Chapter 12


PINAGMAMASDAN ni Janet si Zack na nagtutulos ng kandila sa harapan ng larawan ng isang babae. Naroon sila sa loob ng isang kuwarto kung saan ay may munting altar. Lumapit siya rito at kumuha din ng isang kandila saka sinindihan.

"She's my mom. She died twenty-four years a go. Nagrebelde siya dahil sa ginawang pagbalewala sa kanya ng totoo kong ama. Isinuko niya ang kanyang kaluluwa sa diablo. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapiling siya, dahil bata pa lang ako ay kinuha na ako ng tito ko. Lumaki ako na hindi alam ang katotohanan tungkol sa mga magulang ko. But I was thankfull that I have a uncle like Leandro. He' s nice. He did everything for me," seryosong kuwento ni Zack.

Nababag ang kalooban niya. Kung tutuusin ay mas masaklap ang naging karanasan ni Zack. Pero nagagawa nitong lagpasan lahat na pagsubok kahit nag-iisa lang ito na nakikipagsapalaran. Hindi niya hiniling na magkuwento ito, pero nakadama siya ng pagmamalaki dahil kusa itong nagbabahagi ng sarili sa kanya. Patunay lamang iyon na espisyal siya rito at may tiwala ito sa kanya.

"Pero mapalad ka dahil biniyayaan ka ng matatag na puso," komento niya. Itinulos din niya ang kanyang kandila sa tapat ng larawan.

"Hindi totoong matatag ang puso ko, Janet. Mahina ako, dahil hindi ko kayang gamutin sa normal na proseso ang sugat sa puso ko. Gumagamit ako ng retwal para hindi ko maramdaman ang sakit na iyon. Weird pero totoong sinasaktan ko ang sarili ko para lang mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Physical pain is my emotional pain reliever. I can easily ease those pain when someone hit my body. Bata pa lang ako ay ganoon na ang ginagawa ko sa sarili ko." Biglang natawa si Zack.

"Huwag mong pagtawanan ang sarili mo. Para kang sira," aniya.

Pumihit ito paharap sa kanya. Hinarap naman niya ito. Tumigil sa pagtawa si Zack. "Kaya kong saktan ang sarili ko. Kaya kong alipustahin at pagtawanan ang sarili ko, pero at least, hindi ko iyon ginagawa sa ibang tao. Mas mabuti nang ako ang maghirap, huwag lang ang iba," pagmamalaki pa nito.

"Martir ang tawag diyan," aniya.

"No. I just love. Love is sacrifices. Hindi martir ang tawag doon. Kung nasaktan ako dahil sa pagmamahal na iyon, hindi ko iyon kawalan. Kawalan iyon ng babaeng nagbalewala sa akin. Dahil sinayang niya ang pagkakataon. Hindi lahat ay nakakaranas ng wagas na pagmamahal mula sa iba," depensa nito.

"Pero kung paulit-ulit ka namang nasasaktan, hindi 'yon makatarungan, Zack. Kailangan mo ring magtira para sa sarili mo. Palibhasa, imortal ka kaya okay lang sa iyo na paulit-ulit kang nabibigo. Pero para sa akin na maigsi lang ang buhay, mahalaga ang bawat pagkakataon."

"Hindi ako imortal, Janet. Half of my blood was from human. Magtatagal ang buhay ko ng libong taon, pero may hangganan. Hindi katulad ng pure blooded vampire na kayang mabuhay ng ilang century. Tatanda din ako, pero masyado lang mabagal ang ageng process ng mukha ko."

"Ibig sabihin ay mamamatay ka rin sa katandaan?"

"Yes! Pero mas mauuna kang tatanda sa akin."

Tatangu-tango siya. Mamaya'y inakbayan siya nito. "Let's go to my underground pool!" yaya nito.

Namangha siya pagdating nila sa ala-secret garden na underground ng bahay nito. May infinity pool sa gitna ng maluwag na espasyo at naliligiran ng mga hindi pangkaraniwang halaman.

"May ganitong place pala rito! Ang ganda!" nagagalak na wika niya.

"May ten feet ang lalim nitong undergound. Ang mga halaman dito ay artificial lang," sabi nito.

Hinawakan niya ang dahon ng halaman na kamukha ng palmera. Parang totoo lang tingnan pero plastic pala. Napeke siya ng mga ito. Pero maganda pa ring tingnan ang paligid.

"Kalalagay ko lang ng tubig sa pool kahapon kaya safe tayong maligo rito," sabi ni Zack. Naghubad na ito ng damit.

Napatitig siya sa nahantad nitong katawan. Tanging itim na brief lamang ang itinira nito sa katawan. Kanina pa niya kinukombinsi ang sarili na hindi siya nanaginip. Si Zack at siya ay may malalim nang ugnayan. Hindi siya nagpapantasya katulad noon. Hindi lang siya basta napagdadausan nito ng init. May patutunguhan na ang lahat na namagitan sa kanila.

"Ano, Janet? Tititigan mo na lang ba ako? Halika!" anito. Lumusong na ito sa tubig.

Naghubad naman siya ng damit. Underwear lang din ang itinira niya. Pagkuwa'y lumusong na rin siya sa tubig. Maligamgam ang tubig. Sinalubong naman siya ni Zack at iginiya siya sa malalim na bahagi.

"Do you know how to swim?" tanong nito. Nakapuwesto ito sa likuran niya.

"Marunong ako pero hindi ako nakakatagal sa ilalim ng tubig," aniya.

"Lumangoy ka lang sa abot ng makakaya mo. Hindi naman kailangang tumagal ka sa ilalim. Magandang ehersisyo ito." Namulupot ang mga kamay nito sa baywang niya.

Awtomatiko siyang humarap rito. Ga-baywang pa lang nito ang tubig pero sa kanya ay halos umabot na ng dibdib. Tiningala niya ito. Ganoon naman ang pagyuko nito hangang sa magtagpo ang mga labi nila. Pumikit siya nang ipaghinang nito ang kanilang mga labi. Dagli siyang tumugon at ipinulupot ang kanyang mga kamay sa leeg nito.

Humigpit ang pagkakayapos nito sa baywang niya hanggang sa pangko siya nito. Hindi niya pinaghandaan ang tagpong iyon na muling mauuwi sa nag-aalab na pagniniig. Masyadong mainit ang pagsalubong sa kanya ni Zack kagabi kaya nahihirapan siyang kontrolin ang kanyang sarili sa tuwing naglalapat ang kanilang mga labi.

Matapos ang mainit na swimming lesson ay nagkaisa naman sila ni Zack sa pagluluto ng kanilang tanghalian. Paulit-ulit nitong binabanggit sa kanya ang tungkol sa kagustuhan nito na samahan siya nito sa pag-iisa nito. Ang palagi niyang sagot ay hindi ngayon. Alam niya sa mga oras na ito ay pinaghahanap na siya ng mga kasama sa academy, lalo na si Erman.

"Marami ka palang stock ng pagkain dito," sabi niya habang magkasalo na sila sa tanghalian.

"Dala ko ang mga pagkain mula Spain. Wala na akong makukuhaan ng sariwang prutas at gulay dito sa bansa kaya naisip kong magdala. Mabuti na lang at may lamang dagat pang nabubuhay. Malayung-malayo na talaga sa normal ang sitwasyon ng bansa. Kung umaga ay payapa ang bansa, pero kapag gabi na'y para kang nasa impiyerno. Kaya pagdating ko sa Spain ay gumiginhawa ang pakiramdam ko."

Binalot na naman ng lungkot ang pagkatao niya. Alam niya sa kanyang sarili na kahit wala na ang normal na bansang kinalakihan niya ay hindi pa rin niya kayang iwan ito. Lalo pa't hindi pa niya nakakamit ang hustisya na hinahanggad niya para sa mga mahal niya sa buhay.

"Alam ko na hindi madali para sa 'yo na umalis sa bansang ito, Janet. Pero hindi ka mabubuhay na payapa ang puso't-isip mo hanggat narito ka. Kung hihintayin mo kung kailan manumbalik sa normal ang sitwasyon ng bansa, baka tumanda kang malungkot at may takot sa puso. Makakamit mo pa rin naman ang hustisya kahit nasa ibang bansa ka," ani Zack.

Tiningnan niya ito ng mataman. "Kung tungkol sa parents ko, wala na siguro akong maaasahang hustisya dahil mga halimaw ang kalaban natin. Pero si Luke, walang lumabas na ebidensiya kung halimaw din ba ang pumatay sa kanya. Patuloy pa rin akong inuusig ng mga alaala niya. Nagpaparamdam pa rin siya sa panaginip ko. Hindi ako matatahimik hanggat patuloy siyang nagpaparamdam sa akin. Ibig sabihin niyon ay may gusto siyang iparating. Siguro alam niya na isa ako sa makakalutas sa problema," aniya.

"Naiintindihan ko, Janet, pero hindi natin hawak ang sitwasyon. Kung naniniwala ka sa teorya ko, na maaring isang bampira si Luke, mas magiging madali para sa iyo na tanggapin ang katotoohanan sakaling bigla siyang bumalik. Gusto ko sanang tulungan ang sangre organization tungkol sa kaso ni Luke, pero hindi na nila ako binigyan ng pagkakataon. At sa dami ng kinakaharap nilang problema ay imposibleng maasikaso kaagad nila ang tungkol kay Luke. Puwera na lang kung si Luke mismo ang lumantad. Mapipilitan silang pagtuunan ng pansin ang kaso. Pero huwag mong ibigay ang isang daang pursiyento ng tiwala mo sa sangre na matutugunan nila kailangan mo. Kung tutuusin ay minor lang ang problema kay Luke, kumpara sa kaso ng virus. Nakatutok sila ngayon sa virus," paliwanag nito.

Bumuntong-hininga siya. Matagal na rin niyang napapansin na magmula noong umalis si Zack ay naatatabunan na ang kaso ni Luke. "Bakit ayaw mong bumalik sa sangre, Zack? Sa tingin ko kailangan ka nila," aniya.

"Hindi ako ang may ayaw, Janet. Ang pinuno mismo ang nagdesisyon na huwag akong makisawsaw sa maseselang operasyon ng grupo, lalo pa't may kinalaman sa Libertad. Ibinasura kasi ng Libertad ang proposal nila dahil lang sa nalamang ispiya rin ako ng sangre. Nagpapatigasan ngayon ang dalawang grupo dahil sa magkasalungat nilang layunin. Pero para sa akin, pinapalala lang nila ang sitwasyon. Sa halip na magkaisa sila para sa pagpuksa ng virus ay mas pinairal nila ang pride. Wala na akong magagawa doon. Ako pa ang naiipit sa sitwasyon. Ako pa ang traidor. Wala na akong patutunguhan. Mas mabuti na ngang magsilbi na lang ako sa templo ng mga imortal," dismayadong pahayag nito.

Nakadama siya ng awa kay Zack. Pakiramdam niya'y aping-api si Zack. Kung wala siya, sino pa ang magmamahal rito? Ginagap niya ang kamay nito. Tumigil ito sa pagsubo saka tumitig sa kanya.

"Hindi ba puwedeng magmahalan na lang tayo? Wala nang away. Wala nang gulo," aniya.

"Love is a kind of weapon that makes someone stronger enough, pero sa klase ng problemang kinakaharap natin sa bansa, love is just for individual who still believe in miracle. Isa lang itong uri ng emosyon na nagpapatatag sa atin. But in reality, love can't keep us alive. Ang magiging binipisyo lang natin rito ay ang mamamatay tayong may pag-ibig sa puso, pero walang namamatay sa panahon ngayon na masaya, Janet. We all knows that there's no normal death in this generation."

Sumisikip ang dibdib niya dahil sa paksa nila. Nagsalin siya ng fruit salad sa plato niya. Hindi na rin nagsalita si Zack.

Pagkatapos ng tanghalian ay tinuruan naman siya ni Zack ng self-defense. Naroon lang sila sa loob ng gym hanggang magdapit-hapon.

MABIGAT sa kalooban ni Janet ang hindi niya pagpayag na samahan si Zack sa bahay nito. Kinahapunan din ay naglayag siya pabalik sa isla sakay ng yate. Sinalubong siya ni Erman, na alam niya'ng nag-aalala sa kanya.

"Saan ka nanggaling?" balisang salubong sa kanya ni Erman, pagbaba niya ng yate.

Alam niya kahit magsinungaling siya ay alam nito kung ano ang nasa isip niya. Hindi niya ito sinagot. Sinundan siya nito hanggang sa loob ng nagsisilbing clinic ng safe house.

"I'm worried about you, Janet. But of course I know where have you been," sabi nito pagpasok nila.

"Bakit mo pa itinatanong kung saan ako nanggaling?" aniya.

"For the sake of your safety. Marami ang nakapaligid sa atin na mga security. Ayaw kong mahalata nila na pinapaboran kita sa ginawa mong pag-alis na walang abiso."

Umupo siya sa bench. Tinitigan niya si Erman na nakatayo sa harapan niya.

"Alam mo bang si Zack ang kasama ko?" untag niya.

"Oo. Alam ko naman na wala kang ibang pupuntahan na malapit rito. Nawawala ang yate kaya alam ko iyon ang pinagsakyan mo. Pero paano mo nalamang dumating si Zack?"

"Bigla na lang siyang sumulpot sakay ng yate. Pinuntahan ko siya. Teka nga, bakit ba parang ang napakasama ni Zack kung maituturing ninyo? Kapag ba nalaman ng lahat na kasama ko si Zack ay may mangyayaring hindi maganda?" pagkuwa'y usig niya.

Hindi kaagad nakaimik si Erman. Tumayo siya. "Ano ba talaga ang nangyayari, Erman?" tanong niya.

"Tungkol ito kay Dwen, na isa sa bihag namin. Isiniwalat niya ang katotohanang kaya siya nanatili sa academy ay dahil gusto niyang maghiganti kay Zack," sabi nito.

"Bakit? Ano'ng kasalanan ni Zack?"

"Medyo magulo ang kuwento ni Dwen. Base sa nababasa ko sa isip niya, hindi rin siya sigurado kung tama ba na ibunton niya kay Zack ang pagkamatay ng kapatid niya. But he's indeed of accusing Zack for the accidental death of his brother. Hindi ko siya nakausap ng personal kaya hindi ko masyadong maklaro ang tungkol sa kapatid niya. Pero mukhang connected si Dwen kay Luke."

Nawindang siya. Sino ba ang Dwen na iyon?

Pagbalik nila ni Erman sa academy ay gusto kaagad niyang makausap si Dwen, pero hindi siya pinahitulutan ng security na makapasok sa kulungan nito dahil umano sa katatapos na tensiyon sa loob ng bilangguan nito. May sinaktan umano itong isa sa security.

"Kumusta si Zack?" tanong ni Hannah kay Janet, nang magpang-abot sila sa pabrika. Malamang nalaman nito ang detalye mula kay Erman.

"Okay lang siya. Kaya lang ay ayaw na niyang bumalik dito sa academy," aniya. Tinutulungan siya nito sa pagsasalansan ng mga can goods sa malaking karton.

"Ikaw lang ang ipinunta niya rito, Janet. Hindi siya maglalakas-loob na babalik dito sa bansa na walang mahalagang pakay. Pero ano ba talaga ang estado ng relasyon ninyo?"

Natitigan niya ng mataman si Hannah. Nginitian siya nito. Uminit ang mukha niya.

"Ahm, siguro ay puwede ko nang sabihin na may malalim na kaming pinagsamahan," tugon niya pagkuwan.

"That's good. Pero since nariyan na kayo sa malalim na relayson; puwede mo na ring kilitasin pa ang katauhan ni Zack. Wala naman akong nakikitang mali. I think, it's about time for you to forget about Luke. Hindi kasi madali para kay Zack na nariyan pa rin sa sistema mo ang alaala ni Luke. Kahit sabihin mong kinalimutan mo na siya, hindi mo maiiwasang bigkasin ang pangalan niya, o mapag-uasapan ang tungkol sa kanya in front of Zack. Sinsitibo si Zack pagdating sa isang relasyon. Gagawin niya ang lahat para makuha ang buong atensiyon ng isang babae. Alam ko na hindi rin madali para sa iyo na kalimutan si Luke, lalo pa't hindi mo pa alam kung ano talaga ang nangyari sa kanya. Pero mas mainam na kumilos ka na rin. Huwag kang basta na lang aasa sa sangre organization, na malulutas nila ang problema mo. Kinausap ako ni Erman tungkol sa kaso ni Luke. Medyo matagal na rin kasi kaya naisip namin na tulungan ka. Nakombinsi namin si Alessandro at Rafael para mas mapabilis ang pag-i-imbestiga. Makikipag-ugnayan kami kay Zack, base sa mga nalalaman niya. At siyempre, kailangan din namin ang panig mo."

Nabuhayan ng pag-asa si Janet. Akala niya'y nawalan na ng pakialam sa kanya ang ibang miyembro ng sangre.

"Salamat, Hannah. Gagawin ko ang lahat para makatulong," mangiyak-ngiyak na sabi niya.

"No worries."

Napayakap siya ng mahigpit rito. Ganoon ang ayos nila hanggang sa madatnan sila ng asawa nitong si Marcos.

"Hey! Bakit may hug, huh?" untag nito, na siyang nag-udyok sa kanya na layuan si Hannah.

Kaagad namang nilapitan ni Hannah ang asawa at nilambing. "Dinadamayan ko lang si Janet dahil malungkot siya," anito.

"Ah, akala ko may affair kayo."

"Gago!" Tinampal nito ang dibdib ng asawa.

Tumalikod kaagad siya nang mamataang naghalikan ang mga ito. Ipinagpatuloy na lamang niya ang ginagawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: