Chapter 13

NATAGPUAN ni Hannah si Dario sa mansiyon nito sa CDO. Nakaupo sa sofa sa bulwagan si Dario kausap ang asawa nito'ng si Martina. Hinintay niya'ng matapos ang pag-uusap ng dalawa. Nang umalis si Martina ay saka lamang niya nilapitan si Dario. Umupo siya sa katapat nitong sofa.

"May kailangan ka?" kaswal na tanong ni Dario.

"Gusto ko lang po kayong makausap tungkol sa tatay ko," aniya.

"Hm. Ano'ng tungkol sa tatay mo?"

"Nagkita po kami," walang abog na pagtatapat niya.

Napamata si Dario. Deretso ang tingin nito sa kanyang mga mata. "S-sigurado ka, Hannah?" hindi makapaniwalang untag nito.

"Opo. Actually dalawang beses na kaming nagkita. Kanina ay nagpakilala siya sa akin na siya si Demoti na tatay ko."

Pinagsupling ni Dario ang mga kamay nito. "Ano ang napag-usapan ninyo?" usisa nito.

"Sinabi niya sa akin ang mga dahilan niya kung bakit niya ako iniwan sa isang salamangkero. At sinabi din niya sa akin na pinatay n'yo ang kapatid niya. Sapilitan daw po ninyo akong kinuha at inilayo sa kanya."

Bumalikwas ng tayo si Dario. "Sapilitan kitang kinuha sa salamangkero dahil ginagamit ka niya sa kanyang pagtatanghal. Hindi iyon alam ni Demoti. Hindi ako pabor sa pag-iwan niya sa 'yo kung saan. Nangako ako sa nanay mo na babantayan kita! At tugkol naman sa kapatid ni Demoti, naparusahan siya ng kamatayan dahil sa pagpuslit niya sa antigong alahas ng mga imortal. Pumatay din siya ng isa sa inosenteng tao na nagsisilbi sa mga organisasyon," paliwanag nito.

"Pero sinabi po ni ama na hindi totoong nagkasala ang kapatid niya. Hanggang ngayon ay naghinanakit siya sa 'yo."

"Ang pagpuslit ng mga alahas ay hindi niya kusang ginawa at napatunayang napag-utusan lamang siya. Pero kasalanan pa rin 'yon dahil ang mga kamay niya ang gumawa ng krimin. Ang pagpatay niya sa isang tao ay aksidente, pero nasa batas natin na hindi accepted ang aksidente, dahil mismong mga kamay niya ang kumitil ng buhay. Alam kong galit pa rin sa akin si Demoti, pero wala akong magagawa."

Tumayo siya. "Pinipilit niya akong sumama sa kanya sa Spain," batid niya.

Tumapang ang anyo ni Dario. "Hindi 'yon maaari! Hindi mo kilala ang grupong kinabibilangan niya!"

"Iyon din po ang iniisip ko kaya hindi ako pumayag. Nababahala lang po ako baka kung magtatagal siya rito sa bansa ay madakip siya ng mga kaaway. Gusto ko sanang dumito muna siya sa atin."

"Hindi siya papayag na umanib sa atin lalo pa't alam niya na ako pa rin ang namumuno ng organisasyon."

"Ano po ba ang dapat kong gawin?"

"Pabayaan mo siya. Makakapag-isip din siya kapag hindi ka nagpakita sa kanya. Huwag kang mag-alala, magtatalaga ako ng ispiya para bantayan siya."

Naibsan ang pag-aalala niya. "Salamat po, sir."

Hindi na umimik si Dario. Nang makontento siya sa sinabi nito ay nagpaalam na siya rito.

ISANG buwan pa ang lumipas...

Hindi na makapaghintay si Hannah na makita si Marcos sa mas develop nitong isip. Isang linggo siyang hindi nakakadalaw sa laboratory kung saan naka-incubate si Marcos. Sunud-sunod kasi ang misyon nila sa ibang lugar sa banya. Hindi rin niya ipinagkakait ang pagkakataon na makasama ang kanyang ama kahit ayaw pa rin nitong umanib sa kanila. Ang sabi ni Alessandro ay ano mang oras sa araw na iyon ay lalabas na si Marcos.

Excited na nagtungo sa laboratory si Hannah. Ngunit pagdating niya ay wala na sa loob ng incubator si Marcos. Tinungo niya si Alessandro sa loob ng blood bank. Pagbukas niya ng pinto ay natigilan siya nang mamataan niya si Marcos na tinutungga ang bote ng blood juice, habang nakaharap ito sa malaking salamin. Nasa tabi nito si Alessandro na nagtatanggal ng mga basyo ng bote sa mesa. Wala pang damit si Marcos.

Nang bigla itong lumingon sa kanya ay ganoon na lang ang pagtahip ng dibidb niya. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla. Sumikdo ang puso niya nang magtama ang mga mata nila. Nababasa na niya ang maturity sa mukha nito. Nag-level up ang kaguwapuhan nito, na para bang nadagdagan ang edad nito. Naisturbo ang pagkamangha niya nang hablutin ni Marcos ang tuwalya na nakapulupot sa leeg ni Alessandro saka ibinalot sa ibabang bahagi ng katawan nito.

"Do you know how to knock the door first, lady?" masungit na sabi nito sa kanya.

Tumikwas ang isang kilay niya. Awtomatiko'y nabaling ang tingin sa kanya ni Alessandro. Nasurpresa si Hannah sa naging asal nito. Nasaan na si Marcos? Ito pa kaya iyon? Naglakad ito palapit sa kanya. Nagulat siya nang nilagpasan lang siya nito. Sinagi pa nito ang balikat niya hanggang sa makalabas ito ng pinto.

Ang pananabik niya'y nahalinhan ng hindi mawaring kirot. Nang mahimasmasan ay sinugod niya si Alessandro. "Can you please expalin it to me, Sandro?" aniya.

Bumungisngis si Alessandro. "Hindi ko alam. Wala naman akong nakitang komplikasyon sa kanya. He did not suppering in amnesia. Siguro dapat mo siyang habulin at kausapin," anito.

"S-sigurado ka?"

"Yap. Baka may kinalaman 'yon sa hindi mo pagdalaw sa kanya ng isang linggo."

Hindi na siya kumibo. Patakbong lumabas siya at sinundan si Marcos pero hindi na niya ito makita sa academy. Nasalubong niya si Marco sa pasilyo patungong canteen.

"Sir, nakita n'yo po ba si Marcos?" natatarantang tanong niya.

"Ah, kaalis lang. Uuwi daw siya sa bahay."

"Salamat po."

Nagtungo kaagad siya sa bahay ng mga Navas. May tatlong buwan na rin siyang hindi nakakauwi doon. Dumaan siya sa bintana ng kuwarto niya. Lumabas siya at tinungo ang kuwarto ni Marcos. Hindi naka-lock ang pinto kaya pumasok siya. Wala roon ang lalaki pero narinig niyang tumatagistis ang tubig sa loob ng banyo. Hinintay niya itong lumabas.

Kumislot siya nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Paglingon niya ay lumabas roon si Marcos, na tanging puting tuwalya ang sapin sa ibabang bahagi ng katawan. Natigilan ito ng makita siya.

"Ano'ng ginagawa mo, dito?" nakakunot-noong tanong nito.

Tuluyan niya itong hinarap. "I'm Hannah," pakilala niya.

"I know." Humakbang ito palapit sa bed side table. Pinaandar nito ang DVD player at nag-play ang romantic instrumental music.

Sinundan niya ito ng tingin. "Ahm, galit ka ba sa akin?" tanong niya.

Hinarap siya nito. Pagkuwa'y humakbang ito palapit sa kanya. Nang deretso ang lakad nito ay umatras siya hanggang sa madikit ang likod niya sa dingding. Itinukod nito ang mga kamay sa magkabilang tagiliran niya. Napalunok siya nang ilapit nito ang mukha sa kanyang mukha may ga-daliri lamang ang pagitan.

"Do you have any idea how much I missed you, Hannah?" paanas na tanong nito.

Umiling siya. "I missed you too," tugon niya. Hindi na ito basta cute, kundi extra hot.

"Bakit hindi mo ako binisita ng isang linggo, huh?" may tampong tanong nito.

"Naging busy kasi kami. Sorry," aniya.

"Sorry accepted." Ibinababa nito ang tingin sa kanyang labi.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang paglapat ng bibig nito sa kanyang mga labi. Ibinuka niya ang bibig at hinayaang katagpuin ng panlasa nito ang kanya. Mabilis na ginupo ng init ang kanyang kaibuturan. Kumilos ang mga kamay nito. Isa-isang binubuksan nito ang botones ng kanyang damit hanggang sa tuluyan nitong mahubad. Pagkatapos ay in-unlock nito ang kanyang bra sa likod saka iyon inilaglag sa sahig.

Hindi na ito harsh kung kumilos. Isa na itong gentleman. Hindi siya bumitiw sa halik nito kahit nahihibang na siya likha ng kamay nito sa kanyang dibdib na mariing humuhubog. Ang isang kamay nito'y bumaba sa kanyang puson. Binuksan nito ang zipper ng kanyang pantalon saka ito hinila pababa. Bumitiw siya sa halik nito upang mahubad niya ang kanyang pantalon. Pagkuwa'y ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa leeg nito at ipinagpatuloy ang kanilang marubrob na pagkakalikan.

Makalipas ang ilang sandali ay ipinaglandas nito ang mainit na bibig sa likod ng kanyang tainga at leeg. Pagkuwa'y dumapo ang bibig nito sa pagitan ng kanyang dibdib. Umigtad siya nang tuluyang sakupin ng mainit nitong bibig ang kanyang dunggot. Samantalang ang mga kamay nito'y humuhubog sa kanyang kahubaran. Nang mabusog nito sa atensiyon ang kanyang mayayamang dibdib ay ibinaba naman nito ang labi sa kanyang puson−at bumaba pa sa kanyang kaselanan. Lumuhod ito sa kanyang harapan. Iniangat nito ang kaliwang paa niya saka iyon isinampay sa balikat nito. Kumapit siya sa batok nito nang magsimulang gumalugad ang panlasa nito sa loob at labas ng kanyang pagkababae−katuwang ang ilang daliri nito.

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi sa kagustuhang mapigil ang kanyang paghiyaw. Subalit lalo lamang siyang nahibang nang laruin ng malikot nitong panlasa ang kanyang kuntil. Gusto niya itong awatin ngunit hindi niya magawa. Tuluyang lumaya ang kanyang halinghing. Tumagal ito sa ganoong gawain hanggang sa makontento ito. Tumayo ito at bigla na lang siya itinulak pababa. Napaluhod siya sa harapan nito. Inalis nito ang tabing sa katawan. Tumambad sa kanya ang tirik nitong sandata.

Hinawakan niya ito at hinubog sa kanyang kamay. Kumapit ang isang kamay nito sa kanyang batok saka isinubsob ang kanyang mukha sa harapan niya. Kamuntik na siyang mabulunan. Talaga palang masama ang loob nito sa kanya. Upang makabawi ay nilapa niya ito at binusog ng kaligayahan. Mukhang hindi pa nakontento sa kanyang performance at talagang iniulos nito ang sandata sa kanyang lalamunan.

"Ooohh... Uhhmmm..." daing nito, habang dumadalas ang pag-ulos.

Nang pakiramdam niya'y babaliktad na ang sikmura niya ay kinurot niya ang hita nito, saka ito itinulak. Panay ang atras nito hanggang sa mapaupo ito sa gilid ng kama. Dagli siyang pumangko rito at walang abog na inangkin ito. Dagling nangunyapit ang mga kamay nito sa kanyang balakang. Sinagupa niya ang mainit nitong titig, habang siyang umiindayog.

"I wan't to come inside you, Hannah," sabi nito sa ilalim ng paghingal.

"No! Not now, Marcos!" protesta niya.

"Why?" ammuse na sabi nito.

"I'm not ready yet. Hindi pa sigurado kung compatible ang dugo natin."

"But I'm almost come!"

"Shit! No!" Tumayo siya.

"Damn! Bakit ka tumigil?" nanggagalaiting sabi nito.

Hinila siya nito at inihiga siya sa kama. Pagkuwa'y muli siya nitong inangkin. Saka lamang niya namalayan na nalalapit na rin siya sa tugatog. Nakalimutan niya ang iniisip niya kanina dahil tuluyan siyang ginupo ng nakakahibang na init. Bumagsak ang malaking katawan ni Marcos sa kanyang ibabaw, habang patuloy ang paghahasik nito ng binhi sa kaloob-looban niya.

Mayamaya lamang ay muli itong nabuhayan ng armas. Nagsisimula na ulit itong kumilos. Pinatagilid siya nito saka ito bumaling sa kanyang likuran. Nagpatuloy ito sa pag-ulos, habang panay ang hubog ng kamay sa kanyang dibdib.

"Ang sabi ni Alessandro, masyado raw mainit ang mga cells ko sa katawan kaya posibleng walang makakatagal na ibang cells kapag nai-combine sa cells ko. Ibig sabihin, hindi puwedeng i-donate ang mga cells ko kahit na kanino. Like now, I releases inside you. Hindi iyon mabubuo basta dahil papatayin ng cells ko ang mga cells mo. So hindi ka mabubuntis. Pero depende pa rin daw 'yon. Ang temperatura kasi ng cells ko ay depende sa mode ko. Hindi ako nag-aapoy kaya hindi mainit ang cells ko, meaning, may tendency na magko-combine ang mga cells natin na hindi namamatay ang cells mo," paliwanag ni Marcos.

Kinabahan siya. "So, puwede pa rin akong mabuntis," aniya.

"Yes. Don't worry I'll be a good father to our child."

"Okay ka na ba, Marcos?"

"What do you mean?"

"Kinakabahan kasi ako. Baka hindi na-develop sa isip mo ang tungkol sa pagkakaroon ng responsibilidad."

"Alessandro was a great genius. Nalagpasan niya ang abilidad ng tatay niya. He sets my memories in advanced method. Binawasan din niya ang intensity sa dugo ko. Bago ako ipinasok sa incubator ay kinausap niya ako. Kaming dalawa lang ang nakakaalam. Alessandro has ability to recycle the bodies of all creatures. Kaya niyang ilipat ang organs ng isang tao sa organs ng ibang nilalang. He was a monster of knowlenge, a crazy inventor of everything in his head. And because of that, I turn him on."

Natawa siya. Bumaling ito sa harapan niya saka nagpatuloy sa pagkilos. Dumalas pa ang pagbayo ng katawan nito. Iniangat pa nito ang kanyang mga paa.

"Meaning, you're in-love with Alessandro," biro niya.

Ngumisi ito. "What do you think of me, a gay?"

"Mabuti alam mo ang mga bagay na 'yan."

"Of course! I-I oh... here I come again, baby!"

Hindi na siya nakapagsalita nang mauna na siyang nakarating sa sukdulan. Kasunod niya'y naisigaw na rin ni Marcos ang tagumpay nito. Sumubsob ito sa ibabaw niya. Isinuksik nito ang mukha sa puno ng dibdib niya.

Hindi niya ramdam ang pagod nito. Malimit itong hingalin. Sinakop pa ng bibig nito ang isang dunggot niya. Umangat ito ng mukha upang magtagpo ang mga mata nila. Parang sanggol na hindi mabitawan ang pagkain nito.

"Matanda ka na para dumede, asshole!" aniya.

Ngumisi ito. "Wala ka namang milk, eh" sarkastikong sabi nito.

Natawa siya. "Magkakaroon lang ako ng milk kapag may baby na ako."

"Si mommy naman walang milk noon."

"Eh kasi hindi ka sa sinampupunan niya lumaki."

"Kaya siguro nagagalit si daddy kapag dumidede ako kay mommy noon."

"Hindi ganoon 'yon. Malaki ka na kasi at hindi magandang tingnan na dumidede ka pa sa mommy mo."

"Eh si daddy rin naman dumidede kay mommy! Malaki na nga siya."

Humagalpak siya ng tawa.

"Huwag kang tumawa, Hannah. In reality, hindi lang talaga baby ang dumidede sa mommy nila, pati ang daddy. Huwag kang mag-alala, alam ko na ang mga ganoong bagay," anito.

"Totoo? Hindi ka na inosente?"

"Nope. Alam ko na kung paano nabubuo ang baby. Isa pa, huwag mo na akong ituring na parang walang muang."

"Hindi na nga, eh. Alam kong magaling si Alessandro."

"Pero ang totoo, Hannah, hindi ka ba nagka-crush kay Alessandro?" mamaya'y usig nito.

"Hindi, no!"

"Bakit? Guwapo naman siya at matalino, mabait pa."

"Guwapo siya pero sa sobrang talino niya ay parang maiilang ang mga babae sa kanya. Isa pa, dahil sa sobrang talino niya, natatabunan niyon ang sex appeal niya. At siguro isa sa dahilan ay dahil hindi masyadong nae-expose ang kaguwapuhan niya dahil nakaburo lang siya sa loob ng laboratory."

"Pero mabait si Alessandro."

"Oo nga. Pero kasi, karamihan sa mga babae ay nahihirapang makisama sa lalaking sobrang talino. Seryoso siya sa buhay kaya ang alam ng mga babae ay boring siyang kasama. Baka hindi liligaya ang babae sa piling niya."

"So ayaw mo sa katulad niya? Ano pala ang gusto mong lalaki?"

"Ayaw ko sa kanya. Gusto ko ikaw."

Abot tainga ang ngiti nito. "I love you, Hannah," anito.

"I love you too, Marcos," ganti niya.

"And because you love me too, I will give you my heart, my soul and my gorgeous body."

"Hey, humahangin!"

Humagikgik ito. Pagkuwa'y siniil nito ng halik ang labi niya.

"Later again, baby," sabi nito pagkabitiw sa labi niya. Umahon ito mula sa kanya.

Nanatili siyang nakahiga habang pinagmamasdan si Marcos na nagbibihis. Napangiti siya. Tuluyan nang naglaho ang baby damulag na inaalagaan niya noon. Buong-buo na ito. Hindi niya sukat akalain na sa lalaking ito siya makakatagpo ng pag-ibig na may hustisya. Pero hanggang saan naman kaya ang bisa ng hustisyang iyon?

"Get dress and we will have a dinner," sabi ni Marcos.

Bumangon naman siya at nagbihis. Nagtiuna nang lumabas si Marcos. Sumunod na lamang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2017