Chapter 2



HINDI na lang pinansin ni Ella ang nararamdaman niya dahil sa presensiya ni Devey. Nang may dumating na grupo ng banyagang kalalakihan ay nawala na sa paningin niya si Devey. Napasubo siya ng English-san sa mga Koreano. Bagaman half Korean ang papa niya at tumira sila ng limang taon sa Korea, ay hindi na niya kayang magsalita ng Korean. Hirap din sa wikang English ang mga lalaki kaya parang pepe siya habang nakikipag-usap sa mga ito na panay sign language lang. Mas naiintindihan siya ng mga ito kahit English kalabao.

Limitado lang ang English vocabulary niya kaya ayaw niyang ma-assign sa front office lalo na bilang receptionist. Karamihan pa naman sa mga guest ng Harley's resort ay foreigner. Second choice na lang niya sa kursong tinapos niya, hindi kaya ang first choice.

Pagsapit ng tanghali pagdating ng kasama ni Ella ay nagpaalam na siyang mananghalian. Maraming guest kaya ala-una na siya nakalabas ng front office. Bawal daw kasing kumain doon kaya sa restaurant na siya nagtungo at ibinigay ang meal stub niya sa waiter. Libre sila ng tanghalian kaya hindi na niya kailangan magbaon.

Pagdating niya sa dining ay nasipat kaagad niya si Jero na mag-isang nakaupo sa mesa malapit sa bar counter. Abala ito sa pagtipa sa laptop nito. Nilakasan na niya ang loob para malapitan ito. Hndi man lang ito naisturbo nang umupo siya sa kaharap nitong silya. Palagi namang ganoon si Jero kahit noong binatilyo pa ito, hindi lang talaga palakibo.

"Puwede ba akong kumain dito?" naiilang na tanong niya rito.

Tumango lang si Jero, habang hindi maibaling ang tingin sa kanya. Hinihintay na lang niya ang pagkain niya. Mamaya ay may lumapit na babae, maganda pero mukhang mas bata sa kanya.

"Kuya Jero, narito pa ba si Kuya Devey?" tanong ng babae.

"Nasa conference pa. Bakit?" ani Jero.

"Sabi kasi ni Mommy siya raw ang maghahatid sa akin sa academy."

"Mamayang hapon pa 'yon. Ako na lang ang maghahatid sa 'yo. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko."

"Sige. Hihintayin na lang kita." Umupo ang babae sa tabi niya. Maya't-maya ang sipat nito sa kanya.

Kapag naka-side view ito ay nakikita niya ang anggulo ng mukha ni Devey. Cute ito pero medyo mataray kung tumingin.

"Are you employed here?" nakatikwas ang isang kilay na tanong nito sa kanya. "Bakit kasama mo si Kuya Jero?"

"Ha? Ah, e nakiki-share lang ako ng table," aniya.

"Bakit? Marami pa namang bakante, ah?"

Mariing kumunot ang noo niya. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtatanong nito. Parang bawal tabihan si Jero. Sa pagkakataong ito ay tumingin sa kanila si Jero.

"Friend ko siya, Denniel. Kaklase namin siya ni Devey noong high school," sabad naman ni Jero.

"So, girlfriend mo siya?" nakamatang tanong ni Denniel.

Nagkatinginan sila ni Jero.

"Oo, girlfriend ko siya," matatag na sagot ni Jero.

Hindi kaagad nakapag-react si Ella nang may sumagot sa likuran niya.

"Kailan pa 'yan, Jero?"

Nagkasabay sila ni Denniela na lumingon sa likuran. Ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya nang mamataan si Devey na nakatayo sa likuran niya at may isang dangkal ang pagitan sa kanya.

"Since high school. She's the only girl I trusted," tugon naman ni Jero, seryoso.

"Halata naman. Kaya maraming nasasaktang babae dahil masyado kang paasa. Tingnan mo ang ginawa mo kay Katrina, nagpapahiwatig ka ng malasakit sa kanya tapos magtataka ka kung bakit na-in love sa iyo 'yong tao. Then sasabihin mong magmahal na lang siya ng iba. Alam ni Ella 'yon." Pumalatak na si Devey.

"Wait, ano ba ang problema mo, Devey?" ani Jero.

"Wala. Concern lang ako sa mga babaeng umaasa sa iyo."

"Hindi ko kasalanan 'yon. Nagmamalasakit lang ako sa kanila at wala iyong ibang kahulugan. Masyado lang silang assuming."

"'Tapos sasabihin mo na girlfriend mo si Ella?"

"No. I mean, girl−friend, as in kaibigang babae. Mahirap bang intindihin 'yon? Bakit parang mas apektado ka? Alam ni Ella 'yon, so please shut up?"

Hindi na nakaimik si Devey. Mamaya'y hinawakan nito ang kanang braso ni Denniela. "Let's go, Den, ihahatid na kita," anito saka kinaladkad ang kapatid palabas ng restaurant.

Parang walang nangyari. Nagpapakaabala ulit sa trabaho nito si Jero. Pero kanina pa parang binubusa ang puso ni Ella. Kumusta naman ang effort niya nang mahabang panahon para manatiling magkalapit ang landas nila ni Jero? Pagkatapos kaibigan lang ang resulta?

Naalala niya bigla ang kaibigan niyang si Katrina, na inakala niya noon na nobya ni Jero dahil palaging magkasama ang mga ito. Tuwang-tuwa siya noong malaman na magkaibigan lang pala ang dalawa. Pero nakonsensiya siya noong nagbuhos ng saloobin sa kanya si Katrina tungkol sa karanasan nito sa sawing pag-ibig kay Jero. Kaya hanggang sa panahong iyon ay ayaw ni Katrina na binabanggit niya ang pangalan ni Jero sa tuwing nag-uusap sila.

Naiilang na tuloy siyang kausapin si Jero, matapos nitong sabihin na assuming silang mga babae na nali-link dito. Hindi matanggap ng pride niya ang katotohanan. It's hurt really.

INIS na pinukpok ni Devey ang busina ng sasakyan. Ilang minuto na kasi sila nakatingga sa kalsada, ayaw pang bumilis ang daloy ng traffic. May nadisgrasya kasi sa unahan nila.

"Bakit kasi nagkotse pa tayo? Puwede naman tayong mag-teleport, Kuya," angal ni Denniela.

"Doon na tayo sa bahay mag-teleport. Mahirap nang may makakita sa atin," sabi niya. Lalong uminit ang ulo niya. "Kainis!" Pinukpok naman niya ang manibela.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?"

"Kainis kasi!"

"Si kuya Jero?"

Sinipat niya si Denniela. Talagang napipikon kay Jero. Ah, noong isang araw pa pala. Palagi kasing kinukontra ni Jero ang mga plano niya. He's always like that, questioning him about his flaws.

"Sino ba kasi ang babaeng iyon? Hindi naman siya kagandahan, bakit pinag-aawayan n'yo?" naiiritang maktol ni Denniela.

"Hindi namin siya pinag-aawayan. Naiinis lang ako kay Jero dahil wala siyang pakialam sa damdamin ng mga babae."

"Wala namang masama sa sinabi ni Kuya Jero, at least honest siya."

"Huwag mo nga siyang kampihan."

"Tama naman kasi siya. Insecure ka lang, eh. Baka ikaw ang may gusto sa babaeng iyon."

Tinignan niya nang masama si Denniela. "Hindi ako insecure kay Jero. Mas guwapo ako roon," confident niyang sagot.

"Ang yabang mo. Malakas naman ang sex appeal ni Kuya Jero."

Tumawa siya nang pagak. "Paano naman lumakas 'yon, eh wala siyang emosyon. Baka nga hindi marunong humalik 'yon, eh."

"Hay, Kuya! Palibhasa disposable ang babae sa iyo."

"Sino nagsabi?"

"Si Kuya Erman."

"Huwag kang maniwala roon, Gawain kasi niya."

"Ayan na, umuusad na!"

Pinausad na rin ni Devey ang sasakyan nang gumalaw rin sa wakas ang mga sasakyan sa unahan nila.

Pagdating nila sa bahay ay nadatnan nila si Derek na naglalaro ng card sa sala. Kinse anyos na ito pero laro pa rin ang inaatupag. Nagkalat ang mga laruang robot nito sa sahig.

"Dumating na ba si Daddy, Derek?" tanong niya sa kapatid.

Umiling lang si Derek.

"Si mommy?" aniya.

"Naglalaba."

Tinungo kaagad niya sa laundry room ang mommy niya. Ga-bundok ang labahin ni Martina pero mano-mano ang paglalaba nito sa mga uniporme ni Derek at Denniela. Halatang pagod na ito. Ni hindi siya napansin na pumasok.

"Bakit hindi mo kasi gamitin ang washing machine, 'Ma?" deretsong tanong niya sa ina.

Nagulat pa si Martina. Kamuntik panitong maihagis sa kanya ang brush ng damit. "Ano ba, anak, kumatok ka naman!" asik nito.

"Sorry." He grinned. "Pupunta kami sa academy ngayon. Ihahatid ko si Denniela."

"Kumusta ang meeting mo at ng mga tauhan mo?"

"Katatapos lang, okay naman," tugon niya. Sumandal siya sa hamba ng pinto. "May panibagong misyon kaming gagawin. Nasaan ba si Daddy?"

"Aywan ko. Kagabi pa hindi umuuwi ang daddy mo," sagot nito, nakabusangot. Malamang nagtatampo na naman ito sa kanyang ama. "Kahapon naroon siya sa ginagawang ospital para sa mga apektado ng virus. Baka naroon ulit siya sa isla kung saan ginagawa nila ang gusali para sa mga affected ng virus para i-quarantine. Delikado ngayon kaya ingatan mo ang kapatid mo, ah? Next week pupunta tayo sa bahay ni Mrs. Kim." Pumalatak na ito.

"Ha? Bakit po?" Si Mrs. Kim ang nanay ni Ella, na minsan na niyang tinulungan mula sa karahasan ng bampira.

"Tungkol nga roon sa asawa niya na matagal nang nawawala. Kailangan ng daddy mo ng mas maraming impormasyon para matukoy kung kabilang nga si Mr. Kim sa hawak ngayon ni Dr. Dreel. Noong isang lingo kasi ay nalaman ng grupo na maraming banyaga ang nagsisilbi sa panig ng kaaway. May hinala ang daddy mo na ang mga iyon ang gagawin ni Dr. Dreel na mga sundalong bampira." Panay ang buntong-hininga nito. "Hay! Palala nang palala na talaga ang sitwasyon. Kaya ikaw, anak, huwag ka munang sumabak sa mapanganib na misyon. Kainis kasi 'yang daddy mo, sinabing huwag kang isasama sa mga misyon nila."

Nilapitan niya ang kanyang ina at hinagod ang likod nito. Nagkakaedad na rin ito kaya minsan hindi na matarok ang ugali. He loves the way she cares about their family. She's an amazing mother for him.

"Mom, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi naman hahayaan ni daddy na mapahamak ako," aniya.

"Hum! Pareho talaga kayong mag-isip! Mag-ama nga kayo. Sige na, umalis na kayo," anito.

"Bye!" Humalik siya sa pisngi nito bago tuluyang umalis.

Naghihintay na sa kanya si Denniela sa rooftop. Lumipad na sila patungo sa academy. Pagkahatid niya kay Denniela sa classroom ay nagtungo kaagad siya sa laboratory sa pag-asaang makikita niya roon ang daddy niya, pero ang Tito Zyrus lang niya ang nadatnan niya, na may ino-operahang katawan ng lalaki. Hindi niya maaninag ang mukha ng pasyente dahil nababalot ng makapal na plastic ang ulo nito at may benda ang mga mata.

Hindi siya kaagad nakalapit nang sumenyas si Zyrus na huminto siya. He's wearing a white laboratory gown, rubber gloves, an N95 mask, and a plastic face shield. Itinuro nito ang nakahanger ng gown and protective stuff. Nagsuot naman siya ng laboratory gown, gloves and mask, maging face shield. Mukhang maselan ang ginagawa nito dahil kahit may protektion ang katawan nila labas sa viruses ay kailangan pa rin ng pag-iingat.

"Ano 'to, Tito, tao o bampira?" tanong niya nang makalapit sa tiyuhin niya. Zyrus was his father's stepbrother on father's side. Sinisilip niya ang mukha ng lalaking specimen.

"He is human infected by an unidentified virus," sagot naman ni Zyrus.

"Buhay pa ba siya?"

"Oo, pero fifty percent ang tiyansa niyang mabuhay sakaling hindi napigil ang pagkalat ng virus sa katawan niya."

"Saan ba siya nanggaling?"

"Nadakip siya ni Jegs at Trivor sa gubat na kumakain ng mga hayop. Hindi pa namin natutukoy ang identity niya. Maaring hindi siya Filipino citizen, at hindi rin siya purong pinoy. Inalam lang namin ang DNA niya, pero hindi namin matukoy ang personal identity niya. Nag-i-imbestiga pa si Trivor tungkol sa identity niya."

"Hindi ba siya kasama sa 2006 missing person?"

Kumibit-balikat lang si Zyrus.

"Puwede ba akong makialam sa kaso niya?" pagkuwa'y sabi niya.

Tiningnan siya ni Zyrus. "Marami pa ang katulad niya sa panig ni Dr. Dreel, hindi lang natin alam. Pero itong taong ito, makakatulong siya para mapag-aralan natin kung paano sugpuin ang ibang virus na meron sa katawan niya. Makakagawa tayo ng vaccine na maaring makakatulong din sa ibang biktima. Kapag naibalik natin sa normal itong biktima na ito, magagawa rin natin iyon sa iba pa."

"Puwede ko bang mahiram ang record ng DNA examination result nito?"

"Sure. Bibigyan kita ng kopya."

Hinintay niyang matapos si Zyrus sa ginagawa nito. Hindi naman siya mapakali habang pinapasadahan ng tingin ang pasyente. Naagaw ang atensiyon niya ng tattoo ng biktima sa kanang braso, na salitang isinulat sa Japanese litter. Ang pagkakaintindi niya sa salita ay 'Black Ribbon'. It's not a trade mark, a name of a union or organization, he guessed. Awtomatikongrumihestro sa isip niya ang ilang alaala na may kinalaman sa black ribbon...

"Bata, may sundo ka ba?" tanong ng mama kay Devey. Lulan ito ng itim na kotse na huminto sa tapat niya.

Isang oras na kasi siyang naghihintay sa waiting shed sa harap ng paaralan pero hindi pa siya sinusundo ng Tito Trivor niya. Nagsiuwian na ang mga kamag-aral niya.

"Hindi ko nga po alam kung susunduin pa ako," tugon niya.

"Sumakay ka na rito. Susunduin ko rin sana ang anak ko kaya lang nasundo na pala siya ng mama niya," anito at inilabas ang ulo sa may bintana ng kotse. "Saan ka ba uuwi?"

"Doon lang po ako pupunta sa Harley's resort. Naroon po ang sundo ko"

"Oh, tamang-tama, dadaan din ako doon. Sumakay ka na bago ka pa abutin ng dilim."

Sumakay na lamang siya at umupo sa tabi nito.

Habang matulin ang takbo ng sasakyan ay panay ang sipat niya sa manika na nakaupo sa dashboard sa kanyang harapan. Kumukurap-kurap ang mga mata dahil sa pag-alog ng sasakyan.

"May anak po kayong nag-aaral sa school namin?" tanong niya sa ginoo.

"Oo, babae siya. Siguro mas matanda ka lang ng isang taon. Eleven pa lang kasi siya."

"Ah, oo nga po. Twelve na kasi ako." Naingganyo siyang makipagkuwentuhan sa ginoo. "Ano po ang pangalan ng anak ninyo?"

Hindi nagawang sagutin ng ginoo ang tanong niya nang biglang tumunog ang cellphone nito. Dagli nitong sinagot ang tumatawag. Napatitig siya sa kanang braso nito na may tattoo. Nakakaintindi siya ng Japanese alphabet. 'Black Ribbon' ang ibig sabihin ng marka.

"Nandito na rin ba ang ibang miyembro ng black ribbon sa bansa?" tanong ng ginoo sa kausap.

Hindi na naalis sa balintataw niya ang salitang 'black ribbon' na bukambibig ng ginoo.

"Sige. Tatawagan ko kaagad si boss," anang ginoo sabay baba sa cellphone.

Bumilis ang pagpapatakbo nito sa sasakyan. Pagdating sa resort ay umalis kaagad ito pagkababa niya, ni hindi pa siya nakapagpasalamat.

SAKA lamang naalala ulit ni Devey na noon pa niya gustong banggitin sa daddy niya ang tungkol sa black ribbon. Nakalimutan lang niya iyon noong naging abala siya sa pag-aaral. Ngayong muling nagparamdam ang black ribbon, dapat na iyong matutukan ng organisasyon. May pakiramdam siya na magiging banta ito sa mga tao. Nang matapos sa ginagawa nito si Zyrus ay binuksan niya ang usapin tungkol sa black ribbon.

"Tito, Zyrus, may alam ka ba tungkol sa black ribbon?" hindi natimping tanong niya.

"Black ribbon organization?"

"Iyon ata. Ano po ang layunin nila?"

"Isang grupo sila ng mga Asian soldier na nagsama-sama para mapuksa ang mga bampira. Ang founder nila ay isang retired Japanese military official. Pumasok sila rito sa Pilipinas para palaganapin ang misyon nila, pero sa kasamaang palad, nahulog sa kamay ni Dr. Dreel ang grupo."

"Ibig sabihin, ang lalaking pasyente mo ay miyembro ng black ribbon."

"Bakit?" 'takang tanong ni Zyrus, tila hindi aware na may marka ng black ribbon ang pasyente. "Dahil sa tattoo niya?"

Alam pala nito. "Opo," mabilis niyang sagot.

"Kulang pa tayo sa impormasyon para masabing miyembro nga siya ng black ribbon. Maaring biktima siya ng black ribbon kaya siya nilagyan ng tattoo."

He was confused. "Do you mean, the entire black ribbon group trapped on Dr. Dreel's territory?" usisa niya.

"Yes. Ang for your information, Dr. Dreel built his new forces called 'black ribbon soldier. Mga dating miyembro ng black ribbon organization ang dinakip niya at tinurukan ng vampire venom at ibang virus na meron siya. Maliban sa experimented vampires nila, iyon ang isa sa kinakatakutan ng Sangre organization. Masyado silang mabilis dumami at mahirap puksain."

"Pero may hakbang na bang ginagawa si Daddy para mapigil sila?"

"Sa ngayon pinag-aaralan pa namin kung ano ang kahinaan nila. Kaya itinatag ang Sangre academy ay para mahasa ang mga newborn daywalker vampires sa pakikipaglaban. Ang mga daywalker lang ang naisip naming makakapigil sa pagdami ng mga sundalo ni Dr. Dreel, dahil ang mga daywalker lang din ang kayang gumalaw sa umaga at gabi na hindi nababawasan ang lakas."

"What about me? Matagal na akong nagsa-suggest kay daddy, pero hindi niya ako pinapakinggan. Wala ba siyang tiwala sa mga ideya ko?" reklamo niya.

"Your dad knows you, Devey. Alam niyang hindi ka pa handa para humalinhin sa posisyon niya. Isa pa, iyon ang palaging pinag-aayawan nila ng mommy mo. Alam mo namang ayaw ng mommy mo na sumasama ka sa mga misyon namin."

"But I'm old enough, Tito Zyrus. I can be more productive for this organization."

"Your knowledge and experiences aren't enough, Devey. Bago naging pinuno ang daddy mo; dalawang daang taon siya naging alipin ng ilang matataas na bampira sa mundo. Ilang beses ding nahamak ang buhay niya. Alam niya kung paano hinuhubog ang isang pinuno bago nito makuha ang tiwala ng mga tagasunod niya. Sa madaling salita, hindi madali maging pinuno."

"You mean, I won't deserve to be a leader?" He felt disappointed. He studied hard because he wants to follow in his dad's footsteps. He wants to be like him someday.

"I know you will do, but not now, Devey. Bumuo ka muna ng sarili mong pamilya bago mo harapin ang pagiging pinuno, baka kapag nakaupo ka na sa puwesto ay hindi ka na magkakaroon ng panahon para magkapamilya. Hindi mo maiintindihan ang daddy mo kapag hindi ka pa naging tatay katulad niya. Family comes first before anything else. Alam ko gusto mo ring magkapamilya."

"Oo, pero kaya kong pagsabayin ang mga iyon."

"Kaya mong sabihin, pero alam ko mahihirapan kang gawin. Dumaan kaming lahat sa ganyang estado. Mahirap pagsabayin ang responsibilidad sa pamilya at ang misyon. And you didn't finish your specialization in medicine yet," pilit nitong pagpapaintindi sa kanya. "Just think about the consequences first. Hindi mo ba napapansin ang pagsasama ng mga magulang mo noong inubos ni Dario ang oras niya sa misyon? Kamuntik na silang masira. Kaya ang ginagawa ngayon ni Dario, nagtatalaga siya ng mga opisyales na hahawak sa bawat misyon."

He was aware of his parents relationship. He's the eldest son and he notices all the changes to their family. "Pero palagi rin namang wala si Daddy kahit nangako siya kay mommy na uunahin niya ang pamilya," may tampo ring sabi niya.

"Dahil kabisado na siya ni Martina. May oras talaga si Dario para sa pamilya ninyo. Akalain mong tatlo na kayo? Ako nga, hindi ako ganoon ka-busy pero hindi ko pa nasusundan si Zimon. Binata na rin si Alessandro bago nasundan."

Napangiti na lamang siya. Sadyang masipag lang pagdating sa production ang daddy niya. "Mabilis kasi si Daddy, balak pa nga kaming dagdagan," aniya.

Ngumisi si Zyrus. "Maawa naman siya sa mommy mo, wala na ngang ginawa sa buong araw kundi maglaba."

"Kaya nga mag-aasawa na ako para mabawasan ang labahin niya."

"Good boy." Ginulo nito ang buhok niya.

Pagkuwa'y nagpaalam na siya rito. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top