Kasunod niyo'y may nagkandalaglagang kagamitan sa kung saang sulok ng kusina. Binitawan niya ang hawak niyang bago at bimpo. Pinakiramdaman niya ang paligid. May pakiramdam siya na wari may ibang nilalang sa paligid niya. Pagtingin niya sa kanyang harapan ay tumambad sa kanya ang bulto ng isang lalaki. Nang masinagan ng kislap ng ilaw ang mukha nito ay para siyang binitibin sa ere buhat sa kaba.
"Aaaahh!" sigaw niya sabay karipas ng takbo palabas.
Pagdating niya sa mahabang pasilyo ay namamatay-sindi rin ang mga ilaw. Panay ang lingon niya sa likuran habang tumatakbo. Nakikita pa rin niya ang imahe ng pangit na lalaki na sumusunod sa kanya. Lahat na pintong nadadaanan niya ay sinubukan niyang buksan pero naka-lock.
"Tulong!" sigaw niya, ngunit wala siyang makitang tao.
Naliligaw na siya dahil sa dami ng nilikuan niyang pasilyo ay wala siyang makitang maliwanag na pasilidad. Nakasara lahat na mga pintuang nadadaanan niya. Dahil sa nerbiyos ay hindi na niya nararamdaman ang pagod buhat sa walang tigil na pagtakbo. Hanggang sa bumalya siya sa matigas na bagay.
"Aaaaah! Huhh!" walas puknat na sigaw niya.
Nagpumiglas siya nang may malalakas na kamay na gumapos sa kanya. Madilim sa bahaging iyon kaya hindi niya maaninag ang kanyang kaharap. Nasa diwa pa rin niya ang lalaking humahabol sa kanya kaya inakala niya na nahuli na siya nito.
"Bitawan mo ako!" asik niya.
"Sssst... calm down! It's me!"
Tumigil siya sa pagpiglas nang mahimigan niya ang boses ni Zack. Ngunit paglingon niya sa kanyang likuran ay nakikita na naman niya ang lalaking humahabol sa kanya.
"Aaah! Lumayo ka! Huhh!" Nagpumiglas na naman siya.
"Hey! What's wrong, Janet? Look at me!" narinig niyang sabi ni Zack.
Biglang lumiwanag, siguro'y binuksan nito ang ilaw. Panay pa rin ang linga niya sa paligid sa takot na naroon pa ang lalaki. Ikinulong ni Zack sa mga palad ang mukha niya saka pinihit paharap rito. Hinahapo at walang tigil sa pagpatak ang luha niya. Kahit anong titig niya sa mukha ni Zack ay naiisip pa rin niya ang mukha ng lalaki kanina. Nanginginig ang katawan niya.
"Don't mind anything. Just close your eyes!" utos nito sa kanya.
Hirap na hirap siyang ipikit ang kanyang mga mata. Mamaya'y nakikita na naman niya ang mukha ng halimaw na lalaki kanina. Nagpumiglas na naman siya.
"Fuck! What the hell's happening to you!" naiinis nang sabi ni Zack.
Natigilan siya nang bigla siya nitong siniil ng halik sa mga labi. Sa isang iglap ay naglaho ang mga ilusyon niya. Ang kanyang takot ay unti-unting humuhupa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaang tuluyang pawiin ng halik nito ang kanyang takot.
Nakalimutan na niya ang takot nang gupuin ng init ang kanyang kaibuturan. Hindi niya namalayan ang sumunod na pangyayari. Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na nakahiga sa malambot na kama. Nang dumilat siya'y namataan niya si Zack na nakasubsob ang mukha sa nahantad niyang dibdib. Unti-unti ito'y bumababa hanggang sa matagpuan ng paglasa nito ang kanyang pagkababae.
Awtomatikong sumariwa sa kanyang balintataw ang unang sandali na ipinagkaloob niya kay Luke ang kanyang sarili, subalit masyado na iyong matagal kaya hindi na siya naging pamilyar sa senyasyong ipinapadama sa kanya ng kanyang kapareha. Dumaing siya nang madama ang banayad na kirot dulot ng paglabas-masok ng panlasa nito, katuwang ang ilang daliri nito sa kanyang puwerta. Labis na ang kanyang kahandaan pero hinayaan niyang tapusin nito ang ginagawa.
Nang umangat ito ng mukha ay inihanda niya ang kanyang sarili sa nakatakdang pag-angkin sa kanya ng pagkalalaki nito. Pumagitan ito sa kanyang mga hita at unti-unting ipinagkaloob sa kanya ang kakisigan ng sandata nito. Habang umuulos ito sa kanya ay humantong sa isipan niya ang posibleng dahilan kung bakit siya nito inaangkin. Hindi naman siguro iyon gagawan ni Zack na walang malalim na dahilan. Wala silang relasyon, at lalong wala silang binuong magandang samahan, para humantong sila sa ganoong gawain.
Labis na ring nadarang ang binata kaya siguro pinalaya nito ang pagnanasa sa katawan. Kinalimutan na muna niya ang mga bumabagabal sa kanyang isipan upang salubungin ang kanyang kaginhawaan. Mamaya'y narinig niya ang impit na sigaw ni Zack, kasabay sa pagbawi nito ng sandata mula sa kanya. Gumulong ito saka humiga sa kanyang tabi.
Nanatili siyang nakahiga at nakapikit. Noon lamang niya naramdaman ang sobrang pagod at sapat upang gupuin siya ng antok.
omZZP'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top