Chapter 16


 "RAVEN is the son of Luke," kompirma ni Dwen.

Nawindang ang lahat, lalung-lalo na si Janet. Pero kanino nagkaanak si Luke? Nagsinungaling ba ito sa sinabing siya lang ang babaeng mahal nito?

"Paanong nangyari 'yon? Walang sinabi si Luke sa akin tungkol sa pagkakaroon niya ng anak," balisang tanong ni Janet. Hinarap naman siya ni Dwen.

"Luke having an affair with a woman. It was you, Janet, if I am not mistaken. He offered his cells to the doctor from black ribbon being part of his plan. He wants to have a son like me. He never told you about this because he knows that you would disagree. I think you have an idea how he does to have your cells," paliwanag ni Dwen.

Kinikilabutan si Janet. Kung paanong nakapuslit ng cells sa kanya si Luke ay hindi na niya masyadong inintindi. Maraming beses niyang isinuko ang kanyang pagkababae sa binata at hindi niya iyon pinagsisihan dahil minahal niya ito. Pero nasasaktan siya sa ginawa niyong paglihim sa kanya. Parang ipinagkait pa rin nito sa kanya ang karapatan niya na maging ina.

Nanatili siyang walang kibo. Hinayaan niya na kausapin ni Alessandro si Dwen. Kaya pala kakaibang galak ang naramdaman niya habang pinagmamasdan si Raven. Kahit nakombinsi na siya sa sinabi ni Dwen ay pumayag pa rin siya na magpa-DNA test para matiyak na hindi nagsisinungaling si Dwen.

Ilang hibla lang ng buhok ang kinuha sa kanya ni Alessandro, na siyang gagamitin sa nasabing test. Pagkatapos ay binalikan niya si Raven. Nakahiga na sa kama ang binata, habang nanunuod ng palabas sa malaking monator. Gustung-gusto na niya itong lapitan at yakapin, pero alam niyang hindi pa puwede. Matatagalan pa raw bago malaman ang resulta ng test. Gusto pa sana niyang tumambay sa laboratory pero nataranta siya nang hindi na niya makita ang bulto ni Zack sa paligid.

Nag-aalala siya sa isiping hindi nagustuhan ni Zack ang mga natuklasan. Hinagilap niya ito pero hindi niya ito makita. Pagdating niya sa kanyang kuwarto ay narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Walang ibang maaring papasok sa banyo niya para maligo kundi si Zack lang. Hinintay niya itong lumabas.

Umupo siya sa gilid ng kama habang nakaharap sa pinto ng palikuran. Kumislot siya nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Zack na walang anumang saplot sa katawan. Nagulat rin ito pero hindi na nag-abalang itago ang kahubaran.

"Walang tuwalya sa banyo," sabi lang nito.

Tumayo siya at naghagilap ng tuwalya sa closet. "Nilabhan ko kasi ang isang tuwalya kanina," aniya.

Paglingon niya sa kanyang likuran ay nagulat siya nang salubungin siya ni Zack ng marubrob na halik sa labi. Hindi siya nakapalag nang galugarin nito ang kanyang katawan. Wala siyang ideya kung bakit ganoon kainit ang pagsalubong nito sa kanya. Pero wala siyang dahilan para pagkaitan ito. Tinugon niya ang mainit nitong halik at mapangahas na kilos. Hinayaan niyang hubaran siya nito.

Nang malaya na sa saplot ang kanyang katawan ay pangko siya nito patungo sa kama. Walang patalastas na pinuno nito ng halik at pinong kagat ang kahubaran niya. Tumigil ito sa pagitan ng kanyang mga hita at doon nagtagal. Nakatitig siya sa kisame habang tinatamasa ang nakakahibang na ligaya likha ng makapangyarihan nitong panlasa at ilang daliri sa kanyang kaselanan.

Makalipas ang ilang sandali ay bigla siya nitong inangkin. Sinalubong niya ang mga mata nitong puno ng pagnanasa. Sandali nitong pinaghinang ang kanilang mga labi saka ito nagsimulang umulos ng mabilis. Pinalaya niya ang kanyang halinghing at mga salitang pumupuri sa kanyang kapareha. Hindi siya binigo ni Zack na maiparanas sa kanya ang paulit-ulit na orgasmo. Ilang sandali pa itong umindayog bago tuluyang tinapos ang tagpong iyon.

Ngunit pagkatapos ng mainit na tagpo ay wala siyang narinig mula sa binata. Basta lamang itong lumabas ng kanyang silid. Nang tuluyang kumalma ang kanyang sistema ay bumangon siya at nagbihis. Pagdating niya sa mini sala ng kanyang silid ay nadatnan niya si Zack na mag-isang tumutungga ng red wine. Ang pananahimik nito'y sapat nang patunay na may problema ito. Umupo siya sa katapat nitong sofa. Tanging itim na boxer lang ang suot nito.

"Alam kong apektado ka sa nangyari kanina sa laboratory," deretsong sabi niya.

Tumitig ito sa kanya. Tumawa ito ng pagak. "I'm fine," anito.

"Hindi ka okay, Zack. Kahit naman siguro ako sa sitwasyon mo ay hindi madaling baliwalain ang isyu ng nakaraan ng mahal ko. Hindi pa naman lumabas ang resulta ng test."

"But obviously na anak ninyo ni Luke si Raven. Mararamdaman mo 'yon sa sarili mo, Janet."

"So ano ang problema doon? Kung may dapat sisihin dito, si Luke iyon dahil gumawa siya ng hakbang na hindi ipinapaalam sa akin. Hindi magiging komplikasyon sa relasyon natin ang pagkakaroon ko ng anak kay Luke."

"Pero buhay pa si Luke kahit bampira siya. Hahabulin niya ang anak niya."

"Hindi ko papayagang mangyari 'yon. Kukunin ko si Raven. Hindi ako papayag na sa kanya mapunta si Raven."

Bumuntong-hininga si Zack. Ramdam niya'ng hindi ito komportable sa sitwasyon nila. "Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari, Janet. May karapatan si Luke na makapiling ang anak niya. At gagamitin niya ang pakakataong iyon para magkasama kayong muli!"

Hindi niya kinonsinti ang sinabi ni Zack. Alam niya insecurity ang umiiral dito ngayon. "Hindi ko na mahal si Luke, Zack. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako sasama sa kanya. Hindi mo naman hahayaang mangyari 'yon 'di ba?" aniya.

Nakatitig lang ito sa kanya. "Of course not! Sisiguruhin kong wala na siyang babalikan," mamaya'y sabi nito sa matigas na tinig.

Napangiti siya. "Hindi kakayanin ng konsiyensiya ko na makita kang sinasaktan ang sarili mo."

Napangiti na rin ito. Pagkuwa'y sinaluhan niya ito sa pag-ubos ng wine. Pagkaubos ng inumin nila'y pinagsaluhan nilang muli ang mainit na gabi sa ibabaw ng kama.

HINDI na nagulat si Janet nang sabihin ni Alessandro na positive ang resulta ng test. Pero labis siyang nasabik dahil sa isang iglap ay magkakaroon siya ng anak. Mabilis ang development ni Raven kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na masamahan sa kuwarto ang binata.

"Hi!" bati niya rito pagpasok niya ng kuwarto.

Tumigil sa pagpu-push up si Raven. Humarap ito sa kanya may isang dipa ang pagitan nila.

"I'm Janet, your mother," pakilala niya.

"Your mother?" anito.

"No, your mother. I mean, I am your mother," pagtatama niya.

"Ah. Mother, the one who made me?" nakangiting sabi nito.

"Yes," sagot na lang niya.

"Wait. You alone? Where's the father?"

"Your father is−" hindi niya alam ang isasagot niya.

Mamaya'y biglang pumasok si Zack.

"Ah, he's the Father!" wika ni Raven, sabay turo kay Zack.

Hindi rin nakaimik si Zack.

"You two are my parents, right? That's why you're here!" masiglang sabi ni Raven.

"I'm willing to be his substitute father, Janet. Is it okay for you?" ani Zack.

Wala siyang magawa kundi tumango. Saan nga ba sila patungo ni Zack?

Madaldal na si Raven. Mabilis itong matuto ng lenguwahe na itinuturo niya. Masaya siya sa pagdating ni Raven, lalo pa't hindi ito naging hadlang sa pagsasama nila ni Zack. Hindi siya nahirapan mag-adjust bilang ina dahil malaki na si Raven. Hindi na ito alagain dahil mature na itong mag-isip. Pumayag siya na mag-aral ang anak niya para maging karapat-dapat na miyembro ng sangre organization. May tiwala naman siya sa kakayahan ng anak niya.

NAGING abala si Zack sa pag-aasikaso sa nakatakdang pagbubukas muli ng branch ng organisasyon sa Spain. Kahit hindi sa kanya lumapit si Dwen upang pagbigyan ang kahilingan niya na makiisa ito sa kanila ay malaking tagumpay na iyon para sa kanya. Alam niya, hindi magtatagal ay babait din ito sa kanya.

Pagbalik niya sa academy ay hinanap kaagad niya si Janet. May dalawang linggo din siya sa Spain para ayusin ang transaksiyon sa ibang grupo na nais makiisa sa organisasyon nila. Wala si Janet sa kuwarto nito. Ayon kay Rebbeca, nasa kusina raw ang dalaga at ipinagluluto ang anak na nag-aaral.

Pagdating niya sa kusina ay inaayos na ni Janet ang pagkain ni Raven. Akmang hahalikan niya ito ngunit nakaiwas ito. Parang hindi siya nito nakita. Nagmamadali ito.

"Are you okay?" tanong niya rito. Para itong susugod sa giyera. Pawisan ito at hindi na halos nakapagsuklay.

"Oo naman. Masama palang magutom si Raven, nangangagat ng katabi. Marami siyang kaklase na nagreklamo kaya bago siya atakehin ng gutom ay hahatiran ko na siya ng pagkain. Hindi niya kakayaning hintayin ang lunch break," anito.

"Teka, ikaw ba ay naligo na at kumain?"

"Eh, mamaya na! Sandali at ihahatid ko lang itong pagkain ng anak ko." Nagmadali na itong umalis bitbit ang naka-lunch box na pagkain.

Bumuntong-hininga siya. Ilang araw lang siyang nawala ay nagkaganoon na si Janet. Inabangan niya sa labas ng class room si Janet. Paglabas nito ay kasama na nito si Raven. Nilagpasan lang siya ng mga ito.

Sinundan pa rin niya ang mga ito hanggang sa food center. May problema nga sa sikmura si Raven, dahil sobrang lakas nitong kumain. Ito lang ang kumain sa isang malaking baunan na kanin. Matakaw ito, pero hindi nakikita sa katawan.

"Naku, kulang pa pala ang niluto ko. Sandali, ikukuha pa kita," ani Janet. Bumalik ito sa kusina.

Umupo si Zack sa tapat ni Raven. Tuluy-tuloy ang subo nito kahit halos hindi na ito humihinga. Kaliwat-kanan ang hawak nitong kutsara. Nakikilunok na lang siya. Kanina pa siya nagugutom, pero sa tingin niya'y hindi na siya maasikaso ni Janet.

Kumuha na lang siya ng tatlong malalaking hinog na saging sa counter. Hindi pa daw kasi naluluto ang pagkain para sa lahat. Pagbalik ni Janet ay dalawang baunan ang dala nito na puno ng kanin. May isang batch pa naman ng fried chicken si Raven. Binalikan niya ang mga ito.

"Baka maimpatso ang anak mo niyan, Janet," aniya.

"Hindi, sakto lang 'yan," sabi naman nito.

"Nagugutom na rin ako, eh."

"Ha? Kuwan, hintayin mo na lang ang lunch time. Kulang na kasi ang niluto ko. Baka maghanap pa ng pagkain si Raven."

Napakamot siya ng ulo. "Hihintayin na lang kita sa kuwarto mo," sabi na lamang niya.

"Sige." Nakatutok pa rin kay Raven ang atensiyon nito. Panay ang pahid nito ng panyo sa noo ng binata na ga-butil ang pawis.

Uminom ng blood juice si Zack para lumakas siya. Hindi na kasi niya mahintay ang tanghalian. May isang oras na siyang naghihintay sa kuwarto ni Janet pero hindi pa ito dumarating. Naisip niya, masyado lang siguro na-excite si Janet sa pagkakaroon nito ng anak kaya hindi nito namamalayan na nababawasan ang atensiyon nito sa kanya.

Nakatulog na siya sa sofa sa kakahintay. Paggising niya'y gabi na. Wala pa rin si Janet. Una'y pinabayaan niya ang dalaga. Hinayaan niya itong mag-enjoy sa anak nito. Pero lumipas pa ang dalawang araw na halos hindi siya nito napapansin. Hindi na iyon puwede sa kanya.

Nang matiyempuhan niya ito sa kuwarto nito ay hindi na siya pumayag na mag-excuse ulit ito. Ikinulong niya ito sa kuwarto.

"Akala ko ba hindi na alagain si Raven? Bakit parang nag-aalaga ka ng dalawang taon na bata? Nasilip mo na ba ang sarili mo sa salamin? Para kang tumanda ng limang taon, Janet," sermon niya rito.

Tiningnan naman nito ang sarili sa salamin. Pagkuwa'y humarap itong muli sa kanya. "Bigla kasing nagde-demand si Raven ng maraming bagay. Katulad ng pagkain. Gusto niya luto ko ang kakainin niya. Gusto niya mamasahehin ko siya bago matulog," anito.

"Sinanay mo kasi siya. Noong una, okay naman, ah. Hindi siya nagde-demand ng kung ano dahil may nag-aasikaso naman sa mga pagkain."

"Eh problema nga ang sikmura niya! Mabilis siyang magutom. May oras ang kain rito at hindi niya iyon mahintay. Nagiging halimaw siya kapag nalilipasan siya ng gutom," paliwanag nito.

"Okay, I understand. Pero tingnan mo naman ang sarili mo! Ang payat mo na! Nawala lang ako sandali nagkaganyan ka na! Halos wala ka nang oras sa akin! Akala ko ba hindi magiging problema si Raven sa relasyon natin! Hindi naman mabigat para sa akin na mabawasan ang oras mo sa akin, pero sana, huwag mong pabayaan ang sarili mo! Nag-iisa lang ang anak mo at binata na! Paano pa kung anakan pa kita ng isang dosena, baka buto-t balat ka na, Janet!" namumurong buwelta niya. Hindi na niya natimpi ang inis.

Namutla si Janet. Matagal bago ito nakakibo. "S-seryoso ka ba sa isang dosena, Zack?" anito.

"Example lang 'yon. Pero hindi malayong mangyari 'yon, kaya mag-isip-isip ka. Hindi ka bampira na kayang bumawi ng lakas sa loob ng isang minuto. Tumatanda ka, nanghihina at napapagod. Huwag mong abusuhin ang sarili mo. Akong bahala kay Raven. Sasanayin ko siya na maging independent."

"Huwag mo siyang saktan!"

"Hindi ko siya sasaktan, tuturuan ko lang siya kung paano desiplinahin ang sarili niya. Kakausapin ko si Alessandro kung may option pa para makontrol ni Raven ang lakas niya sa pagkain," aniya.

Tatangu-tango lang ang dalaga.

"Magpahinga ka na. Huwag kang magising ng sobrang aga para lang asikasuhin ang damulag mong anak. Maligo ka muna, may laban tayo mamaya."

"Laban saan?" maang nito.

"Oh, kita mo? Nakalimutan mo nang kailangan mo rin akong pagsilbihan. Just wash my favorite midnight snack, huh?" Hinalikan niya ito sa labi bago iniwan.

Kung hindi nito kayang lutasin ang problema nito kay Raven ay siya ang gagawa. Ayaw niya itong makitang nahihirapan. Bago niya kakausapin si Raven ay si Alessandro muna ang inabala niya para alamin kung may maitutulong ito para mabawasan ang katakawan ni Raven.

xQlaTK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: