Chapter 20
MADALAS umaalis si Devey kaya hindi nagkaroon si Ella ng pagkakataon na mausig ito tungkol sa problema nito. Nang gabi na umuwi ito ay sinubukan niya itong kausapin ngunit maaga itong natulog. Awang-awa siya sa asawa habang pinagmamasdan ito. Malaki ang ipinayat nito. Hindi na ito nakapagbihis, marahil ay dahil sa pagod.
Dahandahan niya itong binihisan. Pagod na pagod talaga ito dahil kahit anong alog niya sa katawan nito ay hindi ito nagigising. Kahit minsan ay naiinis na siya dahil halos wala na itong oras sa kanya, hindi pa rin niya ipinapahalata rito na nagtatampo siya. Iniintindi na lang niya ito, dahil alam niya na para sa kanya rin naman ang paghihirap nito. Ang maiaambag lamang niya sa ngayon ay ang alagaan ang kanilang anak.
Kinabukasan paggising ni Ella ay wala na sa tabi niya si Devey. Katulad ng dati, nakahanda na ang almusal sa kusina. Inagahan na nga niya ang gising para siya naman ang magluto. Naabutan pa niyang naghuhugas ng plato si Martina.
"Ang aga mo namang nagising," bungad nito sa kanya.
"Gusto ko po sana na ako naman ang magluluto ng almusal," aniya.
"Nako, huwag ka nang mag-abala. Napupuyat ka palagi kaya dapat hindi ka nagigising ng maaga."
"Okay lang po ako. Umalis na po ba si Devey?"
"Ah, h-hindi. Nandoon siya sa laboratory."
"Ano po ang ginagawa niya?"
"Hindi ko alam, eh. Punatahan mo na lang. Hindi pa nga iyon nag-aalmusal, hihintayin ka raw niya magising."
"Sige po, pupuntahan ko muna siya."
Pagkuwa'y nagtungo siya sa laboratory. Nakasara ang pinto kaya kumatok siya ng maraming beses. Matagal bago bumukas ang pinto. Nagulat siya nang hindi si Devey ang bumungad sa kanya kundi si Alessandro.
"Ahm, good morning! Nariyan ba si Devey?" aniya.
"Nasa maselang trabaho siya kaya pasensiya na kung hindi kita papayagang pumasok," anito.
"Ganoon ba? Okay lang. Pakisabi na lang na hihintayin ko siya sa dining."
"Okay." Pagkuwa'y isinara muli ni Alessandro ang pinto.
Panandaliang nanikip ang dibdib niya. Nagugutom na siya pero tiniis niya sa kagustuhang makasabay sa almusal ang asawa.
Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ay lumabas na si Devey. Sa halip na matuwa ay nakadama siya ng lungkot nang makita ang matamlay na mukha ng kanyang asawa. Parang ang bigat-bigat ng nararamdaman nito. Walang siglang umupo ito sa tabi niya.
Sinalinan kaagad niya ng pagkain ang plato nito. Nakatitig lang ito sa plato nito at tila wala pang balak kumain.
"Ano ba ang ginagawa mo?" tanong niya rito.
"Ah, may pinag-aaralan lang kami," sagot nito. Saka lamang ito nagsimulang kumain.
"Kailangan bang gawin n'yo ngayong araw 'yon?"
"Kailangan eh. Hindi namin 'yon puwedeng patagalin."
"Baka magkasakit ka niyan."
"Okay lang ako. Huwag mo akong intindihin."
"Pero nangangayayat ka na."
"Wala ito. Dahil lang ito sa mga kimikal na ginagamit namin. Huwag kang mag-alala matatapos din ito."
Hindi na lamang siya komuntra. Mamaya'y naalala niya ang papa niya.
"Ahm, puwede ba nating puntahan si Papa mamayang gabi? Ang sabi kasi ni daddy malapit na raw bumalik lahat ng memorya ni papa. Nakikilala na raw niya ang pamilya niya. Kapag nakita niya ako ay tuluyan nang makaka-recover si papa," pagkuwa'y sabi niya.
Biglang tumigil aa pagsubo si Devey. Hindi ito makatingin sa kanya. "Hindi pa puwede mamayang gabi, baka hindi kasi namin matapos ang trabaho namin mamaya," sabi lang nito.
"Ganoon ba? Sige, kapag hindi ka na lang busy." Hindi niya pinapahalata kay Devey na nahihirapan ang damdamin niya.
Mamaya'y dumating si Dario, kasama si Derek. "May good news ako, Ella. Tuluyan nang bumalik ang alaala ng papa mo. Kanina ay hinahanap ka niya," masiglang batid ni Dario.
"Talaga po?!" Napaiyak sa tuwa si Ella dahil sa balitang iyon ni Dario.
Gusto na kaagad niyang makarating sa safe house para makausap ang ama. Pero napalis ang ngiti niya nang mapansin si Devey, na tila walang narinig. Nagpatuloy lang ito sa pagsubo. Hindi lamang niya ito pinansin dahil nagsasalita pa si Dario.
Pagkatapos nilang mag-almusal ay hindi na niya nakita si Devey. Wala naman ito sa kuwarto nila. Nagtungo na naman siya sa laboratory ngunit sarado. Ilang beses siyang kumatok ngunit walang nag-abalang pagbuksan siya. Nababalaha na siya sa nangyayari kay Devey. Tinatawagan niya ito ngunit hindi siya sinasagot.
Nang maghapong hindi niya makita si Devey ay lakas-loob na niyang nilapitan si Dario, habang nagpapahinga ito sa sala kasama si Martina. Umupo siya sa katapat nitong sofa.
"Ahm, daddy, baka po hindi na darating si Devey. Puwede po bang kayo na lang ang magdala sa akin kay papa?" samo niya.
"Ha? Nasaan ba si Devey?" takang tanong ni Dario.
"Naroon sa laboratory, hon," sagot naman ni Martina.
Nababag ang kalooban ni Ella. Kung naroon lang si Devey, bakit hindi siya pinagbuksan ng pinto? Dalawang beses na siyang pabalik-balik sa laboratory.
"Hindi naman po niya binubuksan ang pinto," aniya.
"Baka kasi gumagamit siya ng matatapang na kimikal kaya ayaw ka niyang papasukin," ani Dario.
"E bakit po hindi niya sabihin sa akin? Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot," may tampong sabi niya.
Bumaling kaagad sa tabi niya si Martina at inalo-alo siya. "Anak, huwag mo nang pansinin si Devey, ganoon lang talaga iyon kapag sobrang maselan na ang trabaho niya. Isa pa, hindi iyon gumagamit ng cell phone kapag may ginagawa siya. Huwag kang mag-alala, paglabas niya mamaya sabay-sabay tayong pupunta sa papa mo," sabi na alng ni Martina.
Nagtiwala na lamang siya sa mga ito.
Alas-diyes na ng gabi nakalabas ng laboratory si Devey. Napansin kaagad niya ang pamumugto ng mga mata nito. Sa sala pa lang ay sinalubong na niya ito.
"Anong nangyari? Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong niya.
"H-hindi. Matapang kasi ang kimikal na ginamit ko at masakit sa mata," anito.
Hindi niya mawari ang amoy nito kaya kinaladkad niya ito sa banyo ng kuwarto nila at pinaliguan. Hindi lamang ito kumikibo habang kinukuskos niya ng sabon ang katawan nito.
"Kanina ka pa namin hinihintay. Sabay daw tayong lahat na pupunta sa safe house para puntahan si papa," aniya.
Hindi umimik si Devey. Inagaw nito ang sabon sa kamay niya saka ipinagpatuloy ang paliligo. Pinabayaan na niya ito, pero hindi niya ito iniwan hanggang sa matapos itong maligo. Siya pa ang nagbihis rito, dahil parang tamad na tamad itong kumilos.
Excited na siyang makita ang papa niya kaya nauna na siyang lumabas. Ininom niya ang juice na inaalok sa kanya ni Martina. May gamot iyon pampatulog. Hindi daw kasi siya puwedeng sumama sa mga ito sa paglalakabay na gising. Isang minuto lang matapos niyang maubos ang inumin ay nakakalimot na siya.
Nagising na lang si Ella sa kuwarto na inaakupa nila sa safe house. Bumaba kaagad siya at nagtungo sa kinaroroonan ng papa niya, ngunit hindi siya kaagad nakalapit sa ama dahil naroon ang grupo ng father in law niya at iniimbestigahan ang papa niya. Wala pa pala doon si Devey.
Hindi siya makasingit kaya hinintay muna niya si Devey. Tamang-tama pagdating ni Devey ay binigyang daan siya ni Dario para makausap ang papa niya. Nauna nang pumatak ang luha niya, habang yakap ng buong higpit ang kanyang ama. Nasilayan din niya ang luha ng papa niya, habang tulalang nakatitig sa mukha niya makalipas ang matagal na yakapan.
"Papa, ako po si Ella, ang anak n'yo," pakilala niya para hindi malito ang papa niya.
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Ang laki mo na, anak. Kamusta ka na?" sabi lang nito.
"Heto, magkakaapo na kayo," aniya.
Bigla na lang napahagulgol ng iyak ang ginoo. "Patawad, anak. Hindi ko na nasubaybayan ang paglaki mo. Ang dami kong pagkukulang," anito.
Nawalan siya ng sasabihin. Nadala siya ng emosyon nito kaya niyakap na lamang niya itong muli. Mamaya'y namagitan si Dario. Hindi pa pala tapos ang pag-iimbestiga nito sa papa niya.
"Tama na muna, Ella. Mamaya na kayo mag-usap," ani Dario.
Ayaw pa sana niyang bumitiw sa ama pero hinila na siya ni Devey palayo sa kanyang ama. Tumabi sila upang mabigyang daan si Dario at malapitan muli ang papa niya. Hinayaan na muna niya ang mga ito. Ngunit nagtataka siya bakit parang hindi masaya si Devey sa pagbabalik ng papa niya. Madilim ang aura nito. Wakang bakas ng galak sa mukha nito, sa halip nababalot iyon ng hindi mawaring lugkot.
"Bakit, Devey? May problema ba?" tanong niya rito.
"Ha? W-wala," mariing kaila nito.
"Bakit parang hindi ka masaya?"
"Masaya ako, kaso siyempre hindi pa tayo puwedeng magdiwang. Marami pa tayong problema. Hindi pa natin nababawi si mama."
Bumigat na naman ang dibdib niya.
"Pero huwag kang mag-alala, may ginagawa na kaming hakbang," anito pagkuwan.
Ininingkis niya ang kamay sa baywang nito, habang inaakbayan siya nito. Hinihintay na lang nila na matapos ang pag-dondena ni Dario sa papa niya. Pero nalulungkot siya sa paraan ng pagtanong ni Dario sa papa niya, na parang may isinusumbat ito at inuusig.
"Mr. Kim, alam na namin lahat ng tungkol sa blackribbon organization. Tungkol naman sa pagkakaroon mo ng koneksiyon kay Dr. Dreel ay hindi namin masyadong nalinaw, dahil mas mainam na sa iyo magmumula," sabi ni Dario sa papa niya.
Matagal bago nakakibo ang papa niya. Panay ang sipat nito sa kanya. Pinaliligiran ito ng miyembro ng Sangre Organization. "I'm sorry, firstly to my doughter ang my wife. I don't have choice. Kailangan kong isaalang-alang ang buhay ko para sa kaligtasan nila. Mamamatay ang anak ko kung hindi ako lalapit kay Dr. Dreel. Pero niloko niya ako. Ang sabi niya gagamutin niya ang anak ko kapalit ng paglagay ko ng blackribbon organization sa kamay niya. Inilaglag ko ang mga kasama ko, pero madadawit din pala ako," paliwanag nito.
"Ang tungkol sa blackribbon virus, alam mo ba kung saan o kaninong tao iyon itinanim ni Dr. Dreel?" matapang na tanong ni Dario.
Tiningnan na naman siya ng papa niya. Kumislot si Ella nang biglang bumaba ang kamay ni Devey sa braso niya at napahigpit ang kapit nito roon.
Naunahan na ng hagulgol ang papa niya. "I'm sorry, anak, I'm so sorry," anito.
Nagtataka si Ella.
"Hindi ko alam na ang pagpaso ni Dr. Dreel sa batok ng anak ko ay iyon na pala ang pagtanim niya ng virus. Sinabi lang niya sa akin noong pinapasuko niya ako kasama ng ibang kasama ko na tumakas sa poder niya. Ang sabi niya babawiin niya ang virus kapag sumuko ako, pero hindi niya ginawa. Sinabi niya na after twenty years ay mamamatay ang anak ko at ikakalat ng katawan niya ang virus sa buong mundo," paliwanag ng papa niya, na nagpawindang sa kanya, lalo na sa lahat na naroon.
Nanigas ang buong katawan niya nang mabaling sa kanya ang tingin ng lahat, maliban kay Devey na lalo pang humigpit ang kapit sa braso niya. Naibaling niya ang tingin kay Devey na walang kibo.
"Devey!"
Nagulat siya sa marahas na pagtawag ni Dario kay Devey. Hindi kumibo si Devey, sa halip ay hinila siya nito palabas sila sa kuwartong iyon. Malalaki ang hakbang nito habang binabaybay nila ang madilim na pasilyo.
"Devey, sandali! Saan tayo pupunta?" aniya, habang patakbong nakabuntot rito.
"Aalis tayo, Ella," anito.
"Bakit?" Nagpumilit siyang kumawala sa kamay nito. Tumigil siya sa paghakbang, dahilan upang huminto rin ito. Marahas siya nitong hinarap.
"Kapag hindi kita inilayo, papatayin ka nila, Ella!" sabi nito sa matigas na tinig.
Nawindang siya.
Kasasabi lang ni Devey ay may grupo na ng kalalakihang dumating at pinalibutan sila. Humigpit pa ang kapit ni Devey sa kamay niya.
"Let us go!" asik ni Devey sa kalalakihan.
"Hindi ka puwedeng umalis, Devey. Mag-usap kayo ng daddy mo," wika ng nangangalang Trivor.
"No! May isang salita si Daddy! Kapag sinabi niya, gagawin niya! Put yourself in my situation, Tito Trivor!"
"Devey!" tinig ng matapang na lalaki buhat sa likuran ni Trivor.
Nang tingnan niya'y si Dario.
Hindi nagpatinag si Devey, bigla na lang ito nagpakawala ng apoy mula sa palad nito. Nagkagulo na nang kumalat ang apoy sa paligid. Tinangka ni Devey na tumakas kasama si Ella, ngunit siya ang pumigil rito. Nasa bukana na sila ng pinto.
"Let's go, Ella!" anito, habang kinakaladkad siya.
"Hindi ito tama, Devey." Nag-uunahan na sa pagpatak ang luha niya.
"Ella..."
"Haharapin natin ito na magkasama. Hindi tayo tatakas."
"Pero..."
"Anak ka ng daddy mo, alam ko hindi ka niya kayang saktan. Walang ama na kayang saktan ang anak, Devey. Busilak ang puso ng daddy mo kaya alam kong maiintindihan ka niya at mapagbibigyan. Kung meron ka mang kalaban rito, iyon ay ang takot mo sa sarili, na baka hindi ka magtagumpay sa plano mo. Ideya ito ng isang duwag, Devey. Kung mahal mo ako, mananatili tayo rito," aniya.
Nangilid na ang mga luha ni Devey. Hindi na ito nagpumilit na umalis, hanggang sa bigla na lang sumulpot si Dario sa likuran nito.
"Mag-usap tayo, anak. Huwag kang matakot. Huwag kang magalit," ani Dario.
Tuluyan nang bumitiw sa kanya si Devey. Hinayaan siya nitong sumama sa ibang kasama ng daddy nito.
�_
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top