Chapter 11
TINIIS ni Hannah na huwag dalawin sa kulungan nito si Marcos ng dalawang araw. Gusto niyang masiguro na kaya nang kontrolin ng binata ang emosyon nito. Nasa kusina siya at inaasikaso ang pagkain ng mga preso. Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto. Napalingon siya sa biglang pumasok. Si Leslie na nagkakandarapa.
"Hannah, bakit hindi mo dinadalaw si Marcos? Ayaw niyang kumain. Dalawang araw na niyang hindi kinakain ang pagkain na binibigay sa kanya. Ayaw niya akong kausapin. Si Marco lang ang kinakausap niya," anito.
Kinabahan siya. "Kasi, ma'am, baka masanay si Marcos na palagi ko siyang dinadalaw," dahilan niya.
"Then talk to him! Huwag mo nang pahirapan ang anak ko! Kung ayaw mo sa kanya, layuan mo siya! Kaya siya nasasanay sa 'yo dahil nagpapakita ka rin ng interes sa kanya. Ano ba ang totoo? Umiibig ka ba sa anak ko?" usig nito.
Nawindang siya. Nahihiya na tuloy siya kay Leslie. Pero minsan ay naiinis din siya rito. Kasalanan din ng mga ito kung bakit nasanay sa kanya si Marcos. Sa mahabang panahon niya na paninirahan sa pamilya ng mga ito ay mas nakilala niya si Leslie. Hindi ito mahusay mag-alaga ng anak. Dinaig pa ito ni Marco sa pag-aalaga. Marahil ay nasanay ito sa pamumuhay na iniaasa na lang sa katulong ang lahat na bagay. Pero nakadama siya ng takot na baka kapag sinabi niyang iniibig niya ang anak nito ay bigla itong tututol.
"Pasensiya na po, ginagawa ko lang ang nararapat para matuto si Marcos na tumayo sa sarili niyang mga paa," aniya.
"That's not my point, Hannah! Marunong na si Marcos magdesisyon. Alam na niya ang pinaggagawa niya. Ang gusto lang niya ay atensiyon. Isang atensiyon na nagmumula sa taong mahal niya."
"Pero mas mainam po na magsisimula sa inyong mga magulang niya ang sinasabi ninyong atensiyon. Ang alam ko'y hindi ako nagkulang sa pagbibigay ng atensiyon kay Marcos. Ang totoo, hindi ako pabor sa desisyon ninyo noon na dalhin siya sa Germany. Alam kong hindi magiging madali para kay Marcos ang naging desisyon ninyo. Kng bakit nagkaroon ng komplikasyon sa development ng isip ni Marcos, iyon ay dahil sa mga maling desisyon ninyo," buwelta niya.
Natigagal si Leslie. Hindi na ito nakapagsalita pa.
"Excuse me po. Ihahatid ko lang ang pagkain ni Marcos," aniya.
Ang ibang pagkain para sa ibang preso ay trabaho na ng security. Ibinukod talaga niya ang pagkain ni Marcos. Pagdating niya sa kulungan ni Marcos ay naabutan niya itong nakahiga sa kama nito. Hubad-baro ito. In-off niya ang kuryente sa rehas saka binuksan ang pinto. Hindi manlang kumibo si Marcos. Parang wala itong nakita at naramdaman.
Inilapag niya ang tray ng pagkain sa mesang katabi ng kama nito sa bandang ulunan. Lumuklok siya sa gilid ng kama sa tagiliran nito. Nakatitig lang ito sa kisame, habang nakaunan ang ulo nito sa mga kamay nito.
"Bakit hindi ka kumakain?" tanong niya.
Hindi siya nito sinagot. Ni hindi siya tinitingnan. "Kumain ka na. May dala akong blood juice," sabi niya.
Wala pa rin itong kibo. Naiinis na siya. Hanggang kailan ba ito maghinanakit sa kanya? Inalog niya ang balikat nito. Parang wala itong pakiramdam. Sa inis niya'y hinubad niya ang kanyang sapatos saka sumampa sa kama. Kinaibabawan niya ito. Sa paraang iyon at napatingin ito sa kanyang mga mata.
"Ano ang ginagawa mo, Hannah?" seryosong tanong nito.
"Pinapakain ka. Kung galit ka sa akin, kainin mo ako," pilyang sabi niya.
Inalis nito ang mga kamay sa ilalim ng ulo nito. Dumapo ang mga iyon sa kanyang pang-upo. "I will eat you now. Take off your clotes!" marahas na sabi nito.
"No. You just do."
"Fuck!" Bigla nitong binaklas ang kanyang blusa.
Bahagya siyang umangat upang tuluyan siya nitong mahubaran. Nang lumaya ang kanyang mayayamang dibdib ay dagling hinubog iyon ng mga kamay nito. Bahagya itong umupo at sumandig sa headboard ng kama. Umigtad siya nang parang sanggol na sabik nitong isinubo ang kanyang dunggot. Ang kawawang Marcos, nagutuman. Isinubsob pa niya ang dibdib sa mukha nito. Umungol siya nang maramdaman ang pagsiil nito nang husto sa kanyang dunggot. Sumikip ang kanyang paghinga.
Nang magsawa ito sa kanyang dibdib ay kinabig siya nito sa balakang saka siya iniangat. Napasinghap siya nang punitin ng matatalim nitong kuko ang kanyang nalalabing panloob. Pagkuwa'y isinubsob naman nito ang mukha sa kanyang kaselanan. Napigil niya ang pagsigaw dahil baka umalingawngaw ang tinig niya. Pero para siyang sasabog sa kaligayahan nang maglabas-masok ang panlasa nito sa kanyang puwerta. Kumapit siya sa batok nito. Kakaiba ang gutom na nararamdaman ni Marcos. Hindi nito nilubayan ang kanyang pagkababae hanggang sa sapilitan niya itong awatin.
Lumuklok siyang muli sa puson nito. Pagkuwa'y naghinang ang kanilang mga labi. Hinawakan nito ang kanang kamay niya saka ito iginiya patungo sa pagkalalaki nito. Nakapa niya ang paghuhumindig nito. Matured na nga ang isip ni Marcos. Ito mismo ang pumutol sa halik na iyon. Ibinaba naman niya ang mukha sa dibidb nito. Hinalik-halikan niya ang bawat bahagi niyon, hanggang sa itulak nito pababa ang ulo niya sa ibaba ng puson nito. Ito pa ang nag-aapurang ibaba ang natitirang saplot nito. Bumlaga sa kanya ang damulag nitong sandata. Iginiya nito ang kamay niya na hawakan niya iyon. Kahit hindi nito iutos ay gagawin niya iyon, dahil alam niya'ng ikaliligaya nito iyon.
Hinubog niya ang kakisigan nito hanggang sa lasahan at sukatin ng bibig niya ang kahabaan at katigasan nito. Hindi rin maingay si Marcos, pero nararamdaman niya ang paninigas ng mga kalamnan nito, lalo na nang sakmalin niya ang kaligayahan nito.
"Ohhh, shit!" hindi natimping sigaw nito.
Hindi siya tumigil hanggat hindi siya nito inaawat. Mamaya'y hinila nito ang buhok niya dahilan upang mag-angat siya ng mukha. "Come, Hannah!" utos nito.
Hinawakan siya nito sa magkabilang balakang saka iginiya ang kanyang katawan na angkinin ito. Napadaing siya nang pumaloob ito sa kanya. Idiniin pa nito ang kanyang katawan. Nanigas siya ng panandalian. Makalipas ang ilang sandali ay tinulungan nito ang kanyang katawan sa pag-angat-baba. Hanggang sa kusang loob niya iyong ginagawa. Nararamdaman niyang nahihibang si Marcos kaya inigihan pa niya ang pag-indayog.
"Aahhhh... Keep it up, Hannah! It's felt good!" hiling nito.
Parang robot na dinalasan pa niya ang pagkilos. Hindi lang iyon para sa ikaliligaya ng kanyang kapareha kundi sa kanyang pangangailangan na maabot ang inaasam ng kanyang katawan na kaginhawaan. Nang humantong siya sa sukdulan ay bigla siyang nanlumo. Napayakap siya kay Marcos. Pinagpahinga lang siya nito ng ilang sandali, pagkatapos ay ito naman ang pumuwesto sa kanyang ibabaw. Muli siya nitong inangkin.
Panay ang hubog ng mga kamay nito sa kanyang dibdib habang walang tigil ang pag-ulos nito. Mamaya'y parang unos na binabayo nito nang husto ang kanyang katawan. Pakiramdam niya'y magkalasug-lasog ang kanyang katawan. Nakita niyang nag-anyong bampira si Marcos, kaya pala domuble ang lakas nito. Hindi niya ito kakayanin kung normal lang ang anyo niya. Sinabayan niya ito.
At dahil umiral ang dugong bampira sa kanilang mga katawan ay lalong tumagal ang pagtatalik na iyon. Ilang ulit siyang dinala ni Marcos sa sukdulan ng kaligayahan.
Pagkalipas ang halos isang oras na love making ay parang dinaanan ng ipu-ipo ang kama ni Marcos. Nasa sahig na lahat na sapin nito. Nakaidlip si Hannah matapos ang mala-bagyong pagniniig nila. Namataan niya si Marcos na kinakain ang dinala niyang pagkain. Tumayo siya at inayos ang kama. Kahit hindi na maisara ang blouse niya ay isinuot pa rin niya ito. Na-drain ata ang lakas ni Marcos. Naubos nito ang isang bandehadong kanin at good for two serving na ulam. Dapat ay share sila sa pagkain dahil gusto niya itong samahan.
"Kulang pa ba ang pagkain? Ikukuha pa ba kita?" tanong niya.
Kumislot siya nang marahas siya nitong balingan ng tingin. Namumula ang mga mata nito. "Bakit?" aniya.
"Hindi mo ako mauuto, Hannah. Ginawa mo ba ito para huwag akong magalit?" namumurong sabi nito.
"Ano? Hindi kita inuuto, Marcos!"
"Tama bang ihain mo sa akin ang sarili mo?"
"Iyon lang ang alam kong paraan para makabawi sa 'yo. Eh tinanggap mo naman."
Bumalikwas ito ng tayo. "Naaawa ka lang sa akin! Tinanggap ko dahil nasasabik ako sa 'yo!"
Napalunok siya. Walang preno ang bibig ni Marcos kung magsalita. "H-hindi, Marcos! Hindi awa ang nararamdaman ko sa 'yo."
"Then, tell me why? Bakit ka nakipag-sex sa akin?" walang abog na sabi nito.
Kinilabutan siya. "Dahil gusto ko!"
"No!"
Sinampal niya ito. Lalong tumapang ang pagkakatitig nito sa kanya.
"Dapat mo rin palang pag-aralan ang feelings ng mga babae. Hindi mo pa rin kayang basahin ang nararamdaman ko," aniya.
"I know, Hannah. May feelings ka sa akin pero itinatago mo. Bakit hindi mo ipakita o kaya'y sabihin sa akin? Do you love me, Hannah?"
"Yes! I love you, Marcos!" Wala na siyang choice.
Hindi ito kumibo. Alam niya marami nang mga katanungan ang naglalaro sa isip nito.
"Sorry kung hindi ko pinanindigan ang nararamdaman ko. Natatakot kasi ako na baka hindi mo ako matutunang mahalin. Para maaliw naman ako, pinagtiyagaan ko ang nonseserious relationship namin ni Zack," paliwanag niya.
Napamata ito. "Kung ganoon, ako 'yung sinasabi mo na mahal mo?"
"OO, Marcos, ikaw 'yon. Nagbabahala lang ako baka masasaktan lang ako kapag pinanindigan ko ang nararamdaman ko. Baka kasi hindi mo magawang panindigan ang magiging relasyon natin."
"Ibig sabihin, minaliit mo ang kakayahan ko, Hannah. Sa loob ng tatlong araw na nakakulong lang ako rito, natutunan ko lahat na bagay na nagpapagulo sa isip ko, pinag-aralan ko lahat, pinagbuklod ko at inunawa. Naawa ako sa sarili ko dahil kung tratuhin ako ng iba ay mangmang. Wala silang tiwala sa kakayahan ko. I hate Tito Dario, all of them, even my dad. Hindi naman ako sira ulo para ikulong nila ako. Nagkasala ako pero huwag naman sana nilang sabihin na mapanganib ako dahil hindi matino ang isip ko. Alam ko nasasaktan si Daddy dahil anak niya ako. Pero mabait si Daddy, ayaw niyang ipaglaban ang karapatan niya kahit nahihirapan siya. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin, Hannah. Kahit ang mommy ko ay hindi ako maintindihan. Alam ko na kung bakit demonyo ang tingin nila sa akin. Dahil alam nilang kaya ko silang sunugin lahat sa impiyerno!"
"Sss... don't say that, Marcos. Pamilya natin sila, hindi sila kaaway. Hindi totoong hindi ka naiintindihan ng mommy mo. Pilit ka niyang iniintindi at mahal ka niya. Wala lang silang choice na ilayo ka rito dahil ayaw nilang ibang nilalang ang magpahirap sa 'yo. Pero pinagsisihan naman nila ang naging desisyon nila. Mga magulang mo sila at kahit anong mangyari ay kadugo mo sila, at hindi ka mabubuo kung hindi dahil sa pagmamahalan nila," paunawa niya rito. Kinabahan siya sa daloy ng pananalita nito. Naramdaman niya ang hinanakit nito.
"Gusto kong lumayo sa kanila, Hannah."
"No. Hindi mo puwedeng gawin 'yan. Pahihirapan mo lang ang sarili mo."
"I need to find myself. Pakiramdam ko hindi ako tanggap sa lugar na ito."
"Hindi totoo 'yan. Dinidesiplina ka lang nila. Hindi kita susuportahan kung ganyan ang plano mo, Marcos."
"That's up to you, Hannah. Pero mahal kita, tandaan mo 'yan. Ikaw lang ang mamahalin ko."
Nanikip ang dibdib ni Hannah. Pakiramdam niya'y iiwan siya ni Marcos. Yumapos siya sa katawan nito. "Kaya lang naman nila ginagawa ito sa 'yo ay para matuto ka at maintindihan mo lahat ng bagay na hindi mo nakamulatan. Hindi mo kailangang lumayo. Ayaw kong umalis ka, Marcos. Magiging maayos din ang lahat. Malupit lang si Sir Dario, pero busilak ang puso niya. Hindi ka niya itatakwil dahil alam niyang wala ka namang ginagawang masama. Naiintindihan ka niya, pero gusto lang niya na magising ang isip mo at matuto kang kontrolin ang emosyon mo," paintindi niya rito.
"Nasasaktan ako, Hannah. Feeling ko pinagkakaisahan nila ako," anito.
"Hindi totoo 'yan. Huwag mong isipin ang bagay na 'yan dahil wala 'yang katuturan." Minamasahe niya ang dibidib nito. Nararamdaman niya ang unti-unting pagkalma ng mga kalamnan nito.
Dagling kumalas si Hannah kay Marcos nang mamataan niya si Marco at Dario na nakatayo sa harapan nila, sa labas ng kulungan. Awtomatiko'y hinarap ni Marcos ang mga ito.
"Bakit nariyan ka sa loob, Hannah?" kaswal na tanong ni Dario.
Inayos ni Hannah ang kanyang damit upang hindi mahantad ang kanyang dibdib. Nag-iisa na lang kasi ang botones na naiwan kaya hindi niya maisara nang maayos ang damit. "Ahm, p-pinakain ko lang po si Marcos," tugon niya.
"Malaki na siya, marunog na siyang kumain mag-isa," ani Dario.
"Ano ba ang pinakain mo sa kanya?" tanong pa ni Marco.
Uminit ang mukha niya. Ano nga ba ang pinakain niya kay Marcos? "Ahm, dinalhan ko siya ng kanin at ulam," aniya.
"Oo nga't mukhang busog na busog si Mascos. He looks like a human now. Hindi na siya gutom na tigre," pilyong sabi ni Dario.
"Kakausapin ko lang ang anak ko, Hannah," pagkuwa'y apila ni Marco.
Tumalima naman siya. Dinala niya sa paglabas ang tray ng pagkain. Panay ang lingon niya habang papalayo sa kulungan ni Marcos. Nakatingin din ito sa kanya. Pagdating niya sa kusina ay inutusan kaagad siya ni Serron na maghatid ng mga sariwang karne sa safe houses kasama ang ibang alagad ng academy.
Pagkagaling sa safe houses ay sinuyod ni Hannah ang bayan ng Talisay. Dumidilim na kaya inaasahan niya na maglalabasan na ang mga halimaw. Nagmakaawa kasi sa kanya ang isang ginang na pasukin niya ang bahay ng mga ito at kunin niya ang naiwang alaga nitong aso. Naawa siya sa ginang dahil iyak nang iyak. Natagpuan niya ang address. Medyo malayo na sa bayan ang dalawang palapag na bahay. Lumapag siya sa bubong. Dalawang araw pa lang na nilisan ng ginang ang bahay na iyon. Wala pa naman daw halimaw na nakapasok doon. Pero naniguro siya.
Binasag niya ang salaming bintana saka pumasok. Wala nang supply ng kuryente ang kabahayan kaya madilim. Lumabas siya sa kuwartong pinasukan niya. Pagkuwa'y bumaba siya sa grandfloor. Kumislot siya nang biglang may tumahol. Paglingon niya sa kanyang likuran ay namataan niya ang kumikinang na mga mata ng aso.
"Hey, kiddo! Come here!" tawag niya sa aso.
Patuloy sa pagkahol ang aso. Matinis ang boses nito kaya alam niyang maliit na uri ng aso. Nang tumapat ito sa liwanag na nagmumula sa buwan ay naaninag niya ang hitsura nito. Puting-puti ito na mabalbon. Kung kailan malapit na siya sa aso ay bigla namang may humaklit sa balikat niya. Paglingon niya'y kamay na tumakip sa bibig at ilong niya. Bigla siyang nahilo sa amoy ng kamay nito hanggang sa makalimot siya.
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top