Chapter 15
"PAPA, sana hindi ninyo ginawa si Teo para makapaghiganti sa Sangre Organization," pakiusap ni Hannah kay Demoti, nang ibahagi nito sa kanya ang mga plano nito.
Tumitig ito sa kanyang mga mata. "Kung hindi ka nila papahintulutan na sumama sa akin ay mapipilitan akong kalabanin sila," matigas na sabi nito.
Inalipin siya ng takot. "Ano po ang gagawin ninyo? Hindi n'yo basta mapapabagsak ang grupo nila."
"May iba pang paraan."
"Pero ako po ang may gusto na huwag sumama sa inyo," giit niya.
Nagtagis ang bagang ni Demoti. Tumalas ang pagkakatitig nito sa kanya. "Bakit, dahil mas mahalaga sila sa 'yo kaysa sa akin?" may hinanakit na sabi nito.
Nagpuyos ang damdamin niya. "Napamahal na po ako sa kanila. Kung talagang gusto mo akong makasama, lunukin n'yo ang pride ninyo. Kalimutan n'yo na ang galit para lumigaya kayo!" hindi natimping sabi niya.
Bumalikwas ng tayo si Demoti. "Over my imortal body, hindi ako magkakaroon ng ugnayan ni isa sa mga leader ng organisasyon ninyo! Kung nagpunta ka rito para kombinsihin ako ulit, makakaalis ka na, Hannah! You may leave me now!" asik nito.
Padabog siyang umalis. Paglabas niya sa bahay nito ay saka lamang nag-uunahan sa pagpatak ang luha niya. Bumalik na lamang siya sa academy. Dumeretso si Hannah sa inuukupa niyang kuwarto. Ibinagsak niya ang pagod na katawan sa kama. Pinag-iisipan niya kung paano niya mahimok ang papa niya na sumama sa kanila. Baka kung hindi siya gagawa ng paraan ay maunahan siya ng mga kaaway.
Bumalikwas siya ng tayo nang biglang may kumatok sa pinto. Pagbukas niya sa pinto ay tumambad sa kanya si Marcos. "Saan ka ba nagpunta?" kaagad ay tanong nito.
"Ahm, naglibot lang ako sa mga safe houses," pagsisinungaling niya.
"Sana isinama mo ako. Paano kung napahamak ka habang naglalakbay?" nag-aalalang sabi nito.
"Nag-iingat naman ako. Isa pa, may klase ka ngayon. Hindi ka na naman pumasok. Paano ka tatanggapin ng organisasyon kung hindi mo naipasa lahat ng subjects mo?"
"Wala akong gana."
"Hindi puwedeng dahilan 'yan. Hindi 'yan tatanggapin ng academy. Pumasok ka na sa klase mo."
"Baka aalis ka na naman."
"Hindi. Doon lang ako sa canteen."
"Sige. Pa-kiss pala," bigla'y hiling nito.
Ngumiti siya. Pagkuwa'y pinaghinang nito ang mga labi nila. Pagkatapos ay hinatid na niya ito sa class room ng mga ito. Maya't-maya ang lingon nito sa kanya habang papasok ito sa kuwarto. Nang mawala na ito sa paningin niya ay nagtungo na siya sa canteen. Nadatnan niya si Rebbeca at Janet na nagbibigay ng pagkain sa mga estudyante.
Hindi na siya ang nakatuka sa pagkain ng mga estudyante. Siya na ngayon ang nagmo-monator sa mga safe houses kasama si Elias at Erman. Pagtingin niya sa mesa kung saan madalas silang pumuwesto ni Zack ay bigla niyang naisip ang binata. Magmula noong saktan ni Marcos si Zack ay hindi na ito nagpapakita. Ang sabi ni Leandro ay nagpalipat daw sa Spain si Zack.
Nakonsensiya siya. Alam niya hindi basta aalis si Zack kung hindi dahil sa kanya. Siguro ay gusto lang ng binata na makapag-move on kaagad kaya ito lumayo. Aminado siya na kahit hindi naging seryoso ang relasyo nila ni Zack ay naging masaya siya sa piling nito. At noong panahong nangungulila siya kay Marcos ay ito ang umaaliw sa kanya. Ang mga payo rin ni Zack ang nagpatatag sa kanya. Hindi niya namamalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Nalulungkot siya dahil nawala ang isa sa nilalang na palagi niyang nasasandalan sa tuwing gusto na niyang sumuko. Hindi pa siya pormal na humingi ng tawad sa binata. Wala silang maayos na napag-usapan bago ito umalis.
"Hannah?"
Napalingon siya bigla sa lalaking nagsalita sa likuran niya. Si Rafael. Dagli niyang pinahid ang kanyang luha. "B-bakit?" untag niya.
"Kanina ka pa hinahanap ni daddy," anito.
"Ha? Bakit daw?"
Kumibit-balikat si Rafael. Sumunod na lang siya rito. Nagtungo sila sa laboratory kung saan si Leandro. Kasama nito si Zyrus at Alessandro. Inaasikaso ng mga ito ang katawan ng isang halimaw na lalaki. Hindi na siya lumapit sa mga ito. Nakatayo siya may tatlong dipa mula sa specimen. Si Leandro na lamang ang lumapit sa kanya. Iniwan naman sila ni Rafael.
"Tatay mo pala si Demoti del Mar. Pinatawag ka namin dahil nadiskobre namin na ang halimaw na nakuha namin ay tinugis ng batang robot. Tinunaw ng bata ang kalahati ng katawan ng halimaw gamit ang UV rays na meron ang katawan niya. Nakita ni Dario si Demoti, na siyang may kontrol sa bata. Nag-usap sila pero hindi nagtagal. Ayaw sabihin ni Demoti kung saan siya nakatira. So, ang nais ko lang malaman ay kung nakikipag-ugnayan ka pa rin ba sa tatay mo. If yes, puwede mo ba kaming samahan na mapuntahan siya sa lugar na kinukutahan niya?" ani Leandro.
Napalunok siya. Nagsimula na nga ang tatay niya sa misyon nito. Pagkakataon na niya ito para maisalba ang tatay niya.
"Opo, may kaugnayan pa rin ako sa kanya. Alam ko rin po kung saan siya nakatira," aniya.
"Puwede mo ba kaming samahan ngayon habang hindi pa sumisikat ang araw?"
Tumango siya.
Sa mga oras din na iyon ay umalis sila kasama si Trivor at Jegs. Sumama din sa kanila si Refael at Alessandro. Himala na napalabas ng academy si Alessandro. Baka sakaling mapakiusapan daw nito ang tatay niya na sumama sa kanila. Ngunit pagdating nila sa tinitirahang bahay ni Demoti ay wala na ito roon. Wala na rin ang mga kagamitan nito.
"Mukhang natunugan tayo. May katigasan din pala ang sintido ng isang 'yon," sabi ni Leandro. Hinalughog ng iba ang kabahayan.
Nakabuntot si Hannah kay Alessandro habang sinusuyod nila ang kuwarto kung saan isinasagawa ng tatay niya ang imbensyon nito. Nakapulot si Alessandro ng isang maliit na bagay sa sahig. Tiningnan niya ang hawak nitong battery. Iyon na ang tinutukoy ng tatay niya na battery na nagpapagana kay Teo.
"Mahusay ang tatay mo, Hannah. Mapapakinabangan natin ang utak niya sakaling makikiisa siya sa atin. Kaya lang, delikado kapag naunahan tayo ng kalaban. Kapag nasagap ng kalaban ang aura niya, awtomatikong masusukat ng mga ito ang kakayahan ni Demoti. Magagamit nila ang abilidad ni Demoti para maituloy ang proseso sa pagbuhay sa halimaw. Kasi, kahit hindi pamilyar si Demoti sa formula ay madali niya iyong mapag-aralan dahil gamay na niya ang machine. Makabuo siya ng sariling formula na maaaring mag-compatible doon sa naunang formula. Magagawan niya ng paraan kung paano ituloy ang proseso, iyon ay kung makukombinsi siya ng mga miyembro ng black ribbon," sabi ni Alessandro.
Nag-aalala na siya para sa tatay niya. "Huwag sana siyamagpapahuli sa mga kaaway," dalangin niya.
"Pero tuso ang mga kaaway. Gagawa at gagawa sila ng paraan para makombinsi ang tatay mo na sumunod sa kanila."
"Ano ba ang dapat nating gawin?" balisang wika niya.
"Kailangan nating mahanap ang tatay mo sa lalong madaling panahon. "
Paglabas nila sa bahay na iyon ay hiwa-hiwalay na sila. Kasama niya si Rafael at Alessandro sa paghalughog sa bayan ng Digos. Pinalipad ni Rafael ang alaga nitong itim na ibon upang tulungan silang hanapin ang tatay niya. Ito ang sinusundan nila. Tumigil sila sa kagubatan ng Tres de Mayo nang tumigil sa sanga ng punong kahoy ang ibon.
"Hindi tayo puwedeng tumuloy sa direksiyong tinutunton ng ibon. Malapit na tayo sa kota ng kalaban. Kapag nakapasok tayo sa boundery nila, masasagap nila ang aura natin," sabi ni Rafael.
Paglapag nila sa lupa ay bigla na lang may naglabasang halimaw mula sa ilalim ng lupa. Ang mga halimaw na ito ay kamukha ng mga naunang ekspiremento ni Dr. Dreel. Mga bampirang kinoypa sa isang octopus na may mga galamay na naglalabasan sa malaking butas sa tiyan ng mga ito. Iyon ang nagsisilbing pangalawang bibig nito. Maputla ang kulay ng mga ito, walang buhok sa katawan, mayroong mahabang buntot at ang mga mata ay katulad sa mata ng octopus.
"Naloko na!" bulalas na ni Rafael.
Nagdikit ang likod nilang tatlo nang mapaligiran na sila ng pitong halimaw. Bumuka ang nagsisilbing bibig ng isang halimaw na nakatapat kay Hannah. Humaba ang mga galamay nito. Inilabas niya ang kanyang mahahabang kuko. Nang atekehin siya ng galamay nito ay pinagpuputol niya iyon. Ngunit mabilis ang pagtubo ng mga galamay nito.
Hindi niya maabala ang dalawang kasam dahil abala din ang mga ito sa kanya-kanyang kaaway. Nang muli siyang atakehin ng halimaw ay lumipad siya ngunit inabot pa rin ng galamay nito ang isang paa niya. Pagbagsak niya sa lupa ay hinigop siya ng bunganga ng tiyan nito.
Naramdaman na niya ang pagpasok ng mga paa niya sa bunganga nito nang bigla siya nitong mabitawan. Tumayo kaagad siya nang may nagsulputan pang mga halimaw sa paligid niya. Paglingon niya sa kanyang likuran ay namataan niya si Devey na isa-isang tinutunaw ng mainit nitong kamay ang mga halimaw. Hinarap naman niya ang pinakamalapit sa kanya na halimaw. Hindi niya alam kung paano iwasan ang mga galamay nito kaya sumugod siya mula sa likuran nito. Hiniwa niya ang likod nito gamit ang mahahaba niyang kuko. Nagtagumpay siya ngunit biglang may namulupot sa leeg niya. Napigil niya ang paghinga nang lalo siya nitong sinasakal. May isang galamay pang namulupot sa baywang niya. Lalo siyang nakulong.
Napamata siya nang biglang sumulpot sa harapan niya si Marcos. "How dare you!" asik nito saka kinalmot ang ulo ng halimaw na gumagapos sa kanya. Nakalaya siya. Ikinulong siya ni Marcos sa bisig nito habang patuloy ang pagpapakawala nito ng apoy sa kamay nito. Uminit ang paligid nila lalo pa't nakisabay si Devey. Naliligiran na sila ng apoy. Pero hindi nauubos ang mga halimaw.
"Mga ilusyon lang ang iba sa kanila! Hanggat hindi natin napapatay ang main body nila ay hindi sila mauubos!" anunsiyo ni Alessandro.
"Damn! Ganoon pala, ah!" ani Rafael. Tinawag ni Rafael ang kampon nito sa kagubatan. Naglabasan ang mga ibon nito at mga insekto.
"Hey, guys! Umalis na tayo!" tawag ni Devey.
Nauna na itong umalis. Pero may itinanim pala itong fire ball sa lupa. Habang inaaliw ng mga insekto at ibon ang mga halimaw ay tumakas na sila.
"Devey, huwag!" awat ni Hannah. Alam kasi niya na naroon sa paligid ang tatay nila.
"Huwag kang mag-alala, wala sa area na masusunog ang tatay mo! Nakalayo na siya!" anito.
Ayaw pa sana niyang umalis pero binuhat na siya ni Marcos. Nang makalayo na sila sa kagubatan ay biglang kumalat ang fire ball na iniwan ni Devey. Natunaw lahat maging punong kahoy. Naging abo ang mga ito.
"You distroyed the nature, Devey," dismayadong sabi ni Rafael. Nasaktan ang anak ng kalikasan.
"Hindi bale, magtatanim na lang ako ng binhi," pilyong sabi ni Devey.
"Umalis na tayo!" yaya ni Alessandro. Nauna na itong naglaho.
Sabay na nawala si Devey at Rafael. Naiwan si Hannah at Marcos sa tuktok ng munting isla na naliligiran ng tubig. Nakatanaw pa rin si Hannah sa nasusunog na kagubatan. Kumislot siya nang maramdaman ang mga kamay ni Marcos na namulupot sa baywan niya.
"Bakit ka nandito? Hindi ba may klase ka?" wika niya sa matigas na tinig.
"Naramdaman ko ang pag-alis mo. Lumalayo ang aura mo kaya alam ko na umalis ka. Hinanap kita hanggang sa mapadpad ako rito. Nakakapang-init talaga ng ulo ang mga halimaw!" anito.
"O baka naman sa akin ka naiinis."
"Yes. Nakakainis ka." Bumaling ito sa harapan niya. "Hannah, babae ka, hindi ka dapat sumasama sa mga misyon na mapanganib," anito.
"Hindi ako puwedeng manahimik sa isang tabi habang ang tatay ko ay nasa panganib!" asik niya.
"Bakit sa palagay mo maililigtas mo siyang mag-isa? Hayaan mo ang mga lalaki na maghanap sa kanya! I will find him for you!"
"No! Wala ka ring magagawa para makombinsi siya na sumama sa atin!"
"So ano pala ang gagawin natin? Kahit anong hanap natin sa kanya kung talagang ayaw niyang magpahanap, wala tayong magagawa. Nagsasayang lang tayo ng oras. Let's go home!" anito saka siya tinalikuran.
Naiinis na sumunod naman siya rito. Pagdating sa academy ay nagbabad sa swimming pool si Hannah na may maligamgam na tubig. Bihira nagagamit ang underground swimming pool na iyon ng academy. Doon siya nagre-relax sa tuwing pagod na pagod siya. Malamang hindi alam ni Marcos ang pasilidad na iyon.
0�f�;�ę
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top