Chapter 10


PINALAGPAS ni Zack ang mga sinabi sa kanya ni Erman. Sanay na rin siya sa mga isyu na ibinabato sa kanya. Tanggap na rin niya ang mga negatibong pananaw sa kanya ng ibang mas nakababata sa kanya. Kinagabihan ay dinalaw niya sa laboratory si Alessandro. Kasama nito si Rafael at Devey. Nagkukuwentuhan na lang ang mga ito habang nakaharap sa malaking incubator na may lamang bampira. Naalala niya, ang bampirang nasa loob ng incubator ay ang batang lalaki na nasagip nila sa panig ng kaaway noong ni-raid nila ang isa sa laboratory ng mga ito. Malaki na ito ngayon.

"Sino ba ang batang iyan?" tanong niya sa mga kasama.

"May kaugnayan siya sa lalaking nakakulong sa cage number fifty," tugon naman ni Alessandro.

"Ah, 'yong lalaking ayaw magpakilala? Naibalik na ba siya sa kulungan niya?" aniya.

"Oo. Mukhang wala naman siyang balak tumakas. Malamang narito sa loob ng academy ang interes niya," ani Alessandro.

"Paano mo naman nasabing may kaugnayan siya sa batang iyan?"

"Nag-match ang DNA nila. Maaring anak niya ang batang ito," si Devey ang sumagot.

"No. Hindi niya anak ang batang ito. Medyo malayo. Maaaring anak ito ng isa sa kapatid niya. Ang batang ito ay may fifty percent human blood, samantalang yaong bilanggong lalaki ay fourty percent ang human blood. Meaning, kung nagkaanak man siya sa isang tao, hindi papalo ng fifty percent ang dugo ng tao sa magiging anak niya. Maaring mas mataas pa. Ang batang ito ay isinailalim sa isang ekspiremento. Maaring parehong tao ang mga magulang ng batang ito dahil sa mga cells niya sa katawan. Dumaan siya sa riencarnation pero hindi siya pinatay para maging bampira, kundi idinaan sa ekspiremento. Ang dugo ng batang ito at ng bilanggo ang isinalang ko sa DNA test kaya nag-match. Ibig sabihin, ang ginamit na dugong itinurok sa batang ito ay nagmula sa bilanggo na iyon. Maaring may ibang vampire blood pang isinalin sa katawan ng batang ito kaya mas tumapang ang kombinasyon ng dugo. Hindi nila pinatay ang batang ito after ng dark riencarnation dahil maaring maglaho ang human side nito. Binuhay nila sa loob ng incubator ang bata. Nine month old siya noong isinailalim sa dark riencarnation," mahabang paliwanag ni Alessandro.

Naalala ni Zack ang tinutukoy ng estrangerong lalaki na kapatid nito na pinatay umano niya. Maaring ang kapatid nitong iyon ang nagsisilbing tatay ng batang nasa incubator. Ngayon siya nagka-interes na tukuyin kung sino ba talaga ang tinutukoy niyong kapatid. Inalala niya lahat na mga nilalang na napatay niya. Halos naman sa mga iyon ay miyembro ng black ribbon o 'di kaya'y mga sugo ni Dr. Dreel. Wala naman siyang maalala na inosente na napatay niya.

Binalikan niya ang bilanggo sa cage number fifty. Nakahilata na sa kama nito ang lalaking ipinagkakait ang identity. Alam niyang gising lang ito at pinapakiramdaman ang presensiya niya.

"Hey!" tawag niya sa atensiyon nito.

Umupo naman ang lalaki at humarap sa kanya. Tinitingnan lang saya nito ng matalim.

"I'd like to deal with you. Tell me about your brother and I will help you to give him a justice," aniya.

"For what reason, asshole?" supladong sabi nito.

"There's no other reason, man. I just want to know the story both of you."

"Are you insane? My brother's died because of you and the only way to give him a justice was to see your dead body!" asik nito.

Tumawa siya ng pagak. "I'm an asshole as you said. I admit it. But your words can't kill me. Go out there and do what you want. I know you can escape but I don't have idea why you didn't do it. What are you waiting for, Man?" aniya.

"I am waiting for my brother's back."

"Back? Did you say he's here before?"

Ngumisi ito. "Yeah, but he's gone."

Napaisip siya. Alin ba sa mga tumakas na bihag nila ang tinutukoy nito? Naiinis na siya sa paliguy-ligoy nito. "Come on, give me the exact details about yourself and your brother," pilit niya.

Tinawanan lang siya nito. "Leave me alone, asshole!" sabi lang nito saka muling humiga.

Nagtagis ang mga bagang niya. Hinugot niya mula sa kanyang likuran ang munting pana niya at palaso. Pagkuwa'y pinakawalan niya ang palaso patungo sa hita ng lalaki.

"Ahg!" sigaw nito. Bigla itong bumangon at hinugot ang palaso na bumaon sa kaliwang hita nito. Pagkahugot nito sa palaso ay bigla itong napaluhod sa sahig habang nakaharap sa kanya. "Fuck you!" sabi nito sa kanya.

"My arrow has a kind of poison from a poisonous frog. I know your body has an own antidote so it can fight the poison but I don't have idea if your kind of antidote will last. The poison can kill you in just a minutes," babala niya.

"Damn! What do you want?" anito habang ga-butil na ang pawis sa mukha.

"I want you to collaborate with us. Just tell me your name and the complete details about you and your brother."

"But the poison will kill me, asshole!"

"I have my own antidote. I will hit you again with may arrow. The other one has an antidote."

"Fuck you!"

"So? Tell me something, man, or you will die." Inihanda na niya ang isa pang palaso na may dala ng antidote.

"Fuck! I'm Dwen Rouge from Russia, thirty-four years old," pakilala nito sa wakas.

"What about your brother?"

"His name is Lu−"

Hindi na niya narinig ang sinabi ni Dwen nang sinabayan ito ng malakas na alarm. Pinakawalan na lang niya ang palaso patama sa hita nito kung saan niya pinatamaan kanina. Tumakbo siya palabas ng bilangguan nang makita niya ang maitim na usok na sumasalubong sa kanya.

Tumigil ang alarm nang madakip ng mga kasama niya ang incubated vampire na kanina lang ay tinitingnan nila sa loob ng laboratory. Tama ang hula niya na maaring sa araw na iyon ay magigising ang bata, o sa mas madaling sabi ay binata na dahil sa bilis ng development nito.

Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na bumalik sa piitan ng mga bihag dahil inutusan siya ng daddy niya na sawatain nila ang paglusob ng hukbo ng black ribbon soldier sa isang safe house nila sa Mactan. Kailangan matiyak niya na walang mapapahamak na mga tao.

Pagdating nila sa isla ay nabigo silang iligtas ang tatlong lalaki na nagnaang maglayag kaya nadakip ang mga ito ng mga kaaway. Nailayo nila sa panganib ang safe house pero hinigpitan pa nila ang pagbabantay sa naturang lugar.

Kinabukasan pagbalik ni Zack sa academy ay binalikan niya si Dwen sa kulungan nito pero nagulat siya nang wala na ito doon. Pagpasok niya sa laboratory one ay sinalubong siya ng daddy niya.

"Ano'ng ginawa mo sa bilanggo ng cage fifty, Zack?" tanong nito.

"Pinilit ko lang siya'ng magpakilala. Iginigiit kasi niya na ako ang killer ng kapatid niya," tugon niya.

"He's in danger. Hindi tumalab ang antidotes na dala ng palaso mo ang lason sa katawan niya. Good thing na medyo malayo sa mga organs niya ang tama ng palaso kaya hindi kaagad ito kumalat sa mga maseselang organs. Sa kasalukuyang inaalis ni Alessandro ang lason sa katawan niya."

"I'm sorry, dad. I though I did mt part."

Pinisil nito ang batok niya. Medyo mariin. "Don't get me wrong, son, but I think you have to go back to Spain. Ayaw ni Dario ang mga kilos mo. Alam din niya na mayroon kang contact sa Libertad."

Nagtagis ang bagang niya. "What did he mean, dad? Isinusuka na ako ng Libertad. They treated me as a traitor!"

"You know your limitations, Son. You are not registred as sangre memeber. Ispiya ka pa rin na kahit sino ay puwedeng gumamit sa 'yo. Nakilala ka lang ng meyembro dahil sa akin. Hindi kita ipinasok rito as member dahil alam ko ayaw mo na nasasakal ka ng rules and regulations. Mas mainam kung manatili ka sa Spain at gawin ang dati mong ginagawa. Nakakatulong ka pa rin naman sa amin."

Hindi niya gusto ang nais ipahiwatig ni Leandro. Malinaw sa kanya na gusto siyang palayasin ng sangre organization. Bagaman inaasahan na niya iyon noon pa pero hindi niya akalain na masasaktan siya. Napamahal na siya sa grupo. Akala niya'y kahit hindi siya rehistradong meyembro ay maituturing siya ng mga leader na pamilya.

Bumuntong-hininga siya. "Fine. I understand, dad." Iyon lang at tinalikuran niya ang kausap.

Paglabas niya ng laboratory ay deretso ang lakad niya hanggang sa dalhin siya ng mga paa niya sa food center. Hindi siya nagugutom pero aywan niya bakit siya naroon. Namataan niya si Janet na mag-isang nakaupo sa dalawahang mesa. Wala nang laman ang plato nito. Nilapitan niya ito at sana'y uupo sa tapat nito ngunit bigla itong tumayo bitbit ang pinagkainan nito. Ni hindi man lang siya sinulyapan, na para bang hindi siya nakita.

Hindi siya nakakibo habang tinatanaw ang papalayong pegura ng dalaga. Natanong niya ang sarili kung bakit bigla itong umilap sa kanya? Panay ang buntong-hininga niya nang pakiramdam niya'y may nakadagan sa kanyang dibdib. Sumikip ang kanyang paghinga.

Nang mapansin niyang lumabas ng food center ang dalaga ay kaagad niya itong sinundan. Malalaki ang hakbang nito patungo sa lokasyon ng underground. Maaring magtatrabaho na ito sa pabrika.

NAIISIP na naman ni Janet ang pendant na nakita niya sa bulsa ng jacket ni Zack noong isang araw. Kung patuloy niyang iiwasan ang binata ay hindi mabibigyan ng sagot ang mga katanungan niya. Nagulat siya nang may kamay na humawak sa kanang braso niya. Huminto siya sa paghakbang saka pumihit paharap sa nagmamay-ari ng kamay na iyon.

Nakatitig lang siya sa mukha ni Zack nang may isang minuto. "Obvious na iniiwasan mo ako, Janet. May nagawa ba akong masama? Or naniwala ka sa mga sinasabi sa iyo ni Erman tungkol sa akin," seryosong wika nito.

Marahang binawi niya ang kanyang braso mula sa kamay nito. "Hindi ko gustong iwasan ka, pero natatakot ako, Zack," aniya.

"Bakit? Dahil ba hindi maganda ang pagkakakilala sa akin ng iba? Janet, you have your own mind. I think you know how to handle the situation and you can decide your own. Ikaw ba, ano ang pagkakakilala mo sa akin? Masama ba akong lalaki?"

Umiling siya. "No, hindi ka masama, Zack."

"Then whay? Bakit ka natatakot? Sa anong dahilan?"

"Hindi pa kasi ako handa."

"What?"

Iniisip kasi niya na masyado nang lumalim ang pakikitungo nila Zack sa isa't-isa. Gusto sana niya ay mas makilala pa ito. Pero maraming negatibong komento ang naririnig niya ukol kay Zack. Alam niya sa kanyang sarili na magugustuhan niya ang binata, pero base na rin sa back story nito, medyo nag-aalangan siya na bigyan ito ng puwang sa buhay niya. Hindi rin siya sigurado kung seryoso si Zack sa pakikisama sa kanya, lalo na sa usapang sekswal.

Noong isang gabi ay isinumpa niya sa sarili na hindi na niya hahayaan na maulit ang namagitang seksuwal sa kanila ni Zack. Sa susunod na tangkain nito iyong gawin ay hindi na siya papayag. Wala pa naman siyang malalim na feelings rito kaya malakas ang kompiyansa niya sa sarili na maiiwasan pa niya ito.

"Hindi ka handang tumanggap ng ibang lalaki sa buhay mo, ganoon ba, Janet?" mamaya'y usig nito.

Tinitigan niya ito nang mataman. Mali ang iniisip nito. Magmula noong magkaroon sila ng mga hindi inaasahang sandali ay napatunayan niya na gusto ulit niyang magmahal. Pero hindi siya puwedeng magpadalus-dalos. Kahit si Erman ay ayaw niyang konsintinhin sa panliligaw sa kanya dahil kahit hindi nito sabihin ay alam niya na may pag-ibig pa ito kay Rena. Maaring naghahanap lang ito ng panakip-butas.

Sa halip na sagutin si Zack ay tinalikuran niya ito. Naiinis siya dahil hindi niya mahulaan ang nasa isip nito. Hindi niya matukoy kung ano ba talaga ang pakay sa kanya ni Zack kaya ito lumalapit sa kanya. Nagpatuloy siya sa paghakbang.

"I have something to tell you, Janet. It was related to your fiance," bigla'y sabi ni Zack, na siyang pumigil sa mga paa niya sa paghakbang.

Hinarap niya itong muli. Napatingin siya sa hawak nitong pendant. Iyon na ang pendant na nakita niya sa jacket nito. Ang pendant na ibinigay niya noon kay Luke. Nagkunwari siya'ng ngayon lang niya iyon nakita.

"Bakit nasa iyo 'yan?" tanong niya.

"Nakita ko ito sa laboratory kung saan tumakas ang bampirang nadakip namin. Alam ko nagmula ito sa lalaking iyon. Pag-aari ito ng fiance mo, tama ba?" anito.

"Oo, ibinigay ko sa kanya 'yan. Pero paano 'yan napunta sa bampirang sinasabi mo?"

"Hindi ba bampira ang fiance mo?"

Gilalas na tinitigan niya si Zack. "Hindi!" mariing sagot niya.

"Gaano mo ba siya kakilala? Imposibleng aalagaan ng bampirang iyon ang pendant na ito kung wala itong halaga sa kanya."

Kinikilabutan siya sa pinagsasabi nito. "Hindi bampira si Luke! Sino ba ang bampirang tinutukoy mo?" paasik na sabi niya.

"He's gone. Bigla siyang tumakas matapos siyang gamutin ng machine. Hindi ba iyon si Luke?"

"No! Hindi siya bampira!" giit niya.

"Paano ka nakakasiguro? Human can turn into vampire in the way of dark riencarnation!"

Natigagal siya.

"Matagal ko itong pinag-isipan, Janet, magmula noong makuha ko ang pendant na ito. Iniisip ko na may malaking kaugnayan sa 'yo ang bampirang tumakas. I ended to think that he was Luke. He's a victim of dark riencarnation. Kung bakit? Maaring may nilalang na gumawa niyon sa kanya in order to get him back! Maging aware ka sa kalakaran ng buhay ng mga bampira, Janet. You are connected with us now!"

Hindi malaman ni Janet ang kanyang sasabihin. Panay ang buntong-hininga niya. Hindi siya nakapalag nang ilagay ni Zack ang pendant sa palad niya.

"Keep this. I knew he will comes back to see you again. Kung naging bampira man siya, maaring nakalimutan ka niya pansamantala, pero hindi magtatagal ay maaalala ka niya. Pero siyemre, ang taong namatay ay hindi mabubuhay bilang normal ulit," sabi nito pagkabitiw sa kamay niya.

Tinatanaw lang ni Janet si Zack habang papalayo sa kanya. Nasa isip niya na gusto niya itong tawagin ngunit nanatiling tikom ang bibig niya.

LUMIPAS ang dalawang linggo na hindi nakikita ni Janet si Zack. Naging abala siya sa pagtatrabaho sa pabrika kaya hindi niya napansin ang paglipas ng mga araw. Ngunit ngayong hindi na siya masyadong busy ay halos punuin ni Zack ang buong utak niya.

Nilibot niya ang academy sa pag-asang naroon lang ang lalaki. Dumaan na rin siya sa inaakupang kuwarto ng binata pero nakakandado iyon. Pagdating niya sa food center ay naabutan niya roon si Hannah at Natassa. Tahimik ang paligid dahil wal nang kumakain. Nasa loob ng counter ang dalawa at may pinag-uusapan.

"Hi, Janet!" nakangiting bati sa kanya ni Hannah.

Ngiti lang ang naitugon niya. Inalok siya ni Natassa ng itim na ubas. Pumitas siya ng isang butil saka kinain.

"May hinahanap ka ba?" pagkuwa'y tanong ni Hannah.

Nahihiya siyang magsabi ng totoo. "Ahm, napansin ko kasi na wala rito ang ibang meyembro maliban sa opisyales," sabi na lang niya.

"May kanya-kanya kasi silang rota. Ang iba ay nasa ibang bansa," si Natassa.

"Kung si Zack ang itatanong mo, wala siya rito may dalawang linggo na," ani Hannah.

"Ha? Nasaan siya?" Hindi niya naitago ang emosyon.

"Bumalik siya sa Spain. Hindi lang ako sigurado kung babalik pa siya."

May kung anong bumara sa dibdib niya. Umalis na naman si Zack. Bakit?

leads4{FE&0

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: